Share

Chapter 5

Author: Cutie_sell08
last update Last Updated: 2025-10-30 16:05:14

Parang sasabog ang puso ko sa sobrang bilis no’n pero hindi ko alam kung kaba lang ba ang nararamdaman ko o ano. Huminga ako ng malalim at pilit siyang tinutulak nang malakas.

“Bastos ka talaga! Pervert!” sigaw ko sa kaniya.

Pilit ko siyang tinutulak pero mas malakas siya kumpara sa akin at mas inilalapit pa niya ang katawan niya sa katawan ko.

“Umalis ka nga!” sigaw ko habang patuloy sa pagtulak sa kaniya.

“‘Di ba sabi ko sa’yo, pagbabayaran mo ang ginawa mo sa akin?” walang emos’yon niyang tanong.

Natulala ako sa sinabi niya pero ang mas ikinagulat ko nang dahan-dahan niyang inilapat ulit ang mga labi niya sa labi ko.

Hindi ko na nagawa pang gumalaw dahil sa kaniya. Para akong na istatuwa sa ginawa niya at kusang bumuka ang labi ko dahil sa gulat. Hindi ko siya magawang maitulak dahil parang nawalan ako ng lakas dahil sa ginagawa niya.

Bawat pagsakop niya sa labi ko na akala mo ay gusto na niyang kainin dahil sa panggigigil. Sinamantala naman niyang ipasok ang dila niya sa loob ng bibig ko na nakabuka at idinikit niya ang dila niya sa dila ko.

Ilang minuto na niya akong hinahalikan. Hindi pa rin siya tumitigil sa ginagawa niya at nagtataka na rin ako kung bakit ang tagal bumukas ng elevator kaya buong lakas ko siyang itinulak at sa pagkakataong ito ay nagkahiwalay na ang mga labi namin pero nakadikit pa rin ang katawan niya sa katawan ko kaya ramdam ko pa rin ang init ng katawan niya.

Tinignan niya ako sa mga mata. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagkalagablab nito. Unti-unti siyang umatras sa akin bago niya ulit tignan ang labi ko.

“Kung akala mong tapos na ako sa’yo,” tumingin ulit siya sa mga mata ko. “Nagkakamali ka, nag-uumpisa pa lang ako. You can run whenever you want but you can’t hide from me.”

Saktong tumunog ang elevator sanhing bumukas na ito.

Mabilis na naglakad ang lalaki at ako naman ay natulala lang sa mga nangyari.

NANG MAKAPASOK ako sa opisina ay sinalubong agad ako ni Charlott, ang sekretarya ng boss namin.

“Charlott. Ito na ang mga paper bags,” sabi ko.

Para siyang nabunutan ng tinik dahil sa sinabi ko. “Kompleto bayan? Walang nabawas or nawala?” Nag-aalalang tanong niya sa akin kaya umiling lang ako. “Wala Naman,” sabi ko.

“Good. Ikaw na ang magbigay niyan kay boss sa opisina niya. Marami pa akong gagawin,” sabi ni Charlott kaya tumango na lang ako sa kaniya ‘tsaka ako naglakad papuntang opisina ng boss namin.

Kumatok muna ako bago pumasok. Bumuntong hininga muna ako dahil baka masungit ang boss namin. Mula no’ng mag-umpisa akong magtrabaho dito ay ngayon ko lang makikita at makikilala ang boss namin, med’yo pa mysterious itong boss namin. Ayaw kumilala ng ibang tao lalo na kung baguhan sa trabaho.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa harapan ng boss namin na busy sa pagpirma ng mga papeles.

“Sir, ito na po lahat ng mga paper bags,” kinakabahan kong sabi.

Huminto siya sa pagpirma at dahan-dahang tumingala mula sa akin kaya gano’n na lang ang gulat ko nang makita ko kung sino ang kaharap ko.

‘Coincidence lang ba ito o sad’yang malas talaga ako at siya pa ang naging boss ko.’

“Ikaw na naman!” sigaw ko.

“What a coincidence.. or should I say we‘re meant to be,” sarkastong sabi niya ‘tsaka siya tumayo sa pagkakaupo at hinarap ako. “Ako pala ang boss mo?” kunwari pa siyang nagulat ‘tsaka siya ngumisi.

“I’m Xian Leem, the CEO of this company. Your boss, and you are?” nakalahad ang kamay niya.

Pero imbis na tanggapin ‘yon ay tinaasan ko lang siya ng kilay.

“Not interested,” masungit kong sabi.

“Woah,” dipensa niya. “Is that how you treat your boss?” tanong niya at ipinagdikit ang dalawa niyang palad.

“Hindi porket boss kita ay sasamantalahin mo na ang pagiging boss mo,” masungit kong sabi.

“I’m just asking your name. What’s wrong with that?” nagtataka niyang sabi at painosente pa siyang tumingin sa akin.

Bumuntong hininga muna ako nang malalim ‘tsaka padabog kong inabot sa kaniya ang paper bags at tumingin sa kaniya.

“I’m Katharine Orteza at mag qu-quit na ako rito sa trabaho na ‘to dahil nandito ang man’yakis na gusto kong ipakulong. Hindi ako disperadang babae at buo na ang desisyon kong kamuhian ka!” sigaw ko at nagmartsa palabas ng opisina pero bago ako tuluyang makalabas ay bigla niya akong hinatak sa braso.

“Hindi mo naman kailangang mag quit sa trabaho,” mahinahon niyang sabi.

Humarap ako sa kaniya at tinitigan siya ng masama.

“Dapat sa isang ‘tulad mong pervert ay nag-iingat ako dahil ang mga hipokrito na katulad mo ay may hidden desire at tulad na lang ngayon na boss kita, alam ko ang mga galawan ng mga man’yak na katulad mo! Sa-samantalahin ang pagkaboss nila para sumunod sila sa i-uutos niyo! Kaya hangga’t maaga pa ay maghahanap na lang ako ng ibang trabaho kaysa tiisin ko ang kaman’yakan mo!” sigaw ko sa kaniya at hinigit ang braso ko.

Sa huling pagkakataon ay tinignan ko siya ng masama at kita ko sa mga kulay brown niyang mga mata ang kislap ng kalungkutan pero hindi ko ‘yon pinansin at padabog na umalis ng opisina niya.

Nakasalubong ko si Charlott. Magsasalita sana siya nang unahan ko na siya.

 “I’m quit,” walang alinlanggan kong sabi at dire-diretsong lumabas ng kompanya.

Nakahinga lang ako ng maluwag nang makarating ako sa elevator.

‘Sana makahanap ulit ako ng magandang trabaho.’

Nang bumukas ang elevator pumasok na ako sa loob at pinindot ang ground floor

Ilang inches na lang ay magsasarado na ang elevator nang may kamay na humarang sa pagsara ng pinto ng elevator.

Bumukas ulit ng kusa ang elevator at pumasok ang lalaking hipokrito.

Nag cross-arm ako ‘tsaka ako akmang lalabas na lang dahil ayoko na ulit ma-man’yak ng pervert na ito.

Pero mabilis niya akong nahatak at pinindot ‘yong buton ng elevator.

“Bakit ba?! Bitawan mo nga ako!” sigaw ko sa kaniya.

“Hindi mo naman kailangan mag quit sa trabaho mo. Alam ko namang may pamilya ka at kailangan mo ‘tong trabaho,” mahinahon niyang sabi.

Hinatak ko ang braso ko mula sa kaniya at matalas na tinignan siya.

“WALA. KANG. PAKI. ALAM! At ‘wag mo akong pakialaman!” sigaw ko sa kaniya.

“Sorry,” mahinang sabi niya na ikinatigil ko.

“What?” hindi makapaniwalang tanong ko.

Naikwento kase sa akin ni Charlott na hindi raw marunong mag-sorry ang boss nila at hindi alam ang salitang tawad o patawad. Hindi rin daw laging tumitingin sa mga empleyado kapag nagsasalita at laging mainit ang ulo at masungit.

“I said, I’m sorry.” Sincere niyang sabi.

“At sa tingin mo ay mapapatawad kita? Mapapatawad lang kita kung maibabalik mo ang oras para iwasan lahat ng kaman’yakan mo sa akin. Pervert!”  sabay irap sa kaniya.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya.

“Yeah, I'll understand if you don’t accept my sorry,” mahinang sabi nya. "And fine. Go ahead. Basta kapag kailangan mo ng tulong ko puntahan mo na lang ako dito sa opisina at welcome ka ulit dito o kaya naman ay tawagan mo ako dito,” sabay bigay niya ng calling card. "Para makabawi ako sa’yo. Again. I'm sorry,” hingi niya ng tawad at biglang bumukas ang elevator at naglakad na siya palabas ng kompanya.

Ako naman ay natulala sa sinabi niya. Tinignan ko ang calling card na hawak ko at nag-iisip kung itatapon ko ba ito o itatabi na lang pero napagtanto kong ibulsa na lang ‘yon at lumabas na ng elevator.

Lumabas na ako ng kompanya ‘tsaka ako pumara ng tricycle at nagpahatid sa inuupahan ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Pervert husband is a boss   Chapter 37

    Umupo ako sa tabi niya at pinagmasdang mabuti ang mukha niyang. Madilim na ang kalangitan pero may isang lamparang nagbibigay liwanag sa aming dalawa. Nagulat ako nang magsalita si Xian. "Mahal na mahal ko ho siya ng sobra. Hehe!" lasing niyang sabi. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Feeling ko ako 'yong tinutukoy niyang mahal na mahal niya. Napangiti tuloy ako ng sobra. "Xia... Miss na miss ko na rin ho siya kaso iniwan n-niya na ho a-ako. Kasalanan ko.." Mas lalong na dagdagan ang bigat sa dibdib ko nang makita ko na naman siyang umiyak. Sa pangalawang pagkakataon, parehas na pangalan na naman ang dahilan kung bakit tumulo ang luha niya. Mabilis kong pinunasan 'yon saka ko siya inalalayan tumayo para pumasok sa loob. Nang makapasok kami sa kwarto inihiga ko na siya sa papag. Inayos ko ang pagkaka-unan niya at umupo sa tabi niya. Kinuha ko sa gilid ang plangganang maligamgam na dinala ni Mama dito saka ko pinunasan ang buong mukha niya.

  • My Pervert husband is a boss   Chapter 36

    "Bakit pakiramdam ko ako ang dahilan kung bakit nagiging malungkot ang mga kapatid ko lalo na si Kiko? Tama bang pumayag ako sa mga gusto niya? Ayoko kaseng isipin mo na nag te-take advantage kami sa'yo at baka isip mong gold digger kami." "Shhh..." Pagtatahan niya sa akin nang tumulo na ang luha sa mata ko. Niyakap niya ako saka hinagod-hagod ang likod ko. "Kahit kailan hindi ko maiisip 'yang mga sinasabi mo at isa pa, ako ang nag offer kay Kiko kaya wala kang dapat ipag-alala." "Pero kasi--" "Shhh.. Hayaan mo naman akong magpalakas sa mga kapatid mo," at kumindat pa siya. "Siraulo! Kaya mo pala ginagawa 'yan e--" "Nagbibiro lang ako, naisip ko kase na para na rin sa emergency. You know, 'yong Papa mo gusto ko ring makatulong sa pamilya mo lalo na sa'yo." Tumango-tango na lang ako kahit hindi sigurado kung tama bang pumayag sa kagustuhan ni Xian at Kiko. Pumasok na kami sa bahay at sinalubong kami ni Papa saka niya inaya si Xian papuntang

  • My Pervert husband is a boss   Chapter 35

    "Tapos na po ako Ate! Sa classroom ko po ginawa 'yong assignment ko para bukas ready na!" bibong sabi ni Kathy na nginitian ko lang. "Oh, ikaw Kiko?" nakataas ang kilay na tanong ko. "Hehe mamaya ko po gagawin 'yong assignment ko, inutusan lang po ako ni Papa na hanapin kayo ni Kuya Xian sabi ni Papa pauwiin ko na daw kayo kase mag kwe-kwentuhan pa raw sila ni Kuya Xian." Tumango-tango na lang ako saka kami nag-umpisa maglakad pauwi. Napabaling ako sa dalawa naabala pa ring nag-uusap habang tumatawa sa isa't-isa. 'Yong totoo? Sino ba talaga sa amin ang kapatid niya? "Ate p'wede po bang bukas ko na lang gawin 'yong assignment ko? Kokopya na lang ako sa kaklase ko. Ang hirap-hirap naman kase ng Math!" kumakamot pa sa sentidong sabi niya. Piningot ko ang tainga niya saka ko siya pinagsabihan. "Manahimik ka Kiko! Gawin mo mamaya 'yang assignment mo!" babala ko. "Eh, paano nga po? Hindi ko nga po alam 'yong mga gagamiting formula! Ang hirap-hira

  • My Pervert husband is a boss   Chapter 34

    Ikina-kibit balikat ko na lang ang nasa isip ko na imposibleng mangyari. Ang alam ko kase ay nasa ibang bansa na si Ian ang kababata ko noon. Kaya hindi ko na kinulit pa si Papa na bumalik sa mansyon nila. Ewan, pero minsan naiisip kong parang nandito lang siya sa Pilipinas at mukhang nagsinungaling lang sa akin si Papa para hindi ko na siya kulitin na bumalik pa sa mansyon pero alam ko namang hindi magagawa ni Papa 'yon sa akin lalo na kay Ian na laging naghihintay sa pagdating namin sa mansyon nila. Hinabol ko si Xian sa paglalakad na parang wala sa sarili kaya hindi ko na lang siya inistorbo. Habang naglalakad kami sinalubong kami ni Kiko at Kathy na may ngiti sa mga labi. "Ate! Kuya Xian!" sigaw ni Kathy habang tumatakbo palapit sa amin. Natauhan naman si Xian dahil nakita kong umiling-iling at sinalubong sina Kathy at Kiko. Binuhat niya si Kathy na may hawak na tutubi. "Kuya Xian look oh! Tutubi po, nakuha ko do'n sa gilid ng bukid," at bumungisngis pa

  • My Pervert husband is a boss   Chapter 33

    “P’wede ba Ms. Clown tigil-tigilan mo ako sa kaka-english mo. Hindi ko naman maintindihan! Panigurado pati alien hindi ka maiintindihan! At isa pa, kung ayaw mong manghiram ng ulo sa aso ‘wag na ‘wag mong pagsasalitaan nang hindi maganda ang ASAWA ko!” sigaw ni Xian at itinulak si Anabel kaya napaatras siya ng bahagya. Mukha na siyang iiyak dahil napahiya pero pinipigilan lang niya kaya humarap siya sa akin ‘tsaka siya ngumisi. Nagulat na lang ako nang biglang hinawakan ni Anabel ang magkabilang pisnge ni Xian at hinalikan siya sa mga labi. Biglang akong nakaramdam ng pag-iinit ng dugo sa loob ko at hindi ko na napigilan pa ang sarili kong hugutin ang buhok ni Anabel ‘tsaka ko siya sinuntok ng malakas sa mukha kaya napasubsob siya sa sahig. Ayo’n knock out ang putragis! Deserved! Mukhang nawalan siya ng malay pero wapakels ako sa kaniya nilapitan ko ‘agad si Xian at kinuha ang panyo ko sa bulsa at pinunasan ang labi niya. B’wisit na tyanak ‘yan. Bibigyan niya pa ng

  • My Pervert husband is a boss   Chapter 32

    Warning: Matured Scenes!... NAG LIBOT-LIBOT pa kami dito bago kami mag desisyong umuwi. Habang naglalakad kami pauwi ni Xian kinuha niya ang kanang kamay ko na ikinagulat ko kaya tumingin ako sa kaniya. “Ano bang ginagawa mo?” gulat kong tanong. Imbis na sumagot ngumiti lang siya sa akin ‘tsaka siya kumindat habang mag kahawak ang mga kamay namin. Hindi mawala ang mga ngiti niya sa labi at hindi niya pinapansin ang mga matang tumitingin sa kaniya lalo na ‘yong mga babaeng hitad kung makatingin akala mo ngayon lang nakakita ng g’wapo slash matso slash mabango slash masherep-- este maginoong bastos? Ah basta! Sarap nilang tusukin sa mata! Pasimple kong kinukuha ang kamay ko mula sa kamay niya pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakahawak. Yumuko na lang ako habang naglalakad kami pauwi. Ang kaso ay may humarang sa amin na tyanak. Literal na chaka, ugly doll nga lang. “OMG! Katharine is that you? Hindi ka pa rin nagbabago... Mukha ka pa ring dukha!”

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status