LOGIN
Kiara's POV:
Hays, good morning world!... Bagyo na naman, ako ito? Kagigising ko pa Lang dito sa maliit na apartment na aking inuupahan 45mins away sa aking trabaho at ito na nga- wala pa rin kayakap sa malamig na panahon.. anak ng tokwa naman na buhay na to oh..Mag chat Kaya ako sa boss ko ng "sir, good morning, di po ako makakapasok kasi walang yumakap sakin kagabi nilagnat ako sa ginaw.."
Incoming call (Boss Sungit)
naku naman speaking of the devil....
Ahm, hello po boss, Good mor...
Boss L: I need you to be here 7am sharp, and prepare the files for Garuche' Corporation.
(call dropped)OH diba? No choice ako?
Btw, ako pala si Kiara 24y/o, single, NBSB (No boyfriend since birth), may 1 akong bunsong kapatid na pinapaaral,bread winner, Secretary ako ng isang ubod SUNGIT na CEO na si Mr. Lee Saavedra, paano ako magkaka jowa, pang 3rd year ko na sa company, buti pa ang boss ko papalit-palit ng girlfriend, ako ito waley.. pano utos dun utos dito. Nakakainis! Kung wala Lang talaga akong sinusuportahan na pamilya e....
hayyyyyyy....
tanong anong oras na ba? sheet na stickyness! mag 6am na!
.............................
SAAVEDRA GOLD and Diamond Production Company (SGDPC)Hay naku late ako ng 25 minutes yari talaga ako Kay boss sungit! Naku pooooo
“Kiara!!!! Ano nangyari sayo? bakit ganyan itsura mo? Bilisan mo umakyat ka na kanina ka pa hinahanap ni Sir L. Umuusok na ang ilong sa galit nun kanina pa...” Sabi ni Karen na naka assign dito sa front desk namin at the same time Isa sa kaibigan ko...
“Bakla!!! Ang tagal mo gurl! Ang beauty ko washness na Kay sir pogi! Kanina pa masungit gurl bat daw wala ka pa???? Ay dayyy ano yan itsura mo Para Kang basang chick dyan! Vamos gurl! Akyat na sa penthouse galore! Lahat kami ginigyera na ni boss pogi sa taas!” Sabi naman ni Adryan ang aming gurly (gay) na friend .. tatlo kaming magka-kaibigan si Karen na assigned sa front desk at si adryan na Isa sa mga senior designer ng gold and diamond namin dito sa company, at take note ang laki ng sahod nyang baklang yan Kaya sya ang taga Libre samin most of the time pag nagkakayayaan lumabas..
“Teka! Ikaw kaya tong lumusong sa baha at bagyuhin ng bongang bonga?! Ito na dadaretso na ako sa taas Maya na ako mag aayos. Nakakainis! Hay naku!” Kumuripas na ako ng takbo papunta sa elevator at nagmamadaling pinindot ang letter P sa flr Kung nasaan ang napaka Bait Kong boss.
Ano ba qualities nitong amo ko at nabubulag lahat sa ka-gwapuhan nya?? Kung Alam Lang nila gaano kalupit to sakin. Ni hindi ako makapag love life gawa ng ang higpit nya sa oras ko every penny talaga sa kanya counts. Sulit na sulit ang bayad nya sa akin. Talagang kelangan lahat ng bagay on time. Pag na late ako kahit 10minutes sermon ang aabutin ko, kesyo di daw sya nagbabayad Para sa mga tamad na katulad ko.
(flr. P) PENTHOUSE
Pag dating ko ng Penthouse kung saan ang opisina ng dragon kong boss ay ibinaba ko muna ang bag na dala ko dito Lang sa table ko sa labas ng pinto ni boss L bago ako kumatok sa kanya
Kumatok ako ng dalawang beses. (Isa ito sa bilin nya dapat dalawang katok Lang wag lalagpas dun Kung ayaw mo mabungangaan ng bongang bonga)
“Come In!”
“Ahm sir, good mor..”
“What's good in the morning ms. KIARA? You're fucking 30 minutes late! Ilan beses ko na ba sinabi sayong di ako nag babayad Para sa mga tamad na katulad mo! And look at you! you're dripping and making mess on my office! Go out and fix yourself! Get Garuche's file NOW!” inis na sabi ni Boss L.
“Okay sir. I'm sorry po.” Naka-pout na sagot ko.
“OUT!” Sigaw ng dragon.
Nakakanginig ng katawan, nangigigil ako pero wala ako magawa.. Oh diba yan talaga lagi nya sinasabi di sya nagbabayad sa isang tamad na katulad ko... Kiara kelangan mo tong trabaho na to, tuition f*e pa ng kapatid mo Ngayon katapusan, kelangan mo pa magpadala sa kanila Para sa gamot din ng nanay mo at pang gastos nila. Laban Lang self! Naiiyak na Sabi ko sa sarili ko at kinuha ko na ang paper bag na dala ko pamalit, kasi talagang basa naman ako takbuhin ko ba naman ang bagyo kahit payong ko bumigay sa lakas ng hangin e.. Hay buhay, parang life Sabi ko na lang sa sarili ko habang papunta sa private restroom namin dito sa office namin ni Boss L.
Intercom Ringing...
“Yes po boss L?” Sagot ko sa intercom
“Where's the fucking file?!” Sigaw ng dragon.
(call dropped)
Hay juzko nasaan na ang file? lechugas na file na yan! magka boss ka ba naman ng palaging may regla! Palibhasa masyonda na wala pang asawa, kaya yan tuloy ubod ng sungit!
Kumatok ako ng dalawang beses muli sa opisina ni Boss L at binuksan ko ng dahan dahan ang pinto
“Boss, here's the file.”
“ahm, you want coffee?”
“Are you serious? You're my secretary for 3 fucking years and you're 30 minutes late for Pete's sake and still you are asking on what's extremely obvious?! Get out!”
“I'm sorry sir. I'll make you a coffee, excuse me po.” Sabay labas ko ng pinto.
Habang nagawa ako ng kape di ko napigilan may pumatak na luha sa Mata ko. Sobra naman kasi, kadarating ko pa Lang tapos ganto salubong sakin. Ang hirap kaya mag commute palibhasa kasi may sariling sasakyan at Mayaman Kaya di nya Alam Kung gaano kahirap mag commute lalo'y ganitong may bagyo.
Pinunasan ko na muna ang luha ko bago kumatok ulit at pumasok sa opisina ni boss L.
“Here's your coffee boss. Is there anything else you need po?”
Tiningnan ako ng matalim ni mr. L
“Did you cry?”
“Ahm no po boss L. Na-puwing po”
“There's no speck of dust in here that can hurt your eyes kiara. You cried.”
“Paano naman po kasi di naman ako isda Para pag dating dito makinang at maganda pa din tingnan, halos languyin ko lugar namin papunta dito sa opisina. Na-late Lang po ako ng 30 minutes tapos ganyan na pinag- sasabi nyo sa akin. Hindi naman po ako DE-kotse na katulad nyo. Simpleng Tao Lang po ako boss L!” Emosyonal na sabi ko sa aking boss.
Natulalang naka tingin habang tikom ang bibig sakin si boss L.
“Ah sorry sir, nadala Lang po, kasi may problema din sa amin sa probinsya- bagyo din kasi wala sila maani dun. Pasensya na po nailabas ko ang sama ng loob ko po. Labas po muna ako tawagin nyo na lang po ako pag may kelangan po kayo..”
Boss SUNGIT (text message)
You may get your salary in advance, I already notified the accounting department.
Luhhhh nanlaki Mata ko sa nabasa ko! Seryoso ba to? Sosyal! Teka mareplyan nga
Po? SIR? Sigurado po ba kayo???? (sent)
You don't want it? I'll tell them to cancel. (Boss SUNGIT)
Luh?! Sir joke Lang po. I really really want it po! Hehe thank you po boss L! (sent)
Wala na ako natangap na reply Kay boss L. Hay napaka cold talaga... Grabe nga...
Ang features kasi ni Kile, may hawig kay Kent at Boss L... Nahahati ang itsura ng anak ko sa kanilang dalawa kaya mahirap na at baka mamaya makita iyon ni Boss L sa telebisyon at mag hinala. Nag aalalang isip ko.Habang masayang nakikipag laro sila Adryan kay Kile ay siya namang tawag ni Kent sa akin na mabilis ko naman sinagot.“How’s Kile?” Bungad na tanong ni Kent sa akin.“Ito, kalaro nila Adryan at Karen...” balita ko sa binata.“Kung wala kang pag iiwanan kay Kile bukas, dadaanan ko na lang siya dyan...” Mungkahi ni Kent.Alam kasi nito na namomroblema ako sa pag iiwanan ko kay Kile sa tuwing may trabaho kaming aasikasuhin ni DJ.“No No No! Kami na ang bahala Dokie!” Maagap na sagot ni Adryan habang kalaro nito si Kile.“Ah talaga ba?” Paniniguro ni Kent na tanong sa akin.“Oo... Pinakiusapan ko sila na bantayan si Kile bukas... Tutal, wala naman silang pasok.” Imporma ko kay Kent.“Sige... Natawagan mo na sila Mommy?” Tanong muli sa akin nito.“Opo.. Kanina pa... Pag lapag nami
“I’m Ninang Ka...” Singit naman ni Karen na hinawakan ang pisngi ng bata.“Say Hi to them, anak...” Utos ko kay Kile na kaagad naman nitong sinunod.“Hello pretty ladies!” Matatas na sabi ni Kile sa mga ito sabay ngiti.“Ay juzme! Ang pogi! What toys do you like baby? I will buy you!” Kaagad na sabi ni Adryan sa bata.“Yes! What toy?” Segunda ni Karen.Nag kibot balikat lang ang anak ko at saka niyakap nito ang dalawa na ikinagulat ko. Kasi kusang loob ang pag yakap nito sa mga Ninang niya at walang sino man ang sa amin ang nag utos.“Ano ba yan Kia! Bakit ngayon mo lang sa amin personal na ipinakita itong inaanak namin?! Nakakainis ka!” Sumbat sa akin ni Adryan na mangiyak ngiyak habang mahigpit na yakap pa din silang dalawa ni Karen ng anak ko.“Oo nga! Ang damot mo Kia!” Segunda na naman ni Karen kay Adryan na para bang nagkakasundo ang dalawa ngayon sa panunumbat sa akin.“Bakit parang kasalanan ko? Eh di sana pinuntahan niyo kami sa Amerika gayong gusto niyo palang makita yang po
Tinitigan ko si Kile, nalilito pa din ako sa damdamin ko para kay Dylan... Ayaw kong gamitin lamang itong panakip butas... Mabait ang binata at ayaw ko pag samantalahan ang kabaitan na ipinapakita nito sa amin mag ina.SUMAPIT ang gabi...Alas siyete ng gabi ng tumawag sa akin ang dalawa kong kaibigan at nag sabing nasa lobby na sila ng hotel. Ibinigay ko ang room number namin ni Kile at hinintay ang mga ito.Wala pang sampung minuto ay may nag doorbell na sa silid namin. Kasama namin si Dylan ngayon sa dining area at kasalukuyan silang nag lalaro ni Kile ng blocks... Kinulit nito si DJ na makipag laro sa kanya at tulungan siyang buuin ang blocks niya.Pumunta ako sa pinto at pinag buksan ko sila Karen at Adryan. Alam namin na sila na iyon dahil itinawag din sa akin dito sa room na paakyat na ang dalawa.“Kia!” Magkasabay na tili ng dalawa at saka yakap sa akin.Nagtata- talon kaming parang mga bata habang magkaka hawak ang kamay pag pasok ng mga ito sa loob ng silid.“Sheett! Ang gan
“Oo nga... Oh ano? Free ba kayo mamaya? Daanan niyo kami ni Kile at Dylan dito sa hotel...” Pag lalambing ko sa mga ito.“Mag undertime na tayo bakz!” Sabi ni Karen kay Adryan.“Sows! As if naman na payagan ka? Lalo at busy ngayon ang kumpanya!” Basag kagad ni Adryan sa plano ni Karen.“Hmp! Kainis ka! Pinaalala mo pa... Sige na nga! Mamayang gabi na lang pag out natin.” Napipilitan na sagot ni Karen.“Nandito lang naman kami... Hindi kami lalabas... Mahaba din kasi ang biyahe kaya maige nang mag pahinga na muna si Kile... At isa pa, may playroom naman itong hotel kaya baka dun ko na lang muna siya dalhin para malibang mamaya.” Sabi ko sa mga ito.“Nasaan ka ngayon?” Tanong ni Adryan.“Ito kakain pa lang kami ng lunch... Naka idlip kami pag dating kasi...” Sagot ko sa mga ito.Inikot ko ang camera at saka itinutok iyon kay Kile na nasa tabi ni Dylan kaya hindi maiwasan na madaplisan ng camera ang lalaki at makita nila ito.“Ay wow! Happy family! Go team ‘DYKIA’!” Kinikilig na pag chi-
“Bahala na... Busog pa naman kami...” Sagot ko sa binata.“Alright. Just let me know, okay? I will also come here later for dinner.” Sabi pa nito.“Opo... Thanks DJ!” Paalam ko dito ng maglakad na ito palabas ng silid namin ni Kile.Nginitian lamang ako nito at hindi na ako sinagot pa. Dahan dahan nitong isinara ang pinto ng aming kwarto at iniwasan na makagawa ng ingay pag labas nito upang hindi magising si Kile.Maaga ang dating namin ni Dylan sa Pilipinas kaya libre ang oras namin maghapon ngayong araw.Plano kong tawagan ang mga kaibigan ko mamaya kapag nakapag pahinga na ako upang makipag kita sa mga ito. Gusto ko na din nila makilala ang inaanak nila sa akin. Napangiting isip ko. Mahimbing na nakatulog ako dahil sa matinding pagod na din sa mahabang biyahe.AFTER lunch na ng magising ako. Ginising ako ng makulit na bata na nasa tabi ko. Hinahalik halikan ako nito sa aking pisngi at labi.“Hi my baby! Already awake hmm? Mag brush muna ng teeth si Mommy...” Sabi ko dito at saka
DUMATING ang araw ng flight namin pauwi ng Pilipinas.Si Dylan, ako at Kile kasama ang ilang bodyguards ng binata ang ba-biyahe pa Maynila.Kung titingnan ang itsura namin ngayon, ay para kaming isang masayang pamilya. Karga ni Dylan si Kile at malapit ang bata sa binata. Kung tawagin nga ito ng Bata ay ‘Dada’. Ilang beses ko na kino-correct si Kile pero may katigasan talaga ng ulo itong bata. Kung ano ang gusto nya ay yun ang nasusunod. Napapailing na isip ko habang naka titig ako sa dalawa na masayang naglalaro ng rock, paper, scissors game.Kasalukuyan na kaming nasa boarding gate ng eroplanong sasakyan namin. Ng lapitan na kami ng crew at papasukin na sa loob.Nagulat ako ng pag pasok sa pinag dalhan para sa amin sa upper deck ng eroplano ay bumungad ang isang malaking private suite room na may tatlong silid at sariling sala na akala mo ay nasa mamahaling hotel ka talaga.Hinatid Kami ni DJ sa silid namin na labis ko ikinamangha dahil may sariling shower room ito at full size bed
Kiara’s POV:‘Hay salamat!’ Bulong ko sa sarili ko nang makarating na kami floor ng aming opisina, ramdam ko ang pagod sa golf course kanina dahil na din siguro sa init ng lugar o baka dahil sa kakulitan ni Sir Michael kanina at kagaspangan ng ugali na ipinakita ng mabait kong Boss na nireregla- NA
8:00 PMTulalang tinitingnan ko ang repleksyon ko sa salamin habang hinihintay ang pag dating nila adryan. “Hmm, okay na siguro to.” Sabi ko sa sarili ko, naka polo shirt ako na hangang siko ang sleeves at naka pantalon na itim habang ang sapatos naman ay kulay itim na heels na ipinapamasok ko.Na
“Ah eh, n-nagulat lang po ako Sir. Pasensya na po.” Hingi ko ng paumanhin dito.“Unless you allow me to you know... Do it, I’ll be willing to...” Nakangiting baling ulit nito sa akin sabay kindat at saka pina andar na ang sasakyan.Para akong hihimatayin ngayon sa sobrang kaba at pagkapa hiya sa na
Hindi ko malaman kung ano ang isasagot ko kay Sir Michael. Nahihiya ako dahil para akong nasa hot seat ngayon na inaabangan ang isasagot ko sa tanong nito.“Good morning! How’s everyone? I’m sorry for being late, na flat ang gulong ng kotseng gamit ko... So, let’s start?”. Bati ng matandang Garuche







