LOGINXian's P.O.V
MULA SA AKING opisina pinatawag ko ang sekretarya. "Charlott, nasaan na ang pinatabi ko sa'yong mga paper bags. I need those paper bags, tomorrow. Asap," sabi ko sa secretary ko. "Mr. Leem, pinatabi ko muna sa isang alalay ng mga empleyado niyo. Kasi po ay marami na rin po akong dalahin no'ng araw na 'yon pero babalik naman po siya sa lunes at—" hindi niya natapos ang sinasabi niya nang biglang akong magsalita. "I don't need your explanations. You're fired," mariin kong sabi. Hindi ako nakatingin sa kaniya dahil busy ako sa pagpiklat ng mga papeles na pinipirmahan ko. "Po? W-wag po, sir . . . sorry po . . . tatawagan ko na po siya. 'Wag niyo po ako tanggalin sa trabaho, sir. Kailangan po ako ng pamilya ko," utal niyang sabi. Ramdam ko ang panginginig ng boses niya at pagkataranta. "Okay, next time be professional as my secretary because one wrong move you'll be fired. You understand? Now. You may leave," istrikto kong sabi habang nakatingin sa malayo. Mabilis namang lumabas ang secretary sa office ko, bumuntong hininga ulit ako at sumandal sa swivel chair habang nagmumuni-muni. Biglang sumagi sa isip ko 'yong babae kanina. Ang lakas naman ng loob niya para kalabanin ako, hindi niya alam kung sino ang binangga niya. One wrong move baby girl. I'll kill you. Nagtiim ang bagang ko nang maramdaman ko ang alaga ko na unti-unting tumatayo. F*ck! Bakit ko ba ginawa 'yon?! Napasabunot ako sa sariling buhok dahil sa sobrang inis. Grabe talaga! Hindi ko maiwasang hindi matukso sa babaeng 'yon lalo na no'ng yumuko siya at ang matambok niyang puwit ang tumambad sa akin. Pero, hindi ko talaga makakalimutan 'yong mapasubsob ako sa dibdib niya. 'Like heaven' Sa totoo lang. Hindi ko naman talaga sinasadyang mapasubsob sa hinaharap niya pero ang pagpisil sa puwit niya, sinasadya ko talaga 'yon lalo na no'ng sinamantala ko ang pagkakasusob sa malulusog niyang hinaharap. Napakalambot ng puwit niya pagpinisil at hindi talaga pagsasawaan ng kahit na sino mang lalaki. Pero s'yempre akin lang ang babaeng 'yon bawal may humawak sa kaniya dahil may kasalanan pa siya sa akin na dapat niyang pagbayaran. Siya 'yong tipo kong babae dahil naaalala ko sa kaniya si— Napailing agad ako ng ulo nang maalala ko na naman ang babaeng matagal ko na dapat kinalimutan. Hindi p'wedeng palagi na lang akong ganito sa tuwing maaalala ko siya. Parang nakakulong pa rin ako sa isang selda na matagal ng huma-hunting sa pagkatao ko at hindi ako makawala sa ala-alang 'yon. Bumuntong hininga ulit ako at huminto na sa pag-iisip sa babae at nagsimula nang pumirma ng mga papeles. Bukas na bukas kailangan ko na talaga lahat ng laman ng paper bags na 'yon. Dahil kung hindi paniguradong malaki ang mababawas sa share ng kompanya. Lahat ng importanteng papeles at gamit ko ay nando'n para sa i-re-report ko bukas sa meeting. Dapat kompleto ang mga 'yon at kung may mawala man ni isa sa mga 'yon. Ang secretary ko lang ang sisisihin ko at wala ng iba pa. Siya ang secretary at dapat panindigan niya ang consequence na mangyayari. Dahil bakit niya ipapahawak sa iba ang ipinapatabi ko sa kaniya? Kapag nawala 'yon, kahit mahirap lang sila at kahit kailangan pa siya ng pamilya niya, tatanggalin ko talaga siya rito sa kompanya ko. Hindi ko kailangan ang isang 'tulad niyang pabaya. Whatever she says, mark my words. "Sir!" tawag ng secretary ko. "What?" tanong ko na hindi tumitingin sa kaniya dahil abala ako sa pagpirma. "Bukas na bukas po ay pupunta na po siya rito," hinihingal niyang sabi at ang tinutukoy niya ay 'yong may hawak sa mga paper bags ko. Natigilan ako. Parang may mali. Bakit ganito kung mag-react itong puso ko? Bakit pumipintig ng mabilis? Tumikhim ako. "Good, pero siguraduhin mo lang na hawak pa niya lahat ng 'yon at dapat kompleto pa rin. Dahil kapag may nawala kahit isa roon, p'wede ka ng umalis sa kompanya ko," mariin kong sabi habang pumipirma. Ramdam ko ang kaba at takot sa katawan niya pero wala akong pakialam. "Now, you may leave," sabi ko sa mariin na salita. Natataranta naman siyang lumabas sa opisina ko. Katharine's P.O.V NAPAHINTO AKO sa ginawa ko nang biglang mag ring ang cellphone ko at ang secretary na si Charlott ang tumatawag. Ano kayang kailangan niya at napatawag siya? May problema siguro sa opisina. "Hello, Kath. Bukas na bukas ay bumalik ka na rito sa opisina dahil kailangan na ni sir 'yang lahat ng paper bags at kapag may nawala kahit ni isa d'yan ay pareho tayong malilintikan at paniguradong matatanggal tayo sa trabaho. Kaya bukas na bukas ay bumalik ka na rito," natatarantang sabi niya sa kabilang linya. "H-ha? Gano'n ba? Sige, bukas na bukas ay nand'yan na ako." Sabi ko at pinatay na ang tawag. "'Ma, 'Pa. Mukhang hindi na po ako magtatagal ng isang linggo rito sa bahay, kailangan ko na pong maibigay sa boss namin ang mga paper bags at kapag hindi ko agad naibigay 'yan paniguradong sisante na ako," nag-aalalang paliwanag ko. "Gano'n ba? Os'ya sige, mag-iingat ka bukas sa b'yahe mo. Marami pa namang salisi Gang ngayon," sabi ni Papa. 'Opo, 'Pa! Marami ngang salisi Gang ngayon at iba't ibang technique 'yong mga bagong Gang ngayon. May salising subsob sa dibdib Gang at hawak sa pang-upo Gang!' Bigla na naman nag-init ang ulo ko. "Oh, anak ayos ka lang ba? Bakit namumula ang buo mong mukha pati na rin 'yang tainga mo?" tanong ni Mama. "Ayos lang po ako, 'Ma. Siguro sa pagod lang po 'to. Pahinga na po ako, kailangan ko na ring umalis bukas e." Pumunta na ako sa k'warto kung saan nando'n ang papag na tinutulugan ko. Kahit mag a-alasingko pa lang ng hapon ang dilim na agad sa labas. Mukhang uulan pa ata bukas ah. Wala pa rito ang mga kapatid ko kasi mamayang ala singko pa ng hapon ang uwian nila. Mamaya na lang ako makikipag-k'wentuhan kapag na bawi ko na ang lakas ko. Ilang minuto pa akong nakatingala sa bubong ng bahay at hindi rin nagtagal ay nakatulog na ako. NAGISING na lang ako sa may sumisigaw na boses. "Mama! Mama! nandito na po ba si Ate?" excited na tanong ni Kathy. Kaya naman bumangon na ako sa pagkakahiga ko. "'Wag mo munang istorbohin ang Ate ninyo dahil pagod 'yan sa trabaho kaya kailangan niyang magpahinga," wika ni Mama. "Ay, gano'n po ba?" malungkot niyang tanong. "Sayang naman po, ipapakita ko pa naman sa kaniya ang mga stars na nakuha ko. 'Ma. 'Pa. Tingnan niyo po oh, ang dami kong stars." Masayang sabi niya at pinakita pa niya kina Mama at Papa ang dalawa niya braso na puno ng stars. Napangiti ako. Dahil kahit pa-paano ay masaya ako na nakakapag-aral ng maayos ang mga kapatid ko. Lumabas ako sa pinto dahil kanina pa ako nakasilip sa kanila. "Wow! ang dami namang stars ng baby ko," masayang sabi ko kay Kathy. "Ate!" sigaw niya at mabilis siyang yumakap sa akin. "Hmm . . . na miss ko ang baby girl ko," sabi ko habang yakap siya. Umupo ako sa harap niya para mas lalo ko siyang mayakap. "Na miss din po kita Ate," masayang sabi niya. Ngumiti ako at humiwalay sa pagkakayakap mula sa kaniya at ginulo ang buhok niya. "Galingan mo pa lalo sa school ah? Para maging isa kang magaling na doktor," masayang sabi ko sa kaniya at tumango-tango naman siya. "Opo naman Ate," nakangiting sabi niya. Ginulo ko ang buhok niya 'tsaka ako tumayo at humarap sa dalawa kong kapatid. "Oh, kayo kumusta?" masayang tanong ko. Yumakap silang dalawa sa akin. "Ayos naman po kami Ate. Na miss ka po namin," sabi ni Kiko. Bumitaw na sila sa pagkakayakap sa akin. "Ikaw Kiko 'wag ka munang manligaw dahil bata ka pa at dapat priority niyo ang pag-aaral at ikaw naman Kate. 'Wag ka munang magpapaligaw, magpayaman muna tayo bago mag-love life. Okay?" pagpapaalala ko. "Ate naman eh! Lagi mo na lang 'yan sinasabi pag-umuuwi ka rito sa bahay alam na po namin 'yan," sabi ni Kate na kumakamot pa sa sentido. "Aba! S'yempre, kailangan kong ipaalala sa inyo palagi 'yan baka mamaya eh may mga jowa na pala kayo at sinisekreto niyo lang sa akin. Dinaig niyo pa ako, mga bata pa kayo kaya mag-aral muna kayo. Basta 'wag munang manligaw at magpaligaw hangga't—" hindi ko pa na tatapos ang sasabihin ko nang magsalita silang tatlo. "Hangga't hindi pa tayo yumayaman!" sabay-sabay nilang sabi. Masaya ko silang niyakap gano'n din sila. Masaya ako dahil kahit na mahirap kami ay hindi pa rin nagbabago ang mga ugali ng mga kapatid ko. Magagalang pa rin at may pananaw sa buhay.Napalunok ako sa uri ng tingin niya sa akin. “Mang Arthur hindi ko po sasaktan ang anak niyo.” “Paano mo nalaman ang pangalan ko?” seryosong tanong niya. Ngumuso ako na parang nagtatampo sa kaniya dahil hindi niya na ako maalala o natatandaan man lang kaya mas lalong tumalas ang tingin niya sa akin. “So, tatay Arthur talagang kinalimutan mo na nga po ako? Ang daya-daya niyo ho! Hindi na kayo bumalik sa bahay noong umalis si daddy sa bansang ‘to. Talagang kinalimutan niyo na nga ho ‘yong batang lagi mong kalaro?”nagtatampong tanong ko. Unti-unting nanlaki ang mga mata ni tatay Arthur sa sinabi ko. “I-Ian? Ikaw na ba ‘yan? Punyeta ka! Ikaw nga! Ang laki-laki mo na!” sigaw niya habang lumapad na ang ngiti at tinignan ako mula ulo hanggang paa. “‘Di mo man lang ho ako na miss?” nakanguso at nagtatampong tanong ko. “Tarantado kang bata ka! S’yempre na miss kita!” natatawang sigaw niya at niyakap ako ng mahigpit. “Hindi na ho kayo galit?” na
SUMUNOD AKO kay papa papuntang kusina at nando'n din si mama na nagluluto ng makakain namin. “Katharine!” ma-awtoridad akong tinawag ni papa. Tumikhim muna ako bago lumapit sa kaniya. “Bakit ka na kakandong sa lalaking ‘yon?! Sino siya?” Biglang dumagundong sa lakas ng kalabog ang puso ko. Hindi ko alam ang isasagot ko kay papa. Sasabihin ko ba sa kaniya na si Xian ay boss ko? Anong gagawin ko? Mas’yado akong naging marupok kaya ang nangyari ay nakita nila papa. Mas’yado ko atang hindi ginalang ang pamamahay ng mga magulang ko sa ginawa ko. Anong i-isipin ni papa kapag sinabi ko sa kaniya na boss ko si Xian at nakikipag lampungan ako sa loob ng pamamahay. Pero kung magsisinungaling naman ako baka mas lalong lumala. Ayoko pa namang nagsisinungaling sa mga magulang ko lalo na sa nangyari kanina. “Katharine sumagot ka! Sino ‘yong lalaking ‘yon na kahalikan mo!?” biglang sigaw ni papa. Napaigtad ako sa gulat nang sumigaw si papa pati rin si mama ay
“Nasaan ba si Kuya Kiko mo?” tanong ko. “May klase po siya at may exam kaya hindi po siya nakanood pero hinatid naman niya po ako.” “Eh, si ate Kate mo?” “Gano’n din po.” “Aww... Buti na lang ay dumating ako,” sabi ko ‘tsaka ko siya hinalikan sa gilid ng noo. Bumaling na ako paharap at titig na titig lang si Xian sa aming magkapatid. Ngumiti ako sa kaniya bago ko siya ipakilala kay Kathy. “Kathy, this is my boss, Sir Xian. Boss Xian this is my amazing baby. Kathy,” pagpapakilala ko. Ilang segundong natahimik ang dalawa bago si Xian nagsalita. “Hello, baby. Ang galing mo kaninang sumayaw ah,” nakangiti sabi niya at halatang ‘di pa rin nakaka move-on sa sayaw ni Kathy. Nagpababa si Kathy sa akin akala ko kung ano ang gagawin niya pero laking gulat ko nang magpabuhat siya kay Xian na ikinagulat niya rin. “Hello po kuya Xian. Salamat po,” bibong sabi niya nang buhatin siya ni Xian na may ngiti sa labi. Habang ako naman ay nakanga
“And now! Let’s welcome to next contestant, do around of applause for Kathy Orteza and her dancing performance!” Pagsasalita ng emcee at lahat ng tao ay nagpalakpakan at isa na rin ako do’n na nakisigaw pa. “Go baby! You can do this! Fighting!” sigaw ko habang pinapakita sa kaniya ang bonner na binili ko. Bumaling si Kathy sa akin na may kislap sa mukha nang makita ako. Nag aja siya bago tumugtug ang kantang switch it up. Hindi mo aakalaing Grade one pa lang ang baby ko pero ang galing na niyang sumayaw na parang bihasang-bihasa na. Ang mga moves niya ay parang laro lang sa kaniya. Makikita mo sa mukha niya na ine-enjoy niya lang ang sayaw. Nang may maalala ako ay ibinigay ko kay Xian ang bonner at inilabas ko agad ang cell phone ko galing sa bulsa at ini-open ko ito at i-clinick sa video camera ‘yon at vinideo-han si Kathy. “Ang galing namang sumayaw ng kapatid mo.” Bumaling ako kay Xian na may paghanga sa mga mata habang pinapanood niyang sumayaw a
‘Ano raw?’ Bago pa ako makapagsalita ay nag ring na ‘yong cellphone niya at nagulat ako sa ringtone niya. ‘I f*ck you, You f*ck me We’re f*cking family With a great big f*ck And a f*cking from me to you Won’t you say you f*ck me too. . .’ What the hell? Tumingin ako sa kaniya nang sagutin niya ang tawag habang nakakunot ang noo niya. BAGO pa makapagsalita si Kath ay tumunog na ang cell phone ko kaya mabilis ko ‘yon sinagot nang makitang si Navarro ang tumatawag. “Ano ang kailangan mo Navarro?” nakakunot noong tanong ko. “Well, naasan ka ngayon? Kanina pa kami naghahanap ng pogi kong kapatid sa’yo baka kase nakidnap ka na ng hindi namin nalalaman.” Mas lalong kumunot ang noo ko. “Ano ba ang kailangan mo?” “Wala naman, just checking on you, ‘di ba nga, what friends are for kung hindi ko alam kung nasaan ka. Nag-aalala lang naman ako sa’yo bro.” “Talaga ba Navarro? Are you kidding me right now? Then, I have no tim
ALAS dyis na ng gabi at natutulog na si Xian sa balikat ko. Matutulog na rin sana ako nang bumaling-baling ‘yong ulo niya at bakas sa mukha niya na nahihirapan siya sa sitwasyon niya ngayon. Bukod sa nakakunot ang kaniyang noo ay pinagpapawisan din siya. Mukhang binabangungot siya... Marahan kong niyugyog ang kaniyang balikat para magising siya sa masamang panaginip. Napakunot ang noo ko nang may banggitin siyang pangalan. “X-Xia... ‘w-wag mo akong iwan, please.” Parang may kung anong bagay ang dumagan sa puso ko nang makita kong tumulo ang luha niya galing sa mata patungo sa bridge ng kaniyang ilong. Dahan-dahan kong inilapat ang kamay ko sa pisngi niya at do’n ay sunod-sunod na tumulo ang mga luha niya. Mabilis kong pinunasan ‘yon. Ramdam ko ‘yong sakit base sa boses niya. “B-boss Xian,” halos pabulong kong sabi. Napabalikwas siya sa pagkakaupo at nagpalinga-linga rito sa loob ng eroplano na parang may hinahanap siya. Nang mapatingin siya







