Flora’s POV
Hindi ko alam kung dapat ba akong ngumiti o magtago na lang sa ilalim ng mesa noong lumapit si Mama at si Tito Darius sa gitna ng party para ipakilala sa akin ang anak ng fiancé niya. “Flora,” sabi ni Mama, bakas sa mukha ang saya, “I want you to meet Damien—ang anak ni Darius. He just came back from London.” Napatigil ako. Parang natuyuan ako ng dugo sa narinig ko. “W-What?” halos pabulong kong sabi. Kunwari ay nagulat. Ngumiti si Darius. “Yes, hija. Damien is my only son. I’ve been meaning to introduce him to you and your mother.” Mula sa likuran niya, dumating si Damien—, nakangiti, at nakatingin diretso sa akin na para bang tinitingnan niya ang isang sikreto na siya lang ang nakakaalam. “Hi, Flora,” bati niya. “Nice seeing you again.” Napakuyom ako ng kamao. Nice seeing you again? Talagang gano'n lang? Ngumiti ako ng pilit. “So, ikaw pala ang anak ni Sir Darius?” “Yup,” sagot niya, nakataas pa ang kilay. “Small world, huh?” “Too small,” malamig kong sagot. “Way too small.” Matapos ang introductions, sinubukan kong umiwas. Umupo ako sa kabilang mesa, kunyaring abala sa pagkain. Pero kahit saan ako tumingin, nandoon si Damien. Lagi siyang nakatingin, parang natatawa lang sa pagiging tensyonado ko. Lumapit siya pagkatapos ng ilang minuto, dala ang wine glass niya. “Why are you sitting here alone?” tanong niya. “You look… uncomfortable little sister.” Little sister? Tinapunan ko siya ng tingin. “Of course I’m uncomfortable. How do you think I should feel knowing that the man I—” huminga ako nang malalim, “—the man I slept with is suddenly my stepbrother?” Napangiti siya, parang wala lang. “You make it sound scandalous.” “Because it is scandalous,” sagot ko. “Damien, please. Stay away from me. We should pretend that night never happened.” “Too late for that,” sagot niya, bahagyang nakasandal sa upuan. “I already tried forgetting, but then I saw you again. I'm sure na titira tayo sa iisang bubong. Knowing my father. Now it’s impossible.” He winked. “Damien!” iritadong sabi ko. “Hindi mo ba naiintindihan? Magiging magkapatid tayo sa mata ng lahat.” “Stepbrother,” mabilis niyang tugon. “Not by blood my little stepsister.” “Still!” pabulong kong sagot. “It doesn’t matter. What we did was wrong, and we both know it.” Tumawa siya nang mahina. “If you keep reacting like that every time you see me, people will start to notice.” Napahawak ako sa sentido. “Can you stop teasing me for once?” He leaned closer. “Who said I’m teasing?” Umayos ako ng upo. “You’re unbelievable. Just… stop talking to me, okay?” Ngumiti siya nang bahagya. “Can’t promise that.” *** Kinabukasan, pagdating ko sa opisina, mas lalo akong nainis. May mga bulung-bulungan sa loob ng department namin na may bagong CEO raw na magte-take over sa kompanya. Ako naman, bilang senior engineer, inutusan ng HR na dumalo sa general meeting sa main conference room. Pagpasok ko roon, halos malaglag ang folder ko nang makita ko kung sino ang nasa harap. Si Damien na naman. “Nagbibiro ba siya?” bulong ko sa sarili ko. Ngumiti siya, confident, habang kausap ang Board. “Good morning, everyone. I’m Damien Garcia, the new owner and CEO of this company.” Napatingin siya sa akin at bahagyang kumindat. Parang uminit ang tainga ko sa ginawa niya. “Oh no,” sabi ko sa ilalim ng hininga. “Hindi totoo ‘to.” Matapos ang meeting, tumakbo ako papunta sa labas para huminga ng hangin. Pero bago pa ako makalayo, may narinig akong boses sa likod ko. “Flora.” Napapikit ako. “Please don’t.” “Come on,” sabi niya, nakangiti pa rin. “You didn’t even congratulate your new boss.” Huminga ako nang malalim. “Boss? Seriously? You couldn’t have told me earlier?” Ngumiti siya, parang inaasar ako. “You didn’t exactly give me the chance. You ran out of that hotel like it was on fire. Then makikita kita sa engagement party ng ama ko.” “Because it was a mistake!” sagot ko, tumaas na ang boses ko. “You think I’d stick around for a morning-after chat? No, Damien. That night meant nothing. So please, stop bringing it up.” Tumingin siya sa akin, seryoso na ang mukha. “Don’t lie. It meant something. Maybe you don’t want to admit it, but you felt it too.” Ngumuso siya at tumingin sa dibdib ko. Yumuko siya. "I miss hearing your moans little sister." “Damien…” napailing ako. “You really don’t know when to quit, do you?” “Not when it comes to you.” Napalunok ako. “You can’t talk to me like that. You’re my boss now. And soon, my stepbrother.” Ngumiti siya nang bahagya. “So what? You’ll ignore me forever?” “That’s the plan,” sagot ko, at naglakad palayo. Maghapon akong nagkulong sa opisina ko, busy sa pag-check ng project plans, nang bigla siyang pumasok. “Miss Santillan,” tawag niya sa akin, kunwari ay pormal. “I’d like to review the new site proposal with you.” Napatingin ako sa kanya. “Now?” “Yes. My office. Ten minutes.” Sinabayan niya ako palabas ng department namin. Pagkapasok namin sa opisina niya, isinara niya ang pinto. “Okay,” sabi ko, pinilit maging kalmado. “Let’s talk about the project.” Ngumiti siya. “You’re still trying too hard to sound professional.” “Because we’re at work, Damien,” iritadong sagot ko. “Please, act like a boss.” “Trust me, I’m trying,” sabi niya. “But it’s hard when the person in front of me is someone I can’t stop thinking about.” “Damien!” pinutol ko siya agad. “Stop it. I’m serious.” Lumapit siya nang bahagya, halos magdikit na kami. “So am I.” Napaatras ako hanggang sa naramdaman ko na lang ang dingding ng opisina niya. “You can’t do this,” bulong ko. “Then tell me to stop,” sabi niya. “Tell me you don’t feel anything.” Natahimik ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Totoo naman na kahit anong tanggi ko, may nararamdaman pa rin ako. Pero alam kong mali. “I don’t,” sabi ko sa wakas, pero mahina ang boses ko. Ngumiti siya. “You’re a terrible liar.” “Damien…” napahinga ako nang malalim. “Please, don’t make this harder.” Tumango siya. “Fine. I’ll back off. For now. But you can’t expect me to pretend nothing happened between us.” “Then at least stop acting like it still matters,” sagot ko. Ngumiti siya bago lumapit ulit. “It matters, Flora. And deep down, you know it.” Bago pa ako makasagot, tumalikod siya at binuksan ang pinto. “You can go,” sabi niya, kalmado pero may ngiti sa labi. Lumabas ako ng opisina niya na halatang inis. Pero habang naglalakad ako pabalik sa desk ko, hindi ko mapigilang maramdaman ang halo-halong kaba at inis. “Damn it, Damien,” bulong ko sa sarili ko. “Why can’t you just leave me alone?” *** Kinagabihan, nasa apartment ako at kausap si Mama sa telepono. “Anak,” sabi niya, masigla pa rin, “I hope you’re getting along with Damien. Mabait ‘yang bata, kahit medyo suplado minsan.” Napangiti ako nang pilit. “Yeah, Ma. He’s… fine.” “He told me you work in the same company,” dagdag pa niya. “Isn’t that amazing? The world is really small.” “Yeah, too small,” sabi ko sa sarili ko. Pagkababa ko ng tawag, napahiga ako sa kama. Hindi ko alam kung paano ko kakayanin pa. Lahat ng pilit kong iwas kay Damien, parang lalo lang siyang lumalapit. Ang mas masama, alam kong hindi lang siya ang may problema. Kasi sa tuwing magtatama ang mga mata namin, kahit anong iwas ko, naroon pa rin ang init na pilit kong tinatago.Damien’s POV Pagbalik namin ni Roy sa bar, hindi na ako nagdalawang-isip. Dumiretso ako sa counter at umorder ng pinakamalakas na alak na mayroon sila. Gusto kong kalimutan kahit sandali ‘yung sakit na nararamdaman ko. Ang bigat sa dibdib ko. Hindi ko alam kung galit ba ‘to o selos nang nakitang sobrang kaswal ni Flora makipag-usap sa ibang lalaki. “Sir, baka gusto niyo po ng mas light muna,” sabi ni Roy habang nakatingin sa akin, halatang nag-aalala. Umiling ako. “No. I want something strong. I need it.” “Copy po.” Kinuha niya ang baso at inabot sa akin. Ilang lagok pa lang, ramdam ko na ‘yung init sa lalamunan. Sa bawat lagok, sinusubukan kong kalimutan si Flora — ‘yung mga ngiti niya, ‘yung boses niya kanina habang lasing, ‘yung mga titig niyang parang nangungusap ng ayaw niyang maramdaman. May mga babaeng lumapit sa amin, mga naka-bodycon at halatang sanay makipaglapit sa mga lalaking may pera. Tumabi sila sa akin at nagsimulang magtanong. “Hi, handsome. Alone?” sabi ng is
Damien’s POV Pagkatapos kong makausap ang HR at ipatawag ang assistant kong si Roy, hindi pa rin ako mapakali. Hindi mawala sa isip ko ang mukha ni Flora nang gabing nagkita kami sa bar. Alam kong hindi na dapat ako nagpadala sa init ng katawan noon, pero hindi ko rin kayang magsinungaling sa sarili ko. I like her so much, sobra. “Roy,” utos ko habang nakatingin sa laptop, “I want you to find out everything about Maxwell Laurel and Rhea Valdez. Gusto kong pareho silang mawalan ng trabaho. I-cancel ang promotion ni Maxwell. Gusto kong maranasan nila ang hirap na ibinigay nila kay Flora.” “Copy, Sir. I’ll handle it personally,” sagot ni Roy. Tumango ako. “Good. Make it clean. Ayokong malaman ni Flora na ako ang may pakana.” Pag-alis niya, sandali akong napasandal sa swivel chair. I closed my eyes for a moment. I just want to protect her, kahit hindi niya alam. She’s been through so much pain. Hindi ko kayang makitang umiiyak ulit siya. Napatingin ako sa mesa ko. Nandoon pa rin ang
Flora’s POV Kakapapasok ko lang sa opisina nang sinalubong ako agad ni Liza, dala ang isang brown envelope. Mukha siyang seryoso, kaya agad kong napansin. “Flora,” sabi niya, inaabot ang envelope. “May nagpahatid nito sa receptionist. Ang sabi, para eaw sa 'yo.” Kinuha ko iyon, kunot-noo. “Sino raw nagpadala?” “Wala siyang sinabi. Nakalagay lang ‘confidential.’ Baka related sa project?” “Hmm, sige.” Binuksan ko iyon sa harap niya. Pero pagtingin ko sa laman, napanganga ako. Ultrasound results. Napatingin din si Liza, sabay takip ng bibig niya. “Wait—hindi ba… pangalan ni Rhea ‘to?” Parang may sumabog sa dibdib ko sa galit. “Oo. Si Rhea. At—” tumigil ako sandali nang mapansin ang nakalagay sa sulok ng papel. “Tangina. Si Maxwell ang nakalagay na father.” “Flora…” mahinang sabi ni Liza, halatang nagulat. Pinunit ko nang walang pag-aalinlangan ang ultrasound paper. “Putang ina niya! Hindi pa ba sapat na ninakaw niya lahat sa akin? Kailangan pa ba niyang ipamukha sa akin ‘to?” “
Flora’s POV Napamura ako nang biglang may tumawag sa cellphone ko. Napatingin ako sa orasan sa bedside table, at muntik ko nang maibato ang cellphone kasi alas tres pa lang ng madaling-araw—at si Damien na naman ang tumatawag.“Put—anong gusto nang lalaking ‘to?” iritado kong bulong habang pilit kong pinipigilan ang sarili kong sagutin.Maaga pa ako mamaya, may site visit pa kami ng mga senior engineers. Hindi ko alam kung anong klaseng kabaliwan ang meron kay Damien at kailangan niya akong istorbohin sa ganitong oras.Binlock ko siya. Akala ko tapos na. Pero ilang minuto lang ang lumipas, tumunog na naman ang telephone sa kwarto ko.“Dammit,” inis kong sabi habang padabog kong sinagot. “Ano ba, Damien?! Alas tres ng umaga!”“Good morning.”Pagkasabi niya noon, pinatay niya agad ang tawag.Napatingala ako sa kisame at napasigaw ng “Ano ba talaga problema mo?!”Kung bahay lang namin ‘to at hindi bahay nila Mama at ni Darius, baka sinabuyan ko na ng tubig ang cellphone.Pinilit kong bu
Flora’s POVHapon na kaya pagod na pagod ako sa dami ng papeles na kailangang i-review. Halos hindi ko na napansin ang oras nang biglang tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko, si Mama.“Hello, Ma?” sagot ko habang inaayos ang mga documents sa desk.“Anak, tapos ka na ba sa work?” tanong ni Mama Maria sa kabilang linya, halatang masigla ang boses.“Medyo, Ma. May tinatapos lang ako. Bakit po?”“May favor sana ako. Puwede ka bang sumabay kay Damien pauwi mamaya? Lilipat na kasi tayo ng bahay, anak. Dapat nandun ka para matulungan ako mag-ayos.”Napasinghap ako. “What? Sa bahay nila Darius?”“Oo, anak,” sagot niya. “Doon na tayo titira. Malapit na rin naman ang kasal namin ni Darius. Mas maayos na roon, mas malaki, mas tahimik. Tutal, hindi ka naman palaging nasa bahay.”Napahawak ako sa sentido. “Ma, seryoso ka ba? Doon ako titira sa bahay ng stepbrother ko? Sa boss ko pa?”“Flora, ayoko nang makipagtalo,” mahinahon pero matigas na sabi ni Mama. “Please lang, pagbigyan mo na ako. Matag
Flora’s POV Pagpasok ko sa conference room, agad akong napahinto. Nakaayos sa gitna ng mahaba at mamahaling mesa ang iba’t ibang pagkain—may pasta, steak, salad, at mga prutas. May juice din at kape sa gilid. Hindi ko maiwasang magtaas ng kilay.“Wow,” sabi ng isa kong katrabaho, sabay upo. “First time na may ganito. Usually tubig lang at crackers.”“Hindi nga ako makapaniwala,” sabat pa ng isa. “Siguro dahil bagong management na tayo, ‘no?”Tahimik akong umupo sa dulo, pinilit huwag pansinin ang pag-uusap nila. Kahit ako, nagulat. Alam kong si Damien ang nagpasimula nito. Mula nang siya na ang naging may-ari ng kompanya, nag-iba ang sistema—mas maayos, mas moderno. Pero sa akin, hindi iyon dahilan para maging kampante.Ilang sandali pa, bumukas ang pinto. Dumating si Damien, suot ang simpleng dark blue shirt at slacks. Hindi man siya pormal, halata pa rin ang presensiya niya. Lahat ng babae sa mesa, napatuwid ng upo.“Good morning,” bati niya, malamig pero maayos ang tono. “I hope e