LOGIN"Gusto mo rin Sir chief?" alok ko habang nakangisi ng nakakaumay.
Marahan siyang umiling at ramdam ko ang takot at panginginig ng katawan niya. Binalingan ko ulit ng tingin ang pervert at halos maglumpasay na siya sa sakit ng alaga niya. Buti ngaaaa! "Ayaaaannn! Dapat lang 'yan sa'yo. Hindi ka na magkaka-anak niyan dahil basag na 'yang betlog mong h*******k ka!" sigaw ko sa kaniya. "Y-You'll pay for this! I-I swear! I will kill you!" sigaw niya sa akin. Inirapan ko lang siya bago ako tuluyang lumabas ng presinto. Nag-make face ako habang naglalakad palabas. As if naman mapapatay niya ako 'di ba? Sino ba siya sa akala niya? Akala niya ba mabibili niya ang lahat? Kahit siya pa ang pinaka mayaman dito sa mundo ay hindi ako magpapatalo sa h*******k na hipokritong 'yon! I will kill you, kill you pa siyang nalalaman! Suntukin ko kaya ang betlog niya, para matauhan siya. Hindi sayang ang oras niya kundi sinayang niya ang oras ko. WALANG HIYANG pervert na 'yon! Inisahan niya pa ako, buti na lang ay may talent ako sa pagtuhod ng betlog. Kaya nang makauwi ako rito sa bahay namin ay pagod na pagod ako. Buti na lang ay may na sakyan pa akong bus pauwi. Sino ba namang hindi mapapagod? Eh, daig ko pang sumabak sa g'yera, kagagaling ko lang sa trabaho no'n tapos mamanyakin pa ako ng hipokritong 'yon? "'Ma, nandito na po ako," malamyang sabi ko. "Oh, anak nand'yan ka na pala. Kumusta naman ang b'yahe? Mukhang pagod ka ah, kumain ka na ba?" Sunod-sunod na tanong ni Mama. "Mamaya na po muna ako kakain, 'Ma. Magpapahinga po muna ko," 'tsaka ako umupo sa hindi gaanong kalambot na sofa at isinandal ang batok sa sandalan nito at pumikit. Hindi gano'n kalaki ang bahay namin at hindi rin maliit pero tama lang ito para sa aming pamilya. Mahirap lang kami kaya naman todo kayod ako para may mailaang pang gastos para sa pamilya ko at para na rin sa pag-aaral ng tatlo kong kapatid. Kauuwi ko lang galing trabaho, umuuwi ako kada isang buwan dito sa bahay para ma-i-abot kina Mama't Papa ang sweldo ko. Ayokong ipadala sa mga padalahan kasi mas gusto ko ako mismo ang nag-aabot sa kanila ng pera. Lahat ng mga paper bags na hawak ko kanina. Sa boss ko talaga 'yon, isinama ko lang sa pag-uwi para walang gumalaw sa pinag-uupahan ko ro'n sa Manila. Marami kasing pakialamera ro'n kaya iniingatan ko ang gamit ko lalo na kung hindi sa akin kaya dapat kong pahalagahan ang mga iyon dahil mamahalin pa naman 'yong mga laman ng paper bags na hawak ko. Sa totoo nga n'yan ay apat na buwan na rin akong nagtra-trabaho sa ICT bilang isang utusan ng mga empleyado. Grabe 'di ba? Pero keri lang naman at hindi kaliitan ang sahod, hindi tulad sa pagsasaka kahit nakakatulong sa amin ang pagmimina ni Papa sa sakahan ay hindi pa rin 'yon sapat sa pang araw-araw dahil nag-aaral pa ang mga kapatid ko. Kahit mahirap, kinakaya ko pa rin para sa pamilya ko. Para mabigyan sila ng magandang buhay. Hindi pa rin ako tumitigil na mangarap para sa pamilya ko dahil alam ko sa sarili ko na kahit ganito ako ay may opportunity pa ring darating sa buhay ko at hihintayin ko ang araw na 'yon. Pero sa ngayon, kailangan ko munang magsumikap para sa pangarap. Dahil sa panahon ngayon kailangang munang maging praktikal sa buhay. Mahirap man o madali ay dapat natin kayanin para sa pang araw-araw, kailangan din nating maging malakas sa bawat yugto ng buhay at maging matatag para sa bawat araw na dumaraan. Ang pinaka goal ko sa buhay ay 'yong mapatapos ko sa pag-aaral ang tatlo kong kapatid. Gusto kong matupad nilang lahat ang mga pangarap nila sa buhay bago ko matupad ang pangarap ko dahil sila ang una kong pangarap. Ang makita silang matagumpay sa buhay ay natupad ko na rin ang isa sa mga pinapangarap ko. Ako nga pala ang Ate sa tatlo kong mga kapatid, hindi ko na naitapos ang pag-aaral ko no'ng 3rd year college ako, maaga akong nagtrabaho para may pangtustos sa pang araw-araw. Pero nag-iipon ako ngayon para maipagpatuloy ko ang naudlot kong pag-aaral. Pangalawa si Kate Orteza, pangatlo si Kiko Orteza at pang-apat si Kathy Orteza. Puro kami letter K 'no? Gano'n talaga. Si Papa kasi ang nagbigay ng mga pangalan namin. Kahit mahirap ang maging panganay ay nagpapasalamat pa rin ako dahil ako ang naging panganay sa kanila. Ayokong nakikita silang nahihirapan. Ayokong nakikita ang pamilya ko na nahihirapan at nasasaktan dahil triple ang balik no'n sa akin sa tuwing nasasaktan sila. Mahal na mahal ko sila higit pa sa buhay ko. Walang makakapantay sa kanila kahit na ano'ng materyal na bagay pa 'yan. Ilang minuto pa ay idinilat ko na ang mga mata ko at bigla kong naalala ang ginawa sa akin ng hipokritong 'yon! Bigla na namang uminit ang ulo ko dahil sa ginawa niya kanina at parang nararamdaman ko pa rin ang mukha n'yang nakasubsob sa dibdib ko. Walang'ya!Napalunok ako sa uri ng tingin niya sa akin. “Mang Arthur hindi ko po sasaktan ang anak niyo.” “Paano mo nalaman ang pangalan ko?” seryosong tanong niya. Ngumuso ako na parang nagtatampo sa kaniya dahil hindi niya na ako maalala o natatandaan man lang kaya mas lalong tumalas ang tingin niya sa akin. “So, tatay Arthur talagang kinalimutan mo na nga po ako? Ang daya-daya niyo ho! Hindi na kayo bumalik sa bahay noong umalis si daddy sa bansang ‘to. Talagang kinalimutan niyo na nga ho ‘yong batang lagi mong kalaro?”nagtatampong tanong ko. Unti-unting nanlaki ang mga mata ni tatay Arthur sa sinabi ko. “I-Ian? Ikaw na ba ‘yan? Punyeta ka! Ikaw nga! Ang laki-laki mo na!” sigaw niya habang lumapad na ang ngiti at tinignan ako mula ulo hanggang paa. “‘Di mo man lang ho ako na miss?” nakanguso at nagtatampong tanong ko. “Tarantado kang bata ka! S’yempre na miss kita!” natatawang sigaw niya at niyakap ako ng mahigpit. “Hindi na ho kayo galit?” na
SUMUNOD AKO kay papa papuntang kusina at nando'n din si mama na nagluluto ng makakain namin. “Katharine!” ma-awtoridad akong tinawag ni papa. Tumikhim muna ako bago lumapit sa kaniya. “Bakit ka na kakandong sa lalaking ‘yon?! Sino siya?” Biglang dumagundong sa lakas ng kalabog ang puso ko. Hindi ko alam ang isasagot ko kay papa. Sasabihin ko ba sa kaniya na si Xian ay boss ko? Anong gagawin ko? Mas’yado akong naging marupok kaya ang nangyari ay nakita nila papa. Mas’yado ko atang hindi ginalang ang pamamahay ng mga magulang ko sa ginawa ko. Anong i-isipin ni papa kapag sinabi ko sa kaniya na boss ko si Xian at nakikipag lampungan ako sa loob ng pamamahay. Pero kung magsisinungaling naman ako baka mas lalong lumala. Ayoko pa namang nagsisinungaling sa mga magulang ko lalo na sa nangyari kanina. “Katharine sumagot ka! Sino ‘yong lalaking ‘yon na kahalikan mo!?” biglang sigaw ni papa. Napaigtad ako sa gulat nang sumigaw si papa pati rin si mama ay
“Nasaan ba si Kuya Kiko mo?” tanong ko. “May klase po siya at may exam kaya hindi po siya nakanood pero hinatid naman niya po ako.” “Eh, si ate Kate mo?” “Gano’n din po.” “Aww... Buti na lang ay dumating ako,” sabi ko ‘tsaka ko siya hinalikan sa gilid ng noo. Bumaling na ako paharap at titig na titig lang si Xian sa aming magkapatid. Ngumiti ako sa kaniya bago ko siya ipakilala kay Kathy. “Kathy, this is my boss, Sir Xian. Boss Xian this is my amazing baby. Kathy,” pagpapakilala ko. Ilang segundong natahimik ang dalawa bago si Xian nagsalita. “Hello, baby. Ang galing mo kaninang sumayaw ah,” nakangiti sabi niya at halatang ‘di pa rin nakaka move-on sa sayaw ni Kathy. Nagpababa si Kathy sa akin akala ko kung ano ang gagawin niya pero laking gulat ko nang magpabuhat siya kay Xian na ikinagulat niya rin. “Hello po kuya Xian. Salamat po,” bibong sabi niya nang buhatin siya ni Xian na may ngiti sa labi. Habang ako naman ay nakanga
“And now! Let’s welcome to next contestant, do around of applause for Kathy Orteza and her dancing performance!” Pagsasalita ng emcee at lahat ng tao ay nagpalakpakan at isa na rin ako do’n na nakisigaw pa. “Go baby! You can do this! Fighting!” sigaw ko habang pinapakita sa kaniya ang bonner na binili ko. Bumaling si Kathy sa akin na may kislap sa mukha nang makita ako. Nag aja siya bago tumugtug ang kantang switch it up. Hindi mo aakalaing Grade one pa lang ang baby ko pero ang galing na niyang sumayaw na parang bihasang-bihasa na. Ang mga moves niya ay parang laro lang sa kaniya. Makikita mo sa mukha niya na ine-enjoy niya lang ang sayaw. Nang may maalala ako ay ibinigay ko kay Xian ang bonner at inilabas ko agad ang cell phone ko galing sa bulsa at ini-open ko ito at i-clinick sa video camera ‘yon at vinideo-han si Kathy. “Ang galing namang sumayaw ng kapatid mo.” Bumaling ako kay Xian na may paghanga sa mga mata habang pinapanood niyang sumayaw a
‘Ano raw?’ Bago pa ako makapagsalita ay nag ring na ‘yong cellphone niya at nagulat ako sa ringtone niya. ‘I f*ck you, You f*ck me We’re f*cking family With a great big f*ck And a f*cking from me to you Won’t you say you f*ck me too. . .’ What the hell? Tumingin ako sa kaniya nang sagutin niya ang tawag habang nakakunot ang noo niya. BAGO pa makapagsalita si Kath ay tumunog na ang cell phone ko kaya mabilis ko ‘yon sinagot nang makitang si Navarro ang tumatawag. “Ano ang kailangan mo Navarro?” nakakunot noong tanong ko. “Well, naasan ka ngayon? Kanina pa kami naghahanap ng pogi kong kapatid sa’yo baka kase nakidnap ka na ng hindi namin nalalaman.” Mas lalong kumunot ang noo ko. “Ano ba ang kailangan mo?” “Wala naman, just checking on you, ‘di ba nga, what friends are for kung hindi ko alam kung nasaan ka. Nag-aalala lang naman ako sa’yo bro.” “Talaga ba Navarro? Are you kidding me right now? Then, I have no tim
ALAS dyis na ng gabi at natutulog na si Xian sa balikat ko. Matutulog na rin sana ako nang bumaling-baling ‘yong ulo niya at bakas sa mukha niya na nahihirapan siya sa sitwasyon niya ngayon. Bukod sa nakakunot ang kaniyang noo ay pinagpapawisan din siya. Mukhang binabangungot siya... Marahan kong niyugyog ang kaniyang balikat para magising siya sa masamang panaginip. Napakunot ang noo ko nang may banggitin siyang pangalan. “X-Xia... ‘w-wag mo akong iwan, please.” Parang may kung anong bagay ang dumagan sa puso ko nang makita kong tumulo ang luha niya galing sa mata patungo sa bridge ng kaniyang ilong. Dahan-dahan kong inilapat ang kamay ko sa pisngi niya at do’n ay sunod-sunod na tumulo ang mga luha niya. Mabilis kong pinunasan ‘yon. Ramdam ko ‘yong sakit base sa boses niya. “B-boss Xian,” halos pabulong kong sabi. Napabalikwas siya sa pagkakaupo at nagpalinga-linga rito sa loob ng eroplano na parang may hinahanap siya. Nang mapatingin siya







