Share

Ch. 5: I want you

Penulis: Aria Stavros
last update Terakhir Diperbarui: 2025-09-26 10:27:20

    Ciara's point of view

    Alas-singko na ng hapon, kakakatapos ko lang magluto ng hapunan nang marinig ko ang ugong ng kotse sa garahe. Agad kong pinatay ang kalan at nagpunas ng kamay, saka nagmamadaling lumabas ng kusina.

Pagpasok sa sala, nadatnan ko si Luca na pagod na pagod, hinuhubad ang necktie habang pabagsak na naupo sa sofa.

Umupo ako sa tabi niya. “Bakit hindi ka sumipot kanina sa clinic ni Dr. Collins?” tanong ko. I managed to control and calm my voice, even though I was clearly irritated.

“Tumawag ang office,” sagot ni Luca na parang walang pakialam, binubuksan na nuya isa-isa ang butones ng polo. “Pabalik na sana ako sa clinic pero tinawagan ako ni Mama, sabi niya umuwi ka na raw.”

Napakunot ang noo ko. “Paano ka natawagan ni Mama kung patay naman phone mo buong hapon?”

Napangisi naman si Luca, hindi na sineryoso ang tanong ko. “Huwag mo na akong kinukwestyon, Ciara.”

Humigpit naman ang hawak ko sa laylayan ng damit ko. “Dapat sinamahan mo ako, Luca.”

Bigla naman akong nilingon ni Luca, at tinapunan ako ng masamang tingin. “Kung ako ang sasama sa’yo lagi, sino pa ang magtatrabaho? Huwag kang spoiled brat! Hindi ako boss na pwedeng basta mag-absent. Regular employee lang ako.”

Itinikom ko nalang ang bibig ko at yumuko na lang. Plano ko sana na magreklamo pero ako pa ang napagalitan.

“Nagdrama ka na agad dahil isang beses lang na hindi kita nasamahan? May next appointment naman tayo kay Dr. Collins. Weekend, sure na makakapunta na ako,” dagdag pa ni Luca na inis na inis na.

“Sorry.” Humingi nalang ako ng paumanhin kahit wala naman akong kasalanan.

“’Wag mong paiinitin ang ulo ko, kararating ko lang galing trabaho.”

Sumingkit naman ang mga mata ko sa kanya. “Eh kahit naman hindi ka pagod, lagi ka namang mainit ang ulo.”

“Enough!” singhal ni Luca at bigla nalang tumayo. “Imbes na kuhanan mo ako ng inumin, ang dami mong reklamo. Pagod na pagod na ako.”

Napakagat-labi ako, sa subrang diin nun naramdaman ko na ang lasang mukhang bakal. Kapag ipagpapatuloy ko pa ito, baka kung saan na naman umabot ang boses namin sa sobrang lakas nito. Kaya ang ginawa ko, iniba ko nalang ang usapan. “Anong gusto mong gawin ko, kape o tsaa?”

“Kahit ano. Dalhin mo na lang sa kwarto, gusto ko nang magpahinga.” Sabi niya at naglakad na papuntang kuwarto.

Naiwan naman ako sa sala, nakatanaw sa papalayong likod ng asawa ko. Malalim ang pagbuntong-hininga ko. Dalawang taon na kaming kasal pero hindi na nagbabago si Luca. Lagi na lang siyang may dahilan para magalit, kahit sa pinakamaliit na bagay magagalit. Para siyang bomba na nakaset sa limang minuto lang, pagkatapos nun sasabog agad.

Pagbalik ko sa kwarto, nadatnan ko na siyang nakahiga sa kama, naka-boxers na lang siya.

“Here’s your coffee, Luca,” mahina kong sabi at inilapag ang baso sa gilid.

Agad naman niya akong hinila, madiin din ang hawak niya sa braso ko. “Forget the coffee. I want you. Now.”

Napatigil ako at biglaang bumilis ang tibok ng puso ko. “Mag-shower ka muna, Luca. Please.”

Naningkit naman kaagad ang mata niya. “You’re rejecting me, now?” inilapit niya ang mukha sa akin, halos magdikit na ang aming ilong. “Ako ‘to, Ciara. Asawa mo. Walang dahilan para tanggihan mo ako.”

“I’m not rejecting you, okay. I just think you should take a shower first, that’s all.”

Tumawa ng mapait si Luca, pero madilim pa rin ang titig niya. “Two years na tayong kasal, ngayon ka lang naglalagay ng kondisyon. Kanina pa ako gutom sa’yo, tapos sasabihan mo akong maliligo muna?” Humigpit pa ang hawak niya, halos maramdaman ko ang init ng palad niya na nanunuot sa mga ugat ko.

“Mas mabuti lang 'yun, Luca,” sagot ko, na kumakawala sa higpit ng hawak niya. “Galing ka sa labas—”

“Stop making excuses!” singhal ni Luca, sabay hatak ulit sa akin pabalik sa kama. Buti nalang nailapag ko na kanina ang kape sa gilid ng table. “Wala akong pakialam kung pagod ako o marumi pa ako. I’m your husband. You should always be ready for me.”

    

Ramdam ko na ang kaba na tumatambol sa dibdib ko. “Hindi ako naghahanap ng dahilan, Luca. I just don’t like this habit. Please.”

He fixed me with a heavy gaze, as if scrutinizing every part of me. After a moment, he let me go, his words falling in a sharp whisper.

“Don’t push me, Ciara. Don’t ever make me feel like you don’t want me. Dahil ayokong isipin na may iba ka pang iniisip bukod sa’kin.”

Umiling naman ako kaagad. “Wala akong iniisip na iba. Ikaw lang.”

Ngumisi na ulit si Luca, pero hindi na umabot sa mga mata niya. “Good. Tandaan mo ‘yan.”

Tinalikuran ko na siya at naglakad na ako palabas ng kwarto na nanginginig ang buong katawan. Naiwan naman si Luca, nakapikit na ang mata at galit na galit sa pagkabitin.

“Damn it,” mura niya, sabay hampas ng unan sa kama. “She’s mine. At wala siyang karapatang tanggihan ako.”

Samantala, nakahinga ako nang maluwag habang nakaupo na sa dining table. For once, hindi ako bumigay. Lagi na lang kasi akong sumusunod na para bang wala akong sariling boses. Pero ano nga bang silbi ng pagsunod kung ako lang ang laging hindi masaya?

The quiet was broken by the sudden ringing of my phone. It was my mother calling this time.

“Hello, ma?” sagot ko at ngumiti ako ng peke at ginawa pang normal ang tono ko.

“Anak, kumusta ka? Busy ka ba?”

“Hindi po, Ma. Why?”

“Wala naman. Miss lang kita. Gusto lang makipag-usap.”

“Akala ko kung ano na, Ma.”

“Ayos ka lang ba? Wala ka bang sakit?”

“Okay lang ako. Kayo ni papa?”

“Mabuti naman. Ah, may narinig ako kay Zelda, nagpatingin na raw kayo ni Luca sa bagong OB? Kumusta naman?”

“Hmmp. Oo, Ma. Pero wala pa naman. Nagsisimula pa lang kami magpa-consult. Babalik ulit kami sa Sunday.”

“Sana this time mag-work out na, ano. Sabik na sabik na rin kami ng tatay mo magka-apo. Pag nabuntis ka na, umuwi ka muna dito sa bahay. Para makapirma ka na rin ng papeles para sa mana mo.”

Napakunot naman ang noo ko. “So soon, ma? Wala pa ngang bata. kakaumpisa pa lang namin.”

“Okay lang ‘yon. Utos nga ng tatay mo. Ipapa-transfer na sa pangalan mo ang lupa, palayan, at paupahang bahay. Matanda na kami, anak. Kayo naman ng asawa mo ang magpatuloy.”

    

Hindi naman ako nakasagot kaagad. Ang bigat ng dinadala kong pressure, mula sa asawa ko, hanggang sa pamilya. Wala ulit akong naging imik.

“What’s wrong, anak?” tanong ni Mama mula sa kabilang linya.

“Wala po, Ma. Thank you, sobra na nga ‘to. Tinanggap ko lang kasi alam kong hirap na din kayo.”

“It’s our duty as parents to pass everything to you, our only child. Ikaw lang ang inaasahan namin. Besides, nakikita naming nahihirapan ka rin sa pagkakaroon ng anak,” sagot ni Mama na puno ng lambing at pagmamahal.

Napangiti naman ako kahit pilit. Pero agad din itong nawala nang mapansin kong lumalapit na si Luca sa akin.

“Who’s that?” tanong niya, parang hindi na natutuwa na may kausap pa akong iba bukod sa kanya.

“Si mama,” mabilis kong sagot. Kaagad naman akong nagpaalam kay Mama, “ma, hanggang dito na lang po muna. Maghahanda pa ako ng pagkain para kay Luca.”

“Alright, dear. Kumain ka na rin. Ingat ka diyan.” Saka lang binaba ni Mama ang tawag.

Pagkalapag ko ng kaserola ng gulay sa mesa, nagsalita na si Luca.

“What did she say?”

“About children,” mahina kong sagot, iwas na iwas ang tingin sa kanya. “Normal na sa kanila 'yun, both my parents and yours really want grandchildren.”

Bigla namang lumapad ang ngiti ni Luca. “Then we’ll keep seeing Dr. Collins. Para mas mapabilis ang process ng pagbubuntis mo.”

    

Naguluhan naman ako at napakunot ang noo ko. The way he smiled, it didn’t feel right. Hindi ito ang ngiti ng isang lalaking pagod o inis. May kakaibang kislap sa mga mata niya, na para bang may alam siyang hindi niya sinasabi.

“Luca…” maingat kong sambit. “Kanina lang, halos magalit ka kasi tumanggi ako sa iyo. Ngayon parang, ang gaan na ng pakiramdam mo?”

Umangat naman ang kilay ni Luca, bahagyang tumawa ng nakakaloko. “Bakit? Hindi ba’t ito naman ang gusto mo? Kaya magiging masaya nalang ako sa idea na magkaka-baby tayo.”

“Hindi naman sa gano’n—”

“Then stop questioning me,” putol niya kaagad, leaning closer across the table. “Kung ang parents mo gustong magka-apo, at si Mama na rin, wala ka nang choice. We’ll do this until it happens.”

Napalunok naman ako. The way he said wala ka nang choice made my chest tighten.

    Hindi nalang ako kumibo at umupo nalang sa harap ni Luca, pinilit nalang niyang maglagay ng kanin sa plato ko. Pero ramdam ko pa rin ang titig niya sa akin ng mataman, parang bantay na bantay sa bawat galaw ko. Nakangisi rin siya, pero hindi ito ang ngisi ng nagsusuyo o naglalambing na asawa. It was a smile that made my skin crawl.

    

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • My Obstetrician's Sinful Secret Dark Desire    Ch. 26: Threatened

    Ciara's point of view Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Ang init na dumadaloy sa mga ugat ko ay parang bulkang sasabog. Parang nakalimutan ko ang pagod at ang takot. Ang nakita ko na lang ay ang makitid na balat ni Leila na pilit idinidikit sa asawa ko.Padabog kong itinulak ang pinto ng veranda. Ang kalabog niyon ay sapat na para mapatalon si Leila at mapaharap sa akin si Luca na nanlalaki ang mata. "Wow. Ang ganda ng view dito sa veranda, ah? May kasama pang live show," sarkastiko kong bungad habang naglalakad palapit sa kanila. "Leila, hindi ko alam na pati sa patay na lamay, naghahanap ka pa rin ng lalakeng masasandalan. O baka naman sadyang makati lang talaga 'yang suot mong silk robe?""Ciara! It’s not what you think," mabilis na sabi ni Luca, lumalayo agad kay Leila."Hindi ang iniisip ko ang problema rito, Luca! Ang problema ay 'tong linta na 'to na hindi alam kung saan lulugar!" Baling ko kay Leila na ngayon ay nag-aala-kawa

  • My Obstetrician's Sinful Secret Dark Desire    Ch. 25: Burial

    Ciara's point of view Lumipas ang dalawang araw na parang isang mahabang bangungot na ayaw matapos. Sa wakas, na-release na rin ang katawan ni Papa Eduardo mula sa punerarya matapos ang autopsy. Dahil sa tindi ng tensyon at sa banta ng mga naniningil, nag-decide si Luca na sa funeral chapel na lang ganapin ang burol, sa isang exclusive mortuary para kahit papaano ay may security.Two days lang ang viewing. Maikli lang talaga at masyadong mabilis, parang minamadali ang pamamaalam dahil lahat kami, nakakaramdam na may nakamasid sa bawat galaw namin.Huling gabi na ng burol. Ang amoy ng sandamakmak na puting bulaklak ay humahalo sa amoy ng kandila. It was suffocating. Nakaupo ako sa front row, suot ang isang itim na dress na medyo maluwag sa bewang. Kahit puyat at pagod, kailangan kong maging matatag para kay Luca."Ciara, you should eat. Kanina ka pa walang laman ang tiyan," bulong ni Caden sa tabi ko. Dumating siya para damayan ako, at kahit sa ga

  • My Obstetrician's Sinful Secret Dark Desire    Ch. 24: Debt

    Ciara's point of view Gulong-gulo ang buong hallway ng ospital. Luca was practically roaring, bawat nurse na humaharang sa kanya ay halos itulak niya na para lang makapasok sa loob. Pero matigas ang mga pulis, security protocol daw dahil crime scene ang turing sa nangyari kay Papa Eduardo."Sir, kailangan po ng autopsy. Hindi niyo pa pwedeng lapitan ang katawan," giit ng isang pulis habang nakaharang sa double doors."That's my father! Hindi siya gamit na basta-basta niyo lang i-eexamine!" sigaw ni Luca, his fists clenched so tight na namumuti na ang knuckles niya.Sa huli, wala kaming nagawa. Pinauwi muna kami ng madaling araw dahil wala rin naman kaming mapapala doon habang pino-process ang documents. Zelda and Leila decided to stay, Zelda was hysterical, ayaw niyang iwan ang asawa niya, at si Leila naman ay todo-asikaso sa kanya, feeling daing sa gitna ng trahedya.Pagdating namin sa bahay, sinalubong kami ng nakabibinging katahimikan

  • My Obstetrician's Sinful Secret Dark Desire    Ch. 23: Dead

    Ciara's point of view Pag-akyat namin sa kwarto, halos ayaw na akong paglakarin ni Luca. He looked so guilty, parang siya 'yung nasugatan sa sobrang pag-aalala."Sit here, love. Don't move," bulong niya habang dahan-dahang inaalalayan ako sa dulo ng kama.Kumuha siya ng maligamgam na tubig at malinis na bimpo. He knelt in front of me, taking his time to clean my face and neck, then my arms. Maingat na maingat siya nang madaanan ng bimpo ang balikat ko, as if I would break at any second. Hindi rin siya nagsasalita, pero ang mga mata niya, kitang-kita ang pagsisisi."Luca, okay na ako," mahina kong sabi nang simulang hubarin ang floral dress ko para palitan ng silk nightgown."No, let me," he insisted. Siya na ang nag-suot sa akin ng pantulog, ang mga kamay niya ay nanginginig pa nang bahagya. Nang matapos, dahan-dahan niyang kinuha ang bandaged hand ko. He didn't let go. He brought my palm to his lips, giving it soft, lingering kisses aro

  • My Obstetrician's Sinful Secret Dark Desire    Ch. 22: Sorry

        Ciara's point of view   "Grabe, Ciara. This is deep. Muntik na maabot 'yung muscle," sermon ni Kate habang maingat na nililinis ang sugat ko. Napapikit ako sa hapdi nang dampiin niya ang antiseptic. "Sino ba talagang gumawa nito? Hindi 'to mukhang aksidente lang sa kusina.""I told you, Kate. May linta sa bahay. Nag-drama, at ako 'yung naging casualty," sagot ko habang nakakuyom ang kabilang kamay ko sa upuan."If I were you, girl, I'd slap that bítch with this medical bill," hirit ni Caden habang nakasandal sa pader, naniningkit na ang mga mata sa galit. "You're carrying a life now. Hindi ka pwedeng ma-stress o masaktan nang ganyan. What if natamaan ka sa tyan?"Natigilan ako sa sinabi ni Caden. Tama siya. Isang maling galaw lang ni Leila kanina, baka hindi lang palad ko ang may sugat ngayon.Tinatapos na ni Kate ang pagbendita sa kamay ko nang biglang mag-vibrate nang malakas ang phone ko sa table."Luca Calling..."

  • My Obstetrician's Sinful Secret Dark Desire    Ch. 21: Little bean

        Ciara's point of view     Finally, nakalayo na rin ako ng bahay, nakahinga na rin nang maluwag. Narito ako ngayon sa labas ng clinic, nakaupo sa isang shed habang hinihintay ang kaisa-isa at pinaka-mamahal kong best friend.Si Caden.Kakarating niya lang galing France two days ago. He’s the definition of perfection, galing sa mayamang pamilya, matangkad, at kahit gay siya, he carries himself with such a manly vibe na marami pa ring babae ang nagkakandarapa sa kanya. Pogi kasi talaga, eh. Half-French, half-Pinoy, and a hundred percent my ride-or-die. Minsan nga kapag kaming dalawa lang at malayo sa mga kakilala napagkakamalan pa kaming mag-jowa, e. Maya-maya lang, isang itim na Porsche ang huminto sa tapat ko. Lumabas mula roon ang isang lalaking naka-linen shirt at designer sunglasses. Kahit dalawang taon kaming hindi nagkita, kilalang-kilala ko pa rin ang lakad niya."Ciara! Oh mon Dieu, look at you!" sigaw niya habang binababa ang sung

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status