Share

Kabanata 1

"Hi, beautiful lady!" Kaway sa akin ng isang lalaki na hawak ang baso ng alak.

"Guys this is... " Yumukod sa akin ang lalaking katabi ko na hinihintay akong magsalita.

"Cherry.." Mahina kong sagot.

"Cherry!" Sabay-sabay nilang sabi na bakas ang maluwang na ngiti sa labi.

"I'm, Zack." Kaway ng lalaking bumati sa'kin kanina.

"Skye at your service," anang isa at sumaludo pa sa akin.

"And I'm Jeff." Humarap ito sa akin na nilahad ang kamay na siya kong inabot. Nagtataka man kung bakit sila nagpapakilala ay hindi ko nalang tinanong pa.

"And this man behind you is Rexon." Matapos ay ngumisi lang dito.

Hindi ko ito nagawang lingonin dahil sa paglabas ng matangkad na lalaki mula sa dressing room.

"And he's our manager Dawzon Del'torre." Sumulyap ito sa'kin at bahagya lamang tumango.

"You'll start in a minute," sabi nito sa mga kaharap na sumulyap sa relong pambisig.

"Tsk... Hindi pa nasasayaran ng alak yung lalamunan ko." Bigla ang tayo nang nagpakilalang Zack sa aminn.

"Ah, pasensya na kayo, sir." Agad kong sinabi.

"It's okay, Cherry." Naramdaman ko ang palad ni Jeff sa aking balikat.

Agad ko namang nilapag ang Ice bucket sa lamesa na bahagya nang nalulusaw. Yukong yuko ako sa hiya dahil sa kapalpakan ko ngayong gabi.

"Anything you want, sir? Another bucket of Ice or anything?" tanong ko sa mga ito na tila dismayado sa pagka-antala ng yelo.

"Sure..." Agad na sagot  ni Zack.

"No, were fine. You may leave now, miss." sagot naman nang nagngangalang Rexon sa'kin na kumuha ng Isang bote ng beer para isalin sa baso. Ang ilang yelong natira ang ginamit nito sa kaniyang baso.

Wala na akong nagawa kundi ang magyuko at tangka ng lalabas nang sabayan ako ni Jeff palabas.

"Gabi-gabi ka bang nandito?" tanong nito.

"Opo, sir." Magalang kong sagot.

"Jeff na lang pwede?" aniya sa'kin. 

"Pasensya ka na nga pala kay Rex." Dagdag pa nito. 

"Ayos lang po, sir. Ako nga po dapat ang humingi ng pasensya." Huminto ako nang makalabas kami ng silid.

"Salamat ulit, nood ka mamaya ha?" Yumukod ito sa akin habang nakahawak sa hamba ng pinto.

"Sige po... " Nadepina ang mga labi ko rito dahil hindi ko alam kung ngingiti ba ako o hindi sa kanya. 

Tumango nalamang ito sa huli matapos ay nagsara na ng pinto.

Bumalik naman ako sa counter bar na pawisan ang noo. Bakit ba abot-abot ang kamalasan ko ngayong gabi? Nakasimangot akong naupo sa Isang bakanteng silya at pinanood ang mga tao na tila nagkakagulo at sumisigaw.

Sinulyapan ko si Calix na nakayukod sa lamesa habang umuusok sa kanang kamay ang sinindihang sigarilyo.

"Hoy!" Pinagpapantasyahan mo nanaman si Calix, ano?" Tumabi sa'kin si Jacky na may hawak na tray.

"Ha? Hindi ah!" Sunod-sunod kong iling.

"Sus, bumenta na yan, eh! Ano may bago pa ba?" Pinatong nito sa lamesa ang empty tray at nangalumbaba ng tingin sa unahan.

"Wala naman." Mahina ko itong sinagot.

"Balita ko nakabasag ka nanaman daw ng baso. Pang-ilan mo na ngayong Linggo?" Ngumisi ito sa akin kaya ko ito inirapan. Sa totoo lang kasi halos gabi-gabi ako nakakabasag ng baso at hindi ko na mabilang kung ilan. 

"Hindi nakakatawa..." Pinilit ko pa ring sinagot.

"Talagang hindi nakakatawa kapag natanggap mo na ang pay check mo." Ngumisi itong muli.

Napabuntong hininga nalang ako sa kaniyang sinabi. Kung kailan  kailangan ko ng pera ngayong buwan saka pa sunod-sunod ang kapalpakan ko. 

Nayayamot na nangalumbaba rin ako sa lamesa at tinanaw ang stage kung saan nagsi-akyatan na isa-isa ang grupo nila Jeff.

"Oh my God!" Nagulat ako nang magsigawan ang mga tao maging si Jacky sa aking tabi ay hinila ang T-shirt ko na agad tumayo.

"Rex! Rex!" sigaw ng crowd habang si Jackilyn ay halos mamatay-matay sa aking tabi.

"Tsss.. ." Umirap ako dito at tumayo na rin dahil sa natabunan na ako nang mga taong dumagsa sa harapan.

"Go Logistic! I love you, Rexon!" They chanting.

"Grabe ang gwapo talaga nila." Tila namumulang makopa ang mga pisngi nito dahil sa kilig.

Pinaningkitan ko ng tingin mga ito na nag te-testing pa ng mic pero bigla nalang umarko ang mga kilay ko sa mga ito.

"Nasaan ang gwapo d'yan?" wika ko na kunyari'y nasisilaw lang sa liwanag ng malikot na ilaw. 

"Sus, bulag ka ba? Ang timano kasi puro si Calixto lang ang gwapo sa paningin mo!" Reklamo nito na hindi ko na lang pinansin.

"Aanhin ko naman ang gwapo nga? Masungit naman." Humalukipkip ako ng tayo dito na siya niyang ikinalingon sa akin.

"Paano mo naman nasabi, aber?!" Tinarayan na ako nito na parang gusto na akong bunutan ng kilay sa sobrang taas nito.

"Kanina, diba pinag-serve n'yo ako sa room five?" walang ka gatol-gatol kong sinabi.

"Oh shit! Really?! Kung alam ko lang ako na sana ang nag-serve sa kanila!" Nagmamaktol nitong saad.

Ngumisi lamang ako dito matapos ay umiling-iling.

"Hello mic test... " Mabilis akong sumulyap sa stage nang marinig ang boses na nagsalita. Sigawan agad ang manonood sa narinig mula rito.

"Good evening everyone. Are you having fun?!" malakas na nitong sigaw.

"Yes!" Nakisigaw na rin si Jacky sa crowd.

Ako naman ay tila napatanga sa lamyos ng boses nito. Yumuko ito para ayosin ang guitara sa kaniyang balikat at bahagyang tumipa sa string.

"Are you ready guys?!" Itinaas pa nito ang Isang kamay matapos ay ngumiti sa mga nanonood.

Napalunok ako sa klase ng ngiti nito. Lalo pa nang bahagya nitong kagatin ang ibabang labi matapos ay humalik sa mic.

Mabilis kong natahip ang paghinga at humawak sa dibdib. Matapos ay lumingon kay Calixto na nakayukod pa rin habang busy rin sa panonood. Bumaling naman ako kay Rexon na ngayo'y umatras habang hila ang mic stand.

Tila tinulos ako mula sa pagkakaupo nang tumama ang mata niya sa'kin. I swallowed hard cause' he stayed for a about a second na parang ako lang ang kinakantahan.

Hindi ko rin akalain na ganito pala kalamig ang tinig niya. Pati ang gesture niya kung paano kumanta. At kung paano niya hawakan ang mic na may dating. 

Literal niya akong dinala sa kung saan. He started to smile a bit while he was singing. Napasinghap ako sa lakas ng kabog ng puso ko dahil sa epekto ng ginawa niya. The butterflies on my stomach are getting wild. Parang ayoko nang mapatid ang tinging iyon. Per bigo ako nang pumikit ito at tamaan ang chorus. Sabik akong makita ang muli niyang pagdilat ngunit bumaling na sa iba ang tingin nito.

"Cherry sa table 8!" Tawag pansin sa'kin ni Calix na siya kong nilingon.

"Hah, Oo... "

Tumitig muna sa mga mata ko si Calix bago niya i-abot ang baso ng cape cod vodka.

Habang naglalakad ay para akong dinuduyan ng kaniyang kanta. Muntik pa nga sana akong lumampas dahil sa nakakadala nitong boses kung hindi lang ako kinalabit nang Isang lalaki.

"Miss dito 'yan!" Naramdaman kong may humawak sa braso ko kaya ako lumingon.

Agad ko naman binaba ang order ng mga ito sa kanilang table at tangka na sanang aalis pero muli ay hinawakan nito ang braso ko.

"Miss, table ka muna sandali," sabi pa nito na hinila na ako na siyang dahilan para mapaupo ako sa kandungan nito.

"Ayy, ano ba!" Malakas kong sigaw dito na tangkang tatayo pero maagap ako nitong pinigilan.

"Ang taray mo naman, Miss. Magkano ba ang gusto mo, ha?" Bulong nito sa'kin na siyang ikinapanting ng tenga ko.

"Bastos ko, hah!" sigaw ko at sinampal ito ng malakas. Hindi ko alintana ang pagtigil nang tugtog at pagtahimik ng buong paligid sa ginawa ko.

Talagang nilakasan ko para masaktan ito dahilan para makatayo ako at makalayo dito. 

"Abat, matapang kang babae ka, ha!" Tangka itong lalapit sa akin nang may bigla pumagitan sa aming dalawa.

Awang ang mga labi ko nang makilala taong iyon.

"Take off your dirty fingers on her or else, I will gonna punch you to death, " he said in a low rumble voice.

"Rexon?" my trembled lips said.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Marinela Froyalde
maganda ang bungad pa lang
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status