Share

Chapter 8: The Bullies

Penulis: GreenLime8
last update Terakhir Diperbarui: 2025-11-15 15:50:56

PUMITO ang coach ng kabilang grade level, hudyat na magsisimula na ang warm-up bago ang mismong dodgeball game. Maingay ang gym, may mga naghahagikgikan, may nagtatakbuhan, at may ilang nagpapakitang-gilas para lang mapansin ng crush nila.

Si Arisielle, tahimik lang. Nasa gilid kasama sina Bella at mga classmate nila habang nag-i-stretch.

Pero sa kabilang dulo… nag-uusap na sina Agatha, Missy, at Portia.

“Girl, kailangan matuto siyang hindi sumisingit sa spotlight,” bulong ni Agatha.

“Sobrang kapal ng mukha to overshadow you,” dagdag ni Missy.

“Eh di konting push lang sa laro,” sabay ngisi ni Portia.

Hindi nila alam na naririnig sila ni Rico sa gilid. Napatigil ang binata, pero bago pa man siya makareact, pumito ulit ang coach nila.

“FORM TWO TEAMS! GO!”

Sabay-sabay nagsipulasan ang students. Nagkagulo sa gitna, naghanapan ng teammates. Si Knife, lumingon agad kay Arisielle pero naramdaman niyang may humarang sa kanya—

Si Agatha ulit.

“Knife, here! Same team tayo.”

Hindi siya kumibo. Hindi rin siya tumanggi. Pero ang mga mata niya ay nasa kabilang side, kung saan naroon si Arisielle.

Nagstart ang game. Dalawang bola ang nakalatag. Energetic ang lahat. At nag sisigawan, nag tatakbuhan, at umiiwas sa bola.

Si Arisielle, mabilis naman tumakbo — magaan ang paa, maliksi, pero laging nininerbiyos kapag lumalapit si Agatha at ang mga minions.

“Bantayan niyo si replacement girl,” utos ni Agatha kina Missy at Portia.

“Copy,” sagot ng dalawa, sabay ngising aso.

Ang una, dahil narinig ni Rico ang balak nila ay, siya ang sumasalo ng bola na para kay Arisielle sana. Tumango, naman si Knife kay Rico na parang nagpapasalamat ito sa ginagawa ni Rico na pag salba kay Arisielle.

At doon na nga nalito si Rico dahil nahalata rin ng grupo nila Agatha ang ginagawang pagligtas ni Rico kay Arisielle.

Isang bola mula sa kabilang team ang tumama sa sahig, tumalbog ito pataas.

Hindi iyon para kay Arisielle.

Pero—

Tinulak siya ni Portia.

At kasabay noon—

Pinatid siya ni Missy.

“Oops, sorry!” tili ni Missy na obviously fake 'yon.

Hindi nakabawi si Arisielle sa lakas ng tulak.

Nag-slide ang paa niya sa sahig—nawalan siya ng balanse— saka bumagsak siya diretso sa mismong nakalayong bola.

BLAAG!

Tumama ang tuhod niya nang malakas sa sahig. Maging ang siko niya ginamit niya na pang tukod para hindi siya magasgasan sa mukha. Kasabay noon, may mahinahong hapdi sa may bukong-bukong niya.

“A–aray…” napasinghap niya.

“OH MY GOD ARISIELLE!” sigaw ni Bella, agad lumapit.

Nasa malayo man, napatigil si Katana sa paglalaro at umalis siya sa kanyang team, tumakbo siya patungo sa kapatid niya na si Arisielle. "Hey, sis. What happened?" Nag- aalalang tanong niya at hinihingal pa siya galing sa pagtakbo.

Si Portia, kunwari shocked.

Si Missy, takot-takot kuno.

At si Agatha… nakangiti habang nakatalikod.

Ang coach agad ang lumapit.

“Who pushed her?!” sigaw nito.

Nagkatinginan ang magkakaibigan. Walang umamin.

Pero bago pa sumagot ang kahit sino— napatigil ang lahat nang lumapit sa kanya ang kanyang kuya.

Si Knife.

Sumukot siya ng upo para tingnan ang kapatid.

“Can you stand?” mahina niyang tanong, pero halatang pinipigil ang galit dahil alam niya kung sino ang may kagagawan nito.

Umiling si Arisielle, napakagat-labi, halos maiyak. “I—I think nabali ‘yung ankle ko…”

“Okay. Huwag kang gagalaw.” Nakaluhod na si Knife, tinanggal ang sapatos niya ng dahan-dahan, bumungad sa lahat ang pamamaga ng ankle ni Arisielle.

"Oh god!" Napatakip si Katana sa nakitang pamamaga nito at namumula na.

Lalo siyang nanginig. Hindi dahil sa sakit — kundi dahil si Knife mismo ang humahawak sa paa niya, mahinahon pero ang mga sulyap nito sa kanya ay may dalang kaba sa puso niya.

“Ku… kay Coach na lang—” Alangan siya na tawagin niyang kuya si Knife.

“No.” Matigas ang boses nito. “I’m taking you to the clinic. Now.”

Tinignan niya ang coach. “Sir, excuse us.”

“At—at syempre, go ahead,” sagot ng Coach na natataranta.

Kinuha ni Katana ang shoes ni Arisielle, itinabi iyon. Alam naman ni Katana na hindi pababayaan ng Kuya Knife nila kaya bumalik na siya sa grade level niya na mga ka team. Pero ang tingin niya ay naroon sa mga kapatid niya at nag-aalala.

Umikot si Knife sa kanya at pinapasakay na siya sa likod nito.

“Kuy—Knife! Ang daming nakatingin—”

“Let them,” sagot niya, mababa ang boses. “Wala akong pake. And yes, call me Kuya. Sumakay ka na lang.”

Walang nakagawa si Arisielle, hindi naman kasi niya kayang maglakad at medyo malayo ang clinic.

Inalalayan siya ni Rico at Bella na sumakay sa likod ni Knife.

Habang dadaan sila sa gitna, walang umiimik. Lahat nakatingin sa kanila.

Si Agatha, halos hindi maipinta ang mukha. Hindi niya inaasahan ang eksena. Dapat pala siya na lang ang nag padapa para piggy back siya ngayon ni Knife.

Si Portia at Missy, nagkatinginan, halatang kinakabahan sa galit na matatanggap nila kay Agatha.

Si Bella, nakatingin ng masama sa tatlong babae.

Si Rico, nakataas ang kilay kay Agatha at nangingiti dito na para bang inaasar lalo si Agatha.

Si Ken, nag-aadjust na ng glasses. “That’s… a lawsuit waiting to happen.”

Paglabas nila sa court, dahan-dahang ibinaba ni Knife ang boses. Mabagal at maingat ang mga lakad nito.

“Don’t cry,” sabi niya, nung napansin niyang napasinghot si Arisielle. Ramdam rin niya ang tibok ng puso nito mula sa likod niya at mabilis ito.

“I’m not,” sagot nito—kahit halatang nagsisinungaling.

“Hm.” Napalingon si Knife sa kanya, seryoso ang mga tingin nito at halos ilang dangkal na lang ang lapit ng mga mukha nila. Nanginginig na umiwas si Arisielle at tumingin sa ibang direksyon. “Tears don’t look good on you.”

Biglang umiinit ang mukha ni Arisielle.

“Mas maganda ka kapag nakangiti,” dagdag niya, pero may konting lambing. "Cute.”

“Stop saying things like that,” bulong niya. “Baka kung ano isipin ko.”

“And what’s wrong if you think something?” nagtama muli ang mga mata nila, mas malapit. “You’re mine to worry about.”

Halos maglapat na sana ang mga labi nila— Pero nagsalita bigla si Arisielle.

"Hindi kita maintindihan, Kuya. Minsan ang bait mo, tapos biglang ang harsh mo sa akin."

Inayos siya ng pagkakakarga ni Knife sa likod nito. Ramdam bigla ni Arisielle na humaplos ang kamay ng kuya niya sa dalawang hita niya— mabilis lang at pinalupot muli ang braso niya dito.

"Ayaw ko kasi ng mabigat." Hindi naman iyon ang dapat isasagot niya pero ito ang lumabas sa bibig niya.

"Mabigat pala ako, ibaba mo na lang kaya ako kung nabibigatan ka."

"No, hindi iyon ang gusto kong sabihin." Napapikit si Knife. Gusto niyang pigilan ang sarili.

"Ayaw kong maging kapatid ka." Patuloy nito at mali nanaman ang lumabas sa bibig niya.

"If you don't like me as your sister, okay lang. Tama naman kasi ang lahat, replacement lang ako." Malungkot na wika ni Arisielle.

Hindi na nagsalita si Knife. Ayaw niyang pakinggan si Arisielle, hindi naman talaga dapat maramdaman ito ni Knife at mali ito pero napukaw ni Arisielle ang interes niya. Humahanga kasi siya sa mga babaeng matatalino. Kita naman, hindi lang matalino ito, maganda rin.

Ilang minuto rin na nakapag-usap sila ni Arisielle, sinadya niya talagang pabagalin ang lakad niya para magkausap sila. Pero medyo nainis siya nang makita ang karatula sa pinto. 'Infirmary'.

At humakbang siya papunta sa infirmary, buhat pa rin si Arisielle, parang ayaw niya itong bitawan kahit sandali pa.

Sinalubong sila ni nurse Collete. "Anong nangyari sa'yo?"

"Na sprain po ang ankle sa P.E. class." untag ni Knife.

"Ilapag mo siya dito." Utos ni nurse Collete at tinuro ang bakanteng kama.

"Cold compress mo 'yang parte na namamaga. Huwag mo ipapahilot 'yan huh? May allergy ka ba sa gamot?" Tanong ng nurse at nagbigay ng cold pack.

"Wala po." Iling ni Arisielle.

"Oh ito inumin mo na yan." Binigyan siya ng Ibuprofen.

Umalis lang saglit ang nurse dahil meron pang isang patient na student na dumadaing naman ng sakit ng tiyan. Lumipat ito sa kabilang kama naman. Hinila na ng nurse ang kurtina na nagsisilbing takip at divider ng mga bed.

Tahimik lang si Knife habang pinapadampi ang cold compress sa namamagang ankle ni Arisielle. Puno ng lamig ang pack, pero mas malamig ang expression ni Knife—yung tipong hindi mo alam kung galit ba siya o worried.

Pero sa loob, halatang kinakabahan siya.

“Masakit pa?” tanong niyang mababa ang boses.

“Hmm… hindi na,” sagot ni Arisielle, napakalamya.

Inangat ni Knife ang tingin niya sa dalaghita.

“Liar.” Pumikit siya saglit, halatang pinipigilan ang sarili. “You were shaking kanina.”

“Hindi ako—”

“Arisielle.” Tawag ni Knife sa pangalan niya pero parang nakuryente siya. Mababa. May inis sa boses. At may halong pag-aalaga.

Tumingin si Arisielle sa iba—sa kisame, sa dingding, kahit saan—para lang hindi tumama ang mata niya kay Knife.

Pero si Knife, hindi natitinag.

Hinawakan niya ang paa ni Arisielle ng maingat, parang may inalalayan na pinaka iingatan. Pinisil niya ng marahan ang gilid ng ankle nito para i-check ang sensitivity.

Napasinghap at napa daing si Arisielle. “Ah—aray…”

Agad siyang tumigil si Knife.

“Sorry.” Mahinang paumanhin nito. Hindi yung typical cold Knife, kung hindi isang bukal sa loob ang pagapapaumanhin at may laman.

Sinuklay niya ang bangs niya gamit ang daliri, halatang frustrated sa sarili. “I shouldn’t have let you stay near them.”

“Kuya—”

“You’re not calling me that right now.” Diretsong sabi niya at ang boses ay may awtoridad.

Napakislot ang puso ni Arisielle.

“Tawagin mo kong KB. Mas… tama yun.”

Medyo nadulas si Knife, pero hindi niya binalik ang sinabi.

Nagtagpo ang mata nila.

Parang napigtas ang mga hangin na nilalabas nila. Dahil sa tension na kailangan pigilan. Kailangan ngayon pa lang maagapan.

Mababa ang boses ni Knife nang magsalita ulit, halos pabulong:

“You’re not heavy. You’re not a burden. And you’re definitely not a replacement.”

Lalong bumilis ang tibok ng puso ni Arisielle.

Nilingon niya sa ibang direksyon para mawala ang tensyon.

Pero sa gilid ng mata niya, nakita niyang nakayuko si Knife habang hawak pa rin ang paa niya. Mahigpit ang hawak niya sa cold pack—parang nilalabanan niya ang sarili.

“Kuya KB… bakit ka ganyan sa akin? Nalilito na ako.”

Hindi agad sumagot si Knife.

Pero nang tumingin siya sa babaeng hinahangaan, wala ni isa ang makakahula kung ano nga ba ang nasa loob ni Knife. Walang ekspresyon kasi ang mukha nito.

“Because I don’t know what to do with you,” bulong niya.

Tunikhim si Arisielle. Hindi talaga siya makatingin sa kuya KB niya.

“You make me…” umiling siya, parang ayaw nang ituloy, “…you make me different.”

Bago pa man siya makasagot, bumukas bigla ang kurtina.

“O, ayan,” sabi ni Nurse Colette, “i-elevate natin ang paa mo ha? Para bumaba ang swelling.”

Nagulat silang dalawa.

Mabilis na inangat ni Knife ang kamay niya, parang nahuli sa isang bagay na hindi dapat.

Pero bago pa matakpan ng nurse ang curtain—

Nagtama ulit ang mata nila. At dun, sa isang segundo lang na iyon— ramdam ni Arisielle na hindi niya nai-iimagine lang ang lahat.

His Kuya KB really cared.

More than he should.

More than he admitted.

At mas delikado iyon kaysa sprain.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • My Possessive Stepbrother (Euphoria Series)   Chapter 15: The First LQ

    ARISIELLE will turn eighteen anytime soon. Hindi siya humiling ng debut party. Kahit gustong- gusto ni mommy Catherina niya na ipagparty siya. Hiling lang ni Arisielle ay simpleng party. Busy na rin kasi siya na mag- work sa isang cafe na ang may- ari ay parents ni Ken. Kahit hindi pa siya eighteen ay tinanggap siya doon na mag part- time work for the entire summer lang naman. Kasama naman sina Ken, Bella at Rico kaya hindi ganoon kahirap ang trabaho. Saka nag-eenjoy siya dahil kasama niya ang mga kaklase niya. Gusto rin sana ni Katana pero hindi siya pinayagan ng daddy nila maging sila kuya Kris and Krig niya. Inilapag ni Arisielle ang classic tiramisu cake at black hot coffee sa may mesa kung nasaan nakaupo si Knife habang nagbabasa ng libro at sa kabilang kamay niya ay may rubik's cube na iniikot-ikot niya lang at kahit hindi nakatingin at nabubuo rin agad ito. "Binabantayan mo ba ako kuya?" Tanong ni Arisielle. Dahan- dahang umangat

  • My Possessive Stepbrother (Euphoria Series)   Chapter 14: The Huangcho Siblings Chaos

    PARANG naging normal muli sa pamilyang Huangcho dahil kumpleto na ang mga kapatid na lalaki ni Katana. May mga tawanan at kulitan muli at kaunting bangayan sa pagitan nina Katana at Kunai na nasanay na ang lahat sa bangayan at kulitan ng dalawa. Masaya ang magasawang Don Arsenio at Doña Catherina Huangcho na nakikita ang mga anak na kumpleto."Mabuti at nakauwi kayong dalawa, Kris and Krig. How's Manila? Nakapag- adjust ba kayo kaagad sa mga University na napili niyo?" Tanong ng ilaw ng tahanan na si Doña Catherina.Si Kris ang sumagot pagtapos hawiin ang bangs na bahagyang tumabing sa mata niya. "Ayos naman mom, masaya po. Pero mas masaya si Krig, dahil oras pa lang tinatagal namin sa campus ay nagpaiyak agad ng babae." Nakangisi at bahagyang siniko ang kapatid saka tumango ng may panunukso.Umiling si Krig at kumuha ng garlic stick sa plato niya. "No mom, not true. Pero totoo ang fact na ako ang pinakaguwapo sa Huangcho brothers." Swabeng sagot nito saka kumagat ng garlic breadstic

  • My Possessive Stepbrother (Euphoria Series)   Chapter 13: The Line We Can't Cross

    NAGTUNGO sa gawi nila si Agatha. Taas- noong nakatingin sa kanila ng masama at parang siya ang tunay na reyna ng Foundation Day. Sa likod niya, naroon nakaabang ang mga minions niya na sina Missy at Portia. Nagbubulungan na ang ibang students na nakasaksi ng halik. Hindi lahat malinaw ang nakita, pero sapat na ang ingay para may umalingawngaw na tsismis. Si Arisielle, namutla. Parang naipit sa gitna ng dalawang mundo na hindi dapat nagtatagpo. “Isasakripisyo mo talaga ang pangalan mo at ang Huangcho para lang sa babaeng ito?” Walang preno nitong sabi. Sapat na iparating na isang eskandalo ang inuumpisahang silaban. Hindi agad sumagot si Knife.Pero ang panga niya ay umigting. Ang kamay niyang kanina ay nakahawak pa sa braso ni Arisielle, ay binaba niya at unti-unting kumuyom. Si Agatha, mas lalo pang ngumisi. “See? You can’t even deny it properly. Alam ko knife… you want her. Halata sa paraan mong tumingin. Halata sa paraan mong—” “Agatha.” Mababa ang boses ni Knife. Malamig n

  • My Possessive Stepbrother (Euphoria Series)   Chapter 12: Remind Me To Stop

    KAHIT anong pilit niyang ipinaalala sa sarili kung ano ang tama, isang bagay ang hindi niya kayang itanggi: Na habang nakatingin si Knife sa kanya, parang buong mundo naglalagablab. At siya lang ang tanging taong gusto nitong iligtas mula sa apoy. Dahan-dahang humakbang paatras si Arisielle at para buoin muli ang pagitan sa kanila, bitbit pa rin ang panda plushie, pilit pinapakalma ang sarili. Pero hindi umiwas si Knife. Hindi rin siya umatras. Nakatayo lang siya sa dating pwesto. Ang mga balikat ay tense, his jaw clenched, at ang mga kamay na parang ayaw bitawan ang hangin na iniwan ni Arisielle. “Arisielle…” tawag niya, mababa, halos punit ang boses. “Sabihin mo sa’kin. Do you want me to stay away?” Nanigas si Arisielle sa kinatatayuan niya. Hindi siya agad nakakibo. Para siyang nalunod sa dalawang mata ng kuya KB niya... ang mga mata na parang may hawak na bagyo. Hi

  • My Possessive Stepbrother (Euphoria Series)   Chapter 11: Bawal na Hindi Kayang Bitawan

    PARANG may sumabog na dinamita sa dibdib ni Arisielle.Nakatayo lang siya roon at napayakap siya sa ng mahigpit sa panda plushie, nakapako ang tingin sa kuya KB niya… na hinahalikan ni Agatha. Hindi mabilis. Hindi rin mabagal. Pero sapat para bumiyak ang puso niya.Hindi siya makahinga.Hindi siya makagalaw.Hindi niya alam kung bakit pero parang biglang lumiliit ang paligid. Naririnig niya ang tawa ng mga estudyante sa paligid, naririnig niya ang mga sigawan sa booths, may nag- video pa gamit ang camrecorder na para i-upload sa social media. Parang nasa ilalim siya ng tubig na handa nang malunod.At ang pinaka-masakit?Hindi man lang umatras ang kuya KB niya. At hindi rin gumanti ito ng halik kay Agatha. Nakatayo lang ito na parang nag-freeze pero hindi niya itinulak ang babae.At iyon ang napagtanto ni Arisielle. Para siyang sinapak ng realidad. So, ganito pala ang feeling… kapag wala kang karapatan magselos.

  • My Possessive Stepbrother (Euphoria Series)   Chapter 10: The Kiss That Wasn't Ours

    GUSTONG manatili ni Knife sa ganoon posisyon. Ayaw niyang pakawalan si Arisielle, ang kaso baka makahalata na ang mga kapatid nila, kaya pumasok na sila. Doon ay nakita ni Arisielle ang iba pa niyang mga kaibigan.Sina Rico, Ken and Bella. Mga kasama nila sa Student Bureau Club. "Ano ba 'yan, Rico. Asintahin mo naman duleng ka yata eh. Iyan ba ang lumalaban sa pistol firing club?" Reklamo ni Katana kay Rico habang sinusubukan barilin ng air gun pellete ang pato na laruan para makakuha siya ng stuffed animal panda para sana kay Katana."Hindi ako duleng! Natamaan ko nga yung tatlo. Dalawa na lang makukuha ko na yung stuffed animal na gusto mo." Medyo may pagsusungit kay Katana dahil nag- ko- concentrate siya."Kuya Knife... Ikaw na nga lang kumuha ng plushie na gusto ko. Wala kasi tong kwenta si Rico.""Asintahin mo kasi muna Rico bago mo i- release nagsasayang ka ng pellete eh." Payo ni Ken sa kanya."Edi ikaw na dito." May inis sa tono ng boses ni Rico. "Akin na." "Hey!" Iniwas ni

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status