Share

Chapter 02: Hide

Author: rhiettenbyme
last update Last Updated: 2025-01-24 00:45:32

Pagkatapos ng lunch break, agad akong nagtungo sa lobby area para makapag-power nap kahit sandali. Kahit papaano, makakabawi ako ng lakas bago bumalik sa trabaho. Mabilis akong naupo sa isang sulok, nag-set ng alarm clock sa phone ko—30 minutes lang—at pumikit.

Parang isang segundo pa lang akong nakapikit nang may tumapik sa akin.

"Xena, pinapatawag ka ni Doc sa office niya."

Napadilat ako at agad na bumangon. Pinahid ko ang antok sa mata ko at nagmadaling hanapin ang phone ko, pero wala ito sa tabi ko. Nagkandarapa akong halungkatin ang bag ko at ang paligid, pero hindi ko pa rin ito makita.

Dali-dali akong lumapit sa reception desk. "Ana, may nakita ka bang phone na pink ang case?"

Sandali siyang nag-isip bago may kinuha mula sa drawer. Inabot niya ito sa akin. "Eto ba yun?"

Dali-dali ko itong kinuha. "Oo, ito nga! Akala ko nawala na. Salamat!"

"Nilalaro kasi 'yan ng bata kanina. Inabot ng mama niya sa amin," paliwanag niya.

Napanganga ako nang makita ang oras. 2:00 PM na.

sh**t, isang oras akong late!

Nagmamadali akong tumakbo papunta sa opisina ni Dylan. Pakiramdam ko tuloy, lalabas na ang puso ko sa kaba.

Pagbukas ko ng pinto—BLAG!

Isang malakas na bagsak ng papel ang dumapo sa mukha ko. Sunod-sunod na bumagsak ang mga ito sa sahig. Napaatras ako sa gulat. Nang lingunin ko si Dylan, nakatayo siya sa harapan ko, ang mga kamao niya nakasandal sa desk, ang panga niya mahigpit na nakakuyom. Para siyang bulkan na anytime, sasabog.

"What the hell is this?!" singhal niya.

Nakaturo ang daliri niya sa mga papel na nagkalat sa sahig. "You call this work? This is garbage!"

Pakiramdam ko, lumulubog ako sa kinatatayuan ko.

"Doc, pasensya na po," mahinang sagot ko. "Na-late po ako ng gising."

Hindi ko na sinabi na nag-power nap lang ako at hindi ako nagising sa alarm ko.

"Late?!" Parang lalo siyang nag-init. "You think you can just waltz in here whenever you feel like it? I'm not running a daycare, Xena! If you're not competent enough to handle a simple job, then get out!"

Nanlamig ang buong katawan ko.

"Doc, hindi na po mauulit," halos pabulong kong sagot, nanginginig sa kaba at hiya.

"Not going to happen again?" Tumawa siya nang mapait. "You think an apology is enough? You're completely useless! I should have fired you weeks ago!"

Narinig ko ang mahihinang bulungan ng mga dumadaang nurse at staff sa hallway.

"Kawawa naman si Xena…"

"Grabe talaga si Doc Dylan. Pero wala namang magagawa, ganyan talaga siya."

Mas lalo akong nalugmok sa hiya. Ayokong umiyak sa harapan niya, pero dama kong namumuo na ang luha sa mga mata ko.

Pinilit kong lunukin ang lahat ng sakit at pait na nararamdaman ko. Kailangan ko ang trabahong ito. Kailangan kong magtiis.

"Get out of my sight!" sigaw niya. "And don’t come back until you learn how to do your job properly!"

Hindi ko na siya tiningnan. Mabilis akong lumabas, pinipigilang tumulo ang luha ko. Pagdating sa hallway, hindi ko na kinaya. Pumasok ako sa banyo at duon ako tahimik na umiyak. Hindi ko alam kung dahil sa pagod, sa hiya, o sa sobrang sama ng loob.

Hindi ko naman sinasadya. Hindi ko naman ginusto ‘to.

Nag-file ako ng sick leave. Kahit wala naman akong sakit, hindi ko kayang makita si Dylan ngayon.

Pag-uwi ko, hindi pa rin ako mapakali. Ilang beses kong pinilit matulog pero kahit anong balikwas ko sa kama, hindi ako dalawin ng antok. Sa halip, bumalik sa isipan ko ang nangyari kanina.

Sa sobrang frustration ko, napagdesisyunan kong gamitin ang day off ko para maglinis ng condo bilang raket. Kaysa naman magmukmok sa bahay, mas mabuti nang magtrabaho para may kita pa.

"Oo, 'wag kang mag-alala. Nandito na ako sa unit 701. Aalis ako bago mag-1 PM. Don't worry, okay?" bulong ko sa telepono habang nakatayo sa tapat ng isang condo unit.

Binuksan ko ang pinto at agad na nagtrabaho. Mabilis kong sinuri ang buong unit. Malinis, maaliwalas, simple pero eleganteng lalaki ang may-ari. May mga larawan ng kotse sa dingding at mga librong pang-sports sa shelf.

Nag-inat ako, huminga ng malalim, at sinimulan ang trabaho.

Pagkalipas ng dalawang oras, natapos ko rin ang lahat. Napatingin ako sa relo ko—may isang oras pa bago dumating ang may-ari.

"Idlip muna ako ng 45 minutes, tapos alis na."

Nag-set ako ng alarm, inilapag ang phone sa center table, at humiga sa carpet. Bawat minuto ng tulog, mahalaga sa akin.

"Kring! Kring! Kring!"

Napabalikwas ako sa tunog ng alarm.

Napatingin ako sa oras—sakto, may 15 minutes pa ako bago dumating ang may-ari.

Mabilis kong inayos ang mga gamit ko, pero…

Click. Click. Click.

Biglang tumigil ang mundo ko.

May nagmamadaling susi na bumubukas ng pinto.

Hindi 'yun ang susi ko!

Sh*t!

Nanlamig ang buong katawan ko. Ang may-ari ng condo, dumating na!

Napalunok ako, mabilis na nag-isip.

Kailangan kong makaalis bago niya ako makita!

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
kristianterry17
Update po
goodnovel comment avatar
inyourdreams
Update pls
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Ruthless Possessive Doctor (POSSESSIVE BOYS SERIES 3)   Chapter 112

    Dylan's POVAyoko ng ganito.Hindi ko gusto ang pakiramdam na ito—na para bang may kung anong bagay na bumabara sa lalamunan ko habang pinagmamasdan ko siya mula sa kabilang bahagi ng hall.Xena was laughing. Too freely. Too openly. At ang mga lalaking nasa paligid niya? Tangina, parang mga lobo na handang lapain ang atensyon niya.My grip tightened around the wine glass I was holding. Wala naman akong karapatang magalit, hindi ba? Wala akong dapat ipagselos. Pero putangina, bakit parang gusto kong sugurin ang bawat lalaking kumakausap sa kanya?My gaze locked onto her—she was wearing that damn dress. The one that hugged her body too perfectly, making it impossible for anyone not to stare. And believe me, these men were staring. Mas matagal pa kaysa sa dapat. Mas matagal kaysa sa kaya kong palampasin.I clenched my jaw. I needed to calm down."Doc, kanina ka pa nakatitig."Aiden’s voice snapped me out of my trance. He was standing beside me, arms crossed, a knowing smirk on his face.

  • My Ruthless Possessive Doctor (POSSESSIVE BOYS SERIES 3)   Chapter 111

    Sa Office:Dumating ang araw na hindi ko na kayang balewalain si Dylan. And I had to admit it—his presence, the way he was always there, was starting to affect me in ways I didn't want to admit.As usual, nandoon siya sa office, nauupo sa malaking leather chair niya, habang ako naman sa maliit kong desk, abala sa paperwork. Pero kahit ako’y abala, hindi ko maiwasang mapansin siya. Alam mo yung pakiramdam na alam mong may nakatingin sayo, pero kahit wala siyang ginagawa, he’s doing something?Minsan, nakakainis.“Dylan,” I started, masyado nang mahirap hindi makapag-comment. “Hindi ba’t sobra-sobra na yung kape mo? Tapos asukal pa!”Si Dylan ay mukhang hindi na apektado sa mga comments ko. I was used to it by now. Pero today, for some reason, parang gusto kong gawin siyang mas aware sa unhealthy habits niya.“Kape pa more, Xena,” sagot niya, with that laid-back, almost teasing grin that made my heart skip a beat. “Paborito ko eh.”Hindi ko napigilang mag-roll ng eyes. "Hindi pwedeng ga

  • My Ruthless Possessive Doctor (POSSESSIVE BOYS SERIES 3)   Chapter 110

    XENAI could feel my chest tightening as Dylan's gaze pierced through me. His presence... it was overwhelming. Para bang hindi ko na kayang magtago, hindi ko na kayang pigilan ang lahat ng nararamdaman ko.Ang hirap, Dylan. Ang hirap.Bakit ba siya laging nandiyan? Bakit ba ako laging tinutukso ng pakiramdam ko na parang siya lang ang may alam sa mga galaw ko, sa mga iniisip ko?I tried to pull away from him, but his proximity made everything seem impossible. His words echoed in my mind, like a broken record—I won’t let you go this time.Sana nga hindi na lang siya nandiyan. Sana nga hindi ko na lang siya nararamdaman.Ngunit hindi ko kayang magtakip, hindi ko kayang magsinungaling pa. Ang lakas ng kabog ng puso ko, parang may humihila sa akin, palapit sa kanya—kahit ayokong lumapit. Hindi ko alam kung tama pa ba ang ginagawa ko. Hindi ko alam kung anong mangyayari kapag sinabi ko na...Hindi ko alam kung anong mangyayari kapag harapin ko ang totoo.Dahil baka mawala ako.Bumuntong-hi

  • My Ruthless Possessive Doctor (POSSESSIVE BOYS SERIES 3)   Chapter 109

    XENAHirap na hirap akong mag-isip. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa katawan ko. Isang parte ng utak ko ang nagsasabing "Huwag, Xena, huwag mong gawin 'to," habang ang puso ko naman ay parang sinasabi na gusto ko na lang sumunod kay Dylan—pumayag, magpahulog.Pero…Nang magtama ang mga mata namin, naramdaman ko ang magkaibang emosyon na naglalaban. Gusto ko siyang itulak palayo, pero ayokong mawala siya. Gusto kong magtakbuhan, pero ayokong iwan siya.His breath was still so close, hovering, making me tremble all over. Pero hindi ko pa kayang magpatawad sa sarili ko. Hindi ko kayang bitawan ang lahat ng pag-iwas ko.At bigla…Ding-dong.Napahinto kami pareho. Tumigil ang lahat—ang tunog ng hininga niya, ang init na nararamdaman ko mula sa katawan niya, ang kalituhan na sumasakop sa utak ko… lahat biglang naglaho nang marinig ko ang tunog ng bell.Napamura ako sa loob-loob ko. Kailangan ko ng oras. Kailangan kong mag-isip. Pero ngayon… may dumating na delivery?Dylan immediate

  • My Ruthless Possessive Doctor (POSSESSIVE BOYS SERIES 3)   Chapter 108

    Chapter 108XENAHindi ako gumalaw.Dahil kung gagalaw ako, alam kong may mangyayari.Ramdam ko ang bawat segundo ng tensyon sa pagitan namin—ang paraan ng pagtitig ni Dylan, ang lalim ng titig niya na parang hinuhukay ang pinakatago-tago kong lihim.And worse? I could feel him.Yung init ng katawan niya, yung kamay niyang nakahawak pa rin sa pulso ko—hindi mahigpit, pero sapat para pigilan akong lumayo."Xena," aniya, mahina pero matigas. "Ano'ng tinatago mo sa akin?"Napalunok ako. Hindi ko alam kung paano ako nakakatayo pa. Parang nagiging putik ang mga tuhod ko sa sobrang kaba."Wala—" Nanginginig ang boses ko.Dahan-dahan siyang yumuko, mas lumapit. Shit. SHIT."Sigurado ka?" Bulong niya, halos bumabangga na ang ilong niya sa akin.I could feel his breath—warm, teasing, dangerous.Napapikit ako saglit. Hindi pwede. Hindi pwedeng bumigay ako.Pero paano kung..."Dylan, I—"Hindi ko na naituloy.Dahil bigla niyang binitiwan ang pulso ko... para lang igapos ang kamay niya sa bewang

  • My Ruthless Possessive Doctor (POSSESSIVE BOYS SERIES 3)   Chapter 107

    XENAHindi ko alam kung ilang segundo kaming nanatiling gano’n—nakaharap sa isa’t isa, walang kumikilos. Pero ang puso ko? Grabe kung maka-rambol sa dibdib ko."Ayaw mo ba?" muling tanong ni Dylan, bahagyang yumuko para mas makita ako nang mabuti.I swallowed hard. Ayan na naman siya sa pagiging intense!Dapat ko siyang paalisin. Dapat ay tumanggi ako.Pero bakit hindi ko magawang isara ang pinto?Bakit ang tanging nagawa ko lang ay ang lumingon sa kama ko—at walang kahulugan ang kilos na ‘yon, pero biglang pumasok si Dylan."Hoy! Wala pa akong sinasabi!" bulong ko, pero hindi niya ako pinansin.Oh. My. God.Masyadong malapit si Dylan.Masyadong mainit ang kamay niyang nakahawak sa pulso ko.At masyadong delikado ang paraan ng pagtitig niya sa akin—para bang sinusuri ang bawat hibla ng emosyon ko, hinihila palabas ang lihim na pilit kong itinatago.Ilang beses akong napalunok, pero hindi ko magawang umatras.Lalo na nang dumikit pa siya nang kaunti.I could feel the warmth of his body

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status