My Ruthless Possessive Doctor (POSSESSIVE BOYS SERIES 3)

My Ruthless Possessive Doctor (POSSESSIVE BOYS SERIES 3)

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-10
Oleh:  rhiettenbymeOn going
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
12 Peringkat. 12 Ulasan-ulasan
112Bab
10.2KDibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Si Dylan Asher del Valle, isang sikat at mayamang psychiatrist, ay mayroong lahat maliban sa tunay na pag-ibig. Isang hopeless romantic at possessive, patuloy siyang naghahanap ng babaeng mamahalin siya ng buong puso. Samantala, si Xena Celeste, isang simpleng dalaga at anti-romantic, ay kuntento sa kanyang buhay at pamilya. Ngunit ang lahat ay magbabago nang magtrabaho si Xena bilang sekretarya ni Dr. Dylan. Sa loob ng isang buwan, puro pang-aapi ang natanggap ni Xena mula sa kanyang boss. Ngunit dahil sa pangangailangan sa pera, nagtitiis siya. Isang araw, aksidenteng nasaksihan ni Xena ang mapait na hiwalayan ni Dylan sa kanyang kasintahan, na akala niya ay magpapakamatay. Kung kaya sinagip niya ito. Dahil dito, inalok ni Dylan si Xena ng isang kakaibang deal: isang "Dating Experiment" para sa kanyang research, kapalit ng 6 milyon. Ang twist? Si Dylan mismo ang magiging "boyfriend" ni Xena sa experiment. Pagkatapos ng isang buwan, kailangan nilang magpakasal para sa susunod na level, at manirahan sa iisang bubong. Sa gitna ng isang kontrata na puno ng mga clause at kondisyon, haharap si Xena sa isang malaking pagsubok. Mapapanalo kaya ni Dylan, ang isang hopeless romantic, ang puso ng isang anti-romantic na babae? Ano kaya ang mangyayari sa kanilang Dating Experiment? At higit sa lahat, matutuklasan kaya ni Xena ang tunay na kahulugan ng pag-ibig?

Lihat lebih banyak

Bab 1

Chapter 01: Ruthless

"Xena!"

Napatalon ako sa gulat, agad na napaangat ang tingin mula sa mga papeles na inaayos ko. Nakatayo si Dr. Dylan sa harap ko—nakakunot ang noo, matalim ang tingin, at mukhang sasabog na sa galit.

"This is the third time this week you've messed up this report!" sigaw niya, hindi alintana kung may nakakarinig. "Are you even trying? You're supposed to be a secretary, not a kindergarten student!"

Napakuyom ako ng kamao sa ilalim ng mesa, pilit pinipigilan ang sarili na sumagot nang pabalang. Huminga ako nang malalim bago nagpaubaya.

"Pasensya na po, Doc," sagot ko, pinipilit gawing kalmado ang boses ko. "Hindi ko po sinasadya. Nagkamali lang po ako."

"Nagkamali?" Halos matawa siya sa inis. "You're supposed to be meticulous! This is a medical report, Xena! You're messing with people's lives!"

Ramdam ko ang bigat ng tingin niya sa akin. Parang kahit anong gawin ko, wala siyang makitang tama.

"Doc, I'm sorry. I'll be more careful next time," sagot ko, pilit pa ring pinapakalma ang sarili.

"New? You've been working here for a month!" singhal niya. "You're supposed to be a secretary, not a beginner! I need someone who can handle my schedule, someone who can anticipate my needs, someone who can—"

"I'm sorry, Doc," mahina kong putol, halos pabulong na. "I'll try harder."

"Try harder? You're already trying hard to fail, Xena. You're a disappointment. You're not even worth the money I'm paying you."

Para akong sinampal sa sinabi niya. Gusto kong isigaw sa mukha niya kung gaano ako nagsisikap, kung paanong gabi-gabi ay halos wala akong tulog para lang makapagtrabaho. Pero pigil ko ang sarili ko.

Kailangan ko ang trabahong ito. Kailangan ko ang pera.

Malamig ang tingin ni Dylan nang ibagsak niya ang hawak niyang papel sa mesa ko. "You're totally useless!"

Napakagat ako ng labi, pilit nilulunok ang init ng luha sa mga mata ko. Ang ibang staff at nurse ay pasimpleng sumusulyap mula sa labas, pero wala namang naglakas-loob na makialam. Alam kong sanay na silang ganito siya.

Bwst na iyon! Akala mo kung sinong Diyos kung makapanglait!

Nanginginig ang mga kamay ko sa galit, pero wala akong magawa kundi lunukin ang lahat. Imbis na sumagot, dinampot ko ang papel at muling itinuloy ang trabaho ko, kahit pakiramdam ko ay gusto ko na lang lumubog sa lupa.

---

"Okay ka lang?"

Napalingon ako kay Ms. Allegre, isa sa mga head nurse sa Psychiatric Department. Pasimple siyang lumapit at hinaplos ang buhok ko.

“Oo, ayos lang,” sagot ko, pilit na ngumiti.

"Alam mo, girl, naaawa na ako sa'yo," aniya, bumubulong para hindi marinig ng iba. "Sa totoo lang, ikaw lang ang nakakatagal kay Doc. Lahat ng naging secretary niya, nagre-resign after one or two weeks."

Napabuntong-hininga ako. "Naku, kailangan ng pera, eh. Sa panahon ngayon, mahirap maghanap ng trabaho. Atsaka hindi naman ako degree holder, kaya mahirap para sa akin makahanap ng ibang trabaho. Kaya kailangan kong kayanin."

"Bilib rin ako sa'yo, ha. Balita ko, aside dito, marami ka pang ibang raket?" tanong niya, may halong paghanga.

"Uhm, oo. Actually, kapag off ko, suma-sideline ako sa paglilinis ng mga condo ng mayayaman. Kaya kung may kakilala kang nagpapalinis ng bahay, sabihan mo ako, ha," sagot ko habang inaayos ang mga papel sa harapan ko.

"Sure, asahan mo 'yan! Buti hindi nagagalit boyfriend mo sa sobrang dami mong work," biro niya.

Natawa ako nang bahagya. "Naku, wala akong time sa ganyan. Atsaka hindi ko kailangan ng lalaki para maging masaya. Masaya na akong single. Mas may peace of mind ako."

Napailing siya, pero natawa rin. "Sayang ka naman, maganda ka pa naman! Masyado kang workaholic!"

Napangiti lang ako habang pinapanood siyang bumalik sa station niya.

Napabuntong-hininga ako. Para sa akin, wala talagang kwenta ang love life. Wala akong interes sa romantic relationships, at hindi ko rin ma-imagine ang sarili ko na mainlove. Sabi nga ng mga katrabaho ko sa call center, anti-romantic daw ako. Siguro nga.

Hindi ako mahilig sa romance movies, lalo na ‘yung may sobra-sobrang PDA. Mas gusto ko ang horror o action. Mas pipiliin ko pang manood ng zombies kaysa sa magka-crush.

Pero kahit ano pang sabihin nila, mas importante pa rin sa akin ang trabaho.

---

Pagkatapos ng shift ko sa ospital, hindi pa tapos ang araw ko. Diretso ako sa call center sa kalapit na building.

8 AM - 5 PM sa ospital bilang secretary.

9 PM - 6 AM sa call center bilang agent.

Side job: Cleaning services kapag may libreng oras.

Day off: Wednesday at Thursday sa call center, Saturday at Sunday sa ospital.

Ang dami kong trabaho, pero wala akong choice. Kailangan kong kumayod para sa pamilya ko.

Napagod na ang katawan ko, pero hindi pa puwedeng huminto.

Sana lang hindi ako bumigay… Sana kayanin ko pa.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

user avatar
Midnight Bloom
Highly recommended
2025-02-27 00:47:39
0
user avatar
Midnight Bloom
Highly recommended
2025-02-27 00:47:36
0
user avatar
Midnight Bloom
Highly recommended
2025-02-27 00:47:30
0
user avatar
Midnight Bloom
Highly recommended
2025-02-27 00:47:25
0
default avatar
kristianterry17
Recommended
2025-02-15 23:13:55
0
default avatar
kristianterry17
Recommended
2025-02-15 23:13:49
0
default avatar
kristianterry17
RECOMMENDED SUPER!!
2025-02-15 23:12:09
0
user avatar
Jasmin Pedrosa
Highly recommended
2025-02-14 20:49:49
1
default avatar
inyourdreams
Wow umpisa alang ang ganda na
2025-02-09 22:54:22
1
default avatar
inyourdreams
Recommended
2025-02-09 22:54:07
1
default avatar
misterryosa
Super ganda! Nakakakilig!!
2025-02-09 22:41:17
0
default avatar
misterryosa
Ang ganda ng story !!!
2025-02-09 22:40:56
0
112 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status