Share

Chapter 04: Suicide

Author: rhiettenbyme
last update Last Updated: 2025-01-24 00:47:33

Chapter 4

Nakita kong tumayo si Dylan at lumapit sa bintana. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita ang ekspresyon sa mukha niya. Pero isang bagay ang agad kong napansin—tumulo ang dugo mula sa kamay niya.

Napakunot ang noo ko. Bakit siya nasugatan? Anong nangyari?

Pero mas naguluhan ako nang mapansin ang isang lubid na nakasabit sa may bintana.

Napalunok ako.

“Hindi naman siguro yan lubid para pang bigti, noh?” bulong ko sa sarili. Pero nang makita kong kinuha niya ang isang upuan at inilapit sa may bintana, lumakas ang kutob ko.

Pinatong niya ang paa sa upuan at abot-kamay niyang inabot ang lubid. Tila may binubuhol siya.

Parang tumigil ang mundo ko.

“Parang… parang balak niyang magpakamatay.”

Nataranta ako. Hindi ko alam ang gagawin. Parang nanigas ang buong katawan ko, pero hindi ko pwedeng hayaan na lang siyang gawin ‘yun.

Mabilis akong tumakbo papunta sa kanya.

“Doc Dylan!” sigaw ko, sabay kapit nang mahigpit sa braso niya at hinila siya pababa.

Wala akong pakialam kung mahulog kami—ang mahalaga, mapigilan ko siya.

At ‘yon nga ang nangyari.

Nawalan siya ng balanse at bumagsak siya… sa ibabaw ko.

Naramdaman ko ang bigat ng katawan niya, pero ang mas nakakagulat ay ang mainit niyang palad na dumapo sa likod ng ulo ko, parang sinadya niyang hindi ako masaktan.

Napahiga kami pareho sa malamig na sahig.

Nagkatitigan kami.

Para akong nakulong sa lalim ng titig niya. Nanlaki ang mata niya, halatang naguguluhan sa nangyari. Ako naman, hindi ko alam kung matatakot ako o matatawa sa sitwasyon namin.

“Xena?” bulalas niya, gulat na gulat.

Dahan-dahan niya akong inalalayan para bumangon. Pareho kaming nakaupo sa sahig, magkaharap, habang ako naman ay pilit na pinipigil ang panginginig ng kamay ko.

“W-What are you doing here?” tanong niya, hindi pa rin makapaniwala.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Ramdam ko ang sakit na biglang bumalot sa dibdib ko, at bago ko pa namalayan, tumulo na ang luha ko.

Biglang bumalik sa isip ko ang isang masakit na alaala—ang araw na nagpakamatay ang papa ko anim na taon na ang nakalipas. Ang araw na pinagsisihan ko habang buhay, dahil wala ako roon para iligtas siya.

Tiningnan ko si Dylan, at sa mata niya nakita ko ang parehong lungkot na nakita ko noon sa papa ko.

Hindi ko na napigilan.

Niyakap ko siya nang mahigpit.

“Please, ‘wag kang magpapakamatay! Please! Ano man ‘yung pinagdadaanan mo ngayon, ‘wag kang susuko! Hindi mo alam kung ano ang magiging epekto nun sa mga taong iiwan mo! Please, lumaban ka!”

Mas lalo kong hinigpitan ang yakap ko sa kanya habang patuloy ang pagdaloy ng luha ko.

“I know wala akong karapatang sabihin ‘to, pero hindi mo deserve ang ganoong klaseng babae. Hindi mo deserve ang ganoong treatment ng pamilya. Siguro nga sobrang sakit ng nararamdaman mo ngayon, baka parang ang bigat-bigat na gusto mo nang sumuko, pero kailangan mong mabuhay. Para sa mga taong nagmamahal sa’yo. Para sa mga pasyente mong patuloy na lumalaban sa buhay dahil sa tulong mo. Please, ‘wag mo nang ulitin ‘to, Doc…”

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Ramdam kong tinitigan niya ako, pero hindi siya nagsalita.

Maya-maya, naramdaman kong dahan-dahan niyang inalis ang mga braso ko mula sa pagkakayakap sa kanya. “Okay, tahan na.”

Kaya dahan-dahan rin akong lumayo, pero hindi ko magawang tingnan siya nang diretso. Nakayuko lang ako, pinupunasan ang luha sa pisngi ko.

At doon ko napagtanto—boss ko nga pala siya.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Anong ginagawa ko?!

Muli akong napalunok, at pilit kong iniwasan ang tingin niya. Lumikot ang mga mata ko, iniisip kung paano ko maipapaliwanag ang lahat.

Pero hindi ko kailangang mag-isip pa nang matagal.

“You seem to be back to your senses.”

Nanlamig ang buong katawan ko nang marinig ang boses ni Dylan—matalim, malamig, puno ng hinanakit.

Para tuloy gusto kong lamunin ng lupa.

Nakayuko lang ako, hindi makapagsalita. Pero alam kong kailangan kong ipaliwanag ang sarili ko.

“Sir… sorry po.” Halos isubsob ko na ang mukha ko sa sahig sa hiya.

Hindi siya sumagot agad.

“Care to explain why you are in my condo?” tanong niya, malamig pa rin ang boses.

Mabilis akong umiling. “Ang totoo po, ako po ‘yung naglilinis ng bahay ninyo. Yung kaibigan ko po kasi, siya dapat ang assigned dito, pero pinakiusapan niya ako kung pwedeng ako muna. Hindi ko po alam na kayo ang may-ari nito. Nagkataon lang po talaga ang lahat.”

Hindi siya kumibo.

“Then why were you hiding?” malamig niyang tanong.

Napalunok ako. “N-natatakot po ako. Nataranta ako lalo na nang makita ko na kayo pala ang may-ari. Wala po akong intensyong makinig o makialam. Nagkataon lang po talaga. At nung nakita ko kayong parang magpapakamatay, hindi ko na napigilan ang sarili ko.”

Naningkit ang mata niya. “You think I was going to kill myself?”

“Hindi po ba?” nagtatakang tanong ko. “Kitang-kita ko po kayo na inaayos ‘yung lubid, tapos umakyat pa kayo sa upuan—”

Napahinto ako nang bigla siyang bumuntong-hininga at bahagyang iniling ang ulo.

“Yeah, I had to climb up to fix the wire. It wasn’t even a rope, it was a wire. It was hanging loose, so I straightened it out.”

Halos malunod ako sa sariling hiya.

“S-sorry po…” pabulong kong sabi, nanliliit sa sarili.

“And seriously? Pulling me like that was reckless! You could’ve seriously hurt yourself.”

Natahimik ako. Naalala ko kung paano ko siya hinila kanina nang walang pag-aalinlangan.

“Okay lang po… ang mahalaga, hindi kayo nasaktan.”

Napatingin siya sa akin. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. Ilang saglit siyang hindi gumalaw, bago siya tumayo mula sa sahig.

Tumingala ako at nakita ko siyang nakatitig sa akin.

Inilahad niya ang kamay niya para tulungan akong tumayo.

Marahan kong inabot ang kamay niya, at tumayo ako—pero biglang sumakit ang bukung-bukong ko.

“Ahh!”

Muntik na akong matumba.

Agad niya akong sinalo, mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin. “You’re hurt.”

Napangiwi ako. Ngayon ko lang napansin na natapilok pala ako kanina nang mahulog kami sa sahig.

Napatingin ako sa kanya, at doon ko lang napansin kung gaano siya kalapit. Ang init ng katawan niya, at ang tibok ng puso niya—o baka akin ‘yon—ay parang sobrang lakas.

Nagtagpo ang mga mata namin.

And for a moment, the world just stopped.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (2)
goodnovel comment avatar
kristianterry17
Love it!!!
goodnovel comment avatar
inyourdreams
Update pls
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Ruthless Possessive Doctor (POSSESSIVE BOYS SERIES 3)   Chapter 112

    Dylan's POVAyoko ng ganito.Hindi ko gusto ang pakiramdam na ito—na para bang may kung anong bagay na bumabara sa lalamunan ko habang pinagmamasdan ko siya mula sa kabilang bahagi ng hall.Xena was laughing. Too freely. Too openly. At ang mga lalaking nasa paligid niya? Tangina, parang mga lobo na handang lapain ang atensyon niya.My grip tightened around the wine glass I was holding. Wala naman akong karapatang magalit, hindi ba? Wala akong dapat ipagselos. Pero putangina, bakit parang gusto kong sugurin ang bawat lalaking kumakausap sa kanya?My gaze locked onto her—she was wearing that damn dress. The one that hugged her body too perfectly, making it impossible for anyone not to stare. And believe me, these men were staring. Mas matagal pa kaysa sa dapat. Mas matagal kaysa sa kaya kong palampasin.I clenched my jaw. I needed to calm down."Doc, kanina ka pa nakatitig."Aiden’s voice snapped me out of my trance. He was standing beside me, arms crossed, a knowing smirk on his face.

  • My Ruthless Possessive Doctor (POSSESSIVE BOYS SERIES 3)   Chapter 111

    Sa Office:Dumating ang araw na hindi ko na kayang balewalain si Dylan. And I had to admit it—his presence, the way he was always there, was starting to affect me in ways I didn't want to admit.As usual, nandoon siya sa office, nauupo sa malaking leather chair niya, habang ako naman sa maliit kong desk, abala sa paperwork. Pero kahit ako’y abala, hindi ko maiwasang mapansin siya. Alam mo yung pakiramdam na alam mong may nakatingin sayo, pero kahit wala siyang ginagawa, he’s doing something?Minsan, nakakainis.“Dylan,” I started, masyado nang mahirap hindi makapag-comment. “Hindi ba’t sobra-sobra na yung kape mo? Tapos asukal pa!”Si Dylan ay mukhang hindi na apektado sa mga comments ko. I was used to it by now. Pero today, for some reason, parang gusto kong gawin siyang mas aware sa unhealthy habits niya.“Kape pa more, Xena,” sagot niya, with that laid-back, almost teasing grin that made my heart skip a beat. “Paborito ko eh.”Hindi ko napigilang mag-roll ng eyes. "Hindi pwedeng ga

  • My Ruthless Possessive Doctor (POSSESSIVE BOYS SERIES 3)   Chapter 110

    XENAI could feel my chest tightening as Dylan's gaze pierced through me. His presence... it was overwhelming. Para bang hindi ko na kayang magtago, hindi ko na kayang pigilan ang lahat ng nararamdaman ko.Ang hirap, Dylan. Ang hirap.Bakit ba siya laging nandiyan? Bakit ba ako laging tinutukso ng pakiramdam ko na parang siya lang ang may alam sa mga galaw ko, sa mga iniisip ko?I tried to pull away from him, but his proximity made everything seem impossible. His words echoed in my mind, like a broken record—I won’t let you go this time.Sana nga hindi na lang siya nandiyan. Sana nga hindi ko na lang siya nararamdaman.Ngunit hindi ko kayang magtakip, hindi ko kayang magsinungaling pa. Ang lakas ng kabog ng puso ko, parang may humihila sa akin, palapit sa kanya—kahit ayokong lumapit. Hindi ko alam kung tama pa ba ang ginagawa ko. Hindi ko alam kung anong mangyayari kapag sinabi ko na...Hindi ko alam kung anong mangyayari kapag harapin ko ang totoo.Dahil baka mawala ako.Bumuntong-hi

  • My Ruthless Possessive Doctor (POSSESSIVE BOYS SERIES 3)   Chapter 109

    XENAHirap na hirap akong mag-isip. Hindi ko na alam kung anong nangyayari sa katawan ko. Isang parte ng utak ko ang nagsasabing "Huwag, Xena, huwag mong gawin 'to," habang ang puso ko naman ay parang sinasabi na gusto ko na lang sumunod kay Dylan—pumayag, magpahulog.Pero…Nang magtama ang mga mata namin, naramdaman ko ang magkaibang emosyon na naglalaban. Gusto ko siyang itulak palayo, pero ayokong mawala siya. Gusto kong magtakbuhan, pero ayokong iwan siya.His breath was still so close, hovering, making me tremble all over. Pero hindi ko pa kayang magpatawad sa sarili ko. Hindi ko kayang bitawan ang lahat ng pag-iwas ko.At bigla…Ding-dong.Napahinto kami pareho. Tumigil ang lahat—ang tunog ng hininga niya, ang init na nararamdaman ko mula sa katawan niya, ang kalituhan na sumasakop sa utak ko… lahat biglang naglaho nang marinig ko ang tunog ng bell.Napamura ako sa loob-loob ko. Kailangan ko ng oras. Kailangan kong mag-isip. Pero ngayon… may dumating na delivery?Dylan immediate

  • My Ruthless Possessive Doctor (POSSESSIVE BOYS SERIES 3)   Chapter 108

    Chapter 108XENAHindi ako gumalaw.Dahil kung gagalaw ako, alam kong may mangyayari.Ramdam ko ang bawat segundo ng tensyon sa pagitan namin—ang paraan ng pagtitig ni Dylan, ang lalim ng titig niya na parang hinuhukay ang pinakatago-tago kong lihim.And worse? I could feel him.Yung init ng katawan niya, yung kamay niyang nakahawak pa rin sa pulso ko—hindi mahigpit, pero sapat para pigilan akong lumayo."Xena," aniya, mahina pero matigas. "Ano'ng tinatago mo sa akin?"Napalunok ako. Hindi ko alam kung paano ako nakakatayo pa. Parang nagiging putik ang mga tuhod ko sa sobrang kaba."Wala—" Nanginginig ang boses ko.Dahan-dahan siyang yumuko, mas lumapit. Shit. SHIT."Sigurado ka?" Bulong niya, halos bumabangga na ang ilong niya sa akin.I could feel his breath—warm, teasing, dangerous.Napapikit ako saglit. Hindi pwede. Hindi pwedeng bumigay ako.Pero paano kung..."Dylan, I—"Hindi ko na naituloy.Dahil bigla niyang binitiwan ang pulso ko... para lang igapos ang kamay niya sa bewang

  • My Ruthless Possessive Doctor (POSSESSIVE BOYS SERIES 3)   Chapter 107

    XENAHindi ko alam kung ilang segundo kaming nanatiling gano’n—nakaharap sa isa’t isa, walang kumikilos. Pero ang puso ko? Grabe kung maka-rambol sa dibdib ko."Ayaw mo ba?" muling tanong ni Dylan, bahagyang yumuko para mas makita ako nang mabuti.I swallowed hard. Ayan na naman siya sa pagiging intense!Dapat ko siyang paalisin. Dapat ay tumanggi ako.Pero bakit hindi ko magawang isara ang pinto?Bakit ang tanging nagawa ko lang ay ang lumingon sa kama ko—at walang kahulugan ang kilos na ‘yon, pero biglang pumasok si Dylan."Hoy! Wala pa akong sinasabi!" bulong ko, pero hindi niya ako pinansin.Oh. My. God.Masyadong malapit si Dylan.Masyadong mainit ang kamay niyang nakahawak sa pulso ko.At masyadong delikado ang paraan ng pagtitig niya sa akin—para bang sinusuri ang bawat hibla ng emosyon ko, hinihila palabas ang lihim na pilit kong itinatago.Ilang beses akong napalunok, pero hindi ko magawang umatras.Lalo na nang dumikit pa siya nang kaunti.I could feel the warmth of his body

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status