Maaga pa lamang ay naging abala na ang buong Cervantes Penthouse. Hindi pa sumisikat nang tuluyan ang araw, sunod-sunod nang huminto ang ilang itim na luxury van sa harap ng Cervantes Tower. Isa-isang bumaba ang mga stylist, make-up artists, hairstylists, wardrobe assistants, at ilang staff na may dalang malalaking maleta na puno ng designer clothes, cosmetics, at accessories. Tahimik na binuksan ni Marco ang p***o. “Good morning, everyone. Sir Adrian is already awake.” “Good morning, Mr. Marco.” Isa-isang pumasok ang mga ito sa penthouse. Nagising si Eliana dahil sa ingay ng mga yabag at usapan sa labas ng visitor room. Dahan-dahan siyang lumabas habang inaantok pa. Paglabas niya ay halos mapatigil siya. Mahigit sampung tao ang nasa loob ng penthouse. May nag-aayos ng mga suit sa living room. May naglalatag ng iba’t ibang pares ng sapatos. May stylist na nag-aayos ng mga mamahaling relo. Napakurap siya. “Ano pong… nangyayari?” Napangiti si Marco. “Good morning, Miss Rey
ปรับปรุงล่าสุด : 2026-08-11 อ่านเพิ่มเติม