LOGINFlora’s POV
Pagpasok ko sa conference room, agad akong napahinto. Nakaayos sa gitna ng mahaba at mamahaling mesa ang iba’t ibang pagkain—may pasta, steak, salad, at mga prutas. May juice din at kape sa gilid. Hindi ko maiwasang magtaas ng kilay. “Wow,” sabi ng isa kong katrabaho, sabay upo. “First time na may ganito. Usually tubig lang at crackers.” “Hindi nga ako makapaniwala,” sabat pa ng isa. “Siguro dahil bagong management na tayo, ‘no?” Tahimik akong umupo sa dulo, pinilit huwag pansinin ang pag-uusap nila. Kahit ako, nagulat. Alam kong si Damien ang nagpasimula nito. Mula nang siya na ang naging may-ari ng kompanya, nag-iba ang sistema—mas maayos, mas moderno. Pero sa akin, hindi iyon dahilan para maging kampante. Ilang sandali pa, bumukas ang pinto. Dumating si Damien, suot ang simpleng dark blue shirt at slacks. Hindi man siya pormal, halata pa rin ang presensiya niya. Lahat ng babae sa mesa, napatuwid ng upo. “Good morning,” bati niya, malamig pero maayos ang tono. “I hope everyone’s ready.” Sabay-sabay kaming tumango. Ako naman, pinilit kong huwag siya titigan. Ayokong magmukhang affected. “Before we start,” sabi niya, “kumain muna tayo. I don’t want anyone working on an empty stomach.” Nagkatinginan kami. Lahat ay halatang nagulat. “Sir,” biro ng isa kong katrabaho, “baka naman lagi na ‘to, ha?” Ngumiti si Damien ng bahagya. “Depende kung magiging productive kayo.” Natawa ang lahat. Ako lang ang tahimik. Habang kumukuha ng pagkain ang mga kasama ko, nag-vibrate ang phone ko. Pagtingin ko, may text galing kay Damien. Damien: Eat a lot. You’re too thin. I want you to gain some weight. It’s not healthy. Napangiwi ako. Ano ba ‘to? Tumingin ako sa kaniya, pero parang walang nangyari. Kalma lang siya, nakatingin sa mga papeles sa harap. Mabilis akong nag-type ng reply. Flora: Seriously? Don’t text me things like that. We’re in a meeting. Ilang segundo lang, nag-reply siya ulit. Damien : I’m serious. You’ve been skipping meals. I told you to take care of yourself. Napabuntong-hininga ako. Ano bang problema ng lalaking ‘to? Sinubukan kong huwag pansinin, pero habang kumakain ako ng salad, tumingin siya sa akin at marahang itinaas ang kilay—parang sinasabing ‘Eat properly.’ Kumunot noo ko at binulungan ang katabi kong si Liza. “Cringe, no? Parang ang OA.” “Ha? Sino?” tanong ni Liza, sabay kagat sa tinapay. “Si Damien,” mahinang sabi ko. “Parang laging may pakialam sa kinakain ko.” Napahinto si Liza at napangiti. “Ay, naku, girl, kung ako ‘yan, okay lang! Ang gwapo, tapos concerned pa.” “Stepbrother ko siya, remember?” iritadong sabi ko. Si Liza ang unang nakaalam tungkol sa engagement ng Mama ko kaya alam niya rin na magiging step-sibling na kami ni Damien. “Eh ano naman?” bulong ni Liza. “Hindi naman kayo dugo.” Pinandilatan ko siya ng mata. “Liza!” Ngumiti lang siya. “Fine, fine. Pero aminin mo, nakakakilig ng konti.” “Hindi,” madiin kong sagot. “Nakakainis. Lalo na ‘yung parang gusto niyang kontrolin lahat ng ginagawa ko. Hindi naman kami magkadugo. Mas OA pa siya sa nanay ko.” Bago pa ako makasagot ulit, nagsimula na ang meeting. Tumayo si Damien sa unahan. “Alright, let’s get started.” Habang nagpi-present siya ng bagong project, hindi ko mapigilang mapansin na panay ang sulyap niya sa akin. Lalo akong naiirita. Pagkatapos ng meeting, nagligpit ako ng gamit. Ngunit bago pa ako makalabas, tinawag niya ako. “Engr. Flora Santillan, can I talk to you for a moment?” Napahinto ako at napalingon. “Ano na naman, Sir Damien Garcia?” Nagkibit-balikat ako. “Private,” sabi niya, sabay turo sa gilid ng conference room. Nakita kong umiling si Liza at nagkunwaring may ginagawa para iwan kami. Nang makalabas ang iba, humarap ako kay Damien. “Ano na naman ang kailangan mo?” Tinitigan niya ako. “You didn’t finish your food.” Napataas ang kilay ko. “So what? Hindi naman kita kailangan bigyan ng report tungkol sa kinain ko.” “Flora, you’ve been losing weight since last month. Your eyes look tired. Hindi mo ba napapansin ‘yon?” “Damien, seriously?” inis kong sabi. “You’re my boss, not my nutritionist. And last time I checked, stepbrother kita, hindi health coach.” “Then consider this as concern,” sagot niya, kalmado pa rin ang tono. “Concern?” tumawa ako ng mapait. “Tawag mo bang concern ‘yung pinapahiya mo ako sa sarili kong katawan?” Nakita kong napalalim ang hinga niya. “Hindi kita pinapahiya, Flora. I just want you to take care of yourself. You work too hard. You skip meals, you stay late. Hindi ko gusto ‘yon.” “Bakit ba lagi mong pinakikialaman ang mga ginagawa ko?” “Because I care,” diretsong sagot niya. Napatigil ako. “Damien…” “I’m not pretending anymore,” dagdag pa niya. “You can hate me all you want, but I’m not going to stop caring. You're my woman and my responsibility, remember?” “Cringe ka na naman,” sabi ko, pilit na tinatago ang kaba. “Tigilan mo na ‘yang mga linyang parang pang teleserye. Hindi ako madadala sa ganiyan.” Ngumiti siya, pero hindi ‘yung ngiting pilyo. “You can call it whatever you want. Pero gusto ko lang malaman mong hindi ko kayang hayaan kang mapabayaan.” “Hindi mo ako kailangang alagaan.” “Hindi ko kailangan,” sagot niya, “pero gusto ko.” Natahimik ako. Ramdam kong lumalapit siya. Mabilis kong tinapik ang braso niya. “Don’t. We’re at work.” “I know,” sabi niya, huminto pero hindi inalis ang tingin sa akin. “Pero gusto ko lang marinig mo na seryoso ako.” “Damien,” sabat ko, “please, tigilan mo ‘to. Magulo na nga ‘yung sitwasyon natin. You’re my stepbrother. People might think something weird.” “Let them think what they want,” sagot niya. “I know what’s real.” “Real?” napahinga ako nang malalim. “You’re confusing me. Kung gusto mong maging mabuting stepbrother, then act like one. Stop sending me texts like that. Stop acting na parang may gusto ka talaga sa akin. Okay lang maging obsess, pero bilang magkapatid. Hindi ka pwedeng magkagusto sa akin.” Tumango siya. “Okay. But you’ll eat properly from now on my little sister.” “Damien—” “Promise me,” putol niya. Napairap ako. “Fine. Kakain ako. Happy?” Bahagya siyang ngumiti. “Very.” Tinalikuran ko siya at naglakad palabas. Pero bago ako makalabas ng pinto, narinig ko siyang nagsalita ulit. “Little Sister.” Huminto ako at nilingon siya. “Ano na naman?” “You look better when you smile,” sabi niya. “You should do that more often lalo na sa big brother mo.” Napailing ako. “Ang cringe mo talaga, Damien.” Ngumiti lang siya. “Get used to it.” Paglabas ko ng conference room, nakita ko si Liza naghihintay sa hallway, halatang excited. “Girl! Grabe, ang tagal n’yo!” “Wala lang ‘yon,” sabi ko. “Pinagalitan lang ako dahil hindi raw ako kumain.” Napatawa siya. “Ang sweet naman ng kapatid mo! Kung ako ‘yan, kakain ako ng limang plato!” “Sweet? Nakakainis kaya,” sabi ko. “Hindi ko alam kung concern ba ‘yan o kontrol.” “Flora, alam mo, minsan ‘yung mga taong akala mo gusto lang mangialam, sila ‘yung tunay na may pakialam,” sabi ni Liza. Umirap ako pero napangiti rin. “Kung alam mo lang kung gaano siya ka-‘extra’ sa mga text niya.” Habang naglalakad ako pabalik sa opisina ko, muling nag-vibrate ang phone ko. Pagtingin ko, bagong text ulit. Damien: You forgot your juice. It’s in the conference room. Drink it before it gets warm. Napapikit ako at muntik nang mapatawa. Grabe talaga ‘tong lalaki. Hindi na natapos. Pero kahit anong inis ko, may parte sa akin na hindi maipaliwanag ang nararamdaman. Hindi ko alam kung nakakatuwa o nakakabaliw ‘yung atensiyon niya. Habang pinagmamasdan ko ang screen ng phone ko, hindi ko maiwasang mapaisip—gaano pa kaya kalayo ang kaya niyang gawin para lang mapakita na “concern” siya sa akin? *** Author's Note: Good day po! New Forbidden Story na naman po. Magiging active po ako sa pag-update dito lalo na't kasali ito sa bagong contest: FORBIDDEN VOWS OF LOVE. Sana po ay magustohan ninyo. Daily Update pa rin po. Two Chapters to Five Chapters araw-araw. Minsan naman ay more than five chapters. Depende pa rin po sa health at oras ko. Sa isang Chapter, umaabot siya hanggang 1,800 words po minsan. Depende pa rin. Basta hindi po bumababa sa 1,000 words below ang update ko every chapter kaya hindi siguro kayo malulugi sa panunuod ng ads or sa pag-top up. Mas makakatipid kasi kayo sa may mahabang chapters kesa sa maikling chapters. Kadalasan, madaling araw po ang update ko. Mas ganado utak ko sa ganiyang oras kasi. Sana po ay suportahan n'yo pa rin ako sa new contest at sana ma-enjoy ninyo ang pagbabasa sa librong ito. Forbidden Love po ito. Iyon kasi ang theme ng contest. Huwag po kayong makalimot sa pag-iwan ng comments, review para sa ratings ng libro, or magbigay ng gems kung meron man. Mas nakakagana po kasing magsulat kung may nababaa ang writer na comments :)) Open po ako for criticism or theory sa story. Mas maganda kung makakausap ko rin kayo kahit sa comment section lang po every chapter. You can add me sa F a c e b o o k or please like my official F******k Page lalo na't malapit na ang Christmas. F B: Deigratiamimi's Tales F B Page: Deigratiamimi Salamaaaat po!Stella's POV Pagbalik ko sa table ko, agad kong inayos ang palda ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil ramdam ko pa rin ang pag-alog ng tuhod ko mula sa ginawa ni Randall sa banyo. Sobrang awkward maglakad. Pakiramdam ko mapapasukan ng hangin ang pagkababae ko."Ayos ka lang ba?" tanong ni Will habang nakatingin sa akin nang may halong pag-aalala."Yeah," mabilis kong sagot. Pilit akong ngumiti, pero hindi ko maalis sa mukha ang kaba.Pagtingin ko sa table nila Randall, kababalik niya lang din.Pinamulahan ako ng mukha nang makitang ginawa niyang pamunas ang underwear ko sa labi niya sabay tingin sa akin.Nang muli kong tingnan ang table nila Randall, nakita ko siyang nakatingin sa amin. Ang mukha niya ay mapulang-mapula, pero hindi niya ako tiningnan nang diretso—para bang sinusubukan niyang pigilin ang sarili."Are you sure everything’s okay?" muling tanong ni Will."Yes, Will. Seriously. I’m fine," sagot ko, kahit ramdam ko pa rin ang kakulangan ng comfort sa katawan ko.Pinilit kong
Stella's POV Nag-vibrate ang phone ko kaya agad ko itong kinuha. Si Will pala ang nag-text.Atty. Will Cortez: I'm outside your house.Nag-reply agad ako.Me: Coming.Huminga ako nang malalim at tinawag si Elijah. Kailangan ko lang magpaalam bago ako lumabas."Mommy, instead of dating or entertaining your suitor, you should sleep beside me," reklamo niya habang nakaunan sa lamesita.Napakamot ako ng batok. "Anak, one hour lang kami. Pagbalik ko, tabi tayo."Umirap siya. "You should date the stranger earlier. He's handsome like me, Mom."Napakurap ako. Ilang beses nang nabanggit ni Elijah ang lalaking nakita niya kanina. Kung alam lang niya na si Randall 'yon… hinding-hindi ko alam kung paano niya tatanggapin."Huwag ka ngang makulit. Magpahinga ka na." Hinalikan ko ang noo niya. May pasa pa rin.Paglabas ko ng bahay, nakita ko agad ang kotse ni Will. Pagbukas ng pinto, inabot niya sa akin ang bouquet na binili niya."Hi, Stella," nakangiti niyang sabi."Hi," mahina kong sagot.Tinign
Stella’s POVAgad kong sinampal si Randall nang sinubukan niyang hawakan ang baywang ko. Hindi ko inisip kung masasaktan siya. Ang importante, hindi niya ako mahawakan.“I’m taken. You should stay away from me, Mr. Hernandez. Let’s talk about business.” Hindi ko siya tiningnan nang diretso. Kahit alam kong nakatitig siya, hindi ako nagpapadala.Ngumisi siya. Nakakainis ang ekspresyon niya, parang natutuwa pa siya dahil sinampal ko siya.“You’re my business, Stella.” Binalikan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. “Maybe we should talk about business privately.”Napahinga ako nang malalim. “Kung wala kang sasabihin na may kinalaman sa kompanya, lalabas na ako. Marami akong kailangang tapusin. I have meetings today. Sasayangin mo lang ang oras ko.”Tatalikod na sana ako nang magsalita siya ulit.“Next time, Stella,” malumanay niyang sabi. “Kung magpapaligaw ka lang naman, sana mas malakas ang dating at mas gwapo pa sa akin.”Napapikit ako. Pinigilan ko ang sarili kong magwala sa ini
Stella’s POVHapon na nang tuluyang matapos ang birthday party ni Elijah. Napagod ako pero ang saya ko pa rin dahil naging maayos ang lahat. Hindi natuloy ang pasok niya sa school kaya hindi na kami nagmamadali kanina.Pinagmasdan ko si Elijah habang nakaupo sa carpet at binubuksan ang mga regalo mula sa mga kapatid ko, sa classmates niya, at sa mga kapitbahay na dumalo kanina. Tumatawa siya habang nilalapag ang bawat laruan sa tabi niya. Wala siyang alalahanin. Wala siyang iniisip na problema.Sana ganoon kadali ang lahat.Napalingon ako nang mapansin kong nakatitig si Will sa akin mula sa kabilang sofa. Nakahawak siya sa baso ng tubig at halatang nahihiya pa rin dahil sa nangyari kanina.Napabuntong-hininga ako. “Pagpasensiyahan mo na talaga si Elijah. He’s a bully. I know. Hindi dapat ganoon ang sinabi niya.”Umiling si Will. “Ayos lang, Stella. Bata pa kasi. And honestly… maybe he’s right. I’m too old for you.”Nagtaas ako ng kilay. “Hindi naman sa ganoon. Mali pa rin ang ginawa n
Stella’s POV "Happy Fifth Birthday, Elijah Reed!" masayang bati ko sa anak ko habang hinahaplos ko ang buhok niya. Kagigising niya lang, pero agad siyang ngumiti. Halatang excited siyang mag-birthday."Good morning, Mommy," sabi niya, pero agad nag-iba ang mukha niya. "I need a daddy."Parang tinamaan ako. Hindi ko agad nasagot. Napahinto rin si Mommy Flora sa pagkanta, at pati mga kapatid ko na sina Sevi, Steve, Summer, at Shakira ay sabay-sabay na napatingin sa akin.Si Sevi ang unang nagsalita. "Matagal nang patay ang Daddy mo, Eli. You don't need to think about him anymore."Agad umirap si Elijah. "But I want a dad. We should help Mommy in finding me a new dad. We can put a signage or billboard that my mom is looking for a husband.""Elijah…" bulong ko, hindi ko alam kung matatawa ba ako o maaawa.Bago pa ako makasagot, bumukas ang pinto ng kwarto. Pumasok si Will Cortez, suot pa ang corporate attire niya. Ngumiti siya nang makita kami."Good morning. Good morning, Elijah."Humin
Randall’s POVPagbalik ko sa Greece, hindi na ako nagpalipas ng kahit isang oras. Dimiretso ako sa bahay namin. Pagpasok ko, tahimik ang paligid pero ramdam ko agad ang bigat ng hangin. May kakaiba. Pagdaan ko sa hallway, narinig ko ang boses ni Daddy mula sa opisina niya.Napahinto ako.Kasama niya ang isang matandang lalaki na hindi ko kilala. Matigas ang tono nito, pormal, pero puno ng yabang."As you promise, Damien Garcia is dead. One of my men killed him during the operation. Randall will marry our daughter. He will lead the organization someday."Nanigas ang buong katawan ko.Ano raw?Ako mismo ay hindi makagalaw. Humigpit ang panga ko, bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Hindi dahil sa balitang patay na si Tito Damien—alam ko na iyon. Pero ang rason… ang tunay na rason… sila ang pumatay sa kaniya?Hindi ko maipaliwanag ang sakit at galit na biglang sumulak sa loob ko.Si Tito Damien na mahal na mahal ako na parang tunay niyang anak, ang tatay ni







