Share

Chapter 22

Malalim na ang gabi pero hindi pa rin makatulog si Katya. Ang daming bumabagabag sa isip niya kaya heto at dilat na dilat pa rin ang kanyang mga mata.

Nagpasya na lang siyang bumangon at silipin ang anak sa kabilang silid. Napangiti siya nang makita na mahimbing ang tulog nito. Bumalik ulit siya sa kanyang kwarto at nagpasyang mag-empake na ng ilan sa kanilang mga gamit.

Sa makawala ang plano niyang pag-alis nila ng anak. Akala niya ay makakapagsimula sila ng bagong buhay dito. Nanghihinayang siya. Madami na siyang nakilalang mga kaibigan dito. Maganda rin ang trabaho niya pero kung mapapahamak lang sila dito ay huwag na lalo na at sumali pa sa gulo ang mga magulang niya.

Kinuha niya ang malalaking maleta at nagsimula nang ilagay ang ilan niyang niyang mga damit doon. Nasa kalagitnaan si Katya sa ginagawa nang biglang tumunog ang doorbell nila. Tumigil siya at kumunot ang kanyang noo. Malalim na ang gabi ah. Sino naman kaya ito? Baka si Juliet ulit. Ang kaibigan lang naman ang naiiis
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status