Share

My Sexy Boss (Tagalog)
My Sexy Boss (Tagalog)
Author: QueenVie

Simula

"Salamat po, Itay." Humalik ako sa pisngi nito bago kumaway nang makababa sa pangpasada nitong jeepney. 

"Mag-iingat ka anak." Bilin nito sa'kin.

"Opo! Kayo rin po Itay. Yung gamot n'yo po huwag n'yo kalimutang inumin." Kumaway ako dito matapos ay tumalikod na para pumasok sa backdoor ng naturang bar.

Diretso ako sa locker room at mabilis na nagbihis at bahagya pang nag-apply ng lipstick at powder bago lumabas.

"Hi Cherry!" bati sa'kin ni Fernan na janitor sa pinapasukan kong resto-bar.

"Good evening, Fer." Ngumiti ako dito matapos ko itong lampasan.

Pumasok na ako sa loob habang tinatali ang apron kong suot. Inayos ng bahagya ang name pin ko at ngumiti.

"Cherry, nand'yan ka na pala. Isang bucket sa room five!" sigaw agad sa'kin ni Jacky nang mamataan ako.

"Okay," sagot ko at bumaling kay Calix na nagpupunas ng lamesa.

"Isang bucket please." Yumukod ako sa lamesa at pasimpleng inipit ang buhok sa aking tenga nang tumalikod ito.

Humarap ito at malakas na inilapag ang bucket habang ngumunguya ng bubble gum. 

"Salamat." Ngumiti ako rito na siyang nagkibitbalikat lang sa akin.

Nilakad ko ang kahabaan ng mga lamesa. Puno ng tao ang restaurant ngayong gabi dahil araw ng Biyernes. Kadalasan ay puro estudyante ang costumer namin 'pag ganitong araw. Pero iba ang dami ng tao ngayon at siksikan kaya medyo naipit ako sa gitna.

"Excuse me! Excuse me!" malakas kong sigaw. Mabuti ay tumabi ang ilan nang mapansin ang suot kong waitress uniform.

Nakahinga lang ako ng maayos nang pumasok na sa hallway.

"Ano bang meron?" tanong ko habang nilalakad ang daan patungo sa private room para sa mga magtatanghal ngayong gabi.

"Room service," tawag ko sa pagitan ng pagkatok.

Ngunit walang nagbubukas sa'kin ng pinto at panay tawanan lang sa loob ang mauulinigan ko doon.

"Hello, room service!" Ulit ko na inilakas na ang boses.

I blew out a breath. Marahan kong hinipan ang bangs ko habang nakasandal sa gilid ng pader. Binaba ko ang bucket sa sahig at dinukot ang cell phone sa aking bulsa para mag-update sana ng status sa f******k.

Ngunit hindi pa ako nakakatipa nang bumukas ang pinto na siya kong ikinalingon.

A man in his black leather jacket with white T-shirt underneath transparently looking at me with his two narrowed eyes. Bumaba ang tingin nito sa bucket na nasa aking paanan.

"Ito na ba yung in-order namin?" His voice were so cold like a deep ocean. Habang ako ay tila umakyat ang hiya dahil sa nadatnan niya sa akin. Kinuha nito mula sa lapag ang bucket. 

"Yes, sir! Kumakatok kasi ako kaso walang nagbubukas..."

Napapitik ako sa hangin nang tumalikod na ito sa'kin na walang pasabi bago isarado ang pinto na may diin.

"Suplado!" Umismid ako rito na tangka na sanang aalis nang marinig ko ang muling pagbukas ng pinto.

Ibang mukha naman ang sumilip mula dito kaya ako napahinto.

"Sir?" Malawak ang ngiti kong bati rito.

"Ah, Pakidalhan mo na rin kami ng Ice. " Ngumiti ito ng maluwang sa akin.

"Sige po, may iba paba kayong gusto?" I asked again.

"Iyon lang salamat. " Matapos ay tumalikod na ito bago isara ang pinto.

Bumalik  akong muli sa counter at yumukod kay Calix na busy sa pagmi-mix ng beverages.

Sumulyap ito sa'kin at bahagyang nagtaas ng kaniyang kilay.

"Ano 'yan?" tanong ko nangalumbaba sa harapan nito.

"Blue Hawaii. Sweet and sour mix with blue coraçao." Sinalin nito ang cocktail juice sa long glass at nilapatan iyon ng pineapple chunk at cherry kasama ng mini umbrella.

Nilapag niya ito sa harapan ko na bahagyang ngumiti. Agad na napatuwid ang likod ko dahil sa klase ng ngiti nito sa akin.

"Salamat." Ginagap ko ito na tangka na sanang sisip-sipin nang magsalita itong muli.

"Sa table six iyan, pakidala mo nal ang." He ordered.

Agad na napawi ang maluwang kong ngiti sa tinuran niya at padabog na tumayo dahil sa pigil nitong tawa sa ginawa ko. Agad ring umakyat ang pamumula sa dalawang pisngi ko dala ng pagkapahiya.

"Isa palang Ice bucket!" Bilin ko rito bago umismid. Rinig ko pa ang bahagya nitong pagtawa sa'kin.

"Tss, paasa..." bulong ko at dinala na sa table six ang order kung saan isang grupo ng mga babae ang naroon at masayang nagkukwentuhan.

Atubili akong lumapit at marahang nilapag ang juice sa table. Tumuwid na ako ng tayo at tangka na sanang aalis nang marinig ko ang pagka-basag na+g baso.

"Oh shit!" malakas na sigaw ng babae sa aking likuran.

"Oow!" Tutop ko ang bibig ng makitang basa ang damit ng isang babae at nasa lapag na ang basag na basong kabababa ko lang.

"What the hell?!" Tila gusto nang lumabas ng mata nito sa sobrang panggagalaiti sa 'kin dahil sa nagmantsa sa damit niya ang kulay asul na juice. 

"I'm so sorry, ma'am. Papalitan ko na lang po." Yumukod ako at dinukot ang bimpo sa aking tagiliran para sana ito punasan.

"Stupid! Hindi mo ba nakikita na nag-uusap kami? Tapos bigla mong nilagay sa lamesa na wala man lang pasabi?!" singhal nito sa akin.

"I'm sorry again." I said patiently.

"Tonta! Look at my dress! Alam mo ba kung magkano ito, ha?! Kulang pang pambayad sa Isang buwan mong sweldo!" sigaw na nito sa'kin na siyang ikinalingon nang ilang sumasayaw. Kahit pa malakas ang tugtog ay na-agaw namin ang pansin ang ilan.

Napalunok ako sa pagkakaluhod dahil sa sinabi niya.

"Paano na 'yan, lalabas na sila Rex..." Narinig kong may bumulong rito.

"You will pay for this!" she shouted. Tumayo ito kaya ako bahagyang napa-atras.

"I'm so sorry," wika ko at kinagat ng mariin ang labi.

"Tama na' yan Candice." Narinig kong may pumigil rito.

"This stupid girl doesn't know how to do her job properly!" sigaw pa nito.

"Babayaran ko nalang po ang nasira ninyong damit," I said lowly.

"Huh? You must be kidding me!" 

Humalukipkip ito ng tayo sa harapan ko. Doon ko naramdaman ang mainit na palad na dumantay sa balikat ko at tinulongan akong makatayo.

"Miss, baka pwedeng pag-usapan ninyo ito ng maayos. Maraming costumer ang naantala dahil dito." Buo ang boses ni Calix nang magsalita sa likod ko.

"Sino kaba? I want to talk to your manager!" Pinaningkitan nito ng mata ang nasa likod ko.

Nanlalaki ang matang sinulyapan ko si Calix. Ginagap naman nito ang kamay ko saka nito hinarap ang customer.

"I am the manager." Diretsa nitong sinabi.

Tila naumid naman ang dila nang kaharap nito sa tinurang iyon ni Calix.

"Kung magkano man ang damage ng damit ni n'yo ay babayaran ko." Dagdag pa nito.

Tiningala ko ito dahil sa kaniyang sinabi bago magyukong hiyang-hiya sa sarili.

"Huh.." Narinig ko ang patuyang ismid nito sa akin.

"Sa susunod bago kayo mag-hired ng empleyado siguraduhin n'yo munang marunong mag-serve at hindi tatanga -tanga!" Hindi pa rin nito napigilang sabihin.

"If you'd still insist her apology, mapipilitan akong palabasin kayo sa Bar na ito at abogado ko nalang ang kakausap sa inyo." Ma-awtoridad nitong sinabi sa kaharap namin na tila parang pinawalan ng kulay ang mukha.

"Candice enough. Hindi mo makikita ang performance ng Logistic ikaw rin," sabi rito ng katabi.

Hindi na ito sumagot pa matapos ay sa'kin naman bumaling nang tingin. She eyed me from head to toe bago ako irapan at tumalikod na sa amin. 

Sinenyasan naman ni Calix si Fernan para linisin ang mga piraso ng basong nabasag.

"Are you alright?" tanong nito na giniya akong maupo sa sa isang high chair malapit sa counter bar.

"Ayos lang ako. Salamat pala kanina. Babayaran ko nalang yung nasirang damit no'ng customer," saad ko.

"No, ako na ang magbabayad." Sandali pa itong tumitig sa mga mata ko bago ako talikuran matapos ay bumalik na sa counter dahil may lumapit na customer. Pinagmasdan ko nalamang siya habang paalis.

Hindi ko maiwasang pamulaanan ng mukha sa ginawa niyang pagtatangol sa'kin kanina. Hindi ko rin inaasahang gagawin niya iyon at aakuin ang damage na dapat ay sa'kin naka-charge.

Sumulyap ito sa akin at tumaas ang kilay na sinenyasan akong lumapit. 

Shit lang dahil kuhang-kuha niya ako sa simpleng gesture niya lang na ganoon. Sumilay muli ang ngiti sa mga labi ko nang humarap ako sa kaniya. Agad naman nitong binaba ang Ice bucket sa aking harapan.

"Kanina pa yan hinihintay sa room five," sabi niya na tumitig sa mga mata ko.

"Salamat," I whisper. 

Umiling lamang ito bago ako ngitian. Sa puntong iyon ay tila nagkaroon ako nang konting pag-asa para sakanya. Sa totoo lang kasi ay matagal ko nang crush si Calix. Since college days pa ay siya na ang parati kong bukang bibig sa mga classmate ko.

Hindi rin naman lingid dito ang pagtingin ko sa kaniya. Halata naman di ba? Dahil dito pa mismo ako nag-apply sa Resto-bar kung saan siya ang nagmamay-ari.

Nakakatawang Isipin dahil hindi naman ito ang kursong tinapos ko pero pinili kong mag-apply dito kahit pa wala akong eksperiyensa sa pagwe-waitress.

Hindi ko alam kung kailan ako titigil sa pag-iilusyong isang araw ay magugustohan niya rin ako. Siguro titigil lang ako 'pagnakita kong ikakasal na siya sa ibang babae. Pero habang hindi pa niya nahahanap ang babaeng iyon. Alam kong may pag-asa pa ako... 

"Room service!" Katok kong muli sa saradong pinto.

Naiinip na tumingala ako sa itaas ng pinto kung saan naka-indicate roon ang mga tutugtog ngayong gabi.

"Logistic Band?" Basa ko sa papel na naroon.

Doon naman bumukas ang pinto at ang matangkad na lalaki kanina ang humarap sa'kin.

Ilang minuto pa ako parang na bato balani dahil sa akin nitong kagwapohan. Nito ko lang din napagtanto na gwapo nga nito talaga. 

Ang mga mata niyang nangungusap at ang agaw pansin niyang labi na tila kasing pula ng makopa ang nabibigay dito ng malakas na appel. May piercing ito sa kaliwang kilay. Halata rin ang malaki nitong katawan dahil sa nipis nang suson nitong T-shirt na puti.

He glance at his wrist watch matapos ay sa hawak kong Ice bucket.

"Twenty minutes ba bago kayo mag-serve dito?" Malalim ang boses nito nang magsalita sa'kin. 

Doon ako natauhan dahil sa kaniyang sinabi. I shook my head and wear my sexy smile.

"I'm so sorry, sir. Medyo may konting problema lang sa labas." sagot ko. 

Humalukipkip ito ng tayo sa harapan ko at sumandig sa hamba ng pintuan.

"And the management allowing their employees to use their phone during work hour?" He smirked.

Nag-iwas ako ng tingin dahil sa kaniyang sinabi. Hindi ko magawang sumagot dahil tama naman siya. Paano ko pa ipagtatangol ang sarili ko kung huling-huli naman ako sa aktong ginagawa iyon?

"Hi, miss!" Sumilip ang mukha ng lalaking nang hingi sa'akin ng yelo kanina.

Umakbay ito sa lalaking nakatitig pa rin sa'kin. 

"Pre, naman tinatakot mo yung waitress." Tinapik pa nito ang balikat ng huli.

"Pasok ka..." Nagulat ako nang hilahin nito ang isa kong kamay papasok sa loob.

Natigil ang tawanan ng mga ito dahil sa pagpasok ko.

"Hi, beautiful lady!" Kaway sa akin ng isang lalaki na hawak ang baso ng alak.

Mga Comments (4)
goodnovel comment avatar
Eros rhey
Anong ibig sabihin Ng tonta?
goodnovel comment avatar
Andrea Manalus-Tomaque
Ok nman ang kwento maganda sya
goodnovel comment avatar
Raydan Dave Bayuga
hi sa bagong novel na ito
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status