KINABUKASAN ay maagang nagising si Crystal para maghanap ng paraan kung paano magte-terminate ang contract nila ni Charles. Having him near her, letting him exist again in her life—is already frustrating her.
Kapag malapit si Charles, hindi imposibleng malaman ng dating asawa ang tungkol sa kanilang anak, ang tungkol kay Caius. At ‘yon ang iniiwasan niya. Kuntento na siya sa buhay na meron siya ngayon at ayaw na niyang maulit pa ang nakaraan.
Wala sa sarili siyang napakurap nang biglang mag-ring ang kanyang phone. Saka niya lamang napagtanto na umiitim na ang hotdog na kanyang niluluto.
“Shit!”
Mabilis pa sa alas kwatro niyang ini-off ang stove at humugot ng malalim na hininga. Muntikan na niyang makalimutan na mayroon nga pala siyang duty ngayon. At kailangan na kailangan siya ng ospital dahil understaffed sila.
“Mukhang napalalim na naman ang iniisip mo, hija.”
Wala sa sarili niyang nilingon ang nagsalita at bumungad sa kanya ang yaya ng kanyang anak na si Yaya Janice. May tipid itong ngiti sa labi at mukhang kakagaling lang sa pagdidilig ng halaman dahil basa ang suot nitong damit.
“Magandang umaga, yaya. Bakit ang aga niyo po yatang nagising?” tanong niya rito.
“Maaga kong inatupag ang uniform mo at nagdilig na rin ako ng mga halaman. Gigisingin na nga sana kita, gising ka na pala.” Ngumiti ito. “Ano na naman ang iniisip mo’t nasunog na naman ang hotdog na niluluto mo?”
Hilaw siyag napangiti sa ginang at nagkamot ng kilay. “I was just thinking about the flowershop. Hindi ko na po kasi nabibisita.”
“H’wag kang mag-aalala. Palagi namang tumatambay roon si Doc Arthur. Hindi non pinapabayaan ang flower shop.”
Napatango siya sa sinabi nito. “I know that. Pero hindi ko pa rin po maiwasang isipin ‘yon, e.”
Muling nag-ring ang kanyang phone, senyales na kailangan na niyang maghanda dahil sa susunod na oras ay time in na niya. Hindi siya pwedeng ma-late. Maganda pa naman ang record niya roon.
“Sige na. Magbihis ka na. Ipaghahanda na lang kita ng makakain.”
That made her smile. “Thank you, yaya.”
Agad siyang nagpaalam dito at umakyat na sa kanyang silid kung saan natutulog ang kanyang anak. She immediately took a quick shower and changed. Sinuot na lang din niya ang kanyang scrub para hindi na siya maabala pa sa sasakyan.
Medyo exaggerating man pakinggan, ngunit mahal niya ang kanyang current profession ngayon. Being a nurse is her dream, rather than following her father’s footsteps as a businessman. She also opened a business para kahit delay ang sahod niya as a nurse, on-time naman ang kanyang profit sa kanyang mga negosyo.
She doesn’t want her pockets to run dry. Dahil bilang nag-iisang ina, kailangan niyang maitaguyod ang anak at ibigay ang mga nais dito. Ayaw niyang makaramdam ng pagkukulang ang kanyang anak at maghanap ng kalinga ng ama. She wanted her son to have everything he asked without being spoiled. It’s impossible dahil ang ibigay lahat ng gusto nito ay parang ini-spoil na rin ang kanyang anak.
But no. She wanted to give everything he wanted but she will make sure that he will be cherishing everything that she will give her. Yan lamang ang gusto niya.
Humugot siya ng malalim na hininga at mariing kinagat ang ibabang labi. After making sure that she moisturized her face and applied sunscreen. She added a little powder on her face before she stepped out of the closet. Nakita niya ang kanyang anak na kakagising lang at kinukusot ang mga mata.
Nilapitan niya ito at tumabi sa kama.
“Good morning to my handsome baby.”
“Good morning, mommy.” Humikab ito. “Are you off to the hospital, mommy? Can I come with you?”
Mahina siyang natawa. “You can come and visit me. Sa ngayon, papasok muna si Mommy, okay? I will call you when I’m free, okay? I love you, anak.”
Tumango ito at ngumuso. “I love you too, mom.”
Matapos niyang magpaalam sa kanyang anak ay agad siyang umalis. Sumakay na siya sa kanyang sasakyan at agad na nagmaneho paalis. She has to arrive before the traffic starts. Ito ang mahirap sa probinsyang ito. It’s still a city. A lot of people live here. Tuwin eight ng umaga at seven ng gabi ang dagsaan ng mga sasakyan. Mahirap umusad.
Pagdating niya sa loob ng ospital ay agad siyang binati ng guard. “Good morning, Miss Diaz!”
Crystal nodded her head and smiled. “Good morning, Manong.”
After logging in, she immediately went to her post. Bumungad sa kanya ang kanyang mga kasamahan na puro bulungan lamang. Tumaas ang kanyang kilay at lumapit sa station.
“Anong meron? Umagang-umaga may chismis kayo,” aniya.
Ngumisi ang kakilala niyang nurse na si Nurse Benji. Isa itong baklang nurse at ito palagi ang source ng kanilang chismis dito sa hospital. In other words, si Nurse Benji ang nagsisilbing walking radio ng workplace.
“Hali ka rito!” ani Benji at hinawakan siya sa braso saka kinuyog palapit sa counter. “So ayon nga. May narinig akong chismis.”
“Kung ano man ‘yan, h’wag mo na akong idamay.” Pilit niyang inaalis ang pagkakahawak nito sa kanyang braso ngunit mahigpit ang pagkakahawak ng bakla rito.
“Marinig ka na lang,” wika nito at ngumiti. “Ayon na nga, narinig kong nakauwi na pala ang president ng hospital na ito.”
“Yung gwapong may-ari?”
Tumango naman si Benji.
Kumunot ang kanyang noo. Parang sumasakit ang ulo niya sa mga pinagsasabi ng mga kasamahan niya.
So what if the president comes back? Hindi naman siguro ‘yon big deal, ‘di ba? I mean, kilala niyaa ng president and he’s a good friend of hers. Hindi na big deal sa kanya kung makita niya ito ulit after spending time sa States.
“Oo nga!” sagot ni Benji at tumili na para bang kinikilig. “Makikita ko na naman ang dreamy face niya. Hay nako. Feeling ko matatanggal na ang panty ko kahit imagination ko lang na makita siya.”
Mahina siyang napailing. Pilit na niyang tinanggal ang kamay ni Benji sa kanyang braso.
“Kung ano man ‘yan, labas ako riyan. At isa pa, magtrabaho na nga tayo. We’re not here to gossip, okay?” masungit niyang wika.
Agad na napanguso ang kanyang mga kasamahan.
“Grabe ka naman, Nurse Tally. Hindi ba pwedeng morning dessert?” nakangusong tanong ni Nurse Ara sa kanya. “And besides, alam naman naming hindi na big deal sa ‘yo ang tungkol sa pagbabalik ni Mr. Montero dahil magkaibigan naman kayo. Bawal ba kaming mag-day dream?”
“Oo, bawal.”
Sabay silang lahat na napatingin sa nagsalita. Bumungad sa kanila ang binatang nakasuot ng doctor’s gown at mukhang kakarating pa lang. Fresh, e. Basta fresh, galing sa bahay nila.
“Doc,” agad na bati ng mga kasamahan niyang nurse sa station.
“Napaaga ka yata?” tanong niya rito at ngumiti. “Good morning.”
“I don’t see the ‘good’ look on your face,” anito at inabutan siya ng isang tangkay ng rosas. “Baka sakaling umayos ang mood mo.”
That brought a smile to her face. Narinig niya naman ang mahinang tilian ng kanyang mga kasamahan matapos marinig ‘yon. Animo’y kinikilig sa naging banat ng doktor.
Pabiro siyang umirap sa binata at humugot ng malalim na hininga. “Thank you for this. But you didn’t have to bother yourself.”
Naramdaman niya ang pag-ugong ng phone mula sa kanyang front pocket. Kumunot ang kanyang noo at hinila ito para matignan kung sino ang caller. It was none other than Sadie, her cutesy assistant.
“Excuse me for a moment,” she said.
Sinagot siya ng tango ng binata kaya naman agad siyang tumalikod para sagutin ang tawag.
“Yes, Sadie?” tanong niya rito.
“Miss, kailan ang off niyo? Na sa ospital na po ba kayo?” bungad nitong tanong. Wala man lang formal greetings, e ‘no?
“Yes, I’m already here. Why? May problema ba?” Kumunot ang kanyang noo.
“Wala naman po. Pero may meeting po pala kayo by seven. Should I cancel the meeting po?”
“With who?” Mas lalong nangunot ang kanyang noo.
“With Miss Ramirez. Client po natin siya. First client actually. And she said she wanted us to plan out her wedding. She wanted to meet you in person. Nakalimutan kong may duty ka pa po pala.”
Napakamot siya sa kanyang kilay. “Twenty four hours ang duty ko, Sadie. I can’t… I can’t come to that meeting. Papayag ba siya kung ikaw?”
Mahinang natawa si Sadie. “Well, wala siyang ibang choice.”
TUMITIG SIYA sa mga mata nito at sa pagkain na sa hapag. She doesn’t know what to say. Gusto niya itong tanungin kung bakit at anong meron ngunit seryoso itong naglalagay ng kanin sa kanyang pinggan.She couldn’t help but raise an eyebrow, but she didn’t say a word. Pinapanood niya lamang ang bawat galaw nito. Nang matapos itong maglagay ng pagkain sa kanyang pinggan ay nag-angat ito ng tingin sa kanya.“Dig in,” wika nito at tipid siyang nginitian. “What’s the catch?” Ayan na naman sa bibig niyang pasmado. Yung dapat ay na sa isip niya lang, tapos ngayon ay bigla-bigla na lang lalabas sa kanyang bibig. And now that she has said it, “That became your favorite phrase for the past few weeks,” anito at tinaasan siya ng kilay. “Hindi ba pwedeng gusto ko lang magpakabait sa ‘yo?” Umiling siya rito. “Dalawang linggo na lang ako rito, Charles. Pwede ka nang bumalik sa nature mo.”Charles didn’t say a word. Nagbaba lang ito ng tingin sa plato nito at nilagyan na lang din ng pagkain ang sa
WEEKS PASSED and it seems like Charles is was not joking when he told her about making it up to her. Mas naging kalmado ito sa kanya. Nagiging masunurin na rin ito and to be honest, he’s starting to look at him differently. Not different like something that is connected to romance or anything. But different like—hindi naman pala talaga siya cold.These past few weeks, napapansin niyang mas nagiging mabait si Charles. Kung mag-usap sila ay hindi na siya nito binibigyan ng cold treatment. At sa totoo lang, nagugustuhan na niya kung ano man ang pinapakita ni Charles ngayon sa kanya.“Why can’t I visit you?” nakasimangot na tanong ng kanyang anak na kasalukuyan niyang ka-video call.Dalawang linggo na lang at makakauwi na siya. Yes, ganoon kabilis ang mga araw. Mas napapagaan kasi ang kanyang trabaho dahil nagiging masunurin si Charles. Hindi na siya nahihirapan and that’s what she’s loving right now.“Don’t worry. Malapit na makauwi si Mommy. Dalawang linggo na lang, okay? And I promise
SHE SAT down while intently looking at him. Hindi niya alam. There’s something off with this man. It’s weird. Hindi niya maintindihan kung bakit parang may something na nagbago rito. His scary aura somehow started fading.“Why the are you staring at me like that?” he asked and frowned.“I am not used to this,” aniya at mahinang umiling. “Why are you suddenly being soft towards me? I mean… what’s the catch?”Umangat ang isang kilay nito. “I already told you what’s the catch. Gusto kong bumawi sa ‘yo.”Muli siyang umiling sa sinabi nito. “No. I already told you, didn’t I? I just want you to heal. Sapat na ‘yun bilang pambawi sa ‘kin. That thing is more than enough to me. No need to go on such extents just to make it up to me.”“Did you really think I can feel better just by convincing myself that once I’m healed you’re going to forgive me?” Mas lalong umangat ang kilay nito. “No, Tally. Kaya babawi ako. Let’s… let’s spend the next two months with smile on our faces.”Mariin niyang kinag
PINAGPAG niya ang kanyang mga kamay at agad itong inihawak sa kanyang beywang. Pinasadahan niya ng tingin ang dalawang painting at isang satisfied smile ang bumadha sa kanyang mukha.And to be honest, she feel so satisfied right now. Natutuwa siyang makita ang kanyang painting na naka-display sa mga ganitong open space. Yung ibang mga painting niya kasi ay tinago niya dahil pinalitan niya ng mga larawan nila ng kanyang anak.“Oh, baka nagugutom ka, Nurse Tally. Gusto niyo po bang kumain? Magluluto ako ng para sa ‘yo,” ani Manang Josa.“Hindi na po, Manang.” Ngumiti siya rito. “Magluluto na rin ako ng hapunan ni Charles.”Napatango ito sa kanya. “Alam mo, Nurse Tally, bakit kaya hindi na lang mag-hire si Sir Charles ng cook? Hindi naman po gawain ng nurse ng ipagluto ang kanyang pasyente. Sa mga ginagawa mo sa hardin, maiintindihan ko naman ‘yon dahil alam kong na buboryo ka na rito. Ngunit ‘yung pagluluto… baka masyado ka na pong napapagod.”She smiled at that. Para talaga itong si Ma
“WHERE SHOULD we put this?” tanong niya habang hawak ang kanyang chin.Kakarating pa lang ng mga painting na ginawa nila ni Charles kanina sa may lake. And to be honest, they are so cute! Minimalist and expressive. And right now, she’s considering to hang this in the living room.But the question is… papayag kaya si Charles?“Ang gaganda ng mga painting,” puri ni Manang Josa. “Sino kaya ang gumawa nito? Napakagaling naman!”That brought a smile to her lips. She then pointed the canvas that was painted by Charles. “Charles painted that one.”“Ay, nako! Ang ganda!” Pumalakpak pa ito. “Hindi na rin naman nakakapagtaka kasi sa pagkakaalam ko ay mahilig daw talaga sa mga painting si Sir Charles.”“Talaga po?” Umangat ang kanyang kilay sa narinig. “Mahilig si Charles sa mga painting?”“Yon lang ang narinig ko, Nurse Tally.” Nagkibit balikat ito. “E itong isa? Ikaw ba ang may gawa nito?”Tally nodded her head and smiled. “Yes, Manang. Ako po.”Ngumiti ito sa kanya. “Ang ganda rin. Mukhang bi
“ALWAYS?”Kulang na lang talaga ay magkadugtong ang kanyang mga kilay dahil sa labis na pangungunot ng noo. Well, she couldn’t comprehend how this kind of painting is named “always.”But well, paniguradong mayroong rason si Charles kung bakit ‘yon ang kanyang napiling title ng painting.“Why always?” she asked. “Is it because of the gun?”“They lived in a different world, but his heart bounded to her… always.”Wala sa sarili siyang napatingin sa painting nito at napatango. He kinda have a point. Kasi kung i-a-analyze ang painting, parang isang pamilya na napupuno ng sekreto.The man is with a gun, while the woman is with a heart wrapped with thorn, maybe to represent pain and sadness. Hindi niya tuloy maiwasang mapangiti.Talagang malawak ang imahinasyon ni Charles, mukhang hindi lang pala sa kanya namana ni Caius ang pagiging artistic kasi meron din ang ama nito. And speaking of that kid, bigla siyang nakaramdam ng pagkaka-miss dito. Agad siyang napasimangot at humugot ng malalim na