LOGIN"pwede ba kuya! hindi naman namin pinapalayas yang asawa mong magaling. Kusa siyang umalis dito sa bahay, sinampal niya pa si Celestine, isa pa nabalitaan ko sa mga friends ko na yung haliparot na yun ee dun na nakatira sa condo ni Oliver" sagot pa nito sakin habang si Celestine ay tahimik lang na nakatayo sa likod ni Cecille. "CECILLE! tigilan niyo na kakagawa ng kwento tungkol kay Natalie." napatiim bagang kong sagot dito "sige tawagan mo Sebastian ng magkaalaman kung sino nagsasabi ng totoo dito. i-loud speaker mo para marinig ng lahat ang katotohanan." sabi pa ni mommy sakin. "Hello Sebastian napatawag ka?" tanong nito sakin "Oliver may gusto akong malaman at gusto ko sabihin mo sakin ang katotohanan, lalaki sa lalaki sabihin mo sakin sayo na ba nakatira ang asawa ko?!" tanong ko dito "Sebastian, oo totoong sa condo ko nakatira si Natalie, pero hindi ganun ang ibig sabihin nun. Tinulungan ko lang siya ng minsan ay madisgrasya ang sasakyan na sinasakyan niya, nabangga ang kotse niya sa poste nung oras na umalis siya sa mansion niyo, nakiusap siya sakin na wala na sanang ibang makakaalam ng nangyari kaya pina block namin sa news ang nangyaring aksidenteng ! Kilala mo ako Sebastian, oo tarantado ako at mahilig sa babae, pero hindi ang klase ni Natalie ang babaeng papatol na lang sa ibang lalaki kung wala ang asawa niya. Sya ang klase ng babaeng irerespeto. Siguro kung wala ka sa buhay niya hindi ko palalampasin ang pagkakataon na ligawan ko siya. Kaya ingatan mo ang asawa mo Sebastian, one in a million lang ang ganyang babae, kasi kung aayaw na talaga siya sayo. Hinding hindi ko siya pakakawalan."sagot nito sakin
View MoreANDREW POVHindi ko inaasahan ang pagbisita sa akin ni Sebastian sa kulungan. Ang buong akala ko ay nakalimutan na ako ng aking pamilya. Pumunta ang jail guard sa aking selda. Simula ng hindi na ako saluhin ni Daddy at hindi ako bigyan ng pera ay nawala na din ang aking mga galamay. Habang naglalakad ay nag-iisip ako kung sino ang nakaalalang dalawin ako. Hanggang sa marating ko na ang visitors area. Madaming dalang grocery, pagkain at damit ang aking kapatid na si Sebastian.Lumapit ako sa kaniya na punong puno ng pagsisisi. Nakayuko ako habang humihingi ng tawad. "Bro, patawarin mo sana ako sa lahat ng kasalanang ginawa ko sayo. Alam ko huli na ang lahat pero sana ay mapatawad mo pa rin ako bago ko lisanin ang mundong ito." sabi ko sa kaniya"ano ka ba Bro wag kang magsalita ng ganyan makakalabas ka pa dito. Isa pa matagal na kitang napatawad. Busy lang ako palagi kaya ako hindi nakakadalaw sayo. Ito oh para sayo." inabot niya ang kanyang mga dala sa akin. Nag abot din siya ng Cash
NATALIE POV Nang sabihin sa akin ni Joshua ang tungkol kay Julie ay talagang nabigla ako. Kung ganoon ay kawawa naman ang batang ito. Hindi na iniintindi ng kanyang mga magulang. Nakakaawa pa dahil tinakwil siya ng dahil lang sa panliligaw ng aking anak. Gaano ba kasama ang ideyang nanliligaw si Joshua sa kaniya. Napapabuntong hininga na lang ako dahil hindi ko lubos maisip na may magulang na haharang sa kaligayahan ng kaniyang anak. Pinahanda ko na kay Manang ang silid na tutuluyan ni Julie . Alam kong masamang masama ang loob niya sa ngyaring gulo ngayong araw. “Joshua dumiretso na kayo kagad dito sa bahay para makapagpahinga na din si Julie.” Sabi pa niyan sa akin “Mommy malapit na din po kami nandito na ko sa subdivision natin. “Okay sige mag iingat kayo!” Sagot ko naman sa kaniya. Ilang minuto lang ang nakalipas at narinig ko na din ang pagparada ng sasakyan ni Joshua. Bukas palad naming tinanggap si Julie sa aming tahanan. JOSHUA POV “Okay lang yan sige na wag kang mah
JULIE POVAlam ko at malinaw sa akin ang nais na mangyari nila Mommy at Tita Scarlette. Hindi ko din maipaliwanag sa aking sarili kung bakit ako ang nahuhulog kay Joshua imbis na siya ang pasakayin ko sa mga gustong mangyari nila Mommy ngunit ngayon ay sigurado ako sa aking sarili na hulog na hulog na ako sa kaniya. Nais kong tulungan siyang maghiganti sa mga magulang nitong sumira sa buhay namin. Ang taong dahilan kung bakit hanggang ngayon ay nagtatago kami dito sa US at hindi man lang makita ang aking ama na nasa kulungan sa Pilipina. Sila ang dahilan ng lahat ng paghihirap na inabot namin dito. Nanumbalik na naman tuloy ang pagkapoot ko dahil sa mga panget na ngyayari noon. Magmula kasi ng makarating kami dito ni Mommy at mailuwal niya ako dito sa US ay puro kamalasan at matinding paghihirap ang aming inabot. Naalala ko pa ng mga sandaling iniiwan ako ni Mommy noong bata ako para mag 3-4 na trabaho para lang may maipambayad kami sa bayad at maipang gastos sa akin. Binabarat din ng
AT BEVERLY MANSIONJULIE POVMalaking ngiti ang sinalubong sa akin ni Joshua ng matapos ang aming practice. Huling 2 linggo na lang din kasi at matatapos na ang aming klase. Finally makakapagtapos na din kami sa kolehiyo. Kasabay ng aming pagtatapos ang pag alis ko bilang cheer leader. Masaya na nalulungkot kong tinuturuan ang mga bagong sibol.“Joshua what is that smile for?!” tanong ko sa kaniya habang pinupunasan ko ang pawis ang aking sarili.“Mmm kasi Julie dumating sila Mommy dito para sa graduation natin, nasa bahay sila at gusto ka sana nilang invite. Nabanggit ko kasi sa kakila ang tungkol sa panliligaw ko sayo. Syempre gusto makilala mo din ang mahahalagang tao sa buhay ko para makilala mo din sila pero ayon ay kung okay lang naman sayo. No pressure!?” Nahihiyang tanong ni JoshuaIlang minuto din akong nag isip kung papayag ako sa kahilingan nito. Hindi ko kasi alam kila Mommy kung okay lang ba sa kanila. Hindi man ako umaamin sa kanila sa totoong nararamdaman ko para kay Jo






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews