Dahil sa lumalalim na nararamdaman sa isa’t isa . Napagdesisyunan ni Sebastian na mag propose bilang boyfriend niya para sa dalaga. Alam niyang masaya siya na kasama ito.
Matapos ang kanilang mga trabaho ay niyaya ni Sebastian si Natalie sa isang special na lugar. Elegante ang lugar na ito at romantic ang area. Hinahayaan lang ni Sebastian si Natalie sa gusto nitong suotin. Hindi importante sa kanya ang pagiging elegante o hindi ng isang babae. Mahalaga ay malinis ang pagkatao nito.Sinundo ni Sebastian si Natalie sa kanyang work area. Umamin din naman si Natalie sa true nature ng business niya dahil magaan ang loob niya sa binata noong una pa lang. Ngunit nananatili pa ring nakatago ang ugat ng pamilya ni Sebastian at kung anong klaseng trabaho meron siya.Pinagbuksan niya ng pinto ng kanyang sasakyan si Natalie at inayos pa ang seatbelt nito . Ganoon naman palagi si Sebastian sa kanya sa tuwing susunduin siya nito kaya hindi na siya nagtataka.Makalipas ang dalawang oras ng pagda drive ni Sebastian at sa dami na ng kanilang napag usapan at napagkwetuhan ay nakarating na din sila sa Tagaytay sa Antonios Restaurant. Natuwa naman si Natalie kasi favorite nilang magkakaibigan ang restaurant na ito dahil class at talagang masasarap ang pagkain na hinahain dito.Sabay na din silang nagtungo sa reception area matapos na maipark ni Sebastian ang kaniyang sasakyan. Meron ng reservation itong si Sebastian para sa gabing iyon dahil special ang araw na iyon para sa kanya dahil iyon ang gabing tatanungin niya ang dalaga upang maging official na niyang girlfriend ito.“Goodevening Mam/Sir! This way po”aniya ng host sa kanila. Kilalang kilala nito si Sebastian.In-assist na sila ng host patungo sa kanilang reservation seat. Laking gulat ni Natalie na may magandang ayos ang upuan kung saan ngpa-reserve si Sebastian . Kinabahan siya , aminado si Natalie na hindi siya sanay sa ganito. Inabutan siya ni Sebastian ng bouquet of red roses na inabot ng waiter sa kanya ng makarating sila sa upuan. Planadong planado ni Sebastian ang lahat.Lingid sa kaalaman ni Natalie , ang restaurant na ito ay pagmamay-ari din ni Sebastian. Isa lang ito sa business na itinayo nilang magkakaibigan dahil hilig din nila ang kumain.Makikita ang magarbong ayos ng table nila. May pa candle light dinner na paandar itong si Sebastian sa isip-isip ni Natalie. Madaming bulaklak ang nakapaligid sa kanilang inuupuan kaya naman kahit may pagtataka ay kinilig si Natalie sa gesture na iyon ng binata. Sa 8 years kasing nakarelasyon niya si Greyson napaka casual lang ng kanilang mga date. Hindi ito nag-e-effort kahit na minsan sa mga date night nila katunayan minsan siya pa ang nag-aaya sa binata para i date siya.Umorder na nga sila ng kani-kanilang pagkain. Mahilig si Natalie sa seafoods specially sa malalaking shrimp samantalang si Sebastian ay ma meat na tao naman para sa protein na sinusunod niya sa kanyang pag-gym.Para sa kanilang appetizer si Sebastian nia ang namili. Pinahanda niya ang truffle baked with nomad kaluga hybrid caviar na specialty ng nasabing restaurant. Hinayaan naman ni Sebastian mamili ng kaniyang salad si Natalie.Napili nito ang Cabeza De Jabali para sa kanyang salad. Ito ay housemade Cahrcuterie made from pork and chorizo, gouda, tomato nofit, mesclun, honey lemon dressing and paprika aioli, kibbled rye toast at sunchoke veloute para sa kanyang soup. Si Sebatian naman ay alam na ng mga waitress ang favorite nitong kainin.“For me the usual!” Casual na sinabi nito sa waitress“Noted sir!”“For the main course what do you prefer?!” Tanong ni Sebastian kay Natalie“I want their prawns & scallop thermidor”“Ok give her that order and for me. I want the Okan Wagyu Tomahawk Steak. “Ika ni Sebastian sa waitress“For the dessert sir?”“ Natalie what do you like for your dessert? hindi kasi ako mahilig sa sweets im fine with my order. You can order your sweets! i know how much you love sweets” nakangiting tanong ni Sebastian kay Natalie“I want the Souffle Dark Chocolate”“And give us a bottle of Merlot Red Wine. thank you!” Pagtatapos na pag order nila.Mabilis ang serving sa restaurant na iyon pero sinusunod pa rin nito ang standard ng pagluluto. Na-amaze naman si Natalie sa naging asta ni Sebastian dahil alam na alam nito ang kaniyang inoorder kahit pa hindi ito nakatingin sa menu.Nagdatingan na din paisa-isa ang kanilang order kagaya sa ibang class na restaurant ang serving ng kanilang pagkain ay one after another. Mabilis na bina-bus out ng mga waiters ang kanilang kinakainan . And from appetizer to salad to soup, maincourse and dessert ang set-up ng flow ng kanilang food serving.Lumalim na ang gabi pero para sa kanilang dalawa ay ayaw pa nilang matapos ang gabing iyon. Maririnig ang tawanan ng dalawa na halatang nag-eenjoy sa kanilang mga nagiging topic. Habang sila ay kumakain ng dessert naging seryoso naman bigla si Sebastian.Humarap siya kay Natalie na may seryosong tingin. Hinawakan nito ang kamay ng dalaga."Natalie. nag-eenjoy talaga ako sa company mo. Tuwing magkasama tayo lahat ng stress at pagod ko nawawala. Alam mo bang tuwing pressured ako sa trabaho naiisip lang kita lahat ng iyon na wa-washed away. " pagsimula ni Sebastian"Hindi ko na nakikita ang sarili ko na hindi kita nakakasama""what you mean?!" nagtatakang tanong nito kay Sebastian."I want to be your official boyfriend!" diretsahang sagot nito sa kanya.Kinikilig man si Natalie dahil masaya din naman talaga siya tuwing kausap or kasama niya si Sebastian pero itinago pa rin niya ang nararamdaman. Nagpakipot din siya kahit papano."mmmm maybe! yeah its time na din naman siguro since masaya ka namang kasama. Nag-eenjoy din ako tuwing kasama ka.! so i think its a YES!" masayang nakangiti si Natalie kay Sebastian."YES! YES! YES! I Love You!" napapatalon pa ito sa sobrang tuwa. Hinalikan niya si Natalie sa pisngi na ginantihan naman ng halik sa labi ng dalaga.Masayang natapos ang gabing iyon. Sumakay na din sila sa sasakyan ni Sebastian at habang tinatahak nila ang daan pauwi sa bahay ni Natalie ay masayang magkakapit kamay ang dalawa. Sa dami ng kanilang napagkukwetuhan ay nabanggit ni Natalie ang plano nitong ipakilala na din siya sa mga kaibigan niya.Pabalik na din kasi ng Pinas si Bella kaya perfect timing din para maipakilala niya ang bago niyang boyfriend sa mga kaibigan niya.Sumang-ayon din naman si Sebastian sa kagustuhan ni Natalie. Wala naman kasing problema sa kanya kung ipakilala siya nito kahit kanino dahil single naman siya. Natutuwa pa siya sa ideyang iyon ng kanayang girlfriend.Ng makarating sila sa bahay ni Natalie inaya siya nito na pumasok na muna sa loob ng bahay para makapag kape man lang pero tumanggi na muna ang binata kasi alam niyang hindi siya makakapag-pigil kung makakapag solo sila ng dalaga dahil sa taglay nitong kagandahan at bango. Isa pa madami din siyang meeting kinabukasan at importante ang mga ito.Nagpaalam na din siya sa girlfriend at nagbigay ng goodnight kiss bago tuluyang nag drive pauwi.ANDREW POVHindi ko inaasahan ang pagbisita sa akin ni Sebastian sa kulungan. Ang buong akala ko ay nakalimutan na ako ng aking pamilya. Pumunta ang jail guard sa aking selda. Simula ng hindi na ako saluhin ni Daddy at hindi ako bigyan ng pera ay nawala na din ang aking mga galamay. Habang naglalakad ay nag-iisip ako kung sino ang nakaalalang dalawin ako. Hanggang sa marating ko na ang visitors area. Madaming dalang grocery, pagkain at damit ang aking kapatid na si Sebastian.Lumapit ako sa kaniya na punong puno ng pagsisisi. Nakayuko ako habang humihingi ng tawad. "Bro, patawarin mo sana ako sa lahat ng kasalanang ginawa ko sayo. Alam ko huli na ang lahat pero sana ay mapatawad mo pa rin ako bago ko lisanin ang mundong ito." sabi ko sa kaniya"ano ka ba Bro wag kang magsalita ng ganyan makakalabas ka pa dito. Isa pa matagal na kitang napatawad. Busy lang ako palagi kaya ako hindi nakakadalaw sayo. Ito oh para sayo." inabot niya ang kanyang mga dala sa akin. Nag abot din siya ng Cash
NATALIE POV Nang sabihin sa akin ni Joshua ang tungkol kay Julie ay talagang nabigla ako. Kung ganoon ay kawawa naman ang batang ito. Hindi na iniintindi ng kanyang mga magulang. Nakakaawa pa dahil tinakwil siya ng dahil lang sa panliligaw ng aking anak. Gaano ba kasama ang ideyang nanliligaw si Joshua sa kaniya. Napapabuntong hininga na lang ako dahil hindi ko lubos maisip na may magulang na haharang sa kaligayahan ng kaniyang anak. Pinahanda ko na kay Manang ang silid na tutuluyan ni Julie . Alam kong masamang masama ang loob niya sa ngyaring gulo ngayong araw. “Joshua dumiretso na kayo kagad dito sa bahay para makapagpahinga na din si Julie.” Sabi pa niyan sa akin “Mommy malapit na din po kami nandito na ko sa subdivision natin. “Okay sige mag iingat kayo!” Sagot ko naman sa kaniya. Ilang minuto lang ang nakalipas at narinig ko na din ang pagparada ng sasakyan ni Joshua. Bukas palad naming tinanggap si Julie sa aming tahanan. JOSHUA POV “Okay lang yan sige na wag kang mah
JULIE POVAlam ko at malinaw sa akin ang nais na mangyari nila Mommy at Tita Scarlette. Hindi ko din maipaliwanag sa aking sarili kung bakit ako ang nahuhulog kay Joshua imbis na siya ang pasakayin ko sa mga gustong mangyari nila Mommy ngunit ngayon ay sigurado ako sa aking sarili na hulog na hulog na ako sa kaniya. Nais kong tulungan siyang maghiganti sa mga magulang nitong sumira sa buhay namin. Ang taong dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nagtatago kami dito sa US at hindi man lang makita ang aking ama na nasa kulungan sa Pilipina. Sila ang dahilan ng lahat ng paghihirap na inabot namin dito. Nanumbalik na naman tuloy ang pagkapoot ko dahil sa mga panget na ngyayari noon. Magmula kasi ng makarating kami dito ni Mommy at mailuwal niya ako dito sa US ay puro kamalasan at matinding paghihirap ang aming inabot. Naalala ko pa ng mga sandaling iniiwan ako ni Mommy noong bata ako para mag 3-4 na trabaho para lang may maipambayad kami sa bayad at maipang gastos sa akin. Binabarat din ng
AT BEVERLY MANSIONJULIE POVMalaking ngiti ang sinalubong sa akin ni Joshua ng matapos ang aming practice. Huling 2 linggo na lang din kasi at matatapos na ang aming klase. Finally makakapagtapos na din kami sa kolehiyo. Kasabay ng aming pagtatapos ang pag alis ko bilang cheer leader. Masaya na nalulungkot kong tinuturuan ang mga bagong sibol.“Joshua what is that smile for?!” tanong ko sa kaniya habang pinupunasan ko ang pawis ang aking sarili.“Mmm kasi Julie dumating sila Mommy dito para sa graduation natin, nasa bahay sila at gusto ka sana nilang invite. Nabanggit ko kasi sa kakila ang tungkol sa panliligaw ko sayo. Syempre gusto makilala mo din ang mahahalagang tao sa buhay ko para makilala mo din sila pero ayon ay kung okay lang naman sayo. No pressure!?” Nahihiyang tanong ni JoshuaIlang minuto din akong nag isip kung papayag ako sa kahilingan nito. Hindi ko kasi alam kila Mommy kung okay lang ba sa kanila. Hindi man ako umaamin sa kanila sa totoong nararamdaman ko para kay Jo
JOSHUA POV Mabilis na lumipas ang panahon. 4 na taon na kaagad ang nagdaan magmula ng lumipad ako patungo dito sa Amerika para mag-aral. Ilang buwan na lang at mag-gagraduation na kami. Magmula ng huling insidenteng ngayari kay Julie ay hindi ko na siya hinayaang magbyahe papasok at pauwi mula sa eskwelahan, nakiusap ako sa kaniya na pumayag siyang araw-araw ko siyang dadaanan papasok at ihahatid ko siyang pauwi. Nagpapasalamat naman ako at pumayag siya sa aking kahilingan. Binakuran ko na din si Julie, wala ng makapangulit pa sa kaniya dahil araw-araw na nakikita kami ng lahat na magkasama sa tuwing puampasok kami sa eskwelahan. Wala na ding kababaihang lumalapit sa akin ngunit madami pa din ang laging nakatingin at kinikilig ng pasimple sa tuwing dumadating kami sa campus. Pumayag din siyang ligawan ko siya. Kahit na hindi niya ako pinapakilala sa Mommy niya ay naiitnidihan ko siya. Matiyaga kong hinintay na matapos ang practice ni Julie, nakaupo lang ako sa bench ng gymnasium sa
Binaba naman ni Kevin at mayabang na pinuntahan ang sasakyang humarang sa aming harapan. Kinatok niya ang salamin ng sasakyang iyon. Laking gulat niya ng lumabas mula sa driver seat si Joshua. Maski ako ay nagulat sa kanyang pagsulpot. Hindi ko inaasahang darating ito sa oras na kakailanganin ko siya. "anong ginagawa mo dito Joshua?" natatarantang tanong ni Kevin. Kita sa mukha nito ang takot ng makita si Joshua. Hindi niya maintindihan kung babalik ba siya ng sasakyan o mananakbo papalayo. "Hindi pa ba kayo nadadala?! Ibaba niyo na si Julie ng hindi na tayo magkagulo!" matapang pero mahinahon na pagkakasabi ni Joshua kay Kevin. Agad naman napabalik sa sasakyan si Kevin. Gusto pa sana nitong patakbuhin ang sasakyan pero humarang si Joshua sa harapan nito. Walang nagawa sila Kevin kundi ang pababain ako at humarurot papalayo kay Joshua. Kilala niya si Joshua, kaya siyang patumbahin nito at alam na alam niya iyon dahil naranasan na niyang makasuntukan itong si Joshua noon sa campus.