Lanie Pov
Walang naglakas loob sa aming magsalita matapos lumabas ni Eury sa classroom. Gulat pa rin kami sa ginawa niya. Si Zandro na mahilig sa gulo at kinatatakutan naming lahat sa loob ng room na ito ay nagawa niyang sampalin sa harapan naming lahat. Pero ngayon ko lang nakitang ganoon kagalit si Eury. Sa pagkakaalam ko ay mahaba ang pasensya niya pero ngayon ay talagang naputol na ang pagtitimpi niya. Lahat kami napalingon kay Zandro nang bitbitin niya ang bag niya at blangko ang mukhang lumabas ng room. "At saan ka pupunta Zandro?! Hindi pa tayo tapos!" harang ng fourth year student sa kanya. "Tumabi ka kung ayaw mong makatikim sa akin," nakakatakot niyang bigkas. Napalunok ako nang mapansin na sobrang galit na galit na ang mga mata niya. Na para bang ilang sandali pa'y maaari siyang sumabog na lang bigla dahil sa sobrang galit. "A-ano?" natatakot na tanong ng lalaki kay Zandro. "I said move," malamig niyang utal dahilan para mag give way ang mga ito. Nang makaalis si Zandro ay saka lang kami nakahinga nang malalim. "Nakita niyo yung mukha niya? Nakakatakot." "Oo nga. Parang nagsitayuan lahat ng balahibo ko sa katawan kanina." "Kahit tahimik siya ay nakakatakot pa rin naman siya." Bulong bulungan nilang lahat. Napatingin ako sa kawalan. Zandro Vandrick Torricelli and Eurydice Solarte. Masasabi kong magkatulad silang dalawa na may ibang lahing nanalaytay sa kanilang mga dugo. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung ano man ang ugnayan nilang dalawa. Kapag wala si Eury ay hindi rin pumapasok si Zandro. Kapag umiiyak naman si Eury ay nanlalambot si Zandro. Posible kayang may gusto si Zandro kay Eury? EURY POV Kahit hindi pa tapos ang klase namin ay dumiretso na ako nang uwi. Napayuko ako at napayakap sa aking mga tuhod. Nandito ako ngayon sa loob ng aking silid at nakaupo sa kama. Wala sa sariling napatitig ako sa palad ko. Talaga bang nasampal ko siya kanina? Natigil ako sa pag-iisip nang makarinig ako nang marahang pagkatok. "Eury hija, buksan mo ito. May dala akong meryenda mo," dinig kong sabi ni Mommy mula sa labas ng pinto. Marahan akong tumayo at pinagbuksan siya. Nakita ko siyang may dalang sandwich saka juice pero ang nakaagaw pansin sa akin ay ang lalaking nakatayo ngayon sa kanyang likuran. Anong ginagawa niya dito? "Sabi ni Zandro ay wala raw kayong teacher kaya nauna ka nang umuwi kanina. Akala ko nagsisimula ka nang magbulakbol Eury." Mommy while busy putting the snacks in my study table. "O-opo," wala sa sariling sagot ko sa kanya habang nakatitig pa rin kay Zandro. Kitang kita ko ang pamumula ng pisngi niya. Dahil ba iyon sa ginawa ko? Hindi ko tuloy maiwasang maguilty. "Sige iiwan ko na muna kayo." Nang kaming dalawa na lang ang naiwan ay agad siyang pumasok sa loob ng silid ko. "Bakit ka nandito-" Nagulat ako nang bigla niya akong niyakap. "I'm sorry Eury. Please don't be mad at me," bulong niya sa tenga ko habang niyayakap ako. "Ah, pwede bang bitiwan mo muna ako sandali." Bumitiw naman siya at tinitigan ako sa mga mata. "I'm sorry," anas niya muli sa akin. Napayuko ako at napakagat labi. "S-sorry din," nahihiyang utal ko at nag iwas nang tingin. Bakit ako nahihiya? Ano bang nangyayari sa akin? "Peace." He said while showing me a corneto ice cream. Marahan ko iyong tinanggap. "Peace." I said. "EURY!" Sabay kaming napalingon sa pintuan nang marinig namin si Mommy sa ibaba. "I need a hand right here, just for a moment." "Coming Mom!" I shouted back. Bumaba kaming dalawa ni Zandro at nakita namin siya sa kusina na abala sa pagbabake ng cookies. "You need some help tita?" Zandro asked and roam his eyes in the whole kitchen. "Yes please, hijo. Can you please slice that melon over there and Eury please wash the dirty dishes." Napakurapkurap ako. Asan ang mga kasambahay? Nabasa yata ni Mommy ang iniisip ko kasi nagsalita na naman siya. "The housemaids is not around. Dinala sila ng daddy mo sa tagaytay para bumili ng mga bulaklak." "All three of them?" tanong ko at nagsimula nang maghugas ng pinggan. "Yep." "Want some help?" Zandro while slicing the water melon. "Hindi na, kaya ko na ito," sagot ko habang abala sa paghuhugas. "You look great while doing household chores. You looked like a caring wife, Eury." "Ano ba iyang mga pinagsasabi mo?" natatawa kong utal habang nakafocus sa aking ginagawa. "You will become a great wife for me, Eury." Napahinto ako sa paghuhugas at napatingin sa kanya. Maging si Mommy ay natigilan din. "W-what?" "Just sayin," kibit balikat niya. Muntik na akong mapatalon nang bigla na lang pumalakpak si Mommy sa kawalan. "Omo! Omo! You look good together. Bakit ngayon ko lang napansin ito." Natutuwang bigkas ni mommy at napapatalon pa. Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. "Ano ba iyang mga pinagsasabi mo, Ma?" "Really Tita? You really think so?" Zandro while smiling. Sinamaan ko naman siya nang tingin. "Totoo naman na bagay tayong dalawa. Saka kung may taong makakatiis man diyan sa kasungitan at ugali mo walang iba kundi ako lang iyon, Eury." "So sinasabi mong masungit talaga ako?" sabay tanggal ko sa sabon na nasa mga kamay ko at umayos nang harap sa kanya. Nginitian niya lang ako. "Ako huwag mo akong iniinis Zandro ha. Hindi ako masungit, ikaw lang iyong masungit sa ating dalawa," dagdag ko pa.ZANDRO POV"Are you really sure about this, Sire?" Vodka asked while he's on screen.Tumalim ang mga mata ko sa kanya dahil sa sinabi niyang iyon. Nakaupo ako ngayon habang matamang nakaharap sa kanya sa malaking screen dito sa underground. Dito sa naging tahanan ko noon. Ni hindi ko inisip na magagamit ko ulit ito ngayon."Are you questioning my decisions and plans, Vodka?" malalim na ungol ko sa kanya.Kita ko pa sa gilid ng mga mata ko ang naging mariing paglunok ni butler Leonard na tahimik lang na nakatayo sa may gilid."I-it's not like that, Sire," Utal na pakli ni Vodka mula sa screen. Kita ko sa mga mata niya na medyo naging tense siya dahil sa inakto ko.Huminga siya nang malalim bago muling nagsalita."Nag-aalala lamang po ako kay Miss Eury, Sire. Wala po siyang alam sa pamumuhay natin. Hindi po siya lumaki sa karahasan. Ang kapakanan niya lamang ang aking iniisip. I saw a lot of generations in your family. Hindi po madali ang maging parte nang pamilyang Torricelli," mahaban
EURY POV"You keep quite, Eury. Tama si Zandro sa sinabi niya kanina na curious kami ng daddy mo tungkol sa buhay niya. Kasi naman hijo ay talagang napakamisteryoso mo talaga para sa amin ng tito mo," dagdag pa ni mommy na ikinalingon ko kay Zandro."My dad is already dead, Tita. Kaya po ako biglang umalis noon nang hindi manlang nagpapaalam o nakapagsabi manlang sa inyo," sagot ni Zandro na ikinalunok ko nang marahas.The death of his father. Alam kong nasabi na niya ang sa akin ang tungkol sa bagay na iyon pero the idea of how he died it's still giving me this goosebumps."Anong ikinamatay niya? Nagkasakit ba siya? Sa itsura mo palang hijo ay alam ko na talaga na mga gwapo at maganda ang parents mo.""Ma!" saway ko kay mommy sa pagtatanong niya tungkol sa bagay na iyon."My dad...he was directly shot in the head," deretsong sagot ni Zandro kay mommy.Napapikit ako sa sinabi niyang iyon habang natigilan naman si mommy dahil doon."I-I'm sorry to hear that hijo," nauutal na bigkas ni
EURY POVNapansin ko pa ang ginawa niyang pagkuyom sa kanyang isang kamay na para bang nagpipigil lamang siya. Galit ba siya dahil pinutol ko siya sa ginagawa niyang pagsasabi nang totoo kay mommy?Nasa ganon akong pag-iisip nang bigla na lamang akong niyakap ni mommy na siyang nagpabalik sa akin sa realidad."Oh my gosh! Eury, I'm so so so happy for you. For the both of you. Hindi ko lubos maisip na darating ang araw na ito na iibig ka at magpapakasal kana. At kay Zandro pa talaga! Sa lalaking noon paman ay gustong gusto ko na talaga para sa iyo," umiiyak na anas ni mommy sa akin habang yakap-yakap pa rin ako.Anong sinabi niya? Tama ba iyong narinig ko na noon paman ay gustong gusto na niya si Zandro para sa akin?Bumitiw siya sa kanyang ginagawang pagyakap sa akin at tsaka ako nakangiteng tinitigan. Marahil ay nakita niya sa aking buong mukha ang pagtatanong kaya muli siyang nagsalita."Tama ang narinig mo anak," panimula niya at nakangiteng sinulyapan si Zandro na tahimik lang sa
EURY POVNabalik sa realidad ang isipan ko nang maramdaman ko ang paghigpit nang kapit ni Zandro sa aking kamay. Nilingon ko siya at nakita ko na kanina pa pala siya nakatingin sa akin.Kita ko kung papaano nagkislapan ang kanyang mga mata sa akin na para bang siguradong sigurado na talaga siya sa akin. Alam kong napag-usapan at napagkasunduan na naming dalawa ang tungkol sa bagay na ito. Pero ang marinig muli ito na sinasabi niya sa mismong harapan nang aking ina ay talagang muling nagpapalula sa akin."I have love your daughter for a long long years Tita. Napalayo man ako sa kanya ay wala pa rin akong ibang inisip na babae na nababagay para sa akin kundi siya lang talaga," panimula ni Zandro habang mas humihigpit ang kanyang hawak sa aking kamay.Narinig at nakita ko ang ginawang pagsinghap ni mommy kasabay nang kanyang pagtuptop sa kanyang bibig. Na para bang gulat na gulat siya. Hindi rin nakaligtas sa aking mga mata ang panunubig ng mga mata ni mommy."Bata paman ay talagang gust
EURY POV"Please, let's get married, baby. I don't want to take this anymore longer. Pakiramdam ko ay kapag hindi agad kita itatali sa akin ay basta-basta mo na lamang akong iiwanan and i hate that feeling. Akin ka Eury at sa iyo lang din ako," nagsusumamong bigkas niya sa akin habang deretsong nakatitig sa aking mga mata. Kita ko mula roon ang sobrang pagmamahal na alam kong para lamang sa akin."A-a...ano?" utal ko sa hindi pa rin makapaniwalang boses.Totoo ba talaga itong nakikita at naririnig ko ngayon? Totoo ba talaga na inaaya na ako ngayon ni Zandro nang kasal? Pero hindi pa nga nagtatagal ang relasyon namin kaya bakit naman niya agad ako pakakasalan? Alam ko naman na hindi rin iyon nakabase sa taas at tagal nang relasyon dahil kung mahal namin ang isa't isa ay talagang kami parin ang magkakatuluyan. Pero talagang nakakabigla parin talaga lalo na't kung si Zandro na ang siyang nag-aya sa akin."I know that this is so sudden but damn baby. Hindi ko na kayang patagalin pa ito. S
LEANOR POVIt hurts. It hurts like hell that i just couldn't take it. I never thought that of all people why does it has to be her?For a short period of time that I known her i know that she's a very nice person. So, of all woman in the world why is that it has to be her? Why is that it has to be Eury? I-i just couldn't accept it. I feel that all of my efforts have been useless all along.I stop walking when I felt my phone ringing. It took me a lot of seconds to answer it because I know to myself that any moment from now, my tears will surely came out.I saw from the screen that it was Madame Amethyst."H-hello, Madame?" I uttered softly as I answered her call."I-I'm sorry, hija. B-but I've just realized that I want my son to be happy by his decisions in life. I just thought that..i couldn't dictate his private life anymore..especially to the woman whom he wanted to marry," she said while crying on the other line.The tears that i was holding back came out instantly. If I had only