"Okay na po ang anak niyo, miss Chua. Nagkaroon lang siya ng panic attack kaya nagdugo ang ilong niya at nawalan ng malay. Ang kailangan lang niya ngayon ay sapat na pahinga."Nakahinga ng maluwag si Katya sa narinig. "Salamat po, Doc.""Walang anuman. Sige at may titingnan pa akong ibang mga pasyente."Muling ginagap ni Katya ang kamay ng anak at mahinang umusal ng pasasalamat. Akala niya ay mawawala na ito sa kanya. Sobra talaga siyang nag-alala."Paano mo nalaman na nandoon si Connor?" tanong ni Gio na nakatayo lang sa gilid at tahimik na pinagmamasdan ang dalawa."Sa CR talaga siya pumupunta upang magtago kapag natatakot siya," sagot niya habang pinagmamasdan ang anak. Sobrang putla ng mukha nito. Katulad ng hinala niya ay nasa CR nga si Connor. Ang matindi nga lang doon ay nasa kisame pa ito ng banyo at hindi na niya alam kung paano pa umakyat ang anak doon. Naglambitin siguro sa bintana. Wala naman silang lahing unggoy. Sinulyapan niya si Gio. Ito siguro ang may lahi ng uranggut
Dahil sa nangyaring pamamaril noong nakaraang araw ay itinigil na muna pansamantala ang operasyon ng restaurant ng isang linggo dahil sa mga nasirang gamit. Kailangan muna nila itong ayusin bago mag-operate muli at ganun na rin sa paaralan.Mabuti na lang at kahit na wala silang pasok ay bayad pa rin ang mga araw nila na siyang lubos na ipinagpapasalamat ni Katya at ng mga katulad niyang empleyado.Ang ikinalulungkot lang niya ay hindi na natuloy ang birthday celebration ng anak. Excited pa naman si Connor pero sa hospital na ito nagdiwang ng kaarawan."Mommy, sino po siya?" tanong ni Connor sa kasama niya.Ngumiti siya dito. "Siya ang ate Danica mo. Simula ngayon ay siya na ang magbabantay sa iyo. Lagi mo siyang kasama sa school at kung saan ka man pumunta. Danica, ito naman ang anak ko, si Connor," pagpapakilala niya sa dalawa."Hello, Connor. Nice to meet you."Wala sana siyang balak na kumuha ng nanny pero napilitan siya dahil sa nangyari noong isang linggo. Hanggang ngayon ay nan
"Danica, nakapagpalit na ba si Connor?""Opo ate. Bababa na rin po iyon mamaya," anito at tinulungan siya sa paghahanda ng agahan.Tinitigan ni Katya ang pinipritong itlog. Halos hindi siya makatulog sa bawat gabi sa kakaisip kung ano ba ang dapat niyang gawin. Ngunit sa huli ay pumayag din siya sa gusto ng mga magulang. Natatakot siya sa kung ano ang maaaring gawin ng mga ito kapag hindi siya pumayag lalo na at alam ng mga ito kung saan sila nakatira. Hindi na importante kung nagsisinungaling ang mga ito. Ayaw niyang isaalang-alang ang kaligtasan nila ng anak."Sigurado ka ba ate sa gagawin mo? Bakit hindi ka na lang magsumbong sa mga pulis?"Naisip na niya iyon pero problema ito ng kanyang pamilya. Hindi naman ito gaano kalaki upang magpabantay pa siya sa mga pulis.Pumayag siya sa gusto ng mga magulang pero siya ang pumili ng lugar kung saan sila magkikita. Siniguro niyang sa publikong lugar sila magkikita at kung saan madami ang mga tao. Isasama rin niya ang anak pero hindi niya
Madaling bumalik sa kainan si Katya upang komprontahin ang ina pero pagdating niya sa kanilang mesa ay wala na ito doon. Wala na rin ang mga sandamakmak na pagkain. Kumuyom ang mga kamao niya sa matinding galit.May kinalaman ang mga magulang niya sa pagkakadukot sa anak niya!Hindi man niya alam kung bakit may kamukha si Gio pero nasisiguro niyang hindi ito ang binata. Hindi na rin niya ma-contact si Danica."Ma'am, mabuti at bumalik po kayo. Tumakbo na lang po kasi ang kasama niyo kanina nang makuha ang mga pinabalot niyang pagkain. Hindi na nagbayad. Mama niyo po ba iyon? Bakit ganun? Ito nga po pala ang bill."Hindi na nagreklamo pa si Katya nang makita kung magkano ang babayaran niya. Wala na siyang oras doon. Mabilis siyang dumukot ng pera sa wallet niya. Doon niya nakita ang business card na ibinigay sa kanya ni Ren noon.Biglang pumasok sa isip niya si Kaiser. Siya lang ang nakikita niyang pwedeng lapitan ngayon. Kakapalan na niya ang kanyang mukha. Wala ng oras pa para sa hiy
"Kai, get a gun inside that bag," utos ni Gio sa pinsan nito.Kinuha ni Kaiser ang bag at mula doon ay naglabas ito ng dalawang baril. Ikinasa nito ang isa habang ang isa naman ay ibinigay kay Gio.Hindi naman napigilan ni Katya ang panginnginig nang makakita ulit ng baril. Mukhang nagkaroon na ata siya ng trauma dahil sa nangyari ilang linggo na ang nakakaraan."Ren, the location?" si Kaiser sa kausap na kaibigan gamit ang earpiece na suot nito. Actually ay meron silang tig-iisa upang marinig ang mga impormasyon na sinasabi nito."Affirmative. Just go to the location that I've sent you."Tumingin sa labas ng bintana si Katya. Base sa daan na tinatahak nila ay palabas na sila ng siyudad. Papunta ngayon sila sa lugar kung saan na-trace ang kinaroroonan ni Danica. Mabuti na lang at nakabukas ang GPS ng cellphone nito kaya madali lang ito na nahanap ni Ren."Huwag na huwag kang bababa ng sasakyan, Katya. Sinunod ko na ang gusto mo kaya ikaw naman ang sumunod sa akin ngayon," matigas ang
Dinaluhan nila si Gio na nakahandusay na sa sahig matapos mapabagsak ni Kaiser ang lalaking humataw dito."Okay ka lang?" tanong niya Kay Danica."Opo ate."Sunod na binalingan ni Katya si Gio. Nag-aalala siya. Isang hampas nga lang iyon pero sobrang lakas naman. May umaagos na rin na dugo sa ulo nito."Gio.. Gio." Tinapik tapik niya ang pisngi ng binata pero hindi ito gumagalaw. Umarangkada ang tibok ng puso niya. Patay na ba ito?"Goddamnit, Ren! Akala ko ba ay kami lang ang nandito?!" humihingal na sigaw ni Kaiser. "Ako na diyan, Katya. Don't worry, hindi pa siya patay."Inakay ni Kaiser ang pinsan habang si Danica naman ang tinulungan ko.Hindi pa sila nakakalayo nang nagsimula na silang barilin ng mga kalaban. Napasigaw sila ni Danica habang si Kaiser naman ay napamura."Bwisit! Bilisan niyo! Pumunta kayo sa rooftop at magtago!" sigaw ni Kaiser habang nakikipagpalitan ng putok ng baril.Halos hindi na niya narinig ang sinabi nito dahil sa lakas ng huni ng mga putukan pero alam ni
Patuloy sa tahimik na pag-iyak si Katya. Walang tigil ang pagdaloy ng mga luha niya habang nasa loob sila ng kanyang anak sa taxi. "Mommy please, tama na po. Huwag ka na pong umiyak," pag-aalo nito sa kanya pero umiling siya.Hindi na niya kaya pang pigilan pa ang kanyang mga luha. Sobrang sakit ng loob niya sa mga salita na binitawan kanina ng ina ni Gio. Tinawag na nga siyang malandi, sinabihan pa siyang makati. Na kababae raw niyang tao, may anak pero siya pa raw ang may lakas ng loob na kumalantari sa anak nito. Ang mga katulad daw niya ang peste sa lipunan.Pinahamak pa raw niya ang buhay ni Gio.Hindi man lang siya nakapagsalita o naipagtanggol ang kanyang sarili dahil kulang na lang ay sipain siya ng ginang palabas sa kwarto ng binata. Sinubukan din ito ni Kaiser na pakalmahin pero sampal din ang inabot nito.Napigilan pa niya ang emosyon kanina pero ngayon ay hindi na niya kaya pang bumuhos ang mga ito.Nagkakamali ito. Aminado siyang pinahamak nga niya ang buhay ng anak nit
Malalim na ang gabi pero hindi pa rin makatulog si Katya. Ang daming bumabagabag sa isip niya kaya heto at dilat na dilat pa rin ang kanyang mga mata. Nagpasya na lang siyang bumangon at silipin ang anak sa kabilang silid. Napangiti siya nang makita na mahimbing ang tulog nito. Bumalik ulit siya sa kanyang kwarto at nagpasyang mag-empake na ng ilan sa kanilang mga gamit.Sa makawala ang plano niyang pag-alis nila ng anak. Akala niya ay makakapagsimula sila ng bagong buhay dito. Nanghihinayang siya. Madami na siyang nakilalang mga kaibigan dito. Maganda rin ang trabaho niya pero kung mapapahamak lang sila dito ay huwag na lalo na at sumali pa sa gulo ang mga magulang niya.Kinuha niya ang malalaking maleta at nagsimula nang ilagay ang ilan niyang niyang mga damit doon. Nasa kalagitnaan si Katya sa ginagawa nang biglang tumunog ang doorbell nila. Tumigil siya at kumunot ang kanyang noo. Malalim na ang gabi ah. Sino naman kaya ito? Baka si Juliet ulit. Ang kaibigan lang naman ang naiiis