Compartilhar

SIMULA

Autor: Babz07aziole
last update Última atualização: 2025-10-17 07:54:57

KIPKIP ang ilang aklat mula sa aking bisig ay pumasok ako ng walang ingay sa pintuan na kahoy ng aming maliit na tirahan. 

  Kasalukuyan lang naman kaming nakatira ng aking Lola Esing sa isang napakaliit na espasyo ng isang lumang apartment dito sa lungsod ng Bidisto. 

  Sa totoo lang, hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba kaming nagpalipat-lipat ng tirahan ng aking Lola. 

  At dito nga sa masikip at mabahong eskwater kami ngayon nanunuluyan. Naalala ko noong maliit pa ako ay isang maayos na subdivision naman kami nakatira dati. Pero, magmula ng iwan kami ng Mama at Papa ko. Biglang nag-iba na ang lahat. At dahil wala ng ibang kamag-anak kaming natitira pa ay pinagsikapan ng aking Lola na buhayin ako ng mag-isa. Paminsan-minsan ay nagtitinda siya ng sampaguita sa harapan ng simbahan. Naglalako rin siya ng gulay sa lansangan. Matanda na si Lola, kaya ngayon, lubos akong naawa sa kalagayan na meron kami. Kung meron lang sanang ibang paraan para makaahon kami sa hirap na nararanasan namin. Ngayon pa lang ay gagawin ko na. 

  “Andiyan ka na pala Erine, halika at sabay natin pagsaluhan ang nilaga kong saging sa may kusina,” ani ni Lola na sumungaw mula sa may pintuan ng kusina. 

  “Sige po, magpapalit lang po muna ako ng damit,” magalang kong paalam dito. Matipid ko pa siyang nginitian. 

  Hindi ko na hinintay na magsalita pa si Lola at dali-dali na akong nagpunta sa aking silid. Napadako kaagad ang tingin ko sa nakabitin na salamin sa pader. 

  Kung titignan ako ng sino man ngayon, iisipin ng ilan. Isa lamang akong simpleng estudyante. Pero nagkakamali sila. 

  Tuluyan kong inilapag ang ilang sa mga teksbook na dala ko sa ibabaw ng aking higaan. At tuluyan kong hinubad ang aking uniporme. 

  Disi Nuebe na ako, at ngayon Taon ay magtatapos na ako sa kursong aking kinuha. Political Science lang naman, isa kasi ako sa nangangarap na maging abogado balang-araw. 

  Ngunit, dahil sa hirap ng aming buhay ni Lola ay kinailangan kong magsumikap. 

  “Apo! Pumunta ka na rito,” pagtawag sa akin ni Lola. 

  “Sige po La,” matipid kong sagot. 

  Nang lubos akong magsawa sa pagmamasid sa aking sariling katawan. 

  Isang simpleng bestida ang isinuot ko. Bago tuluyan puntahan ang aking Lola. 

  “Heto na Erine, kumain ka. Pagpasensyahan mo muna si Lola at ito lang muna ang maihahain ko ngayon.” Sabay tulak niya sa akin ng plato. Kung saan naglalaman pa ang mainit-init pang saging. 

  “La, kailan po ba ako nagreklamo. Saka alam niyo peyborit ko po itong nilagang saging,” saad ko rito. Sabay dampot ko sa isa niyon. Tuluyan kong binalatan iyon at nginuya. 

  Napangiti naman si Lola. Ngunit pansin kong hindi umabot ang kislap sa mata niya. 

  “K-kung sana isinama ka sana ng Mama at Papa mo. Tiyak kong mas maganda sana ang naging buhay mo ngayon, Apo.” Tukoy niya sa mga magulang ko. 

  Bigla-bigla ay nag-iba ang timpla ng mood ko. Ngunit mas mabuting hindi ko na ipahalata sa aking Lola. Dahil ayaw kong madagdagan pa ang isipin niya. 

  Sa sandaling iyon, dali-dali kong kinuha ang mga papel na pera mula sa aking bulsa. Kinuha ko ang nangungulubot na palad nito. Sabay ng pagpatong ko mula roon. 

  “La, dagdag niyo ho sa bayarin natin this week. Don’t worry, dadagdagan ko pa iyan. Kapag nakaraket ako ulit sa susunod,” magiliw kong sabi. Habang nagbabalat ulit ng panibagong saging. 

  “Naku, hindi mo na kailangan pang mag-abot sa akin Apo. Itago mo na lang ito pang-allowance mo.” Mukhang balak pa niyang isauli sa akin iyon. Pero mariin ko siyang inilingan. 

  “Lola naman, sa iyo na iyan. May natira pa sa akin. Siya sige po at mag-aayos lang ako,” saad ko. Tumayo na ako mula sa aking kinauupuan nang awatin niya ako. 

  “Aalis ka ba ngayon gabi Apo?” tanong nito sa akin. Makikita ang pagtataka sa itsura niya. 

  “Oo La, nightshift ako ulit sa restaurant na pinapasukan ko.” Nakagat ko pa ang ilalim ng aking labi. Sa kasinungalin namutawi sa akin. 

  Pinilit ko na nilabanan ng tingin ang pagtitig niya sa akin. 

  May kutob ako na may iba itong nasa sa isip. Hindi niya lang masabi sa akin ng harapan. 

  “Sige na po La, seven pm po ang pasok ko. Kailangan ko na pong maghanda.” Muli kong pamamaalam. 

  Ngunit, muli niya akong pinigilan sa ikalawang pagkakataon. 

  Naudlot na muli ang pagtatanong ko ng mula sa nakabukas na pinto ng front door ay pumasok doon ang isang may edad ng lalaki na naka suot ng isang mamahalin Americana. Mula sa ulo hanggang paa ay napakaayos nitong tignan. Katulad na katulad sa mga nakikita at napapanuod ko sa mga pelikula. 

  “S-sino po siya Lola?” tanong ko. 

  “Ah, siya ba, iyon nga rin sana ang sasabihin ko kanina. Pero hindi ko nasabi agad. Dahil mukhang pagod ka kaninang dumating ka,” paliwanag naman sa akin ni Lola. Napatango naman ako. Saka muling binalingan ng pansin ang lalaking nasa harapan namin. 

  “Goodevening Maam Evianna Morine, pasensya na sa abala. Pero ako nga pala si Mr. Alcantara, and personal assistant ni Zino Scyte Mendres.Ikalulugod ko kayong makilala,” sabi nito habang mabilis na yumukod. 

  Gulat na gulat naman ako sa kinaroroonan ko. Kaya upang hindi ko mapigilan ang aking sarili na mapabulalas. 

  “S-sino kayo? Anong sabi niyo, personal assistant kayo nino?” Naguguluhan pa rin ako. 

  Sa pagitan ng pag-uusap namin ay sumagot si Lola na hinawakan na ako sa braso. 

  “Hindi ko nasasabi Apo, pero ang totoo naglihim ako sa iyo,” sabi nito na nasa itsura ang kaba. 

  Kinunutan ko lang naman siya ng noo, sabay paling ng tingin din sa lalaking nasa harap namin. 

  “A-ano pong lihim po ba iyon? Pati ako kinakabahan din,” hindi ko na napigilan bigkasin iyon. 

  Nangiti naman sa amin ang lalaking nag ngangalang Mr. Alcantara. 

  “Si Senyorito Zino Scyte Mendres, siya ang bunsong kapatid ng Mama mo…” 

  NAKASAKAY ako ngayon, sa magara at modernong sasakiyan na minamaneho ni Mr. Alcantara. Ang sabi niya sa akin kanina, pagmamay-ari daw ng Uncle ko ang naturang sasakiyan. 

  Kanina habang sinasabi niya na may natitira pa palang kaming kamag-anak ay labis na akong nalilito. Andami kong katanungan sa aking isipan na gusto kong itanong sa Lola ko. Pero hindi ko na iyon nagawa pa. 

  Dahil heto, kinailangan kong sumama agad. Uncle Zite invited me to his party on the island he actually owned. 

 

  Hindi ko aakalain na isang napakayaman na tao ang nag-iisang kapatid ng Mama ko. Buong buhay ko ay binalot ako samo’t saring katanungan sa buo kong pagkatao. 

  Ngayon, unti-unti nang nabibigyan ng kasagutan ang puwang sa buhay ko. 

  “Ah, Mr. Alcantara gaano niyo po kakilala ang Uncle ko?” tanong ko rito. Nasa harap siya at katabi ng driver. Napagawi naman ang tingin niya sa rearview mirror. 

  “Ang totoo niyan Ms. Ildefonso hindi kami madalas na magkasama. Kahit sabihin ako ang PA niya.” 

  Buhat sa sinabi nito may pagtataka ng namayani sa akin. Pero ipinagkibit ko na lang ng balikat iyon. 

  Oh, well kapag nakarating naman na ako sa Isla ay maari naman na kausapin ko siya. Sa malamang at sa malaman, maaring alam niya rin kung nasaan sina Mama at Papa ko. 

  Kahit paano, ang pagpayag kong madaluhan ang paanyaya ng aking Uncle ay may sapat na dahilan para hindi ko mapuntahan. 

  HALOS dalawang oras din ang naging biyahe namin, bago kami makarating daungan. Ayon kay Mr. Alcantara, sa isang private yatch na pagmamay ari pa mismo ng Uncle ko ang sasakiyan namin para makarating sa pribadong Isla nito. 

  Dahil gabi kami bumiyahe, ramdam ko ang malamig na hangin na dumarampi sa aking balat. Kasabay ng maalat-alat na simoy na nanunuot sa aking ilong. 

  “Magandang gabi Ms. Ilde—” Pag-agaw ng pansin mula sa akin ni Mr. Alcantara. Pero kaagad ko na siyang binara. 

  “Erine na lang po,” nahihiya kong sabi. 

  Tumango naman siya. Saka niya inilapag ang isang babasagin baso sa lamesa na nasa gilid. Habang hawak naman ng kabilang kamay niya ang isang red wine bottle. 

  “Uminom ka muna, habang naghihintay sa pagdating natin sa Isla Senyorita,” saad nito. 

  Tumango naman ako at tinanggap ang alok nito. 

  Kaagad na dumaloy sa aking lalamunan ang mainit na likido. Kahit paano, nasanay na ako sa lasa niyon. 

  Madalas ba naman akong napapainom kapag nasa panggabi akong trabaho. 

  Mapait akong nangiti, habang nakamasid sa madilim na kalangitan ang aking mata. 

 “Cheers! To that, Erine, you will never go back to the life you were used to. I swear to that,” I said with hope.

 

  Mabuti at umalis na ang matandang lalaki. Kung ‘di baka ipagkataka pa niya kung ano ang pinagsasabi ko. 

  Hindi lang naman ang pakikipagkilala sa strange Uncle ko ang tanging pakay ko roon. Balak ko rin humingi rito ng tulong, kakapalan ko na talaga ang aking pagmumukha. 

  Mula sa malayo ay kitang-kita ko ang isang Isla, nagliliwanag din ang paligid niyon na tila may isang napakalaking pagtitipon din ang nagaganap. 

  “Iba talaga kapag mayaman, lahat magagawa mo. Basta may pera ka.”

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • My Strange Uncle   Chapter 3

    HINDI ko lubusan inasahan. Matapos ang isang nakakahiya na sitwasyon sa pagitan ng aking tatlong pinsan. Nagdesisyon akong manatili.“Okay ka lang ba Erine?” tanong sa akin ni Maken. Sa tatlo ay ito ang palagian nagtatanong sa akin kung kumusta ba ako. “Ano ba sa tingin mo?” balik-sagot ko rin naman dito. “We're sorry for causing you so much trouble,” sinsero naman nitong bigkas.Pinili ko na lamang manahimik. Sa halos dalawang araw ay manatili na muna ako roon sa Isla ni Uncle Zino Scyte. Na hindi naman nagawang salungatin ng tatlo. Mukhang nagusap usap na sila.May kutob kasi akong may mali sa mga pangyayari. At iyon ang inaalam ko pa.“Nasaan pala si Uncle Zite?” Napadako ang tingin niya sa akin sa pagtatanong ko. Nasa garden kami at nag-aalmusal. Wala sina Gaven at Draken, mukhang late na naman magigising ang mga iyon.“Bakit madalas mo siyang hanapin, Erine?" tanong nito sa akin.“Masama ba kong hanapin ko siya?” Matapang kong sinalubong ang titig niya. Nakita ko ang pag-igti

  • My Strange Uncle   SIMULA

    KIPKIP ang ilang aklat mula sa aking bisig ay pumasok ako ng walang ingay sa pintuan na kahoy ng aming maliit na tirahan. Kasalukuyan lang naman kaming nakatira ng aking Lola Esing sa isang napakaliit na espasyo ng isang lumang apartment dito sa lungsod ng Bidisto. Sa totoo lang, hindi ko na mabilang kung ilang beses na ba kaming nagpalipat-lipat ng tirahan ng aking Lola. At dito nga sa masikip at mabahong eskwater kami ngayon nanunuluyan. Naalala ko noong maliit pa ako ay isang maayos na subdivision naman kami nakatira dati. Pero, magmula ng iwan kami ng Mama at Papa ko. Biglang nag-iba na ang lahat. At dahil wala ng ibang kamag-anak kaming natitira pa ay pinagsikapan ng aking Lola na buhayin ako ng mag-isa. Paminsan-minsan ay nagtitinda siya ng sampaguita sa harapan ng simbahan. Naglalako rin siya ng gulay sa lansangan. Matanda na si Lola, kaya ngayon, lubos akong naawa sa kalagayan na meron kami. Kung meron lang sanang ibang paraan para makaahon kami sa hirap na nararana

  • My Strange Uncle   Chapter 1

    MAGHAHATING-GABI na noong makarating kami mula sa Isla Baluarte. As per my uncle's assistant. The mentioned island is a family inheritance. When I heard that, my eyebrows lifted; so, what does it mean? He was extremely wealthy, as he had been previously. I was astonished by what I was hearing. "Excuse me, could I just go to my room?" "I'm tired," I said, interrupting him. Nasa harapan ko siya. Habang naglalakad kami sa kahoy na tulay paakiyat mula sa hagdan na yari sa mga bato. Mula sa itaas maliwanag doon at may natatanaw kaming mga naghihintay sa amin. Nag-alis naman ng bara sa lalamunan si Mr. Alcantara, wari ay naiintindihan niya ang hinaing ko. Malayo na rin kasi ang siyudad, dahil tatlong oras din ang biyahe namin para makarating mula roon. Saka hindi ako sanay na sa dagat bumabiyahe. Mabuti at naka pair of rubber shoes lang ako. Tiyak mahihirapan ako sa pag-akiyat, dahil may katirikan din iyon. Napalunok ako at iniiwasan kong mapatingin mula sa ibaba. Takot ako sa mata

  • My Strange Uncle   Chapter 2

    KAAGAD akong inasikaso ng mga staff sa salon na pinuntahan namin. Katulad ng pagkamangha ko ay ganoon na ganoon din mula sa pinasukan kong salon. Halos hindi ako nakaramdam ng pagkainip, habang abala sila sa akin. Hindi ko pa nga napigilan makatulog dahil sa galing ng kamay ng babaeng nagmamasahe sa akin. Ginising na lamang ako ng matapos ang session. Ramdam ko ang paggaan ng pakiramdam ko. Maging ang mukha ko na pinakialaman nila ay tila mas bumata ako. Akala ko ay doon na nagtatapos, ngunit tuluyan pa nilang nilagyan ng kung ano-ano ang aking buhok. Nagpapedicure at manicure pa ako sa kuko. Sa halos humigit kumulang na dalawang oras natapos din sila. Halos hindi ako makapaniwala sa akin nakikita mula sa salamin na nasa aking harapan. “You look perfect madame, tiyak kong lalong mas mai-inlove sa inyo ang fiancé niyong si Mr. Mendres,” papuring wika naman nito sa akin. “Sorry, p-pero hindi ko po siya fianc—” Ngunit hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng pumasok na roon si

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status