مشاركة

5: I hate you, Kieran

مؤلف: RGA.Write
last update تاريخ النشر: 2026-09-22 12:57:46

“You have to pay for what you did to Penelope,” malamig na sabi ni Dad, walang kahit anong bakas ng awa sa mukha niya. Tinitigan niya ako na para bang isa akong estrangherong basta na lang nakatayo sa harap niya, hindi ang anak na sinasabing ilang taon niyang hinanap. Pagkatapos, itinaas niya ang boses niya patungo sa p***o. “Someone, come in!”

Bumukas ang p***o, dalawang lalaki ang pumasok sa silid.

Nakilala ko agad ang dalawa. Mga tauhan sila ni Kieran na inatasan nitong magbantay at magprotekta kay Penelope. Ilang beses ko na silang nakita noon kapag sumasama sila kay Kieran sa mga meetings o naghihintay sa labas ng office nito.

Pareho silang malalaki ang pangangatawan at matitikas, at sa tuwing naroon sila, parang kusang lumiliit ang paligid dahil sa intimidating nilang presensya habang papalapit sila sa akin.

Bahagyang yumuko ang isa sa kanila bilang respeto sa aking ama. “Mr. Garcia.”

“Take her away,” utos ni Dad nang walang kahit anong pag-aalinlangan. Nanatiling malamig at walang awa ang mga mata niya habang nakatitig sa akin. “She hurt Penelope. And let Kieran know what happened.”

“Yes, Mr. Garcia.”

Nanlaki ang mga mata ko.

“What?”

Hindi ko pa man lubusang napoproseso ang nangyayari, agad na akong hinawakan sa isang braso ng isa sa kanila habang ang isa naman ay humawak sa kabilang braso ko.

“Wait!” Pilit akong kumawala, biglang sumiklab ang panic sa dibdib ko. “What are you doing? Let me go!”

Halos hindi man lang sila natinag sa paglaban ko.

“Let me go!” sigaw ko ulit habang pilit kong iniikot ang katawan ko at hinahatak ang mga braso ko palayo sa kanilang pagkakahawak. “I didn’t do anything wrong!”

Pero walang nakinig sa akin.

Mas malalaki at mas malalakas sila kaysa sa akin. Halos wala akong magawa sa pagitan nilang dalawa, lalo na ang makawala. Sa bawat pagpilit kong kumawala, lalo lamang humihigpit ang pagkakahawak nila sa mga braso ko.

“Please!” umiiyak kong pakiusap habang humaharap kina Mommy at Dad. “Dad, Mom, please listen to me!”

Pero walang gumalaw sa kanila.

Wala man lang nagtanggol sa akin.

Sa halip, biglang lumapit si Penelope.

“Dad, please calm down.” Nanginginig ang boses niya, at napuno ng luha ang mga mata niya habang nakatingin sa akin na para bang nag-aalala siya. “She’s still your daughter. She’s part of our family.”

Sa isang maikling segundo, muntik na akong maniwala sa kanya. Pero nakita ko ang bahagyang pagkakakurba ng gilid ng mga labi niya.

Napakabilis nitong nawala na inakala kong imahinasyon lang iyon, pero sa puntong iyon, sapat na ang lahat para maintindihan ko kung ano ang ginagawa niya.

Hindi niya ako sinusubukang iligtas.

Ginagawa lang niyang magmukha siyang inosente.

Lalong tumigas ang expression ni Dad.

“Take her away!” sigaw niya. “I have only one daughter, and that’s Penelope.”

Tuluyang nanigas ang buong katawan ko. Mas masakit pa sa anumang sampal ang mga salitang iyon.

Nakatitig lang ako sa kanya, hindi makahinga.

Isa lang ang anak niya.

Si Penelope.

Kung ganoon, ano ako?

Ano ba ang ine-expect ko? Tinawag na akong bitch ng sarili kong ina at sinabi pa niyang sana ay hindi na lang niya ako isinilang.

Sa loob ng dalawang taon, todo effort akong ginawa para maging parte ng pamilyang ito. Nilunok ko ang bawat insulto, bawat malamig na tingin, at bawat patagong paalala na lumaki ako sa lugar na para sa kanila ay mababa kumpara sa mundong kinalakihan nila. Paulit-ulit kong kinumbinsi ang sarili ko na baka magbago ang lahat kung susubukan ko pa nang mas mabuti.

Pero ngayon, sa wakas, naintindihan ko na.

Kahit gaano pa ako magsikap, hindi nila ako kailanman tunay na tinanggap.

“Don’t let her come near Penelope again,” malamig na pagpapatuloy ni Dad. “And make sure she learns her lesson.”

“Yes, sir.”

Muli akong hinila ng dalawang lalaki patungo sa p***o.

“Dad…”

Halos paos na ang boses ko sa gitna ng isang hikbi.

Huling beses akong tumingin sa kanya, desperadong umaasa na baka sa ilalim ng galit niya ay may natitira pa ring kahit kaunting pagmamahal para sa akin.

Wala.

Nakatayo si Mommy sa tabi niya, nakahalukipkip at puro disappointment ang nasa mukha, sa halip na pag-aalala. Wala roon ang mga kuya ko para masaksihan ang nangyayari, pero kahit paano, alam ko nang walang isa man sa kanila ang pipigil dito.

Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito katinding pag-iisa sa buong buhay ko. Higit pa sa naramdaman ko bago ako matagpuan ni Grandma Emy.

Kinaladkad ako ng dalawang lalaki palabas ng silid habang patuloy akong nakatingin sa likuran ko.

Paglabas ko pa lang ng silid, unti-unting naubos ang lakas sa katawan ko. Nanghina nang nanghina ang mga pagtangka kong kumawala hanggang sa tuluyan na akong tumigil sa paglaban.

Patuloy na umaagos ang mga luha sa pisngi ko.

Hindi ko na nga ito pinunasan.

Bakit ayaw nilang tumigil?

Bakit ganito kasakit?

Simula nang bumalik ako, ginawa ko ang lahat para mapasaya sila. Hindi ako kailanman humingi ng mamahaling damit, alahas, kotse, o kahit anong bagay. Kahit kapag may ibinibigay sila sa akin, tahimik ko lang iyong tinatanggap dahil natatakot akong isipin nilang bumalik ako para lang makakuha ng parte sa yaman ng pamilya Garcia.

Hindi ko kailanman hinangad ang pera nila.

Pamilya lang ang gusto ko.

Gusto ko ng mga magulang na titingin sa akin at makikita ang anak nila.

Gusto ko ng mga kuya na ituturing akong totoong nakababatang kapatid.

Gusto ko ng ate na mapagkukuwentuhan ko ng mga sikreto ko.

Gusto ko ng tahanang hindi ko kailangang paulit-ulit na tanungin ang sarili ko kung welcome ba talaga ako roon.

Pero mukhang kahit iyon, sobra pa pala para hingin ko.

Pinilit ako ng mga lalaki na sumakay sa isang sasakyang naghihintay sa labas ng hospital.

Hindi ko alam kung saan nila ako dadalhin.

Wala na rin akong sapat na lakas para magtanong.

Lumipas ang buong biyahe na parang panaginip na malabo. Natuyo na ang mga luha sa pisngi ko, dahilan para maging mahapdi at malamig ang balat ko, habang paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang sinabi ni Dad.

Nang tuluyang huminto ang sasakyan, parang wala na akong maramdaman.

Bumukas ang p***o.

“Get out.”

Hinawakan ako ng isa sa mga lalaki sa braso at hinila palabas ng sasakyan.

Nanghina ang mga binti ko dahil sa lahat ng nangyari, kaya muntik akong matumba. Pero sa halip na tulungan ako, itinulak pa nila ako pasulong.

Nawalan ako ng balanse.

Malakas na bumangga ang katawan ko sa isang matigas na bagay.

Sumabog ang sakit sa ulo ko nang tumama ang sentido ko sa matalim na sulok ng isang konkretong poste.

“Ah!”

Biglang nanghina ang mga tuhod ko at mabigat akong bumagsak sa lupa.

Ilang segundo akong hindi makagalaw.

Isang matinding pag-ring ang pumuno sa mga tainga ko, nilulunod ang lahat ng tunog sa paligid. Malabo ang paningin ko habang nanginginig kong itinataas ang kamay ko patungo sa ulo ko.

Nang ilayo ko ang kamay ko, nanginginig ang mga daliri ko.

At saka ko narinig ang pagtawa.

Dahan-dahan kong itinaas ang ulo ko.

May hawak na cellphone ang isa sa mga lalaki, at nakatutok ang camera nito diretso sa akin.

“Make sure you’re getting everything,” sabi ng isa. “We’re sending this to Ma’am. We need to show her that we followed the instructions.”

Kumirot ang sikmura ko.

“Ma’am?”

Halos hindi ko pa napoproseso ang salitang iyon nang may isa pang boses na sumingit.

“Can’t we have a little fun first?”

Agad na dumilim ang mukha ng unang lalaki.

“Shut up.”

Ibinaba niya ang cellphone at masamang tinitigan ang kasama niya.

“She’s still Sir Kieran’s fiancée. Do you know what will happen to us if you touch her?”

Napasinghal ang isa, pero hindi na siya nakipagtalo. Sa kabila ng lahat, may maliit na sense of relief na pumasok sa dibdib ko. At least, hindi nila planong gumawa ng mas masama sa akin.

Pero hindi nagtagal ang ginhawang iyon.

Marahas na kumikirot ang ulo ko, at pakiramdam ko ay umiikot ang mundo sa paligid ko. Ilang beses akong kumurap, pilit na inaayos ang paningin ko para makapag-focus.

“Where…” mahina at paos na lumabas ang boses ko. “Where did you bring me?”

Nagtawanan ang mga lalaki.

Umalingawngaw ang kanilang tawa sa paligid ng walang katao-taong lugar, dahilan para mangilabot ang buong katawan ko.

“I know who you are.”

Nanginginig ang boses ko, pero sinubukan kong maging matapang.

“You’re Kieran’s men.”

Lumuhod sa harap ko ang isa sa kanila.

“I’ll tell him what you did,” pagbabanta ko kahit kumakalat na ang takot sa buong dibdib ko. “Kieran will know about this.”

Nagbago ang expression ng lalaki.

Pagkatapos, tumawa sila.

Isang malamig at mapanuyang tawa.

“Ano ngayon kung sabihin mo sa kanya?”

Bago pa ako makasagot, biglang lumapat ang kamay niya sa mukha ko.

SMACK!

Napaling ang ulo ko sa lakas ng sampal.

Kumalat ang sakit sa pisngi ko, at halos agad kong nalasahan ang dugo sa bibig ko.

“Sa tingin mo ba talaga ay mahalaga ka para kay Sir Kieran?”

Napatingin ako sa kanya nang hindi makapaniwala.

“What?”

“Kung hindi mo pa alam ay hayaan mong linawin ko sayo.” Hinawakan niya ang baba ko at pilit na itinaas ang mukha ko para mapatingin ako sa kanya. “Si Sir Kieran ang nag-utos sa amin para gawin ito. Gusto niya na parusahan ka sa tuwing sasaktan mo si Miss Penelope.”

Biglang tumigil ang puso ko.

“No…”

Halos hindi lumabas ang salita sa mga labi ko.

“That isn’t true.”

Isa pang sampal ang dumapo sa kabilang pisngi ko.

“Tigilan mo ang pagsisinungaling sa sarili mo.”

Sumunod ang isa pang sampal.

At isa pa.

Salit-salitang sinampal ako ng mga lalaki, at tumatawa sila sa tuwing sinusubukan kong protektahan ang mukha ko gamit ang mga braso ko. Sa bawat impact, lalong umaalingawngaw ang mga tainga ko, habang hindi ko mapigilang umagos ang mga luha sa magkabilang pisngi ko.

Hindi ko maintindihan.

Ayokong tanggapin.

Kieran?

Ang lalaking minahal ko? Ang lalaking dalawang taon kong hinintay? Ang lalaking ipinagtanggol ko kahit paulit-ulit niya akong pakitunguhan nang malamig?

Siya ang nag-utos nito?

“Why?” pabulong kong tanong, basag ang boses. “Why would Kieran do this?”

Nginisian ako ng isa sa kanila.

“Anong karapatan mo para makipagkumpetensya kay Miss Penelope sa atensyon ni Sir Kieran?”

Masakit na kumirot ang puso ko.

“Hindi mo ba alam kung gaano kaimportante si Miss Penelope kay Sir Kieran?”

Muli akong sinampal.

Namamanhid na ang mukha ko.

Nanginginig ang mga labi ko, at nananatili sa bibig ko ang metallic taste ng dugo. Malabo na ang lahat sa paligid ko, pero malinaw ko pa ring naririnig ang malulutong nilang pagtawa.

Lumuhod sa harap ko ang isa sa mga lalaki at sinunggaban ang isang dakot ng buhok ko.

Marahas niyang hinila ang ulo ko pataas at pinilit akong tumingin sa kanya.

“No one cares about you.”

Malamig ang mga mata niya.

“You heard Mr. Garcia’s order. He wants you to learn your place.”

Lalong humigpit ang pagkakahawak niya sa buhok ko.

“Sir Kieran belongs to Miss Penelope.”

Naging hindi pantay ang paghinga ko.

“No…”

Bigla niya akong sinuntok.

Dahil hawak pa rin niya ang buhok ko, hindi bumagsak ang katawan ko paatras. Sa halip, marahas na napailing ang ulo ko sa lakas ng impact, at sa isang iglap, pakiramdam ko ay natanggal sa katawan ko ang buong isip ko.

Hindi ako makapag-isip.

Hindi ako makahinga.

Everything hurts.

“Please…”

Isang basag na bulong lang ang lumabas sa labi ko.

“Please… stop.”

Tinitigan niya ako nang walang kahit katiting na awa.

“Just because you’re his fiancée doesn’t mean you’re important.”

Lumapit pa siya sa akin.

“Sir Kieran only accepted this engagement because he has no choice right now. He has to pretend because of his grandfather.”

Lalong nadurog ang puso ko sa bawat salitang lumalabas sa bibig niya.

“But once he has something strong enough to stand on, he’ll tell his grandfather that he can’t marry you.”

Malupit siyang ngumiti.

“He’ll choose Miss Penelope instead.”

Nakatitig lang ako sa kanya.

Sa loob ng dalawang taon, sinubukan kong bigyang-kahulugan ang pananahimik ni Kieran.

Kinumbinsi ko ang sarili ko na baka hindi lang talaga siya marunong magpahayag ng feelings niya. Naniniwala akong baka balang araw, makita rin niya ako bilang higit pa sa babaeng pinili ng grandfather niya para sa kanya.

Ngayon, napagtanto kong napakatanga ko pala.

Binitiwan ng lalaki ang buhok ko.

Agad na bumagsak ang katawan ko sa sahig.

Halos wala na akong lakas para gumalaw nang biglang may dalawang kamay na humawak sa magkabilang braso ko.

“What are you doing?” paos at nanghihina kong tanong.

Muli na namang sumiklab ang takot sa dibdib ko.

“Let me go!”

May inilabas na kutsilyo ang isa sa mga lalaki.

Nanlaki ang mga mata ko.

“No…” halos hindi na marinig ang boses ko.

Sinubukan kong hilahin ang mga kamay ko palayo, pero mahigpit nila akong pinipigilan.

At saka bumaba ang patalim.

Sumabog ang matinding sakit sa palad ko.

“AAAH!”

Umalingawngaw ang sigaw ko sa walang katao-taong lugar habang agad na napuno ng luha ang mga mata ko.

Bago pa man ako makabawi, hinawakan nila ang kabilang kamay ko.

“No! Please!”

Muling bumaba ang patalim.

Isa pang matinding sigaw ang kumawala sa lalamunan ko.

Nanginginig nang walang kontrol ang buong katawan ko.

Hindi ako makapaniwala sa nangyayari.

Hindi ko matanggap na si Kieran ang nasa likod ng lahat ng ito.

Ang lalaking minahal ko.

Ang lalaking pinagkatiwalaan ko.

Ang lalaking handa kong pakasalan.

Ang lalaking tiniis ko ang malamig na pakikitungo dahil naniwala akong may namamagitan sa amin na ayaw lang niyang ipakita.

Wala pala.

Baka wala naman talagang kahit ano.

Umalingawngaw sa mga tainga ko ang tawanan ng mga lalaki habang nakahandusay ako roon, nanginginig at pilit na nananatiling conscious.

Nag-aapoy sa sakit ang mga kamay ko at mukha ko. Idagdag pa ang pagtama ng sentido ko sa kanto ng poste ng pabalabag nila akong tinulak kanina.

Unti-unting dumidilim ang paningin ko sa mga gilid.

At sa ilalim ng lahat ng takot, heartbreak, at sakit, may isa pang emosyon na unti-unting umuusbong sa loob ko.

Galit.

Poot para sa pamilyang tumalikod sa akin.

Poot para kay Penelope.

Pero higit sa lahat…

Poot [para kay Kieran dahil siya mismo ang dumurog sa akin.

Bilang isang doktor, napakahalaga sa akin ng mga kamay ko.

Dahan-dahang tumulo ang mga luha mula sa gilid ng mga mata ko habang mahigpit na nagtagis ang panga ko at bumulong ng mga salitang hindi ko kailanman inakalang masasabi ko tungkol sa lalaking minsan kong minahal nang higit sa kahit sino.

“I hate you, Kieran…”

Halos hindi na marinig ang boses ko.

“I hate you.”

At sa huli, tuluyan akong nilamon ng dilim.

استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق

أحدث فصل

  • My Quadruplets Babies Wants their Daddy   5: I hate you, Kieran

    “You have to pay for what you did to Penelope,” malamig na sabi ni Dad, walang kahit anong bakas ng awa sa mukha niya. Tinitigan niya ako na para bang isa akong estrangherong basta na lang nakatayo sa harap niya, hindi ang anak na sinasabing ilang taon niyang hinanap. Pagkatapos, itinaas niya ang boses niya patungo sa pinto. “Someone, come in!”Bumukas ang pinto, dalawang lalaki ang pumasok sa silid.Nakilala ko agad ang dalawa. Mga tauhan sila ni Kieran na inatasan nitong magbantay at magprotekta kay Penelope. Ilang beses ko na silang nakita noon kapag sumasama sila kay Kieran sa mga meetings o naghihintay sa labas ng office nito.Pareho silang malalaki ang pangangatawan at matitikas, at sa tuwing naroon sila, parang kusang lumiliit ang paligid dahil sa intimidating nilang presensya habang papalapit sila sa akin.Bahagyang yumuko ang isa sa kanila bilang respeto sa aking ama. “Mr. Garcia.”“Take her away,” utos ni Dad nang walang kahit anong pag-aalinlangan. Nanatiling malamig at wal

  • My Quadruplets Babies Wants their Daddy   4: Not part of the Garcias

    Twenty-five years old na si Penelope, pero kung umasta siya ay parang isang spoiled child na hindi kayang tanggapin ang idea na kailangan niyang mag-share ng kahit ano sa ibang tao.Kahit pa sa sarili niyang kapatid.For a moment, natulala ako. Para akong napako sa kinatatayuan ko, hindi makagalaw at hindi alam kung ano ang sasabihin.Hindi ko rin alam kung paano magre-react sa sinabi niya. Masyadong nakakagulat ang mga salitang binitiwan niya, kaya kahit anong pilit kong mag-isip ng isasagot, parang walang lumalabas sa utak ko.Pero bago pa ako tuluyang makabawi, biglang may ginawa si Penelope na talagang hindi ko inaasahan.Bumaba siya mula sa hospital bed at lumuhod sa harap ko.“Sadie…”Agad akong napaatras nang bahagya, habang nagsalubong ang mga kilay ko sa pagtataka. Tinitigan ko siya, pilit inuunawa kung ano ang pakay niya.“What are you doing?” tanong ko.Tumingala siya sa akin. Puno ng luha ang mga mata niya, at biglang nagbago ang expression niya. Mula sa pagiging matigas a

  • My Quadruplets Babies Wants their Daddy   3: Selfish

    Tatlong araw na ang lumipas mula nang mangyari ang insidente sa hospital. Karamihan ng oras ko ay ginugugol ko lang sa loob ng kuwarto, nananahimik at umiiwas sa anumang hindi kailangang interaction sa mga taong nakapaligid sa akin.Hindi ko na nga rin ginagawang lumabas para magpahangin, na para bang ang pananatili sa loob ng apat na sulok ng bedroom ko ay kahit paano ay makapoprotekta sa akin mula sa sakit na matagal ko nang dinadala.Siyempre, nagkikita pa rin kami ni Kieran. Magkasama kami sa iisang bahay, after all, kaya may mga pagkakataong nagkakasalubong kami sa hallway o kaya naman ay nagkakaharap sa dining table tuwing mealtime. Pero hindi na ako nagtatangkang magsimula ng conversation.Tuwing kinakausap niya ako habang nag-aalmusal, nagla-lunch, o nagdi-dinner, simpleng tango na lang ang isinasagot ko. Minsan, sinusulyapan ko siya sandali bago ibinabalik ang atensyon ko sa pagkain. Hindi ko na tinatanong kung saan siya pupunta, kung ano ang ginagawa niya, o kung anong oras

  • My Quadruplets Babies Wants their Daddy   2: I was tired

    Muli na namang hinawakan ni Kieran ang braso ko at hinila ako papunta sa pinto.Hindi na ako lumaban.Halos automatic na lang ang paggalaw ng mga paa ko habang sumusunod ako sa kanya palabas ng hospital room, nakayuko at nakatutok ang tingin sa sahig.Ayokong tumingin kaninuman. Ayokong makita ang disappointment sa mga mata ng mga magulang ko o ang satisfaction na nakatago sa likod ng inosenteng expression ni Penelope.Kahit kay Kieran, ayoko nang tumingin.Dahil natatakot akong kapag ginawa ko iyon, tuluyan na akong bumigay at maiyak sa harapan niya.Sobrang bigat ng pakiramdam ko, at masakit ang pagkakasikip ng dibdib ko, na para bang anumang oras ay may isang bagay sa loob ko na tuluyan nang sasabog. Napakaraming galit, disappointment, at sakit ang naghalo-halo sa puso ko, at hindi ko na alam kung paano haharapin ang lahat ng iyon.Gusto kong ilabas ang lahat ng nararamdaman ko.Gusto kong sumigaw hanggang sa mamalat ang lalamunan ko, umiyak hanggang sa maubos ang lahat ng luha ko,

  • My Quadruplets Babies Wants their Daddy   1: Apologize

    “I'm so disappointed in you, Sadie. Apologize.”Malamig at firm ang boses ni Kieran, at bawat salitang binitiwan niya ay punong-puno ng disappointment. Wala man lang warmth sa expression niya, ni kahit katiting na pagdududa sa sinabi ni Penelope.“I didn't do—”Hindi ko man lang natapos ang sasabihin ko nang bigla akong mapangiwi ng hinawakan ang braso ko. Bago pa ako makapagprotesta, hinihila na niya ako papunta kay Penelope, na kasalukuyang komportableng nakahiga sa kanyang hospital bed.Napunta ang tingin ko sa ate ko. Maputla ang mukha niya, at may kumot na nakatakip sa ibabang bahagi ng katawan niya. May nakakabit ding IV line sa kamay niya. Medyo magulo ang buhok niya, habang bahagyang namumula ang paligid ng mga mata niya, na para bang kagagaling lang niya sa isang napakasamang karanasan.But I know the truth.Alam na alam ko kung ano ang nangyari sa pool, at alam ko ring sadyang binabaluktot ng babaeng nakahiga sa harapan ko ang katotohanan para palabasin na ako ang kontrabida

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status