“ATE, aalis ka na po kaagad?” tanong ni Kiko. Ginulo ko ang buhok niya ‘tsaka ako ngumiti.“Oo eh, kailangan ko nang dalhin ito sa boss ko. Baka matanggal sa trabaho si Ate kapag hindi ko agad na ibigay ito,” sabay taas sa mga paper bags.“Ate, mamimiss kita," Sabi ni Kathy at yumakap sa akin.“Ako rin Ate," sabay sabi ni Kate at Kiko at yumakap din sa akin. Niyakap ko rin sila ng mahigpit bago ako kumalas sa pagkakayakap.“Oh, s'ya! Tama na ‘yan, kailangan na ni ate umalis." Sabi ko sa mga kapatid ko.“Uuwi ka po ba sa next month Ate?” malungkot na tanong ni Kathy.“Oo naman!” nakangiting sabi ko.“Yey! Ate panoorin mo po akong sumayaw sa stage. Kase po lalaban po kami kada section,” excited niyang sabi.“Talaga? Wow naman.. Sige, sige! manonood si ate ng sayaw mo,” ‘tsaka ko siya hinalikan sa pisnge.Masayang-masaya si Kathy dahil mapapanood ko raw siyang sumayaw sa stage. Kailangan kong ma-video-han ang bunso ko para may remembrance.“‘Ma,” tawag ko kay mama.“Oh anak, akala ko ba
Last Updated : 2025-10-30 Read more