Share

Kabanata 5

Author: Deigratiamimi
last update Huling Na-update: 2025-10-16 00:47:27

Flora’s POV

Tahimik akong nagbabasa ng mga dokumento sa opisina ko. Kanina pa ako nakayuko sa mesa, sinusuri ang mga kontrata na kailangang mapirmahan bago matapos ang linggo. Habang abala ako, biglang bumukas ang pinto. Napalingon ako at halos mapasigaw nang makita kung sino ang pumasok.

“Flora…” mahina pero pamilyar na boses.

Nanigas ako sa kinauupuan ko. Nang makita kong si Maxwell iyon—ang ex-fiancé kong manloloko. Agad nagdilim ang paningin ko. May dala pa siyang bouquet ng mga pulang rosas at isang kahon ng paborito kong pizza.

“Anong ginagawa mo rito?” malamig kong tanong habang pinipilit kong huwag ipakita na nanginginig ang kamay ko.

“Flora, please… I just want to talk.” Dahan-dahan siyang lumapit. “I know I hurt you. Alam kong nasira ko lahat, but please give me a chance to explain.”

Napairap ako at bumalik sa pagbabasa. “Wala tayong dapat pag-usapan, Maxwell. Lumabas ka na bago pa kita ipalabas.”

“Flora, please. I was stupid, okay? Hindi ko sinasadya. I was pressured, and—”

“Pressured?” napahagikhik ako. “So that’s your excuse for sleeping with another woman on our wedding day?”

Natahimik siya. Nakayuko, hawak pa rin ang bulaklak. “Flora, mahal kita. I swear, it was a mistake.”

Tumayo ako, tinawagan ang security gamit ang intercom. “May lalaking nanggugulo rito. Maxwell Laurel. Dito sa office ko. Please escort him out.”

Nataranta si Maxwell. “Wait! Don’t do that, please! Hindi pa ako tapos magsalita—”

“Wala akong pakialam sa mga sasabihin mo.” Lumapit ako at marahas kong tinulak pabalik ang bulaklak sa dibdib niya. “Diyan ka magpaliwanag sa ibang babae, hindi sa akin.”

Pero bago pa man makapasok ang security, bumukas ulit ang pinto. Isang pamilyar na tinig ang narinig ko.

“What the hell is going on here?”

Napalingon ako kay Damien.

Agad nag-iba ang pakiramdam ko. Parang lumamig ang paligid. Nakasuot siya ng itim na suit, mukhang bagong galing sa meeting. Kita sa mata niya ang galit nang tumingin siya kay Maxwell.

“Who are you?” tanong ni Maxwell, halatang nagulat sa biglang pagdating ni Damien.

“Damien Garcia,” malamig na sagot ng binata. “New owner of García Elite Builders & Development Corporation… and Flora’s stepbrother.”

Kita kong nanlaki ang mata ni Maxwell. “S-Stepbrother?”

“Yes,” sagot ni Damien sabay tingin sa akin. “And I don’t remember giving you permission to walk into her office like this.”

“Wait lang,” sabat ko, naguguluhan. “Damien, huwag kang makialam—”

Pero hindi siya nakinig. Lumapit siya kay Maxwell, nakataas ang kilay. “So ikaw pala si Maxwell. The man who cheated on her on your wedding day.”

“Look, this is none of your business,” depensa ni Maxwell. “I’m just trying to make things right.”

“Make things right?” Napangiti si Damien ng malamig. “By harassing her at work? That’s not how it works in my company.”

“Your company?” gulat na tanong ni Maxwell.

“Yes,” sagot ni Damien. “I was appointed as the New CEO of García Elite Builders & Development Corporation two months ago. Meaning, you’re technically in my territory right now.”

Nakita kong nagulat si Maxwell. “I didn’t know you’re the owner now. I’m sorry if I—”

Pero bago pa siya makapagtapos, tumawa si Damien. “You should be sorry. Not to me, but to her.” Itinuro niya ako. “Pero sa tingin ko, hindi mo deserve ang isa pang chance.”

“Damien,” sabat ko, “this isn’t necessary.”

“Actually,” sagot ni Damien habang tumingin sa akin, “it is.” Kinuha niya ang phone niya sa bulsa at may tinawagan.

“Yeah,” sabi niya sa kabilang linya. “Find a certain Maxwell Laurel. Works under the accounting division, right? Effective immediately, terminate his contract.”

Halos mapatigil ako sa paghinga. “Damien!”

Nagulat din si Maxwell. “Wait—what? You can’t do that! I need this job!”

“I can, and I just did,” malamig na tugon ni Damien. “You should’ve thought about that before breaking her heart.”

“Damien!” galit kong sabi. “Hindi mo puwedeng gawin ‘yon!”

Tumingin siya sa akin, umiigting ang panga. “Watch me.”

“Please, Damien. Huwag mo siyang tanggalin sa trabaho dahil sa akin.”

“Why not?” tanong niya. “He hurt you. He humiliated you. You were crying because of him. Now he walks in here like nothing happened? I’m not letting that slide.”

“Hindi mo siya kilala!” sigaw ko.

“Exactly,” sabi niya, “but I know what he did to you, and that’s enough.”

“Flora, please help me,” nagmamakaawa si Maxwell. “Hindi ko alam na ganito ang mangyayari. Sir Damien, please… I’m sorry. Please, don’t fire me.”

Pero hindi siya pinakinggan ni Damien. “You think I care about your sorry? You broke a woman who trusted you. You made her believe she wasn’t enough. And you think a few flowers and pizza will fix that?”

Tumahimik ako. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa pinapakita niya ngayon.

“Damien, you’re crossing the line,” mariin kong sabi. “Ako dapat ang magdedesisyon kung patatawarin ko siya o hindi. Hindi ikaw.”

“Maybe,” sagot niya. “But whether you forgive him or not, I’m still not allowing someone like him near you again.”

“Hindi mo ako pag-aari,” bulong ko.

Bigla siyang lumapit. Halos magkalapit na ang mukha namin. “No,” mahinang sabi niya. “But I’m responsible for you now.”

“Responsible? Since when?”

“Since the day you became my stepsister.”

Natawa ako nang mapait. “Stepsister? Hindi pa kasal ang mga magulang natin. Damien, stop acting like you actually care.”

Tinitigan niya ako. “I do care, Flora. More than you think.”

Sandaling natahimik ang silid.

Si Maxwell ay nakatayo pa rin, halatang desperado.

“Please, Damien,” muling pakiusap ni Maxwell. “Give me another chance. I’ll resign if you want, just don’t ruin my record.”

Ngumiti si Damien, pero halatang peke. “You should’ve thought about that before ruining hers.”

“Damien, enough!” sigaw ko. “Lumabas ka muna. I can handle this.”

Ngunit imbes umalis, tumingin siya sa akin, seryosong-seryoso. “You’re shaking, Flora. Don’t tell me you can handle it when you’re obviously not fine.”

“Damien…” mahina kong sabi. Hindi ko na alam kung galit o inis ang nararamdaman ko.

“Fine,” sabi niya, huminga nang malalim. “I’ll leave. But if this man ever comes near you again, I swear, I won’t be this calm next time.”

Tumalikod siya at lumabas ng opisina. Naiwan akong tulala kasama si Maxwell.

“Flora…” mahinang sabi ni Maxwell. “I didn’t mean for this to happen. Please, tulungan mo akong maayos ‘to.”

Tiningnan ko siya ng matagal. “You know what, Maxwell? This is karma. Now you know what it feels like to lose everything in one day.”

“Flora—”

“Leave. Now,” putol ko.

Tahimik siyang lumabas, bitbit ang bulaklak na hindi niya man lang naibigay nang maayos.

Pagkasara ng pinto, bumuntong-hininga ako. Ilang segundo pa lang, pero muling bumukas ang pinto. Si Damien ulit ang pumasok.

“Did he leave?” tanong niya.

“Oo,” sagot ko. “At hindi mo na kailangang makialam next time.”

Lumapit siya sa mesa ko. “I will always interfere if it’s about you.”

“Damien, tigilan mo na ‘yan. Hindi mo kailangang protektahan ako.”

Tumingin siya sa akin, seryoso pa rin. “Flora, gusto mo man o hindi… I’m not going anywhere.”

Tahimik akong napatingin sa kaniya. "You're obsessed." I rolled my eyes.

"I'm obsessed with you..."

Namilog ang mga mata ko nang bigla niya akong buhatin at pinaupo sa mesa. Nahulog ang ilang mga gamit ko.

Napalunok ako nang hawakan niya ang buhok ko.

Hinalikan niya ang labi ko.

"You're my responsibility. My woman," bulong niya na siyang dahilan sa pagtayo ng mga balahibo ko.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • My Stepbrother is Obsessed with Me (SPG)   Kabanata 11

    Damien’s POV Pagbalik namin ni Roy sa bar, hindi na ako nagdalawang-isip. Dumiretso ako sa counter at umorder ng pinakamalakas na alak na mayroon sila. Gusto kong kalimutan kahit sandali ‘yung sakit na nararamdaman ko. Ang bigat sa dibdib ko. Hindi ko alam kung galit ba ‘to o selos nang nakitang sobrang kaswal ni Flora makipag-usap sa ibang lalaki. “Sir, baka gusto niyo po ng mas light muna,” sabi ni Roy habang nakatingin sa akin, halatang nag-aalala. Umiling ako. “No. I want something strong. I need it.” “Copy po.” Kinuha niya ang baso at inabot sa akin. Ilang lagok pa lang, ramdam ko na ‘yung init sa lalamunan. Sa bawat lagok, sinusubukan kong kalimutan si Flora — ‘yung mga ngiti niya, ‘yung boses niya kanina habang lasing, ‘yung mga titig niyang parang nangungusap ng ayaw niyang maramdaman. May mga babaeng lumapit sa amin, mga naka-bodycon at halatang sanay makipaglapit sa mga lalaking may pera. Tumabi sila sa akin at nagsimulang magtanong. “Hi, handsome. Alone?” sabi ng is

  • My Stepbrother is Obsessed with Me (SPG)   Kabanata 10

    Damien’s POV Pagkatapos kong makausap ang HR at ipatawag ang assistant kong si Roy, hindi pa rin ako mapakali. Hindi mawala sa isip ko ang mukha ni Flora nang gabing nagkita kami sa bar. Alam kong hindi na dapat ako nagpadala sa init ng katawan noon, pero hindi ko rin kayang magsinungaling sa sarili ko. I like her so much, sobra. “Roy,” utos ko habang nakatingin sa laptop, “I want you to find out everything about Maxwell Laurel and Rhea Valdez. Gusto kong pareho silang mawalan ng trabaho. I-cancel ang promotion ni Maxwell. Gusto kong maranasan nila ang hirap na ibinigay nila kay Flora.” “Copy, Sir. I’ll handle it personally,” sagot ni Roy. Tumango ako. “Good. Make it clean. Ayokong malaman ni Flora na ako ang may pakana.” Pag-alis niya, sandali akong napasandal sa swivel chair. I closed my eyes for a moment. I just want to protect her, kahit hindi niya alam. She’s been through so much pain. Hindi ko kayang makitang umiiyak ulit siya. Napatingin ako sa mesa ko. Nandoon pa rin ang

  • My Stepbrother is Obsessed with Me (SPG)   Kabanata 9

    Flora’s POV Kakapapasok ko lang sa opisina nang sinalubong ako agad ni Liza, dala ang isang brown envelope. Mukha siyang seryoso, kaya agad kong napansin. “Flora,” sabi niya, inaabot ang envelope. “May nagpahatid nito sa receptionist. Ang sabi, para eaw sa 'yo.” Kinuha ko iyon, kunot-noo. “Sino raw nagpadala?” “Wala siyang sinabi. Nakalagay lang ‘confidential.’ Baka related sa project?” “Hmm, sige.” Binuksan ko iyon sa harap niya. Pero pagtingin ko sa laman, napanganga ako. Ultrasound results. Napatingin din si Liza, sabay takip ng bibig niya. “Wait—hindi ba… pangalan ni Rhea ‘to?” Parang may sumabog sa dibdib ko sa galit. “Oo. Si Rhea. At—” tumigil ako sandali nang mapansin ang nakalagay sa sulok ng papel. “Tangina. Si Maxwell ang nakalagay na father.” “Flora…” mahinang sabi ni Liza, halatang nagulat. Pinunit ko nang walang pag-aalinlangan ang ultrasound paper. “Putang ina niya! Hindi pa ba sapat na ninakaw niya lahat sa akin? Kailangan pa ba niyang ipamukha sa akin ‘to?” “

  • My Stepbrother is Obsessed with Me (SPG)   Kabanata 8

    Flora’s POV Napamura ako nang biglang may tumawag sa cellphone ko. Napatingin ako sa orasan sa bedside table, at muntik ko nang maibato ang cellphone kasi alas tres pa lang ng madaling-araw—at si Damien na naman ang tumatawag.“Put—anong gusto nang lalaking ‘to?” iritado kong bulong habang pilit kong pinipigilan ang sarili kong sagutin.Maaga pa ako mamaya, may site visit pa kami ng mga senior engineers. Hindi ko alam kung anong klaseng kabaliwan ang meron kay Damien at kailangan niya akong istorbohin sa ganitong oras.Binlock ko siya. Akala ko tapos na. Pero ilang minuto lang ang lumipas, tumunog na naman ang telephone sa kwarto ko.“Dammit,” inis kong sabi habang padabog kong sinagot. “Ano ba, Damien?! Alas tres ng umaga!”“Good morning.”Pagkasabi niya noon, pinatay niya agad ang tawag.Napatingala ako sa kisame at napasigaw ng “Ano ba talaga problema mo?!”Kung bahay lang namin ‘to at hindi bahay nila Mama at ni Darius, baka sinabuyan ko na ng tubig ang cellphone.Pinilit kong bu

  • My Stepbrother is Obsessed with Me (SPG)   Kabanata 7

    Flora’s POVHapon na kaya pagod na pagod ako sa dami ng papeles na kailangang i-review. Halos hindi ko na napansin ang oras nang biglang tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko, si Mama.“Hello, Ma?” sagot ko habang inaayos ang mga documents sa desk.“Anak, tapos ka na ba sa work?” tanong ni Mama Maria sa kabilang linya, halatang masigla ang boses.“Medyo, Ma. May tinatapos lang ako. Bakit po?”“May favor sana ako. Puwede ka bang sumabay kay Damien pauwi mamaya? Lilipat na kasi tayo ng bahay, anak. Dapat nandun ka para matulungan ako mag-ayos.”Napasinghap ako. “What? Sa bahay nila Darius?”“Oo, anak,” sagot niya. “Doon na tayo titira. Malapit na rin naman ang kasal namin ni Darius. Mas maayos na roon, mas malaki, mas tahimik. Tutal, hindi ka naman palaging nasa bahay.”Napahawak ako sa sentido. “Ma, seryoso ka ba? Doon ako titira sa bahay ng stepbrother ko? Sa boss ko pa?”“Flora, ayoko nang makipagtalo,” mahinahon pero matigas na sabi ni Mama. “Please lang, pagbigyan mo na ako. Matag

  • My Stepbrother is Obsessed with Me (SPG)   Kabanata 6

    Flora’s POV Pagpasok ko sa conference room, agad akong napahinto. Nakaayos sa gitna ng mahaba at mamahaling mesa ang iba’t ibang pagkain—may pasta, steak, salad, at mga prutas. May juice din at kape sa gilid. Hindi ko maiwasang magtaas ng kilay.“Wow,” sabi ng isa kong katrabaho, sabay upo. “First time na may ganito. Usually tubig lang at crackers.”“Hindi nga ako makapaniwala,” sabat pa ng isa. “Siguro dahil bagong management na tayo, ‘no?”Tahimik akong umupo sa dulo, pinilit huwag pansinin ang pag-uusap nila. Kahit ako, nagulat. Alam kong si Damien ang nagpasimula nito. Mula nang siya na ang naging may-ari ng kompanya, nag-iba ang sistema—mas maayos, mas moderno. Pero sa akin, hindi iyon dahilan para maging kampante.Ilang sandali pa, bumukas ang pinto. Dumating si Damien, suot ang simpleng dark blue shirt at slacks. Hindi man siya pormal, halata pa rin ang presensiya niya. Lahat ng babae sa mesa, napatuwid ng upo.“Good morning,” bati niya, malamig pero maayos ang tono. “I hope e

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status