Share

My Once In A Lifetime
My Once In A Lifetime
Author: vampiremims

00

I was sitting on the bench while waiting for Cherinna and Jahann. Kanina ko pa sila sinabihan na sasabay ako sa kanila pag-uwi dahil hindi ako nagdala ng sasakyan pagpasok. Nagpahatid lang ako kay Daddy kanina dahil nauna silang umalis sa akin at ngayon naman na uwian na ay hindi ko naman sila mahanap na dalawa. 

Muli kong kinuha ang cellphone ko sa bag ko at tinawagan si Cherinna ngunit hindi naman ito sumasagot sa akin. Hindi ko mapigilan na mapasimangot. Baka naman nakauwi na sila ni Jahann at tulog na ngayon si Cherinna?

“Napaka daya naman talaga,” I shook my head as I collected my things and placed my sketches inside my bag. 

Hindi pa naman ako nag lunch kaya naman nagugutom na rin ako. May tinapos kasi ako kanina na pinapasa sa amin ngayong hapon. All along I thought ang submission ay next week, wala man lang nagkusa sa mga kaklase ko na sabihan ako sa changes ng timelines namin. 

Ano pa nga ba ang magagawa ko? Wala naman din akong kaibigan talaga sa mga kaklase ko. Karamihan sa kanila, kinakausap lang ako sa tuwing magtatanong tungkol sa kapatid ko at sa mga pinsan ko. 

As if naman magugustuhan sila ng mga iyon. 

I rolled my eyes again. Naiinis talaga ako sa mga kapatid ko. 

I just sent Lean a message instead. Sa tingin ko ay nasa school pa naman ito. Inaaya ko na lang siyang magpunta sa coffee shop sa may labas ng school. Of course, Sweet Desire pa rin naman ang favorite cake and coffee shop para sa akin pero sa ngayon, talaga namang gusto ko ng mocha frappuccino. 

Hindi ko naman din maaya si Keij dahil may practice ang mga ito ng basketball. If I go there and watch them, paghahawakin na naman nila ako ng mga tuwalya nila. Buti sana kung inaabot, minsan binabato sa akin nila Keij, eh. 

I smiled when Lean replied to me. She said she’s available but after one hour and a half pa! Anong gagawin ko rito sa may parking lot?

Ayoko namang magpunta mag-isa sa may coffee shop. 

I groaned in frustration. 

Hay nako, hindi ko talaga kakausapin mamaya si Jahann at Cherinna!

“Are you okay?” 

I looked behind me when I heard the familiar voice. Sa sobrang inis ko, hindi ko na napansin ang pagdating ng sasakyan ni Enzo. Nakababa na rin ito ng sasakyan nito. 

As usual, he’s wearing a plain shirt and pants. Nakasuot pa ito ng eyeglasses. Photochromic lenses ang gamit nito kaya naman madilim ang salamin nito ngayon. 

I looked at him and frowned. “Iniwan ako nila Jahann at Cherinna,” pagsusumbong ko rito kahit na alam ko naman na hindi ako kakampihan ni Enzo. 

Mas si Jahann ang kakambal nito kaysa kay Lean. 

“So? Can’t you go home alone?” he asked me again. Mas lalo akong napanguso dahil sa sinabi nito. As expected, wala man lang itong concern. 

“Ayoko mag-cab,” sabi ko sa lalaki. He’s still looking at me, waiting for me to say anything else. “Nagugutom na rin kasi ako…” sabi ko sa kanya bago nag-iwas ng tingin. 

“Then, eat?” ani Enzo sa akin na para bang napaka tanga ko at simpleng gagawin lang kapag nagugutom ay hindi ko alam. 

Parang gusto ko namang kalmutin ito. 

I rolled my eyes instead. Iniisip ko na lang nga na bumili muna sa canteen ng kahit na ano habang hinihintay si Lean na dumating. I think isasabay naman na ito ni Enzo pauwi kaya makikisabay na lang din ako mamaya. 

“What are you doing here pala? Nakauwi ka na, diba?” tanong ko sa kanya. Nagsimula na si Enzo na maglakad kaya naman sinundan ko na lang muna ito. Sa palagay ko kasi ay mas okay na siguro na may kasama ako kaysa naman hintayin ko si Lean mag-isa. 

Nagsasalita naman minsan si Enzo. 

“I’ll get something from the library,” he replied. I rolled my eyes again. Napapaisip na lang din ako kung kaya pa kayang bilangin ni Enzo kung ilang libro na ang nabasa nito? O kung sino-sino ang mga authors?

I am not a very fan of reading. Sa amin ni Cherinna ay mas matiyaga pa itong magbasa kaysa sa akin. She read and watched the Twilight series, while I opted to just watch it. Sinasabihan niya ako na mas maganda kung nabasa ko rin dahil mas detalyado sa libro pero tumanggi pa rin ako. 

Kaya naman napapa bilib ako ng mga taong masisipag magbasa. Like how?

Wala naman na akong nagawa kundi sumunod na lang kay Enzo, nasa likod niya lang ako habang naglalakad nang tumama ang ulo ko sa kanya. Huminto pala siya at humarap sa akin. Hindi ko naman alam kung bakit kaya sinimangutan ko lang siya habang hawak ang ulo ko. 

“You said you haven’t eaten yet, right?” tanong niya sa akin habang nakatingin. “Why are you using your phone while walking? You will really bump into someone if you continue doing that,” panenermon nito sa akin. 

I rolled my eyes. “Sana kasi nagsabi ka na huminto ka,” sabi ko naman sa kanya. He scoffed and shook his head. “Now, it’s my fault.”

Hindi naman na ako nagsalita. Sanay naman na kaming lahat sa kanya. Jahann is also like him. Kol is also like him. Mas makakausap pa nga si Kol kaysa kay Enzo, eh. 

“Let’s go to the canteen first so you can eat,” sabi nito sa akin bago tumalikod at naglakad papunta roon. 

Nawala naman na ang inis ko sa kanya at nilagay na ang phone ko sa bag ko. Malamang ay magagalit na naman sa akin si Enzo kung makita niya akong may hawak na phone. 

Nang pumasok kaming dalawa sa canteen ay marami na agad mga babaeng estudyante ang lumingon sa direksyon namin. Hindi naman na rin bago sa akin iyon dahil talaga namang pansinin sila Enzo. 

Lahat sila ay matatangkad at mga nasa 6 feet ang taas. If I remember it right, kahit nga sila Enzo, Kol at Jahann ay inaaya sa varsity pero walang nag-oo sa kanila. Tanging sina Keij at Theon lang dahil ang dalawang iyon naman talaga ang athletic. Ang tatlo ay nakikipaglaro lang kung sila-sila lang. 

“What do you want to eat?” tanong ni Enzo sa akin. Parang balewala sa lalaki ang mga tingin sa kanya ng mga estudyanteng naroon. 

I shrugged and just looked around. “Hmm…” I looked at the stalls in the canteen. Masasarap naman ang pagkain doon pero hindi ko kasi talaga gustong kumakain mag-isa. I am always with Cherinna or Lean. 

“Corn Dog,” sabi ko kay Enzo. Tumango naman ito sa akin bago naglakad papunta sa stall ng korean food dito at bumili. Naupo na lang muna ako sa isang bakanteng table habang hinihintay si Enzo. 

I smiled when I saw a bunch of girls looking at him. Mukhang pinapanuod ng mga ito si Enzo habang bumibili. 

“Hi, Aly.”

Napalingon ako nang may pumuwesto sa gilid ko. I rolled my eyes inwardly. It was Jordan, a former suitor of mine. 

“Hi, yes?” I tried to be as polite as possible. Matagal ko na itong binasted at matagal na rin itong hindi tumitigil. Sinabihan ko na ito na hindi pa naman ako ready makipagrelasyon at hanggang ngayon naman ay wala pa rin akong plano. 

I don’t know if I was built differently or what. Of course nagkakagusto rin naman ako sa mga hollywood stars, sa mga singers, sa mga models, pero sa pakikipagrelasyon? Meh. I don’t want that for the meantime. 

“My friend told me you’re still here. Aayain sana kitang magkape sa labas? If that’s okay with you,” sabi nito habang nakatingin sa akin. 

I smiled a little. “Uhm, thanks but no thanks. I am with someone and Lean and I will have coffee later…” sabi ko na lang dito para makuha nito na ayaw kong sumama sa kanya. 

“Snacks?” alanganin itong ngumiti na tila ba naghahanap pa rin ng paraan kung paano ako mapapapayag. Nilingon ko naman si Enzo na tapos na sa pagbili at pabalik na sa pwesto ko. Agad nitong sinulyapan si Jordan. 

Tumayo na ako agad nang makalapit na si Enzo sa amin. 

“Here,” he said, giving me the paperbag. I smiled at him. “Thank you,” I said before looking at Jordan. “We’ll go ahead now,” paalam ko sa lalaki bago humawak sa braso ni Enzo at naglakad papalabas ng canteen. 

Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga nang makalabas na kami ng tuluyan. Bumitaw na rin ako ng pagkakahawak kay Enzo at nilingon ito. “Thank you!” ngumiti ako sa kanya. Hindi naman ito nagsalita, sa halip ay naglakad na ito papunta sa library. 

“Enzo!” I called him. Nagmamadali naman din akong humakbang dahil mabilis maglakad ang lalaki. Hindi ko agad siya maabutan. 

“What?” He stopped on his track and looked at me again. “What is it?” tanong niya sa akin. I pouted and looked at him. “Don’t leave me here. Wala akong kasama, oh. Sama na lang ako sa iyo?” sabi ko sa kanya. Kumunot naman ang noo nito dahil alam naman nito na hindi ko hilig ang pagbabasa o pagpunta sa library. 

Kung may magtatanong nga lang sa akin kung nasaan ang library ng school ay hindi ko ito matutulungan. 

“Promise, I will be quiet. I will just stay there, eat my food and--”

“Fine,” he said before walking again. Ngumiti naman ako at sumunod na sa lalaki. Pagpasok sa loob ay tila kilalang-kilala na talaga ng librarian si Enzo. Hindi naman na rin ako nagtataka roon. He still preferred reading a physical book than a digital one. Sabi nito ay mas masisira ang mata niya kung magbabasa siya gamit ang iPad niya. 

Nang makakuha na si Enzo ng mga libro na babasahin nito ay naghanap na ito ng pwesto. Sa may bandang dulo naman ang napili nito kaya naupo na rin ako. Everyone was quiet while they were reading. 

Para bang pati mga paghinga nila ay kailangan tahimik lang din. 

I took the seat in front of Enzo and he looked at me, it was as if he’s saying that I should be quiet. Hindi ako nagsalita ngunit tumango lang ako sa kanya. 

Hindi naman sobrang higpit doon dahil pwede namang kumain kaya naman dahan-dahan ko ring nilabas ang corn dog na binili ni Enzo. Dalawa pala ang binili nito kaya naman itinulak ko malapit sa mga libro nito ang isa. 

He looked at me so I smiled. Nagsenyas pa ako sa kanya na kainin niya iyon. 

I looked around the library. Well, I am expecting that everyone here is like Enzo but they are not. Pwede naman palang maglibrary ng hindi nakakunot ang noo. Bakit kaya hindi subukan ni Enzo ang bagay na iyon?

Iniisip ko kung kukuha rin ba ako ng libro na mababasa pero nakita ko pa lang ang kapal ng binabasa ni Enzo ay parang hindi ko na agad kayang iprocess iyon. Instead, I put my corn dog back to it’s cover and took my sketch pad and pencil. 

I love designing clothes that’s why I took fashion design and marketing. Marami pa rin naman akong natututunan kaya naman kahit na nakakatamad na minsan at mas naeenjoy ko ang announcement na walang pasok, pumapasok pa rin ako. 

Sumandal ako sa upuan ko habang nakatingin kay Enzo. I started sketching him while he was reading. Mukha namang hindi ako nito napapansin dahil seryosong-seryoso pa rin ito sa pagbabasa. 

I was eating and sketching at the same time. Sinuot ko na lang din ang earpods ko habang ginagawa ang sketch ko. I looked at him and I saw him looking at me, too. Natigilan ako sa ginagawa ko at pasimpleng bumalik ang mga mata ko sa ginagawa ko. 

I tried my best not to look at him again. Inaalala ko na lang kung ano ba ang pose nito kanina upang matuloy ang sketch ko. Ayoko naman na itigil na lang iyon dahil minsan lang ako sipagin ng biglaan. 

Nakayuko ako sa ginagawa ko nang biglang halos idikit ni Enzo sa akin ang mukha niya. Nanlaki ang mga mata ko at napatili. 

Lahat ng naroon ay tumingin sa aming dalawa ni Enzo. 

Shit!

Mabilis kong inalis ang earbuds ko at inilagay iyon sa lalagyan. “I’m sorry, sorry po…” hinging paumanhin ko sa librarian na naroon. Si Enzo naman ay humingi rin ng tawad sa mga taong naroon. 

Matalim ko siyang tinignan dahil hindi naman ako titili kung hindi siya biglang lumapit sa akin. 

Pakiramdam ko ay pulang-pula ang mukha ko nang ayusin ko ang gamit ko. Maging si Enzo ay binitbit na ang mga librong iuuwi nito ngayon. Nauna na akong maglakad papalabas at hinintay na lang ang lalaki. 

“Why did you do that?” I asked him while we’re walking. Ngayon pa lang namin nakain ng maayos ang pagkain namin. 

“Did what?” he asked me. 

“Sinilip mo ‘yung ginagawa ko,” sabi ko sa kanya. Naalala ko na naman ang tingin ng librarian sa akin. Kahit yata hindi ako nagpupunta roon, banned na ako sa lugar na iyon ngayon. 

“I was calling you, you weren’t looking at me,” he said, shrugging. 

I stopped and looked at him. “Eh, di sana kinalabit mo ako!” sabi ko naman sa kanya bago nagpatiuna na ring maglakad papunta sa sasakyan nito. Doon na lang namin hihintayin si Lean dahil wala naman na kaming ibang gagawin pa ni Enzo. 

He opened the door for me so I hopped in. Sa unahan na muna ako naupo habang wala pa si Lean. Lilipat na lang ako mamaya kapag aalis na kami. 

Enzo started the engine so he could open the air conditioner. Inilagay naman nito ang mga libro na kinuha sa likod ng sasakyan nito bago sumakay na rin. 

“You’ll read that? Lahat?” tanong ko sa kanya habang nakatingin sa apat na libro na magkakapatong. 

“Yeah, why?” tumango ito sa akin. Napailing na lang ako dahil hindi naman din kami magkakaintindihan na dalawa. 

“I’m thirsty, bili na lang muna ako ng drinks natin. Anong gusto mo?” tanong ko kay Enzo nang matapos na akong kumain. Inabot naman ni Enzo sa akin ang tumbler niyang naroon sa may sasakyan.

“It’s clean,” he frowned before he opened it. Uminom pa ito roon bago inabot sa akin para patunayan na malinis iyon. 

“Wala naman akong sinabi,” sabi ko na lang bago tinanggap ang tumbler nito at uminom doon. Halos maubo naman ako nang malasahan kong maanghang iyon dahil sa luya na naroon. 

“What the heck?” I looked at Enzo. Kahit kailan ay hindi ko gusto ang lasa ng ginger water! I looked at him sharply. 

He chuckled and reached the bottled water on his side. “That’s for sketching me without my permission,” he said as he offered the water to me. 

I frowned at him and reached the bottled water. 

“I hate you,” I rolled my eyes before drinking. 

Nakakainis naman talaga minsan itong Enzo na ito. 

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Cheon Song Yi
I like it kilig Yung mga eksena
goodnovel comment avatar
Maita Lucañas Bustamante
nakakakilig naman hehehe
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status