MasukKabanata 6
Malamig at malambot ang labi nito, parang jelly. Biglang kumabog ang puso ni Freya. Nang mapagtanto niya kung ano ang nangyari, agad siyang umatras ng ilang hakbang. Hindi namalayan ni Giovanni na napadila siya sa labi niya. Naroon pa rin ang bahagyang halimuyak ni Freya. Nang mapagtanto niya ang ginawa niya, biglang bumilis ang tibok ng puso niya. “Um, hindi ko naman sinasadya.” Kumakabog ang dibdib ni Freya at ramdam niya ang pag-init ng mukha niya. “Ako rin... hindi ko sinasadya. Umupo ka muna. Babalutan ko ng benda ‘yung sugat mo.” Pagkatapos noon, hindi na nangahas si Giovanni na basta-basta gumalaw. Natatakot siyang baka may isa na namang nakakahiya at hindi sinasadyang mangyari. Mabilis na kumilos si Freya at ilang sandali lang ay maayos na niyang nabendahan ang sugat nito. Ngunit napatingin siya sa duguang damit ni Giovanni at sandaling nag-alangan. “Marumi na ‘yung damit mo. Kukunin ko ‘yung mga damit ni Daddy. Puwede mong isuot muna ‘yon.” Bago pa nakapagsalita si Giovanni, tumayo na si Freya at naglakad papunta sa master bedroom. Napatingin si Giovanni sa paligid ng bahay. Simple lang ang sala, pero malinis at maayos. May ilang litrato sa isang bahagi ng dingding. Tumayo siya at lumapit doon. Isang litrato ng isang pamilyang tatlo ang nakalagay doon. Nakangiti silang lahat sa camera. Lalo na si Freya noong bata pa siya. Bilog ang mukha nito at malalaki ang mga matang tila laging puno ng tubig. Napaka-cute nitong tingnan. Lumabas si Freya na may hawak na damit at agad niyang napansin na nakatitig si Giovanni sa litrato. “Sorry. Mga damit lang kasi ni Daddy ang meron dito sa bahay. Baka medyo maliit sa ‘ ‘yo, pero please, pagtiyagaan mo muna.” Lumapit si Giovanni at tinitigan ang hawak na damit ni Freya. Gayunman, hindi niya ito agad kinuha. Naalala ni Freya ang pagiging sobrang maingat nito pagdating sa kalinisan kaya mabilis siyang nagpaliwanag. “Bago ‘yan. Hindi pa ‘yan nasusuot ni Daddy.” Nang marinig na wala pang nakakapagsuot sa damit, kinuha iyon ni Giovanni at isinuot. Ordinaryong damit lang iyon, pero iba pa rin ang dating nang isuot ni Giovanni. Malaki ang katawan nito at maayos ang tindig kaya kahit simpleng damit ay bagay na bagay sa kanya. Kinuha ni Giovanni ang suit niya at sinuot iyon. Nang makatalikod na siya, nakita niyang nakatingin sa kanya si Freya. Bahagya siyang ngumiti. “Does it look good?” “Ah!” Napagtanto ni Freya na nahuli siya nitong nakatitig kaya mabilis siyang umiwas ng tingin. “Bakit ka pala pumunta sa supermarket kanina?” Hindi ba sinabi nitong bibigyan siya ng isang araw? Bakit bigla itong nagpakita roon? “Nakita kong wala ka sa mood at nag-alala ako na baka may nangyari sa ‘yo. So I asked someone to investigate kung saan ka nagtatrabaho, then I went there to check on you. Hindi ko naman in-expect na may mangyayaring gano’n. Buti na lang dumating ako sa tamang oras. Kung hindi, ano na ang gagawin mo?” Hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin ng takot si Giovanni kapag naaalala niya ang nangyari. Diretso sa mukha ni Freya ang pagkakahagis ng bote. Kung hindi niya iyon napigilan sa oras, malamang ay malubhang nasugatan ang mukha ni Freya. Noong mga sandaling iyon, ang tanging iniisip ni Freya ay ang tiyan niya. Ayaw niyang may mangyaring masama sa kanya o sa dinadala niya kaya hindi na niya napansin ang ibang panganib. Pero ngayong naiisip niya ang nangyari, saka niya nararamdaman ang takot. Kung hindi dumating si Giovanni sa oras, hindi niya alam kung ano ang maaaring nangyari sa kanya. Dahil doon, itinaas ni Freya ang ulo at tumingin kay Giovanni. Malamig at aloof ang lalaki. Sa unang tingin, parang ayaw nitong may lumapit na kahit sino. Pero may mabuti rin pala itong puso. Kung masama talaga itong tao, hindi nito ilalagay sa panganib ang sarili para iligtas siya. Bukod doon, maganda naman ang lahat ng kondisyon na inaalok nito sa kanya, maliban sa isang bagay: kailangan nilang kumuha ng marriage certificate. Pero kung ang kapalit naman noon ay ang mailigtas ang buhay ng kanyang ina, handa siyang isantabi ang sarili niyang nararamdaman. Matapos pag-isipan iyon nang mabuti, palihim na nagdesisyon si Freya. “Six months.” “What?” “Bibigyan kita ng six months. Pagkatapos ng anim na buwan, dissolved na ang marriage natin.” Napatingin si Giovanni kay Freya nang may halatang gulat. Kanina lang ay mariin itong tumututol sa kasal. Akala niya ay kailangan pa niyang maghintay nang matagal bago ito pumayag. Hindi niya inasahan na kusang magbabago ang isip nito. Anim na buwan lang iyon, pero para kay Giovanni, sapat na iyon. Nang manatiling tahimik si Giovanni, inakala ni Freya na hindi ito sang-ayon sa kondisyon niya. “Gusto mo lang naman malaman kung bakit hindi ka disgusted kapag kasama mo ako. I believe six months is enough time para malaman mo ‘yon. At tungkol naman sa mga kondisyon na sinabi mo, isa lang ang hinihingi ko.” Huminga nang malalim si Freya bago nagpatuloy. “Humanap ka ng suitable kidney donor para kay Mommy.” Gagawin niya ang lahat para kumita ng pera. Pero kahit gaano pa siya kasipag magtrabaho, alam niyang napakahirap humanap ng taong handang mag-donate ng kidney. At hindi rin puwedeng maghintay nang matagal ang kanyang ina. “Okay. I promise you.” Diretsong tumingin si Giovanni sa kanya. “But since I've married you, ako na ang sasagot sa lahat ng expenses mo habang magkasama tayo. As my wife, you don't have to live a difficult life or feel like you're being neglected.”New Story na naman. Huwag na kayong magalit ha? Huhu. Pa-support naman po nito dahil kasali ño ito sa Writing Contest. Maraming salamat! 🤍
Kabanata 46 "Good. Umuwi ka muna at magpahinga." Sandaling nag-atubili si Assistant Wang bago nagsalita. "Freya, can I add you on F******k? You know, minsan inconvenient tumawag sa phone." "Sure." Kinuha ni Freya ang cellphone niya, binuksan ang F******k, at sinabi, "Assistant Wang, ito ang account ko." "Good." Sinulyapan ni Assistant Wang ang screen at nang makitang accepted na ni Freya ang request niya, ngumiti siya at ibinalik ang cellphone sa bulsa. "Alright, then you can go home and rest. I'll let you know if there's anything." Tumango si Freya at akmang aalis na sana nang marinig niya ang pagtawag sa kanya. "Freya." Lumingon siya at nakita si AJ na papalapit sa kanya. "Although you're Mrs. Ashford, this is still a company. Ang importante rito ay kung paano mo ginagawa ang trabaho mo. If you don't do well, I won't tolerate you either." Magalang na tumango si Freya. "Thank you for reminding me, Miss AJ. Pero hindi ko naman kailanman planong gamitin ang status ko para
Kabanata 45 "What? She's your wife? How could that be? Kailan pa kayo nagpakasal?" "This doesn't seem to be your business, Assistant Wang. Please have someone escort her out." Parang tuluyang bumagsak ang puso ni LJ. Asawa pala siya ng boss nila. Nagawa niyang ma-offend ang asawa mismo ng president. Kahit manatili pa siya sa kumpanya, alam niyang hindi na magiging madali ang mga susunod na araw niya roon. Sa sobrang inis at hiya, tumahimik na lamang siya habang nakatingin kay Freya nang may matinding galit sa mga mata. "Miss, please." Lumapit si LJ kay Freya at mahina itong bumulong. "Freya, don't be too smug. Kapag na-offend mo ang taong hindi mo dapat kalabanin, you'll end up like me." Pagkasabi nito, tuluyan na siyang lumabas ng opisina kasama si Assistant Wang. Bahagyang natigilan si Freya. Hindi niya inasahan na talagang tatanggalin ni Giovanni si LJ. Bumalik si Giovanni sa computer niya. Nang mapansing nakatayo pa rin si Freya sa harap ng mesa, napatingin siya rito.
Kabanata 44 Madilim ang mukha ni Giovanni nang bigla niyang sipain ang p***o ng opisina at mabilis na pumasok. Mabilis namang sumunod si Freya. Bago pa tuluyang makapasok si Freya, pinigilan siya ni Assistant Wang at mahina itong nagtanong, "What happened? Did you make him angry?" "I don't know. Giovanni has been in a bad mood all day." "You can try to comfort him later." "Coax him? Me?" “Ikaw lang ang makakapagpakalma sa kanya.” Napansin ni Assistant Wang na simula nang malaman nilang kumain sa labas sina Freya at Garry, hindi na maganda ang mood ng kanilang boss. Noong una, hindi niya maintindihan kung bakit. Pero ngayon, malinaw na sa kanya. Nahulog ang CEO nila kay Freya. Kung tama ang hinala niya, malamang ay nagseselos ang kanilang president. Samantala, tuwang-tuwa si LJ nang makitang galit si Giovanni. Lumapit siya sa kanilang dalawa na may mayabang na ngiti. "Freya, first day mo pa lang, nagpapabango ka na agad sa boss. Just wait, mapapagalitan ka rin ng president
Kabanata 43Seryosong tiningnan ni Freya si Giovanni."Giovanni, don't joke around. Hindi nga kita gusto, bakit naman ako magseselos?"Biglang dumilim ang mukha ni Giovanni. Lalong nanlamig ang mga mata niyang kanina pa nakatingin kay Freya."What did you say?""I said...""What’s wrong? You all look a bit off."Dumating si Alexa dala ang mga gamit na kailangan niya at inilapag ang mga iyon sa ibabaw ng mesa."Giovanni, did you upset Freya?"Napangiti nang bahagya si Freya at agad na sumagot, "I was just joking with Giovanni. By the way, do you need any help? Kung wala naman, babalik na lang ako sa company."Napatingin si Alexa kay Giovanni. Tahimik lamang ito at wala ni isang salita na sinabi.Matapos mag-isip sandali, nagsalita si Alexa."I didn't want to trouble you, but Giovanni said you're his assistant and he's asking you to help with his treatment. So sorry to trouble you to make the trip. Nasa table ang form. Please fill it out."Hindi na nag-isip pa si Freya. Lumapit siya sa
Kabanata 42 Napalingon si Freya nang marinig ang tunog ng isang boses mula sa kanilang likuran. Isang babaeng napaka-sexy at kapansin-pansing damit ang eleganteng naglakad papalapit sa kanila. Mahaba at kulot ang blonde nitong buhok na nakalaylay hanggang likod, lalo nitong pinapatingkad ang maputing balat. Malalim ang mga mata nito na parang lawa, at malinaw na malinaw ang mga pupil. Pula ang lipstick na nakapahid sa labi nito, habang bahagyang nakataas ang mga sulok ng bibig nito, bagay na lalong nagbigay rito ng confident at mapusok na dating. Paglapit nito, agad nitong hinawakan ang braso ni Giovanni. "Giovanni, did you miss me?" Bahagyang kumunot ang noo ni Giovanni. "Alexa, kailangan mo pa ba talagang hawakan ako?" "You still can't take a joke." Binitiwan ni Alexa ang braso ni Giovanni, saka napadako ang tingin nito kay Freya na nakatayo sa likuran ng lalaki. Bahagyang sumikip ang mga mata nito. "And who is this?" "Freya. I told you about her before." Magalang na tuman
Kabanata 41 Akala na ni Garry na magkakaroon na siya ng tahimik na buhay matapos siyang ipadala sa ibang lugar. Pero sino ba naman ang mag-aakala na susundan pa siya ng munting demonyong iyon hanggang sa school niya, guguluhin siya, at magsasabi ng kung anu-anong bagay na dahilan para hindi man lang siya makahanap ng girlfriend nang maayos? Hindi na niya ito nakayanan at may mga masasakit siyang salitang nasabi rito. Dahil doon, umalis si Leah at hindi na muling nagpakita sa harap niya. Kahit ilang taon na ang lumipas mula nang huli silang magkita, nakakaramdam pa rin ng panlalamig si Garry sa tuwing naaalala niya ang mga ginawa nito. "You guys enjoy your meal. May kailangan akong asikasuhin, so I'll leave first." Kinuha ni Garry ang cellphone niya mula sa mesa. "By the way, you absolutely mustn't tell her na nagtatrabaho ako sa company ninyo." Hindi na hinintay ni Garry ang sagot ni Giovanni. Mabilis siyang tumayo at lumabas ng restaurant. Napakunot ang noo ni Freya habang nak







