Teilen

Chapter 89

last update Veröffentlichungsdatum: 24.09.2026 10:24:25

Maaga pa lang ay nagising na si Adrian.

Tahimik pa ang buong penthouse. Wala pang gaanong liwanag na pumapasok mula sa malalaking bintana ng bedroom, at malamig pa ang hangin mula sa air conditioner. Ngunit imbes na matulog pa, mas excited si Adrian dahil pupunta sila ng probinsya ngayong araw.

Dahan-dahan siyang lumapit kay Eliana na mahimbing pa ring natutulog.

Umupo siya sa gilid ng kama at ilang segundo siyang nakatingin sa mukha nito. Napangiti siya nang makita ang peaceful nitong expressi
Lies dieses Buch weiterhin kostenlos
Code scannen, um die App herunterzuladen
Gesperrtes Kapitel

Aktuellstes Kapitel

  • My Stepmother’s Hidden Daughter is my Fiancée   Chapter 92

    Matapos ang ilang oras na biyahe, unti-unting nagbago ang tanawin sa labas ng sasakyan.Mula sa matataas na gusali, malawak na kalsada, at mga ilaw ng siyudad, napalitan iyon ng mga puno, palayan, maliliit na tindahan, at mga bahay na magkakalayo ang pagitan.Hating-gabi nang tuluyang marating nina Adrian at Eliana ang probinsya.Samantala, mahimbing na natutulog si Eliana sa passenger seat. Bahagyang nakasandal ang ulo nito sa bintana, habang ang buhok niya ay ilang beses nang natatakpan ang mukha.Napangiti si Adrian habang sinusulyapan siya.Sa kabila ng mahabang biyahe, mukhang hindi man lang nito naramdaman ang pagod.Dahan-dahan niyang binawasan ang volume ng music bago siya nagsalita.“Babe…”Hindi gumalaw si Eliana.“Babe, gising na. Nandito na tayo.”Bahagyang gumalaw ang balikat ni Eliana, pero hindi pa rin dumilat.Napangiti si Adrian.“Babe, eto na ba ‘yun?.”Unti-unting iminulat ni Eliana ang mga mata niya. Ilang segundo muna siyang nakatitig kay Adrian bago niya napansin

  • My Stepmother’s Hidden Daughter is my Fiancée   Chapter 91

    Palubog na ang araw nang nasa kalagitnaan na ng kanilang biyahe sina Adrian at Eliana papunta sa probinsya.Unti-unti nang nagiging kulay kahel at pula ang langit. Dumadaan ang mga sinag ng araw sa pagitan ng mga puno at gusali, habang ang mga ilaw sa kalsada ay isa-isang nagsisimulang bumukas.Tahimik lamang si Eliana sa passenger seat.Nakasandal siya sa bintana habang pinagmamasdan ang mga lugar na kanilang nadadaanan. Paminsan-minsan, napapangiti siya kapag may nakikita siyang pamilyar na tanawin. Mas lalong lumalayo ang mga gusali at business establishments, at napapalitan ang mga ito ng malalawak na bukirin, puno, maliliit na tindahan at mga bahay na magkakatabi sa gilid ng kalsada.Napansin ni Adrian ang tahimik na pagkamangha niya.“Namimiss mo na ba dito?” tanong niya.Lumingon si Eliana sa kanya.“Hmm?”“Yung province.”Ngumiti si Eliana at muling tumingin sa labas.“Oo. Matagal na rin kasi akong hindi nakauwi nang ganito katagal.”“Excited ka bang makita ang Papa mo?”“Very

  • My Stepmother’s Hidden Daughter is my Fiancée   Chapter 90

    Ilang minuto nang nakatayo sina Adrian at Eliana sa gilid ng kalsada, parehong nakatingin sa flat na gulong ng kanilang sasakyan.Napabuntong-hininga si Adrian at kinuha ang cellphone niya.“Babe, wait here. Tatawagan ko si Marco.”Tumango si Eliana habang nakasandal sa gilid ng sasakyan.“Okay.”Pinindot ni Adrian ang pangalan ni Marco sa contacts. Ilang segundo lamang ay sumagot na ito.“Bro, nasaan ka ngayon? Pwede pa-help?” tanong agad ni Adrian.“May date kami ni Kylie dito sa Tagaytay. Emergency ba ’yan?” sagot ni Marco.“Oo eh. Na-flat yung gulong ko. Pupunta pa naman kami ni Eliana sa province nila.”Sandaling natahimik si Marco bago tumawa.“Wow, bro. Mukhang mamanhikan ka.”Napatingin si Adrian kay Eliana na tahimik na nakikinig sa kabilang bahagi ng sasakyan.“Yun nga, bro.”“Wait, seryoso?”“Yeah.”Napangiti si Adrian.“Basta pupunta ka dito.”“Nasaan ba kayo?”Sinabi ni Adrian ang lugar kung saan sila huminto.“Sige. Punta kami ni Kylie diyan. Mga ilang oras din siguro.”

  • My Stepmother’s Hidden Daughter is my Fiancée   Chapter 89

    Maaga pa lang ay nagising na si Adrian.Tahimik pa ang buong penthouse. Wala pang gaanong liwanag na pumapasok mula sa malalaking bintana ng bedroom, at malamig pa ang hangin mula sa air conditioner. Ngunit imbes na matulog pa, mas excited si Adrian dahil pupunta sila ng probinsya ngayong araw.Dahan-dahan siyang lumapit kay Eliana na mahimbing pa ring natutulog.Umupo siya sa gilid ng kama at ilang segundo siyang nakatingin sa mukha nito. Napangiti siya nang makita ang peaceful nitong expression.Then he leaned closer.“Babe…”Hindi gumalaw si Eliana.Ngumiti si Adrian.“Babe, gising na.”Marahan niyang niyakap si Eliana mula sa likuran at hinalikan sa pisngi.“Hmm…” mahina nitong ungol habang nakapikit pa rin.“Gising na,” bulong ni Adrian.“Anong oras na?”“Maaga pa.”“Then bakit mo ako ginising?”“Because we have somewhere to go.”Dahan-dahang dumilat si Eliana. Ilang segundo muna siyang nakatitig sa kisame bago niya naalala ang sinabi ni Adrian kagabi.“Wait…”Napatingin siya kay

  • My Stepmother’s Hidden Daughter is my Fiancée   Chapter 88

    Lumapit si Julio kay Adrian matapos ang proposal. Halata sa mukha nito ang saya habang nakangiti siya sa anak. Ilang segundo muna niyang tinitigan si Adrian, saka niya ito tinapik sa balikat.“Congratulations, son.”Ngumiti si Adrian. “Thank you, Dad.”“Finally,” natatawang sabi ni Julio. “Akala ko hindi ka na talaga magse-settle down.”Napailing si Adrian. “I told you before, Dad. Kapag dumating yung tamang babae, malalaman ko.”“Apparently, dumating na nga,” sagot ni Julio habang tinitingnan si Eliana.Lumapit si Julio kay Eliana. Nang makita siya nito, agad na lumambot ang expression ng matanda.“Eliana.”“Yes, Sir?”Ngumiti si Julio at marahang iniabot ang kamay niya. “Welcome to our family.”Napatigil si Eliana sa sinabi nito.Ilang sandali siyang hindi nakapagsalita. Hindi niya inaasahan na ganoon siya tatanggapin ni Julio, lalo na pagkatapos ng lahat ng nangyari sa pagitan nila. Noon, ramdam niya ang pagtutol nito sa relasyon nila ni Adrian. Ngayon, mismong ama ni Adrian ang bu

  • My Stepmother’s Hidden Daughter is my Fiancée   Chapter 87

    Matapos marinig ang sagot ni Eliana, hindi agad nakapagsalita si Adrian. Para bang gusto niyang tiyakin na tama ang narinig niya. Nang tuluyang mapagtanto na sinabi nga ni Eliana ang mga salitang matagal niyang hinihintay, isang malawak na ngiti ang sumilay sa kanyang mukha. Dahan-dahan niyang kinuha ang singsing at maingat na isinuot iyon sa daliri ni Eliana. Saglit niyang tinitigan ang singsing na ngayon ay nasa kamay ng babaeng mahal niya, bago siya tumayo at agad itong niyakap. Mahigpit na yumakap si Eliana sa kanya, habang kapwa nila pilit na pinipigilan ang emosyon. Sa wakas, matapos ang lahat ng pinagdaanan nila, engaged na sila.Tumindi ang palakpakan sa buong venue. Halos lahat ay nakangiti at masayang nakatingin sa bagong magkasintahang engaged na. Sa gitna ng ingay, tumayo si Julio at malakas na pumalakpak. Para kay Adrian, sapat nang makita niyang nakangiti ang kanyang ama. Iyon ang malinaw na tanda na tanggap at aprubado nito ang proposal. Napangiti si Adrian habang nakay

Weitere Kapitel
Entdecke und lies gute Romane kostenlos
Kostenloser Zugriff auf zahlreiche Romane in der GoodNovel-App. Lade deine Lieblingsbücher herunter und lies jederzeit und überall.
Bücher in der App kostenlos lesen
CODE SCANNEN, UM IN DER APP ZU LESEN
DMCA.com Protection Status