Celeste
"Celeste, sana naman maintindihan mo si Mommy. Pinilit ko naman anak eh pero hindi ko akalain na magmamahal muli ang aking puso para sa tito Alex mo." nalulungkot ako kasi akala ko hindi na muli mag aasawa pa si mom, gusto ko lang kasi na maging daddy at maging asawa ni mom ay si dad lang kahit pa wala na ito.
Pero dahil doon masaya ang mommy ay kailangan kong tanggapin.
"Sorry po mommy, kung nasagot po kita kanina nalulungkot lang po talaga ako pero kung doon naman po kayo sasaya ay bakit hindi ko po tatanggapin hindi po ba, basta po ayaw kong lolokohin lang kayo ni tito Alex" ngumiti naman ito sa akin at yumakap ng napakahigpit.
"Maraming salamat anak, at huwag kang mag alala mahal namin ang isa't isa alam kong hindi ako lolokohin ni Alex." ngumiti na lang ako.
"Papasok na po ako mom."
"Mag-iingat ka anak, kung maaga kang makakauwi pwede kang sumama sa akin mame-meet ko na kasi ang anak ni Alex kung gusto mo lang anak ha." tumango naman ako.
Habang nasa biyahe ay iniisip ko kung sasama ba ako kay mommy mamaya, baka kasi isipin nitong hindi parin ako suportado sa pagkakaroon niya ng boyfriend ay fiance pala. Yes magpapakasal na agad sila kahit 8 months pa lang sila. Ang sabi ni mom dahil nga hindi na daw sila bata pa para patagalin at nagmamahalan naman daw sila iyon ang aking kinagalit dahil ngayon ko lang nalaman at gano'n na lang na malapit na sila ikasal kaya nasagot si mommy kanina.
"Dito lang po kuya salamat." pagbaba ko ay biglang may humarurot na sasakyan na kulay itim
"Hoy!" sigaw ko kahit alam kong imposible na marinig ako nito dahil nasa sasakyan nga. Kaya sinundan ko na lang hanggang sa may parking lot ng university.
Kita kong nagkukumpulan ang mga estudyante pero wala akong pakialam dahil muntik na akong masagasaan dahil sa hudas na ito. Paglapit ko ay tinadyakan ko ang gilid ng kotse nito.
"Oh my god! Anong ginagawa niya sa kotse ng baby ko."
"Hayaan natin siya, siya naman ang malalagot napakamahal pa naman ng ganiyang kotse."
"Naeexcite na akong makita si Atticus ngayon na lang kasi siya uli pumasok."
"Yes, nasa state kasi siya at makikita niyo ang I*******m niya ay puro larawan ng iba't ibang babae nakakainggit nga eh."
Napairap ako, ano ba ang pinaguusapan nila!
"Hey lady! What have you done to my car?"
seryoso ang tono nito napanganga naman ako ng makita ang itsura ng lalakeng lumabas mula sa sasakyang muntik ng makasagasa sa akin.
Singkit ang mga mata nito at pointed nose. maganda ang labi nitong mukang natural na mapula at ang makakapal na kilay ng lalaki pati ang matipuno nitong pangangatawan.
"Hm.. you don't want to talk huh." doon na ako napukaw ng magsasalita sana ako ng bigla ako nitong hinawakan sa baba at hinalikan ako sa labi na halos lumawa na ang aking mga mata sa gulat...
"Woah!"
"Halaa! ano ba 'yan sana ako rin."
"OMG! ang swerte niya grabe."
"Gano'n din kaya gawin ko at baka mahalikan din ako ni baby."
Tinulak ko ito at sabay sapak sa kaniyang makinis na mukha.
"Bwisit ka bastos!" sabay alis ko patungo sa klase. Kita kong naglalakad papalapit sa akin si Iggy.
"Ce, ikaw ba ang nando'n kanina?" tumango lang ako wala ako sa mood ngayon
"Ayos ka lang ba? Bakit namumula ang mukha mo?"
"Pwede ba mamaya kana magtanong." umiinit talaga ang ulo ko kapag naalala ko ang nagyaring paghalik sa akin ng lalakeng 'yun.
"O-Ok pasesnya na." natigil naman ako sa paglalakad at tinignan si Iggy na tahimik lang habang nakayuko.
"Sorry, naiinis lang ako sa ginawa ng lalaki sa akin." maliit itong ngumiti.
"Ayos lang, pero bakit ano ba ang ginawa sa'yo?"
"Hi-Hinalikan ako." mahina kong sabi.
"What!?" nagulat naman ako sa pagsigaw nito, kita ko ang bakas na galit sa mukha niya at basta na lang na tumalikod papunta sa parking lot kaya hinabol ko ito.
"Teka! Iggy, sandali." hinatak ko ang braso niya upang pahintuin.
"Sandali...ano bang gagawin mo?"
"Kakausapin ko ang lalaking 'yun Ce, hindi pwede ang gano'n." naiinis nitong sabi.
"Hayaan mo na please, nasapak ko naman na eh."
"Talaga?" tumango tango naman ako at hinila na ito papunta sa room.
"Alam mo ba ang pangalan niya?"
"Hindi at wala akong balak malaman." Pagdating ng room ay agad na lumapit sa akin si Lianna.
"I miss you Ce." nagkasakit kasi ito nang isang linggo. Isa rin siya sa aking best friend malambing si Lianna at sobrang bait hindi nga ata ito marunong magalit.
"Miss you too kamusta kana?"
"Maayos na ako magaling na."
Nang dumating ang aming prof ay nagsimula na itong magklase. Third year college na ako, isang taon na lang ay magtatapos na ako sa kursong educational.
Dumaan ang oras ay nagbreak time na
"Tara sa cafeteria." tumango lang ako.
"Hindi ako makakasama may practice pala kami ngayon." ngumiti lang kami ni Lianna.
Pagpasok namin ng cafeteria ay halos napakaraming estudyante karamihan ay babae. noon kapag ganitong oras ay konti lang ang mga kumakain dahil karamihan ay oras ng kanilang mga klase.
"Ano kayang meron bakit maraming tao dito ngayon." nagtataka ring sabi ni Lia.
"Tara." naglalakad kami ng mapatingin ako sa gawing kaliwa at nakita ko ang kumpulan ng mga eatudyante.
Ano bang meron dun?!
"Halika na Ce, nagugutom na ako." tumango ako.
Nang matapos kaming umorder ay naghanap kami ng mauupuan ngunit sadya talagang puno.
"Doon tayo." turo ni Lia sa may katabing upuan ng may mga maraming nagkukumpulan na estudyante. Kahit ayaw ko sa pwesto na iyon ay wala akong choice.
Nang makaupo ay kumain agad kami ni Lia. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng biglang may lumapit.
"Hey alis pwesto namin yan!" nabwisit naman ako sa asta ng babae.
"Excuse me kita mong kumakain kami tapos papaalis mo kami rito."
"Eh pwesto nga namin yan, eh ano ba!"
"Pwesto mo 'to pero hindi mo ito pagmamay ari." inis kong sabi. pasubo pa lang ako ng maramdam ko ang malamig sa aking ulo
"Celeste.." rinig kong tawag ni Lia.
Nanginig naman ako sa galit ayoko sa lahat ay pinapahiya ako. Kaya kinuha ko ang aking bottled water at binuhos ko sa mukha ng babaeng ito.
"Oh my goddd..."
"Hala si Mia."
"Gagi abutan mo ng tissue bilis."
Napangiti naman ako.
"How dare you bitch!" sasampalin sana ako ng may pumigil sa kamay nito.
"Slap her, and your life will be hell." Kita ko ang pagbago ng Mukha ng babae
"Atticus, oh my god! Nakabalik kana." yayakapin sana nito ang lalake ngunit tinulak ito papalayo
"Don't touch me!" malamig nitong sabit at sabay lingon sa akin.
Kumuha ito ng panyo sa bulsa at ang ikinagulat ko ng punasan nito ang aking mukha. Ilang Segundo akong natulala pero ng maalala ang mga kaganapan kanina sa parking lot ay tinapik ko ang kamay nito.
"Ano ba." inis kong sabi at hinila na si Lia paalis ng cafeteria.
"Uy, grabe ka naman do'n sa lalake ikaw nga na tinulungan bakit mo naman ginano'n." ngusong saad nito.
"Alam mo ba kung ano ang ginawa sa akin ng lalaking 'yon hinalikan ako kanina sa parking lot." kita ko ang gulat nito.
"T-totoo?" tumnago ako.
"Hala.. Anong pakiramdam Ce?" gusto ko sana ito tuktukan eh kung hindi ko lang kaibigan.
****
Natapos ang buong klase at oras na para umuwi.
"Ce, baka gusto mong ihatid kita?" nahihiyang aya ni Iggy
"Magpahatid kana madilim ang langit oh mukhang uulan ata. " sabi naman ni Leanna
"Salamat na lang magtataxi naman ako eh." ngumiti na lang ito.
"Bye Ce, ingat sa paguwi."
"Ikaw din." kaway ko kay Lianna.
"Uhm.. sigurado kaba pwede naman--" Hinawakan ko sa balikat si Iggy.
"Salamat Iggy, pero ayos na ako umuwi kana mag iingat sa pagmamaneho ha." napipilitang tumango ito at sumakay na sa kaniyang kotse.
Nandito ako sa waiting shed at nag aantay ng masasakyang taxi. Ngunit nakailang beses akong pumara pero wala namang humihintong taxi kahit pa walang pasahero.
Dumidilim na kahit alas kwatro pa lang. Isang oras na akong naghihintay dito. Kahit siguro kung tricycle ay sasakay ako ngunit imposible iyon dahil walang gano'n na dumadaan dito.
Sinubukan ko parin mag-antay at pumara, ngunit inabot na naman ako ng isang oras wala parin. Nagsisimula naring umambon. Kaya nagdesisyon ako na maglakad kahit medyo malayo. Alam kong delikadong maglakad na ako lang mag isa, pero ano namang gagawin ko kung doon lang ako magdamag mas delikado ata iyon.
Natatangahan lang ako sa sarili kung bakit sana maaga palang ay sinimulan ko ng maglakad para hindi ako abutan ng dilim pero kasi hindi ko naman akalain na mangyayari ang ganito, sa tagal ko ng sumasakay sa taxi ngayon lang ako hindi pinasakay kahit wala namang pasahero.
Habang nag lalakad ay biglang may humintong sasakyan na itim sa aking tabi, nakaramdam naman ako ng takot akma akong tatakbo na sana ngunit bigla nitong binaba ang bintana at nakilala ko agad kung sino ang tao na iyon.
"Bakit ka naglalakad ng ganitong oras alam mo bang delikado sa katulad mong babae lalo pa at ikaw lang ang mag isa." halos gusto kong humagalpak ng tawa, nasisiraan na ata ito akala niya ata ay close kami.
"Feeling close ka rin ano. May kasalanan kapa nga sa akin kanina." inis kong anas.
"Kaya nga ihahatid na lang kita, pambayad ko na sa paghalik ko sa'yo." may ngising nakapaskil sa kaniyang labi na lalong nagpainis sa akin. Ang kapal ng hudas.
"No thanks, maglalakad na lang ako kaysa makasama ang isang katulad mo." at nagsimula na ulit na mag lakad naririnig ko pa ang tawag ng lalaki.
Habang naglalakad ay nakadama ako ng kaba ng makita sa malayo ang tatlong lalake at dahil ma-puno dito ay lalong madilim. Naghanap ako sa bag nang pwedeng ipang self defense, nakita ko ang gunting kahit maliit ay ayos na ito.
Medyo nabuhayan ako ng may makita akong babaeng nagbabike pilit ko namang sumabay dito at yumuko para hindi mapansin ng kalalakihan.
Ngunit gano'n na lang ang gulat ko ng binilisan nito ang pagpedal at nawala na ito na parang bula, pinilit ko na lang na maglakad ng dirediretso.
"Hoy!" tumambol ng napakabilis ang aking puso sa kaba at takot nang marinig ko ang pagtawag ng lalake pero hindi ko ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.
"Hoy tinatawag kita ikaw babae!" wala na akong sinayang na oras at tumakbo ng mabilis. Lalo ko pang binilisan nang marinig ko ang paghabol ng mga ito sa akin.
Tumulo na ang aking luha nang makitang wala manlang katao tao sa dinadaanan ko para manghingi ng tulong. Nanalangin na lang ako sa panginoon.
Nang biglang...
"Ah!" hinala ng lalake ang aking buhok.
"Huli ka haha!" tawa ng nakasabunot sa akin.
"Tangina tiba-tiba tayo tignan mo naman kung gaano kaputi at kakakinis, masarap dilaan ang mga hita n'yan pare hahaha!" diring diri ako sa sinabi ng mga ito.
"Parang awa niyo na po binatawan niyo ko." pilit kong pumiglas pero dahil dalawa ang nakahawak sa akin kaya imposibleng makawala ako.
"Tara, dalhin natin doon pare." humagulgol ako ng marinig iyon.
"Pakiusap pakawalan niyo ako! Aahh! Tulong! Tulong!" malakas kong sigaw kahit pa manakit ang aking lalamunan.
"Masasarapan ka naman sa gagawin namin sa'yo." sabay sabay silang tumawa.
Panginoon, pakiusap tulungan niyo po ako sa mga hayok sa laman na mga lalakeng ito.....
_____
+Sorry for Grammatical Error and Typos:/ Enjoy Reading:)
(Celeste's PoV) "Tulong!" walang tigil ang pag agos ng aking luha, takot na takot ako ng hawakan nila ang magkabila kong braso at pilit na ipinapahiga."Pakiusap po, pakawalan niyo ako tulong!""Tangina ang ingay mo!" bigla akong sinampal halos matulala ako sa ginawa ng lalake, kahit sino ay wala pang nakakagawa no'n sa akin."Pa-Parang... A-Awa niyo na... Pakawalan niyo ako." pagod na akong sumigaw, mariin akong napapikit ng ilalapit sa akin ang mukha ng lalaking nasa harapan ko. "Ugh!" napadilat ako nang marinig ko ang daing ng lalake, nakita ko na lang na tumumba ito at sunod pang bumagsak ang dalawang pang lalake. Nang makita ko kung sino ang sumagip sa akin ay nanlaki ang aking mata. Ikaw?!Tulala lang akong nakatingin sa kaniya. hanggang sa lumapit ito sa akin. Ikinagulat ko ang pagyakap niya. "I'm sorry baby..." mahinang sabi nito na hindi ko naman maintindihan. Gusto ko man siyang suwain ngunit malaki ang pasasalamat ko dahil dumating siya. "Ah! A-Ano ba, ibaba mo ako."Ng
(Celeste's PoV) Lumipas ang ilang araw ay unti-unti nangnapapanatag ang aking kalooban, nitong nagdaan na araw ay palagi akong binabangungot mabuti nalang ay nandyan si mom at palagi niya akong sinasamahan na matulog. "Kamusta hindi kana ba binabangungot? ang hirap n'yan kung ako baka matagal ako makarecover." sabi ni Lianna habang kumakain. "Hmm.. Medyo, maayos naman na madalang na lang bangungutin, dahil palaging nandyan si mom at may pinapainom din sa aking gamot ang doctor." tumango tango naman ito"Kyaaahhh nandyan na si Atticus!" "Oh my, namiss ko ang babe ko." "Maka-babe sabunutan kita diyan eh." "Baka gusto niyong makatikim ng sampal kay Mia hahaha!" Palihim akong napairap. Napatingin ako kay Lia ng makitang tumatawa ito"Inis ka talaga sa kaniya ano." tukoy nito kay Atticus. Sa totoo lang hindi ko alam kung kanino talaga ako nakakaramdam ng inis."Hey, kamusta ka?" nagulat ako ng nasa tapat na namin ito,cool na cool na nakapamulsa. Naiilang ako dahil naririnig ko ang
CelesteNandito ako sa garden ng mansyon nila tito Alex, maayos namang natapos ang aking pagkain kanina kahit pa bwiset na bwiset ako sa mukha ni Atticus.Habang naglalakad ay napayakap ako sa sarili malamig at masarap ang hangin nakakaantok. Nagliwanag naman ang aking mukha ng makita ang bunga ng mga rosas napakaganda nito at pulang pula. Makikita naman ito dahil maliwanag ang kanilang garden. Parang ang sarap tuloy ditong tumira I mean dito mismo sa garden nila Tito alex ang ganda ganda kasi at malaki marami ka rin makikitang iba't ibang klase ng mga bulaklak."Baka sipunin ka niyan pumasok kana kaya." agad kong nalaman kung kanino ang boses na iyon. Hindi ko rin ipinahalata ang aking pagkagulat.Hindi ko ito nilingon ay tinuon lang ang pansin sa mga rosas."Kamusta ka naman?" doon na ako napalingon sa kaniya. Kung makapagtanong ay parang close kami. Pero maayos naman itong nagtanong eh ayaw ko naman maging bastos."I'm good." simpleng sagot ko dito"Can i ask you?" hindi ko alam pe
Celeste"Ce gusto mong sa labas tayo kumain?" Aya ni Iggy sasagot pa lang ako ng maunahan na ako ni Lia"Sige sige taraa.." Masayang sabi nito. Kita ko ang pagkamot sa ulo ni Iggy kaya palihim akong natawa"Eh bakit ikaw ang sumagot si Celeste ang inaaya ko" Biglang tumaas ang kilay ni Lia kaya bago pa silang magbangayan ay agad na akong nag salita"Sige tara na" Ani ko at nauna nang maglakad ilang sandali ay nasasabayan na ako nilang maglakad."Ce ako na magdadala ng libro mo" nginitian ko si Iggy"Hindi na ilalagay ko naman ito sa locker" Maliit akong ngumiti ng makita ang namumula nitong mukha tandang nahiya ito.Naglalakad kami sa hallway patungo sa aking locker ng makarinig kami ng tilian."Babe Atticus"Agad akong napatigil sa aking paglalakad."Gosh bakit kaya siya nandito""Sino kaya ang pinupuntahan niya""First time niyang pumunta sa buildig natin" Rinig naming usap usapan. Ang nagkukumpulang mga kakabaihan ay bigla na lang nahawi ng dumaan si Atticus agad nagtama ang aming
CelestePaghinto pa lang ng sasakyan nito ay agad akong naunang bumaba at hindi na nilingon pa bwesit na lalakeng ito."Celeste!" Hindi ko pinansin ang pagtawag nito at pumunta sa susunod kong klase.Sa bungad ng room ay nandoon nakatayo si Iggy mukang inaantay talaga ako nito.Nakayuko ito ng makalapit ako ay ganun na lang ang pagaalala sa mukha nito."Ce...ayos ka lang ba?" Nginitian ko ito"Maayos lang ako""Wala bang ginawa saiyo ang lalakeng 'yon?" Umiling lang ako at pumasok na. pagkita ko pa lang kay Lia ay nakanguso itong nakatingin."Ano na" ani nito"Mamaya na lang pagkatapos ng klase" isang oras ang lumipas ng matapos ang aming klase kay Sir DimoreHabanh natuturo si ang guro ako naman ay lumilipad ang isip hindi parin mawala saakin ang sinabi ni Atticus.Anong pinaparating niya na ayaw niyang makikitang may kasama akong lalake? Nakakainis dapat hindi niya iyon sinasabi. maka asta akala mo nobyo ko!"Ms. Alvarez!" Sita saakin ni sir agad naman ako napaayos ng upo."Mukang n
Celeste"Uhmm.." pilit kong pumiglas sa halik nito ngunit ng maramdaman ko ang kaniyang kamay na humihimas saaking bewang ay napaawang ako na siya pagpasok naman ng mainit nito dila."Hmm.." ungol ni Atticus ilang sandali ay natanggay na naman ako ng kaniyang nakakalilo na mga halik.Napapikit ako ng dumaan ang halik nito sa aking pisngi papunta sa aking tenga"uh-hmm" mahina kong ungol ng maramdaman ang kaniyang dila saaking tenga."At-ticus" sambit ko ng pumababa na ito sa aking leeg at dinilaan at sinipsip ito.Ng biglang maramdaman ko ang kaniyang kamay sa aking mga dibdib na siya nagpatigil saakin. Kaya agad ko itong itinulak."Fuck!! What?" bakas ang pagkainis rito"m-mali 'to" nauutal kong saad habang ito ay kagat labing nakatitig saakin maaninag ay matalim nitong tingin."lumabas kana sa kwarto ko""Alam mo ba kung gaano kagalit ngayon ang.." sabay tingin sakanyang ibabang parte na siyang sinundan ko. Pulang pula ang aking mukha at basta na lang nagtalukbong ng kumot."lu-luma
Celeste"Isang linggo lang kami do'n anak, kung wala ka lang pasok ay isasama talaga kita" ani Mommy nag pupumilit kasi akong sumama."Ahm..pwedeng pong kila Lianna na lang po muna akong magstay?" kita ko ang pagkunot ng noo ni Mom."Why? Mas magiging safe ka rito baby, at pwede ka pang bantayan ng kuya Atticus mo" lingon nito sabay ngiti kay Atticus na ngayon ay prenteng nakaupo habang titig na titig saakin. Inirapan ko ito at muling hinarap si mom."At kapag aalis ka anak, magpapaalam ka kay Atticus hindi pwedemg hindi niya malalaman hmm"."Mommy naman" ungot ko ngunit wala na itong sinabi pa at hinalikan lang ako sa noo.Hinatid namin sila sa labas at humalik ako kay mommy."Anak huwag mong kakalimutan tumawag oh magtext saakin, palaging magiingat kapag papasok at uuwi ka ha, i love you bye"."Bye mom, i love you too ingat po kayo tito" ngiti ko at kumaway habang papalayo ang kanilang sasakyan.Dirediretso akong pumasok sa loob hindi ko pinansin si Atticus. Pero sadyang makulit ito
CelesteNaka yuko ako habang isa isang pumapasok ang mga lalakeng kabgrupo pala sa banda ni Atticus. nahihiya talaga ako sa aking inasal paniguradong nagmuka akong baliw kanina."Celeste, come here" ani Atticus tumayo ako at dahan dahan lumapit. Napapitlang ako ng matamdaman ko ang kamay nito sa aking bewang."hi im Rio" Tumango lang ako sa lalakeng pula ang buhok may aking kagwapuhan ito."Hello, Dylan nga pala miss beautiful" mukha itong pilyo, Inilahad nito ang kamay, kukunin ko na sana ito ng biglang tapikin ni Atticus ang kamay nung Dylan agad naman itong napakamot sa ulo."Hi I'm Kiko ang pinaka gwapo sa grupo hehe" ngumiti ako at kumaway rito.Napabaling ako sa lalakeng nakaupo at patuloy lang sa pagkutkot ng gitara."Hoy emo magpakilala ka naman" Ani Kiko.Tumayo ito at sa aking harapan."Jin" tipid nitong pagpapakilala ngunit agad din akong napatigil sa aking pagiisip ng makita ang buo nitong mukha hindi ko akalain na ganito ito kagwapo sakto lang naman ang gupit ng buhok nit