“Patawarin mo ako.”
Humihikbing ipinatong ni Cianne ang bulaklak na Chrysanthemum sa ibabaw ng lapida at nanginginig na sinindihan ang kandila. Mula sa pagluhod ay umupo siya at hinaplos ang pangalan na nakaukit doon.
Higit apat na taon na ang nakaraan, ngunit ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob na bisitahin ang puntod. ‘Ni hindi niya nagawang pumunta sa libing upang kahit sa huling sandali ay masilayan man lang ang mukha nito. Gayunpaman, malinaw pa din sa isipan niya ang itsura nito.
Inalis niya ang ilang tuyong dahon na kumalat sa ibabaw ng lapida. Sa kabila nito, ang puntod pa din na iyon ang pinakamalinis, halatang tila madalas na mayroong dumadalaw. Dahil sa isiping iyon ay tumayo na siya kahit hindi pa umiinit ang damong inuupuan n’ya. Pinagpagan n’ya ang suot na jeans at inayos ang balabal na tumatakip sa kan’yang ulo. Nagkubli sa likod ng itim n’yang salamin ang namamagang mga mata, na ang luha ay hinayaan n’yang matuyo ng hangin.
Sumakay siya sa kotse at dali-daling nilisan ang lugar.
Huminto siya sa tapat ng isang Filipino restaurant na kakabukas lang nang isang buwan.
Tinanggal n’ya ang shades at tinitigan ang kabuuan nito mula sa labas.
Lamesa Kaunan. Napangiti siya sa pangalan na ibinigay niya sa sariling restaurant. Parang kailan lang ay nag-aaral pa s’ya sa ibang bansa bitbit ang pangarap na magkaroon ng sariling kainan, ngunit ngayon ay nasa harapan n’ya na ito.
Naputol ang kan’yang pagbabalik tanaw nang tawagin siya ng kan’yang staff upang usisain ang dumating na delivery. Sa likod s’ya dumaan upang tingnan ang mga gulay na direkta niyang binili sa mga lokal na magsasaka. Nang masigurong maganda ang kalidad ng mga ito ay hinayaan n’ya ang kan’yang staff na magbigay ng bayad.
Nagtungo siya sa kusina, at nakita kung paano kaabala ang kan’yang mga empleyado. Hindi pa man nagtatagal ay ganoon na din s’ya.
Mahirap magsimula ng negosyo ngunit higit na mas mahirap ang pagpapatakbo nito. Hindi siya maaaring sumuko dahil hindi na lang sarili ang kailangan n’yang buhayin.
“Salamat. Mag-iingat kayo.”
Kung paano kagulo at kaingay ang kusina ng restaurant sa pagdagsa ng mga customer ay ganoon naman iyon katahimik kapag magsisiuwian na ang kan’yang mga empleyado. Sa puntong iyon ay mag-isa siyang maiiwan.
Pinunasan niya nang maigi ang jar bago inilagay sa loob ang na-bake na brownies. Hindi iyon ganoon katamis, tamang-tama para sa kan’yang pagbibigyan.
Sinara niya na ang pinto sa kusina nang masigurong nakapatay na lahat ng klase ng pinaglulutuan.
Huminto s’ya sa counter at ipinatong ang hawak na jar. Isa-isa n’yang tiningnan ang mga gamit de kuryente upang masiguro na wala nang nakabukas, ito’y kahit pa natingnan na iyon ng kan’yang mga staff bago umalis.
Pinatay niya na ang ilaw at tanging ang ilaw na lamang mula sa main entrance ang nagbibigay ng liwanag sa loob.
“Magsasara ka na pala, kakain pa sana ako.”
Tumindig ang kan’yang balahibo sa gulat nang marinig ang malalim na boses ng isang lalaki mula sa kan’yang likod. Narinig niya ang papalapit nitong mga yabag.
Ikinuyom n’ya ang kamao at hinigpitan ang hawak sa kan’yang bag na alam n’yang walang magiging epekto kung ipupokpok n’ya sa ulo nito, dahil maliit iyon at kakaunti ang laman. Gayunpaman, hinarap n’ya ito at ibinato ang bag, na dumaplis lang sa balikat ng lalaki.
Gumapang ang takot sa puso ni Cianne nang makitang matangkad at matipuno ang nasa kan’yang harapan. Wala s’yang kalaban-laban dito.
Nakasuot ito ng mask at itim na sumbrero. Kaya kung papatayin s’ya hindi kaagad matutukoy ang pagkakakilanlan nito.
“Kunin mo na lahat ng pera. ‘Wag mo lang ako’ng sasaktan.” Handa niyang isakripisyo ang yaman, huwag lamang bawiin ang kan’yang buhay. Hindi ngayon na mayroon nang umaasa sa ligtas n’yang pag-uwi.
Wala siyang narinig mula sa lalaki at sa halip ay inisang hakbang ang agwat nila. Akma s’yang tatakbo palayo nang ibalot nito ang braso sa kan’yang tiyan. Nagpumiglas siya upang makawala ngunit tila hindi man lang iyon umobra sa lakas ng lalaki.
Tinakpan nito ng panyo ang kan’yang ilong at bibig. Mayroon siyang naamoy na kakaiba, hanggang sa unti-unti ay nawalan s’ya ng ulirat.
Naramdaman n’ya ang lamig ng sahig kung saan s’ya nakahiga nang bumalik ang malay. Taliwas sa lamig ng sahig, ang tagaktak n’yang pawis dahil sa init. Madilim ang lugar. Hindi n’ya alam kung gabi pa ba o umaga na. Wala siyang makita kahit kaunting liwanag man lang.
“Tulong! Tulungan n’yo ako!” Nakagapos ang kan’yang mga kamay at paa. Kaya ang pagsigaw lang ang tangi n’yang magagawa.
Maya pa’y pumasok ang liwanag mula sa pintuang bumukas. May taong lumitaw mula doon na base sa pangangatawan ay ang lalaking sapilitang kumuha sa kan’y sa restaurant.
Nasisilaw pa siya sa liwanag nang humakbang ang lalaki palapit sa kan’ya.
Umupo ito upang magpantay ang kanilang mga mukha.
Kumunot ang kan’yang noo habang pilit na sinasanay sa liwanag ang mga mata. Tinitigan n’ya ang lalaki na wala nang iba pa’ng tumatakip sa mukha.
“It’s been a while, Cia.”
Tuluyan n’ya nang nasilayan ang mukha nito.
“Shaun?” aniya.
“Wear your smile young gentlemen,” saad ni Christine sa kambal nang magsimula nang magpaso ang mga ito.Ilang minuto pa ang lumipas. Dali-dali nang nilapitan ng organizer ang puting kotseng may bulaklak sa harapan. Kumatok siya sa bintana.Ang kinakabahang si Cianne ang lulan nito. Gayunpaman, hindi mapapansin sa kan’yang mukha ang kaba dahil natatakpan iyon ng puting belo.“Let’s go.”Sa hudyat ng organizer ay bumaba na siya. Huminto siya sa tapat ng nakasarang pintuan. May ilang tao sa paligid niya. Ang iba ay nag-aayos ng kan’yang suot na puting gown, habang ang ilan naman ay kumukuha ng litrato. Panay ang salita ng organizer, subalit wala siyang maintindihan. Panay na lang ang kan’yang pagtango at pagngiti.Samu’t-saring emosyon ang nararamdaman niya. Masaya, kinakabahan, nasasabik, hindi niya na mabatid. Subalit isa lang ang sigurado, panatag ang puso niya.Dahan-dahan na bumukas ang pintuan. Tumambad sa kan’ya ang kulay asul na bulaklak na disenyo sa gitna ng simbahan.“This is
“The kids are fighter! Hindi ko inaasahan na dalawang session pa lang ay bumabalik na ang sigla nila. They still have trauma pero with your guidance, napalaki ng chance na makalimutan nila ang nangyari,” balita ng psychiatrist kay Shaun nang lumabas na ang mga bata sa opisina nito matapos ang counseling.Nang araw ng sana’y kasal nila ni Cianne ay nagising siya sa magandang balita mula sa pribadong imbestigador. Natunton na nito ang kinaroroonan ng mga bata at kasalukuyan nang ni-re-rescue ang kambal. Tandang-tanda niya pa ang galak n’ya ng araw na iyon nang lumabas siya ng kwarto upang ibalita iyon sa kan’yang asawa, subalit ang sayang kan’yang nadama ay mabilis na napalitan ng takot nang mabasa ang note na iniwan nito.Nangako ito’ng babalik kasama ang mga bata.Kinutuban siya nang masama lalo pa nang ibalita ng pribadong imbestigador na hindi nila nakita si Cianne sa lugar kung nasaan ang kan’yang mga anak.Sa tulong ng mga cctv footages ay nasundan niya, kasama ang mga otoridad, a
Higit isang oras pa lang si Cianne na nakahiga sa kama ay dahan-dahan na s’yang bumangon. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag sa labas. Dapat sana’y hindi siya nakakatulog sa kasabikan ng kasal, hindi dahil sa labis na pag-aalala sa kambal.“Saan ka pupunta?” paos na tanong ni Shaun sa kan’ya na kagaya niya ay hirap din makatulog.Ang totoo’y ayaw pa sana nitong umuwi, pinilit niya lang para magawa niya ang plano.“Magpapahangin lang ako sandali sa labas,” pagsisinungaling niya.Kapag ganoon kasi ang sinasabi niya, alam na kaagad ni Shaun na gusto niyang mapag-isa kahit sandali lang.Mabilis ang ginawa n’yang pagkilos, gayunpaman, hindi niya nakalimutan ang mag-iwan ng note. Anuman ang mangyari, pinapangako n’yang ililigtas niya ang mga anak.Nang makalabas ay agad siyang sumakay sa kotseng kan’yang nabook. Nagpahatid siya sa malapit na pier. Nagpasalamat siyang naabutan niya pa ang unang byahe.Ayaw niyang mag-aksaya kahit kaunting panahon, kaya ang isang oras na byahe ng barko ay napa
“Hindi ba p’wedeng sabay na lang tayong pumunta sa simbahan bukas?” tanong ni Shaun kay Cianne habang inaayos ng huli ang gagamitin ng mga bata bukas sa kasal.Inabot niya kay Manang Alice ang mga sapatos at matapos magbilin ay hinarap niya ang parang batang si Shaun na naghihintay ng atensyon niya.“Hindi nga p’wede. Gusto mo ba’ng tumutol pa bukas si ate sa kasal dahil hindi natin sinunod ang pamahiin ng mga magulang namin noong nabubuhay pa sila?” pagtataray niya. Paano’y kagabi pa ito nangungulit sa kan’ya.Ngumuso ito pagkatapos ay lumapit at niyakap siya mula sa tagiliran.Inamoy nito ang leeg niya at dumampi ng isang mabilis na halik doon. Sa gulat ay siniko niya ang tiyan nito, dahilan para dumaing ito at lumayo.“I-reserve mo nga ‘yang landi mo pagkatapos ng kasal bukas.”Imbes na sumeryoso ay tumawa pa si Shaun. Tila natutuwa pa ito na naaasar siya.Maya pa’y dalawang sunod na busina ang narinig nila sa labas. Tinanaw nila iyon mula sa bintana.Kinuha niya ang kan’yang bag n
“Mommy, I got three stars!” masayang balita ni Sean habang nakataas ang kamay na may tatlong tatak ng stars.“Me too, mommy!” Tinaas din ni Kean ang sa kan’ya.Nakangiting ginulo ni Cianne ang buhok ng dalawang bata. Kahit anong pagod niya talaga sa trabaho ay nawawala sa tuwing sinasalubong siya ng kambal.“Don’t erase it yet. Daddy will be home soon. Show it to him.”Masayang bumalik sa kwarto ang mga ito habang sinusundan n’ya ng tingin. Karaniwan nang sabay nilang sinusundo ni Shaun sa paaralan ang dalawa ngunit naging abala ang huli sa kompanya. Hinahabol din nitong matapos ang mga mahahalagang bagay bago ang araw ng kanilang kasal.“I forgot the papers,” saad niya sa sarili nang makalimutan sa kotse ang mga papeles na kan’yang inuwi upang pirmahan.Nagtungo siya sa garahe upang kunin ang naiwang dokumento nang mapansin ang kotseng nakaparada sa tapat ng kanilang bahay.Naglakad siya palapit sa gate. Takip-silim na ngunit naaaninag niya pa din ang sasakyan, kaya nasabi niyang pa
“Daddy, when are you going home?” nakalabing tanong ng kambal kay Shaun nang tumawag ito kinagabihan.Unang araw nito sa business trip na pinaalam kay Cianne nang nakaraan.“The day after tomorrow my twins,” nakalabing sagot din nito.Natawa si Cianne sa itsura ng asawa. Para itong batang iniwan sa paaralan at gusto nang umuwi.“Akala ko ba isang araw ka lang d’yan?” Sumingit siya sa usapan at seryosong nagtanong. Kunot ang kan’yang noo na tila tutol na um-extend pa ito ng isang araw doon.Gusto n’ya lang takutin ang asawa.Mukhang tagumpay dahil mabilis na naglaho ang ngiti nito sa labi at animo’y naalarma.“Mahal, kasi may event sa kabilang resort. I was invited, I couldn’t say no dahil nandoon din si Alvaro, ‘yong investor na matagal na namin gusto kunin ni dad, remember? But if you want me now beside you, as much as I want you here, I’ll book a ticket now going home.” Tumayo pa ito at nilalagay na ang ilang gamit sa bag.Parang mas nagmukha pa tuloy ito’ng sabik na bumalik sa kani