LOGIN“ATE, aalis ka na po kaagad?” tanong ni Kiko. Ginulo ko ang buhok niya ‘tsaka ako ngumiti.
“Oo eh, kailangan ko nang dalhin ito sa boss ko. Baka matanggal sa trabaho si Ate kapag hindi ko agad na ibigay ito,” sabay taas sa mga paper bags. “Ate, mamimiss kita," Sabi ni Kathy at yumakap sa akin. “Ako rin Ate," sabay sabi ni Kate at Kiko at yumakap din sa akin. Niyakap ko rin sila ng mahigpit bago ako kumalas sa pagkakayakap. “Oh, s'ya! Tama na ‘yan, kailangan na ni ate umalis." Sabi ko sa mga kapatid ko. “Uuwi ka po ba sa next month Ate?” malungkot na tanong ni Kathy. “Oo naman!” nakangiting sabi ko. “Yey! Ate panoorin mo po akong sumayaw sa stage. Kase po lalaban po kami kada section,” excited niyang sabi. “Talaga? Wow naman.. Sige, sige! manonood si ate ng sayaw mo,” ‘tsaka ko siya hinalikan sa pisnge. Masayang-masaya si Kathy dahil mapapanood ko raw siyang sumayaw sa stage. Kailangan kong ma-video-han ang bunso ko para may remembrance. “‘Ma,” tawag ko kay mama. “Oh anak, akala ko ba ay nagmamadali ka na?” takang tanong ni mama. Niyakap ko muna siya bago ako nagsalita. “‘Ma, heto po ‘yong s’weldo ko. Kayo na po ang bahala sa mga gastusin dito sa bahay," masayang abot ko kay mama “Ano ka ba naman anak. ‘Wag na, mayroon pa naman kaming pera dito pang gastos.” Tanggi ni mama at binalik sa akin. “Sa’yo na ‘yan para makadagdag iyan sa ipon mo," nakangiting sabi ni mama. “Naku, naman Mama! Kaya nga po ako nag tra-trabaho para sa inyo eh. Kaya, ito po sainyo ‘yan mayroon pa naman akong perang nakatabi dito ‘tsaka kailangan ‘yan ng mga kapatid ko sa pag-aaral nila,” nakangiting abot ko ulit ng pera. “Hayy! Ikaw talagang bata ka. Salamat Kath. Napakabuti mong ate at anak sa amin,” naiiyak na sabi ni mama at niyakap ako ng mahigpit. Gano’n din ang ginawa ko, niyakap ko rin siya bago ako kumalas sa pagkakayakap. “Sa susunod ay hindi lang s’weldo ko ang ibibigay ko sainyo. Pati na rin ang bahay at lupa, idagdag mo na rin ang kotse,” pabiro kong sabi at sabay kaming natawa. “Ikaw talagang bata ka! Sige na baka malate ka pa sa pagpasok mo. Mag-iingat ka sa mga salisi sa daan ah," pagpapaalala ni mama. Tumango lang ako ‘tsaka ako sumakay sa tricycle papunta sa bus station. “Ba-bye!” kumaway pa ako sa kanila at nag flying kiss na rin. Hanggang sa mawala na sila sa paningin ko. Wala si papa dahil maaga siyang dumiretso sa bukid para magsaka buti na lang nakapagpaalam na ‘ko kagabi sa kaniya. NANG MAKARATING ako sa kompanya. Mabilis akong sumakay sa elevator at pinindot ang 37 floor kung nasaan ang opisina. Pero bago pa magsara ang elevator ay may humarang na paa sa pinto. Kaya bumukas ulit ang elevator. Pumasok ang isang lalaki na abala sa kaniyang cell phone. Siguro ay isa siya sa mga matataas ang ranggo dito sa kompanya. Umiling-iling na lang ako at pinindot ko na lang ‘yong buton ‘tsaka lang sumara ang pinto ng elevator. Pagkatapos kong pindutin ‘yon ay bumaling ulit ako sa lalaki at laking gulat ko nang makilala ko ang lalaking ito. Nagtama ang mga mata namin at siya rin naman ay nagulat dahil nakita niya ako pero mabilis din siyang nakabawi. “Ikaw!” sigaw ko sa lalaki pero ngumisi lang siya. “Gago kang man’yak ka! Anong ginagawa mo dito?!” sigaw ko sa kaniya. Tinago niya ang cell phone niya sa suot niyang tuxedo at dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa kaba. Kaya naman atras ako ng atras. Wala na akong maatrasan pa kaya nahinto ako at napasandal sa gilid ng elevator. “H-hoy... A-anong gagawin mo? Lumayo ka nga!” tinatapangan ko lang ang sarili ko dahil ibang klase ang presens’ya na dala ng lalaking ‘to. G’wapo sana siya kaso pervert naman. Grabe naman, bakit ang kinis ng mukha niya? Hindi mo makikita ang mga pores niya sa mukha. Inggit ako. Napailing-iling ako nang palihim hindi ako p’wedeng maakit sa hipokritong ‘to dahil may atraso pa siya sa akin. Hindi ako magpapatalo sa kaniya dahil lang sa isa siyang mayaman. Ngumisi ang lalaki kaya kitang-kita ko ang napaka lalim niyang dimple sa kanang bahagi ng pisnge, napalunok ako dahil do’n. “‘Di ba dapat ako ang magtanong niyan sa’yo?” tanong niya sa britonong boses. “D-dito ako nagtatrabaho!” sigaw ko sa kaniya at hindi nagpatalo sa lalaki. Ngumisi ulit siya. Napatango-tango siya. “So, dito ka pala nagta-trabaho,” mahinahon niyang sabi habang nakangisi. “A-ano bang pakialam mo?!” kinakabahang sigaw ko. Titig na titig ang mga mata niya sa akin. Bumaba sa mga labi ko at bumaba sa dibdib ko hanggang sa umabot sa pagkababae ko. Napalunok ako at lahat ng balahibo ko ay nagsitaasan. Pinagpapawisan din ako ng malamig at ang mga palad ko ay nanlalamig dahil sa kaba. Ang lakas na rin ng pintig ng puso ko dahil sa kaba. “Sa tingin mo,” patuloy ng lalaki at nagtaas siya ng tingin sa mga mata ko. “Kanino at sino ang boss mo?” tanong niya at huminto ang mga tingin niya sa labi ko. Kinabahan ako sa tanong niya lalo na ngayong nakatingin na siya sa labi ko. “H-hindi ko alam,” pabulong kong sabi. Ramdam ko ang panginginig at panlalambot ng tuhod ko kaya wala sa sariling napahawak ako sa balikat ng hipokritong ‘to para doon kumuha ng lakas upang makatayo. Napatingin siya sa kamay kong nakahawak sa balikat niya bago niya ulit ako tinignan sa mga mata. Napalunok ako dahil sa uri ng tingin niya. Bakit ba ang tagal bumukas ng elevator?! Bakit ang init dito sa loob? Nag-iwas ako ng tingin saka ako bumitaw sa pagkakahawak sa balikat niya. Pero nagulat ako nang hablutin niya ang dalawa kong kamay at pinahawak ulit sa balikat niya pero ang mas ikina-gulat ko. Bigla niya akong hinalikan!Napalunok ako sa uri ng tingin niya sa akin. “Mang Arthur hindi ko po sasaktan ang anak niyo.” “Paano mo nalaman ang pangalan ko?” seryosong tanong niya. Ngumuso ako na parang nagtatampo sa kaniya dahil hindi niya na ako maalala o natatandaan man lang kaya mas lalong tumalas ang tingin niya sa akin. “So, tatay Arthur talagang kinalimutan mo na nga po ako? Ang daya-daya niyo ho! Hindi na kayo bumalik sa bahay noong umalis si daddy sa bansang ‘to. Talagang kinalimutan niyo na nga ho ‘yong batang lagi mong kalaro?”nagtatampong tanong ko. Unti-unting nanlaki ang mga mata ni tatay Arthur sa sinabi ko. “I-Ian? Ikaw na ba ‘yan? Punyeta ka! Ikaw nga! Ang laki-laki mo na!” sigaw niya habang lumapad na ang ngiti at tinignan ako mula ulo hanggang paa. “‘Di mo man lang ho ako na miss?” nakanguso at nagtatampong tanong ko. “Tarantado kang bata ka! S’yempre na miss kita!” natatawang sigaw niya at niyakap ako ng mahigpit. “Hindi na ho kayo galit?” na
SUMUNOD AKO kay papa papuntang kusina at nando'n din si mama na nagluluto ng makakain namin. “Katharine!” ma-awtoridad akong tinawag ni papa. Tumikhim muna ako bago lumapit sa kaniya. “Bakit ka na kakandong sa lalaking ‘yon?! Sino siya?” Biglang dumagundong sa lakas ng kalabog ang puso ko. Hindi ko alam ang isasagot ko kay papa. Sasabihin ko ba sa kaniya na si Xian ay boss ko? Anong gagawin ko? Mas’yado akong naging marupok kaya ang nangyari ay nakita nila papa. Mas’yado ko atang hindi ginalang ang pamamahay ng mga magulang ko sa ginawa ko. Anong i-isipin ni papa kapag sinabi ko sa kaniya na boss ko si Xian at nakikipag lampungan ako sa loob ng pamamahay. Pero kung magsisinungaling naman ako baka mas lalong lumala. Ayoko pa namang nagsisinungaling sa mga magulang ko lalo na sa nangyari kanina. “Katharine sumagot ka! Sino ‘yong lalaking ‘yon na kahalikan mo!?” biglang sigaw ni papa. Napaigtad ako sa gulat nang sumigaw si papa pati rin si mama ay
“Nasaan ba si Kuya Kiko mo?” tanong ko. “May klase po siya at may exam kaya hindi po siya nakanood pero hinatid naman niya po ako.” “Eh, si ate Kate mo?” “Gano’n din po.” “Aww... Buti na lang ay dumating ako,” sabi ko ‘tsaka ko siya hinalikan sa gilid ng noo. Bumaling na ako paharap at titig na titig lang si Xian sa aming magkapatid. Ngumiti ako sa kaniya bago ko siya ipakilala kay Kathy. “Kathy, this is my boss, Sir Xian. Boss Xian this is my amazing baby. Kathy,” pagpapakilala ko. Ilang segundong natahimik ang dalawa bago si Xian nagsalita. “Hello, baby. Ang galing mo kaninang sumayaw ah,” nakangiti sabi niya at halatang ‘di pa rin nakaka move-on sa sayaw ni Kathy. Nagpababa si Kathy sa akin akala ko kung ano ang gagawin niya pero laking gulat ko nang magpabuhat siya kay Xian na ikinagulat niya rin. “Hello po kuya Xian. Salamat po,” bibong sabi niya nang buhatin siya ni Xian na may ngiti sa labi. Habang ako naman ay nakanga
“And now! Let’s welcome to next contestant, do around of applause for Kathy Orteza and her dancing performance!” Pagsasalita ng emcee at lahat ng tao ay nagpalakpakan at isa na rin ako do’n na nakisigaw pa. “Go baby! You can do this! Fighting!” sigaw ko habang pinapakita sa kaniya ang bonner na binili ko. Bumaling si Kathy sa akin na may kislap sa mukha nang makita ako. Nag aja siya bago tumugtug ang kantang switch it up. Hindi mo aakalaing Grade one pa lang ang baby ko pero ang galing na niyang sumayaw na parang bihasang-bihasa na. Ang mga moves niya ay parang laro lang sa kaniya. Makikita mo sa mukha niya na ine-enjoy niya lang ang sayaw. Nang may maalala ako ay ibinigay ko kay Xian ang bonner at inilabas ko agad ang cell phone ko galing sa bulsa at ini-open ko ito at i-clinick sa video camera ‘yon at vinideo-han si Kathy. “Ang galing namang sumayaw ng kapatid mo.” Bumaling ako kay Xian na may paghanga sa mga mata habang pinapanood niyang sumayaw a
‘Ano raw?’ Bago pa ako makapagsalita ay nag ring na ‘yong cellphone niya at nagulat ako sa ringtone niya. ‘I f*ck you, You f*ck me We’re f*cking family With a great big f*ck And a f*cking from me to you Won’t you say you f*ck me too. . .’ What the hell? Tumingin ako sa kaniya nang sagutin niya ang tawag habang nakakunot ang noo niya. BAGO pa makapagsalita si Kath ay tumunog na ang cell phone ko kaya mabilis ko ‘yon sinagot nang makitang si Navarro ang tumatawag. “Ano ang kailangan mo Navarro?” nakakunot noong tanong ko. “Well, naasan ka ngayon? Kanina pa kami naghahanap ng pogi kong kapatid sa’yo baka kase nakidnap ka na ng hindi namin nalalaman.” Mas lalong kumunot ang noo ko. “Ano ba ang kailangan mo?” “Wala naman, just checking on you, ‘di ba nga, what friends are for kung hindi ko alam kung nasaan ka. Nag-aalala lang naman ako sa’yo bro.” “Talaga ba Navarro? Are you kidding me right now? Then, I have no tim
ALAS dyis na ng gabi at natutulog na si Xian sa balikat ko. Matutulog na rin sana ako nang bumaling-baling ‘yong ulo niya at bakas sa mukha niya na nahihirapan siya sa sitwasyon niya ngayon. Bukod sa nakakunot ang kaniyang noo ay pinagpapawisan din siya. Mukhang binabangungot siya... Marahan kong niyugyog ang kaniyang balikat para magising siya sa masamang panaginip. Napakunot ang noo ko nang may banggitin siyang pangalan. “X-Xia... ‘w-wag mo akong iwan, please.” Parang may kung anong bagay ang dumagan sa puso ko nang makita kong tumulo ang luha niya galing sa mata patungo sa bridge ng kaniyang ilong. Dahan-dahan kong inilapat ang kamay ko sa pisngi niya at do’n ay sunod-sunod na tumulo ang mga luha niya. Mabilis kong pinunasan ‘yon. Ramdam ko ‘yong sakit base sa boses niya. “B-boss Xian,” halos pabulong kong sabi. Napabalikwas siya sa pagkakaupo at nagpalinga-linga rito sa loob ng eroplano na parang may hinahanap siya. Nang mapatingin siya







