Share

Kabanata 15 : Misunderstanding Pt. 2

"Bakit ka nagmumukmok dito?" tanong sa akin ni Marcia nang tumabi s'ya sa akin sa kahoy na kinauupuan ko. Pinanonood namin ngayon ang mga bata at matatanda na masayang sumasayaw sa tabi ng bonfire. "Ayaw mo bang sumayaw?"

"E ikaw? Ayaw mo ba?" Balik kong tanong sa kanya dahilan para pareho kaming matawa sa huli.

"Wala akong gana at isa pa, alam mong hindi ako dancer," pahayag ni Marcia. "Napansin ko lang, bakit parang nag-iiwasan kayo ni Wayde? Nag-away ba kayo? Inaway mo ba dahil kay Vince?"

"Talaga bang itatanong mo 'yan sa akin? Kelan pa ako gumawa ng gulo? Sa ating dalawa ikaw 'tong taga-gawa ng away at hindi ako."

"Grabe ka naman. Nagtatanong lang naman ako pero masyado mo akong penersonal."

"Ikaw kasi, tini-trigger mo ako."

"Infairness, nati-trigger ka na pagdating kay Wayde. Don't tell me may nararamdaman ka na para sa kanya? Are you in love with him?" tanong ni Marcia na nagpabilog ng mga mata ko.

Mabilis kong tiningnan ang paligid namin. Mabuti na lang walang malapit
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status