Share

Chapter 3

Author: GreenCoated
last update Last Updated: 2023-03-03 19:34:15

MULA sa may bulsa ay kinuha ni Reighn ang papel na pinunit ni Zoe dahil sa matinding selos na naramdaman niya kanina. Nagulat man si Zoe ay hindi niya ito ipinahalata sa babaeng nasa harapan, na kung makatingin sa kaniya ay parang lalamunin na siya ng buo at buhay. Magsasalita pa sana si Zoe para ipaliwanag ang nangyari nang bigla siyang sigawan ni Reighn.

"What the hell is wrong with you, bitch?!" tanong ni Reighn na may gigil sa boses at pinanlakihan pa niya ng mga mata si Zoe. Kung may laman pa iyong baso niya ng juice na nasa harapan ay paniguradong nasabuyan na niya si Reighn ngayon dahil sa pinakitang ugali.

"What the hell is wrong with me?" Itinuro pa ni Zoe ang kaniyang sarili habang nagtatanong dito. Tumayo na rin siya at nakipagtaasan ng kilay kay Reighn. Naagaw na nila ang atensiyon ng mga estudyante na nasa loob ng cafeteria. Kabi-kabilang bulungan ang naririnig ni Zoe na lalong nagbibigay sa kaniya ng init ng ulo.

"May problema ka ba sa akin, bitch?!" mahina lang, pero alam niyang narinig iyon ng kaharap. Para na itong bulkan na sasabog ng anumang oras. Kung hindi lang siya pinakitaan ng ganoong ugali ay baka pinaglagpas niya pa ang nangyari ngayon.

"Nakuha mo pa talagang magtanong ng ganiyan, ha? Bakit? Sino ka ba sa akala mo para manira ng bagay na hindi naman sa'yo ibinigay? Gusto ko lang ipaalam sa'yo na kay Dylan ko ibinigay itong sulat at hindi sa'yo!" nanggigil na sabi ni Reighn.

Gustong matawa ni Zoe sa hitsura nito, pero mas nangingibabaw ang inis niya rito at sa tingin niya isang kalabit lang ay mauupos na ang pasensiya nito. Inakala niya talaga kanina na isa itong mahinhin at mabait na dalaga, pero dahil sa eskandalong ginawa nito ngayon ay napatunayan niyang hindi ito puwedeng makalapit nang tuluyan sa Dylan niya.

"Tapos ka na? Katamad kang kausapin!" wika ng dalaga.

Ayaw niyang mapahiya nang tuluyan sa mga kapwa niya estudiyante kaya nagpasya siyang umalis. Tatalikod na sana siya nang biglang hablutin ni Reighn ang buhok niya kaya muntik na siyang ma-out of balance sa ginawa ng babae sa kaniya.

"Huwag mo akong talikuran kapag kinakausap kita, ah!" Napahawak si Zoe sa kamay nito na pilit hinihila ang buhok niya. Gusto talaga ng babaeng ito na pasabugin siya. Puwes pagbibigyan niya ito. Hindi siya makapapayag na ganito ang mangyari sa kaniya.

Narinig niya ang mga tilian ng mga estudyante na nakatingin sa kanila. Nagdilim na ang paningin niya para dito. Hinarap niya si Reighn at walang ano-ano ay nakipaghilaan na rin ng buhok dito.

"Walang hiya ka! Wala kang karapatan na gawin sa akin ito. Baguhan ka lang dito, babae!" sigaw ni Zoe.

Humihiyaw si Reighn sa bawat hila ni Zoe na may lakas sa mga hibla ng buhok nito. Walang laban si Reighn sa kaniya dahil mas matangkad at mas malakas si Zoe. Dahil nakita na rin ito ng mga kaibigan ni Reighn ay tinulungan nila ang dalaga para saktan si Zoe.

Natigil lang sila sa kanilang ginagawa nang marinig nila ang boses ni Dylan na puno ng galit.

"Stop!" pagpapatigil ni Dylan sa kanilang dalawa.

Saglit na napatigil si Zoe sa paghihila ng buhok ni Reighn. Mabilis niyang tinapunan ng tingin si Dylan at nang magtagpo ang mata nila ay bigla niya itong nginisian.

Binalik niya ang tingin kay Reighn na sobrang gulo ng buhok at may mga kalmot sa mga braso at mukha. Nakita rin nito ang dalawang kaibigan ng dalaga na parang maamong pusa na nakatayo sa gilid.

Umalingawngaw sa loob ng canteen ang isang malakas na sampal na binigay ni Zoe kay Reighn.

"Serves you, bitch!" mataray na sabi ni Zoe.

Hindi na napigilan ni Dylan ang kaniyang naramdaman nang makita ang ginawa ng kaibigan. Bigla niyang nilapitan si Zoe at tinulak ito palayo kay Reighn. Hindi napansin ng binata na napalakas pala ang tulak niya dahilan para mauntog ang likod ni Zoe sa dulo ng lamesa at napatumba ito sa sahig.

Nagsihiyawan naman ang mga nakakita sa nangyaring pagtulak, pero sa halip na tulungan si Zoe sa pagtayo ay walang tumulong sa kaniya. Ang lahat ay nagsipagtawanan sa nangyari at inasar lang siya.

"Bagay lang 'yan sa kaniya."

"Masyado kasing mayabang."

"Pabida masyado."

"Bitch!"

Iba't ibang bulungan ng mga estudyante dahilan ng pag-ismid at hindi pagpansin ni Zoe. Samantalang hindi naman makikitaan ng reaksyon sa mukha si Dylan. Parang hindi siya nakonsensiya dahil sa pagtulak niya nito ng malakas sa kaibigan. Mabilis namang nilapitan ni Dylan si Reighn at tinanong kung okay lang ba siya.

Masakit ang naramdaman ni Zoe sa malakas na pagtulak ni Dylan sa kaniya, pero mas nanaig pa rin iyong sakit na naramdaman ng puso niya nang mas pinili ni Dylan ang babae na iyon kaysa sa kaniya.

Napangisi si Zoe. Hindi niya alam kung si Dylan ba ang gumawa sa kaniya no'n. Hindi kailanman nagawa ni Dylan na saktan siya. Ngayon niya lang ginawa iyon at iyong babaeng nagngangalang Reighn pa ang dahilan.

Parang hindi nasaktan at tumayo si Zoe mula sa pagkakaupo. Hindi niya pinansin ang mga estudyanteng nakatingin ng masama sa kaniya. Ramdam niya ang pagsakit at pagkirot ng parte ng likod niya na tumama sa kanto ng lamesa, pero ininda niya lang ito.

Napatingin siya sa kanila nina Dylan at Reighn. Nakita niya pa ang sekretong pagngisi ni Reighn sa kaniya, pero hindi siya nagpatinag at sa abot ng makakaya niya ay tinaasan niya ito ng kilay.

'Tsk. Hindi pa tayo tapos, babae!' sabi ni Zoe sa kaniyang isip at 'saka tumalikod.

Habang nakatalikod si Zoe at naglalakad palayo ay napansin ni Dylan ang dugo sa likod nito na siyang parami nang parami. Hindi niya mapigilang makonsensya dahil sa ginawa.

Maglalakad na sana siya para habulin si Zoe nang marinig niya ang pagdaing ng babaeng kasama niya kaya mas pinili niya munang gamutin ang sugat ng babaeng iyon. Pagkatapos ay pupuntahan niya na lang ang kaniyang kaibigan mamaya.

Nawalan na ng gana si Zoe na pumasok sa huling subject nila. Iyong ibang mga estudiyante na nadadaanan niya ay napapatingin sa kaniya. May iba na may pag-aalala sa mga mukha ang makikita at itong iba naman ay makikitaan ng inis at tuwa dahil sa nangyari sa kaniya.

Wala ring naglakas ng loob na lapitan siya. Zoe doesn't even care kung ano man ang mga naiisip ng nakakakita sa kaniya.

May naramdaman siyang init na likido sa kaniyang likuran, pero sa isip niya pawis lang siguro iyon. Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa bigla na lang ang panlalabo ng paningin niya. Pakiramdam niya ay matutumba siya anumang oras. Huminto siya saglit at kinuha ang panyo niya sa kaniyang bulsa. Pinunasan niya ang kaniyang pawis sa mukha.

"Zoe!" Alam niya kung sinong nagmamay-ari ng boses na iyon. Napangiti siya at nilingon ito. Nakita niya ang paghakbang nito patungo sa direksiyon niya, pero bago pa man ito makalapit ay tuluyan nang nagdilim ang paningin niya.

Sa kabilang banda, pagkatapos gamutin ni Dylan ang mga galos at kalmot sa katawan ni Reighn ay nagpaalam na siya rito. Kailangan niya munang hanapin si Zoe. Alam niyang nasaktan niya si Zoe sa ginawa niyang pagtulak dito, pero hindi niya iyon sinadya.

"Tinanong ko lang naman siya kung bakit niya pinunit iyong sulat na ibinigay ko sa'yo. Tapos bigla na lang niya akong inaway."

Iyon ang sabi ni Reighn sa kaniya kanina. Nakita pala nito ang ginawa ni Zoe sa papel na binigay nito at nasaktan iyong dalaga nang makitang pinunit ito ng kaibigan niya. Gusto niyang kausapin si Zoe para malaman kung bakit niya ginawa iyon kay Reighn.

Nagpasya siyang habulin si Zoe para humingi na rin ng tawad sa kasalanang nagawa niya. Nang mahanap niya ito ay nabahala siya nang makita ang maraming dugo sa likurang bahagi ng damit ng dalaga.

"Zoe!" tawag niya sa dalaga. Nakita pa niyang ngumiti si zoe sa kaniya nang lingunin siya nito. Ngunit bigla na lamang nawalan ng malay ang dalaga pagkatapos ng ngiti na 'yon.

Agad niyang tinakbo ang kinaroroonan ni Zoe. Nang makita niya ang dalaga ay sobrang putla ng mukha nito. Binuhat at itinakbo niya si Zoe sa kaniyang sasakyan. Dadalhin niya ito sa malapit na hospital ng kanilang paaralan. Ayaw niyang dalhin ito sa clinic ng kanilang school dahil paniguradong pag-uusapan sila ng mga tao roon.

Nanginginig ang kamay niya nang haplusin ang mukha ng kaibigan. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya habang patuloy na tumatakbo buhat ang dalaga. Nang makarating sila sa kotse ay mabilis niyang ipinasok si Zoe sa loob at pinaandar ito.

"Please, wake up, Zoe," usal ni Dylan habang mabilis na nagmamaneho papuntang hospital.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Secret Romance   Ending

    AFTER two years.Zoe is happily married to Dylan Rodriguez. They already live under one roof ---- she, Dylan, Dykeil, and soon their daughter named Dianne. Hindi in-expect ng dalaga na masusundan pa si Dykeil lalo na at nakunan din ito si Zoe sa kanilang pangalawang anak ni Dylan.Katulad ng mga pinangako ni Dylan noon ay tinupad nito ang sinasabi niya magpapakatatay sa anak nila ni Zoe. Hindi lang ‘yon dahil nasaksihan din ni Zoe kung gaano ka-perfect si Dylan bilang asawa nito.Habang si Dykeil naman habang lumalaki ay nagiging kamukha na ng kaniyang ama. Ang ina naman nito na si Abby ay may sariling love life na. Nitong linggo ay nag-propose ang kaniyang Tito Gilbert sa ina at nakita ni Zoe kung gaano kasaya ang dalawa sa isa’t isa. Hindi naman tumutol ang dalaga dahil alam niyang magiging masaya ang ina sa lalaki.Kahapon naman ay nakatanggap si Zoe ng invitation galing kay Reighn. Isinama kasi siya bilang ninang ng panganay nitong anak na babae. Kahit alam ni Zoe na bad history s

  • My Secret Romance   Chapter 43

    NAGSIMULANG magbilang ang dalawang clown nang matapos nitong sabihin ang gustong mangyari. Sumibol ang kaba sa buong katawan ni Zoe nang magsipagtinginan ang mga tao sa kaniya."Again, bring me the parents of the celebrant," pag-uulit na sabi ng isang clown. Tumakbong lumapit ang mga bata sa dalaga at hinila ito papunta sa may unahan.Ilang segundong nakatayo si Zoe roon at para bang may hinihintay sila na ibang tao. Alam ni Zoe na walang nakakila kung sino ang totoong ama ni Dykeil, bukod sa kaniyang pamilya. Kaya naman ganoon na lang ang bulong-bulungan ng mga tao at nagtatanong kung nasaan ang tatay ng anak niya.Nang nilingon ni Zoe ang puwesto ng anak ay dumagdag pa sa kaniyang kaba nang hindi niya makita roon si Dykeil. Agad niya itong hinanap ng tingin at napatigil lang ang dalaga nang makita ang pamilyar na tao na hila-hila ng kaniyang anak papunta sa puwesto niya.Sa pagkakaalam ng dalaga ay walang balak pumunta si Dylan ngayon. Alam niyang may importante itong gagawin kaya h

  • My Secret Romance   Chapter 42

    NANATILING nakaupo at tahimik si Zoe. Hindi niya alintana ang babaeng nakaabang sa kaniyang harapan. Wala siyang dapat ikabahala dahil alam niyang hindi na sila pa magkakaayos ni Dylan. Wala na silang dapat pag-usapan ni Reighn.Alam niyang simula noong nag-usap sila ay alam niyang puro gulo lang ito. At kapag nagpakain na naman siya sa mga sinasabi nito ay baka may mawala na naman sa kaniya. Iyon ang kaniyang kinatatakutan."Zoe," muling pagtawag ni Reighn sa dalaga, "can I have your minute? May sasabihin lang sana ako."Hindi lumingon si Zoe at para bang nagbibingihan sa kaniyang paligid."Nak... Zoe," pagtawag ng kaniyang ina. Lumingon ang dalaga kay Abby at nakita niya ang pagtango ng ina na para bang ayos lang sa kaniya na iwanan sila kasama si Dykeil."I have nothing to say to her, mom," aniya ni Zoe.Kinuha ng dalaga ang plato ni Dykeil para sana sandukan ito ng pagkain, pero pinigilan siya ng kaniyang ina. Naramdaman ni Zoe ang paghawak ni Abby sa kaniyang kamay na para bang p

  • My Secret Romance   Chapter 41

    "MOMMY? Daddy?" tawag ni Dykeil. Natigilan ang dalawa nang marinig ang boses ng bata. Bumaba si Dykeil sa hagdan at lumapit sa dalawa. Samantalang napatayo naman si Dylan at hindi makatingin sa bata."I thought you are sleeping, baby?" tanong ni Zoe nang makalapit si Dykeil sa kaniyang binti. Napailing naman ang bata at tinaas ang dalawang kamay na para bang gustong magpakarga. Binuhat naman ito ni Zoe at hinalikan ang pisngi ng anak."You should goy upstairs, Dykeil. May pinag-uusapan pa kami at hindi puwedeng marinig ng bata 'yon," sambit ni Zoe. Hindi naman sumagot si Dykeil at nilapit ang bibig sa kanang tenga at bumulong nang may mapansin. Ngunit sa lakas ng pagkakabulong ni Dykeil ay alam niyang narinig ni Dylan 'yon."Bakit umiiyak si Daddy Dylan?" tanong ng anak. Nilingon naman ni Zoe ang binata at napansin niyang nagpupunas si Dylan ng luha. Nang matapos sa ginagawa ang binata ay tumingin siya kay Dykeil at ngumiti."Napuling lang ako," pagdadahilan ni Dylan."Are you two fig

  • My Secret Romance   Chapter 40

    KATULAD ng nakasanayan ay maagang nagising si Dylan para maghanda. Malapit na rin kasi ang paghaharap nila ni Zoe. Sa totoo lang ay hindi niya naman ito ginustong makarating sila sa ganitong sitwasyon. Isa pa ay ayaw niyang maipit si Dykeil sa hindi nila pagkakaintindihan ni Zoe, pero wala naman siyang magawa dahil baka tuluyan nang mapalayo sa kaniya ang anak.Napatingin si Dylan sa may pintuan nang makarinig ng sunod-sunod na pagkatok. Mabilis na lumapit ang binata roon at inaakalang si Reighn ang nasa likod ng pinto. Ilang araw na rin kasing hindi nagpapakita ang dalaga sa kaniya simula noong malaman niya ang totoo kay Reighn. Ngunit nang buksan ito ng binata ay hindi niya inaasahan ang taong bumungad sa kaniya."What are you doing here?" walang emosyong tanong ni Dylan sa kaniya."Can we talk?" nakatingin sa mata na tanong ng kausap. Tinignan ni Dylan ang mga papel na iniwan niya sa lamesa bago niya ibalik ang tingin sa kaniyang harapan."I'm busy," maikling sagot ni Dylan. Hinawa

  • My Secret Romance   Chapter 39

    HINANAP kaagad ng mga mata ni Zoe 'yong calendar sa gilid at napansin niya ang papalapit na birthday ng kaniyang anak. Paano niya nagawang kalimutan 'yon?One week bago ang birthday ni Dykeil dapat ay nakahanda na ang mga surprise nito sa kaniya at ang mga hahandain nito. Ngayon ay dalawang araw na lang ang mayroon siya. Paano niya pa magagawang pagkasyahin ang araw na 'yon?"Makapaghahanda ka ba sa lagay na 'yan, Zoe? Bakit hindi mo na lang kausapin si Dylan tungkol diyan? Nakabalik nga si Dykeil dito, pero hindi ka naman maramdaman ng anak mo."Nangingilid na ang mga luha ni Zoe at pinipigilan niya na lamang na huwag ipakita ang emosyon sa harapan ng kaniyang ina. Hindi siya puwedeng maging mahina ngayon. Nang makalabas ang ina ng dalaga ay tuluyan nang bumuhos ang kaniyang luha.Biglang nawalan ng gana si Zoe sa kaniyang ginagawa nang mapagtanto niyang tama ang kaniyang ina. Pero iniisip niya na kapag pinakita niyang mahina siya ay baka tuluyang mawala sa kaniya ang anak. Iyon ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status