LOGIN“Hindi ako ang unang taong gustong sirain ang pamilya mo.”Paulit-ulit na umalingawngaw sa isip ni Matthew ang mga salitang iyon.Nasa opisina siya kasama si Anton. Ilang minuto na silang nakatitig sa screen ng cellphone, kung saan natapos ang video na ipinadala ng hindi kilalang tao.“Sir, may ideya na ba kayo kung sino ang may-ari ng boses?” tanong ni Anton.Umiling si Matthew.“Hindi ko matukoy. Pero sigurado akong may koneksiyon siya sa taong nasa likod ng mga pag-atake.”“Puwede nating ipasuri ang recording.”“Gawin mo. Pero mas gusto kong malaman kung saan nila nakuha ang mga litrato ng pamilya ko.”Bago pa makasagot si Anton, pumasok si Arya.“Matthew, tumawag si Dad. Gusto raw niya tayong makausap.”Agad na tumayo si Matthew.“May sinabi ba siya kung bakit?”“Hindi. Pero parang may mabigat siyang iniisip.”Nagkatinginan sila ni Anton.“Sumama ka sa akin,” sabi ni Matthew kay Arya.Nang makarating sila sa bahay ni Roberto, nadatnan nila itong mag-isang nakaupo sa sala. Walang i
Hindi maalis ni Arya ang tingin sa pangalan sa tablet ni Anton.ROBERTO ARAGON.Pangalan iyon ng kaniyang ama. Ang taong ilang beses nang nagpakita ng suporta sa kaniya, lalo na noong mga panahong muntik na siyang mawala sa piling ng pamilya.“Bakit may kinalaman si Dad dito?” mahinang tanong niya.Lumapit si Matthew at umupo sa tabi niya.“Hindi pa natin alam kung bakit kasama ang pangalan niya sa archive. Huwag muna tayong mag-conclude.”“Pero bakit siya ang hinahanap nila?”“Malalaman natin.”Agad na tumawag si Matthew kay Anton.“Dalhin mo si Ramon dito. Gusto kong marinig mismo sa kaniya kung bakit niya kinuha ang records ni Mr. Aragon.”Makalipas ang ilang minuto, dinala si Ramon sa opisina kasama ang dalawang security personnel. Hindi na ito kasing-kalma ng una nilang pag-uusap. Halatang alam nitong mas malaki na ang problemang kinakaharap niya.Ipinakita ni Matthew ang tablet.“Bakit mo kinuha ang records ni Roberto Aragon?”Napatingin si Ramon sa pangalan.“Hindi ko po alam k
Hindi mapakali si Matthew matapos matanggap ang huling mensahe.Look at the person standing beside you.Ilang beses niyang binasa iyon. Hindi niya alam kung panibagong pananakot lamang o may katotohanan ang sinasabi ng nagpadala.Sa labas ng opisina, abala si Arya sa pakikipag-usap sa security personnel. Si Anton naman ay nasa harap ng computer, sinusuri ang listahan ng mga taong may access sa network ng pasilidad.“May nahanap ka na?” tanong ni Matthew.“Mayroon akong tatlong pangalan na posibleng sangkot,” sagot ni Anton. “Lahat sila ay may access sa security system. Pero isa lang ang may pahintulot na magbukas ng restricted network.”“Sino?”“Si Ramon Villareal.”Napatingin si Matthew sa kaniya.Si Ramon ang isa sa mga senior security supervisors ng IDS. Mahigit limang taon na itong nagtatrabaho sa kumpanya. Kilala siya bilang tahimik at maaasahang empleyado. Ilang beses na rin itong naatasang mangasiwa sa seguridad tuwing may mahahalagang bisita sa Imperial residence.“Bakit siya
Hindi naging payapa ang biyahe papunta sa ligtas na tirahan ng Imperial family.Sa loob ng sasakyan, tahimik na nakaupo si Victoria habang karga ang kaniyang anak. Paminsan-minsan ay tinitingnan niya ang mukha ng sanggol, para bang sinisigurado niyang naroon pa rin ito at ligtas.Katabi niya si Arya. Hindi man sila nag-uusap, alam niyang pareho silang nag-iisip tungkol sa nangyari.Sa unahan, nakaupo si Matthew at si Anton. Hawak ni Matthew ang cellphone habang binabasa ang huling mensaheng natanggap niya.One child almost wasn't enough.“Sir,” tawag ni Anton. “May update na ang team sa likod.”“Ano?”“Wala na silang nakitang sumusunod sa atin. Pero may isa pang sasakyan na nakita sa CCTV malapit sa bahay ni Victoria. Pareho raw ng modelo ng SUV na sumunod sa atin kanina.”“May plaka?”“Wala. Natatakpan.”Napailing si Matthew. “Ipa-check mo ang mga camera sa mga kalapit na kalsada. Gusto kong malaman kung saan nanggaling at saan dumiretso ang sasakyan.”“Yes, sir.”“Anton, huwag mong
“Sa hallway papunta sa silid ng kambal.”Iyon ang huling narinig ni Arya bago tuluyang nagbago ang ekspresyon ni Matthew.“Anton, dalhin mo ang security team sa nursery. Walang gagalaw sa mga bata hangga't hindi natin nakukumpirmang ligtas ang paligid.”“Yes, sir!”Agad na lumabas si Anton kasama ang ilang security personnel. Naiwan sina Matthew at Arya sa sala, kapwa hindi mapakali.“Matthew, gusto kong makita ang mga anak natin.”“Sandali lang. Sisiguraduhin muna nating ligtas ang daan.”“Hindi ako mapapakali rito.”Hinawakan ni Matthew ang magkabilang balikat niya. “Arya, I understand. Pero kailangan nating maging maingat. Hindi natin alam kung ilan sila.”Hindi na nakipagtalo si Arya. Pero hindi niya maitago ang takot sa kaniyang mukha.Maya-maya, bumalik si Anton.“Sir, cleared na ang hallway. Walang tao sa loob ng nursery. Pero may nakita kaming bukas na service door.”“May nakapasok?”“Posible. May nakita rin kaming bakas ng sapatos sa likod ng storage room.”Agad na nagtungo s
Hindi agad umalis sina Matthew at Arya sa birthday celebration ni Victoria.Nang matanggap ni Matthew ang mensaheng, “Tell Arya I'm coming for what she took from me,” tuluyan nang nagbago ang mukha niya. Hindi na siya nakikipag-usap sa ibang bisita. Nakatutok na ang atensiyon niya sa paligid, habang si Arya naman ay tahimik na hawak ang kamay niya.“Matthew,” mahinang tawag ni Arya. “Kailangan nating umalis.”Tumango siya. “Anton is already outside. Nakaabang na rin ang security.”Lumapit si Althea at napansin ang tensiyon sa dalawa.“Anong nangyari?”“Wala muna tayong oras magpaliwanag,” sagot ni Matthew. “Kunin mo ang kambal. Huwag kang hihiwalay sa kanila.”Hindi na nagtanong si Althea. Agad niyang nilapitan ang mga bata na abala sa paglalaro kasama ang kanilang mga lolo't lola.Samantala, nakita ni Arya si Victoria sa may hagdan. Nakatingin ito sa kanila, maputla ang mukha at tila may gustong sabihin.“Victoria,” tawag ni Arya.Napatingin ang babae. Ilang segundo siyang nag-alinla







