Share

CHAPTER 4

CHESKA LAURET POV:

Nakarating kami sa condo ni sherwin ng walang imik agad kong hinubad ang coat ko habang nakayuko at tinignan kung may message sakin ang parents pero gumaan ang loob ko ng makitang wala.

"Cheska" napatingin ako kay sherwin ng tawaging niya ang pangalan ko nakita ko naman siyang palapit sakin at umupo sa tabi ko habang may may hawak na maliit na kahon.

Binuksan niya yun at nilabas ang laman na isang kwintas na may heart pendant bago tumingin sakin.

"My lola gave this to me." ngumiti siya at mas lumapit pa sakin napalayo ako sa kanya ng mapansin balak niyang isuot sakin ang kwintas.

"Why"

"Bigay sayo ng lola mo yan bakit mo isusuot sakin." takang tanong sa kanya sumilay naman ang nakakaloko niyang ngiti at hinila ako.

Kapag gantong hinihila niya ako palapit sa kanya ay mas lalo akong kinikilig.

"Binigay niya to sakin pero hindi para sakin." ha? "Sinabi niya na ibibigay ko daw sa babaeng mahal ko." napalunok ako habang nakatingin sakanya habang sinusuot nito ang kwitas medyo kinilig din ako nawala tuloy ang tampo ko sa kanya.

Araw ng mga puso ngayon pero ngayon ko lang nalamam masyado akong naka focus sa kanya kaya nakalimutan kong batiin siya.

"Thank you sherwin I love you and happy Valentine's day I'm sorry wala akong gift sayo."

"I love you too my baby gift is not important to me basta kasama kita yun na pinakamasayang regalo sakin and as long as your heart beats with me I'm happy." bulong niya at dahan dahan nilapit sakin ang labi niya naging handa naman ako sa pag dikit nito pero biglang tumunog ang phone niya parang napahiya siyang lumayo sakin at kinuha ang phone niya tinignan niya muna kong sino ang caller bago sagutin ito.

Samantalang ako ay napahawak sa aking pisngi dahil sa pag iinit nito, pakiramdam ko parang gusto ko nalang maging unan, dahil nakaramdam din ako ng hiya dahil sa hindi pag tatama ng aming labi.

"Tomorrow at 10:00 will be sure." inayos ko ang upo ko habang nakatingin sakanya ngayon ko lang napansin na habang tumatanda siya ay mas lalo siyang nagiging gwapo, siya lumaki din ang katawan niya parang ang sarap niya charrot I"Yes sure" kamusta kaya ang buhay niya sa pilipinas sa totoo lang gusto kong pumunta don na mimiss ko narin si ate scarlet matagal na kasi kaming hindi nag kita "See you Good night." agad akong umiwas ng tingin ng matapos niyang makipag usap sa kausap niya syempre pero sino kaya ang kinausap niya?

"Its my brother ihahatid kita sa school mo bukas then susunduin din kita" susunduin niya pa ako hindi kaya masyado na akong nakakaabala sa kanya.

"Sherwin wag na-" hindi ko na natapos ang sasabihin ng bigla niya akong buhatin at nag simula mag lakad.

"Sherwin ibaba mo nga ako."

"Wait wag kang malikot."

Nakarating kami ng pinto ng kwarto niya siyaka niya lamang ako binaba.

"Ang gaan mo parang hindi ka kumakain." reklamo pa niya at binuksan ang pinto.

Ikaw ba naman ang mag karoon ng magulong pamilya gaganahan ka bang kakain?

Naupo ako sa kama habang siya naman ay pumunta sa closet niya napatingin ako sa gilid at napangiti ako ng makitang andon yung picture naming dalawa at yung bulaklak na bigay ko nun yes binigyan ko siya ako yung mismong nagbigay mag adjust tayo.

"eto muna suotin mo mag bihis ka na" sabi niya at binigay sakin ang kanyang damit at boxer niya ramdam ko ang pag iinit ng pisngi ko first time ko lang kasing mag suot ng damit niya dahil noon naman ay nag dadala ako ng damit ko pag pupunta ako dito sa condo niya ngayon ko lang nakalimutan dahan dahan akong tumayo at nag tungo sa kanyang bathroom.

"you can use my toothbrush" muntik na akong mapasigaw dahil sa biglang pag sulpot niya hindi ko pa pala nasara ang pinto.

"Huh pwede ba yon." pabulong kong sabi

"yes, after all, we're going to be replaced by saliva. You kiss me and I'm kissing you, so there's no problem, why don't you use my toothbrush." natigilan ako habang nanlalaki ang mata ko sa kanya, walang ka preno preno ang bunganga niya.

Ngumisi ito at hinawakan ang baba ko hindi naman ako makagalaw sa kinakatayuan ko hanggang ilapit nito ang mukha niya sakin.

Napalunok ako ng mabilis niya akong halikan, parang may sarili utak rin ang mga kamay ko na tumungo sa kanyang batok.

"Baka gusto mong ako na ang mag toothbrush sayo" bulong nito, napalayo ako dito, at ngumiti ng pilit.

"Hindi, ako na" mabilis kong sabi at tinulak siya palabas at mabilis sinara ang pinto grabi sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa mga ginagawa niya sakin. Para niya akong inaakit, sana nga wag ng maulit dahil alam kong bibigay kaagad ako sa kanya.

Ikaw ba naman ang halikan ng isa Sherwin Garcia tatangi kaba?

Napatingin ako sa toothbrush niya kusa akong napangiti wala naman daw problema kung gamitin ko ito tutal nag papalitan rin lang naman kami ng laway-

Mabilis akong nag bihis at tumingin sa salamin hanggang tuhod ko ang damit niya at natatakpan nito ang boxer na suot ko kasya naman sakin ung boxer siguro ay maliit na to sa kanya. Parang kagamitan pa niya ito noong 13 or 15 years old siguro siya.

Nag hilamos muna ako bago lumabas nakita ko naman si sherwin na nakahiga at nakatutok ang kanyang mata sa cellphone niya nakabihis narin siya lumapit ako sa kanya pero parang hindi niya ako napansin kaya humiga nalang ako, doon lang siya napatingin sakin at ngumiti ng tipid at binitawan ang cellphone niya.

Hindi naman ako naiilang na katabi siya sa kama dahil hindi naman to ang first time na makatabi siya pero wag niyong isipin na may nangyayari samin dahil wala, yun ay dahil nirerespeto niya ako dahilan para mas lalo ko siyang minahal.

Hinila niya ako palapit sa kanya at mabilis na niyakap dahilan para masubsob ako sa kanyang matigas na dibdib.

Mahigpit ang yakap niya sakin na tila ba ayaw na niya akong pakawalan. Medyo hindi rin ako makahinga pero ayoko rin naman mag reklamo.

"Matulog ka na dahil may pasok ka pa bukas."

"Ikaw din"

"Good night baby."

"Good night"

"I love you"

"I love you too"

Napangiti ako dahil para kaming tanga na parang may tao na nasa tabi namin na ayaw ng maingay dahil nag bubulungan lang kami.

"Why are you smiling?" Tanong nito at pinisil ang aking pisngi.

"Masaya lang ako at bakit masama bang ngumiti." Kunot noong sabi ko sa kanya. Natawa naman ito at inayos ang aking kumot.

Maya maya pay natahimik na siya tanging hininga lang namin ang naririnig ko tulog na kaya siya dahan dahan kong inangat ang ulo para tignan siya pero hindi pa pala nakatingin lang siya sakin habang namumungay ang mata bumaba ang tingin nito papunta sa labi ko dahilan para makagat ko ito.

"Don't" huh?"don't bite your lips" nakinig naman ako sa kanya pero kasunod non ang pag halik niya sakin na agad ko namang tinugon.

Habang palalim ng palalim ang halik  niya nag lakbay ang kamay nito hanggang makarating ito sa aking dibdib bahagyan niya itong pinisil dahilan para mapa ungol ako.

Pero nagulat nalang ako ng bigla siyang tumigil at hiniwalayan ang labi ko at umiwas siya ng tingin siniksik ko nalang ang ulo ko sa leeg niya at niyakap siya at pumikit dinig ko pa ang sunod sunod na pag mumura niya pero hindi ko nalang pinansin.

Maya maya pay naramdaman ko ang pag balot niya sakin ng kumot at pagpatong ng ulo ko sa kanyang dibdib.

Alam kong may gusto siyang gawin sakin pero pinipigilan niya lamang ang kanyang sarili.

Nagising ako ng wala na si sherwin sa tabi kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung anong oras na agad akong bumangon ng makitang 6:10 na ang bagal ko pa namang kumilos eh 7:00 ang pasok nilibot ko ang tingin ko para hanapin si sherwin pero hindi ko siya makita kaya inayos ko nalang ang sarili ko bago lumabas.

Pag kalabas ko palang naamoy ko na agad ang pag kain na niluluto niya, agad akong lumapit sa kanya.

"Good morning" masayang bati ko dito agad naman siyang humarap sakin at humalik sa pisngi ko

"Good morning too baby" malambing na sabi niya bago patayin ang kalan.

Kumuha siya ng plato kaya agad ko siyang tinulungan hanggang maihanda ang lahat bigla naman akong nahiya ng makita ko ang sarili ko sa salamin magulo ang buhok at may muta pa agad akong tumalikod.

Gosh kahiya pano ko nagawang humarap ng ganito ang itsura ko sa future husband ko my ghad cheska.

Dali dali akong lumapit sa lababo at binuksan ang gripo at nag hilamos habang nag hihilamos ako naramdaman ko ang dahan dahang pag aayos ni sherwin sa buhok ko.

"Ang likot mo paring matulog" sabi nito dahilan para matigilan ako.

Malikot talaga akong matulog dahil kung saan saan ako nakakarating habang tulog ako minsan nalalag pa ako kama o kaya naman minsan ung paa ko yung nag uunan tapos minsan din nalalaglag na ang ulo ko sa kama.

Naramdaman ko ang pag iinit ng pisngi ko dahil sa kahihiyan baka habang tulog ako hindi ko namalayan na natadyakan ko pala siya o kaya tinulak ko siya sa kama dahilan ng pag kahulog niya.

"Ahh s-sorry" nahihiyang sabi ko.

"Why are you saying sorry baby"

"Dahil malikot akong matulog."

Bigla siyang tumawa at ginulo rin ang buhok kong inayos niya at hilain ako paupo.

"It's ok dahilan na rin naman yun para magising ako ng maaga." tumawa siya ng mahina habang nilalagyan ng kanin ang plato habang ako naman ay napayuko nalang kaya pala siya maagang nagising dahil sa kalikutan kong matulog nakakahiya talaga.

Paano nalang kapag kulang ang tulog niya tas maaga pa siyang nagising.

Habang kumakain kami napansin kong palagi ang tingin ni sherwin sa kanyang cellphone na para bang may hinihintay na tawag o message hinayaan ko na lamang siya dahil baka importante ito.

Tinuloy ko na lamang ang pag kain ko hanggang maubos ko ito mukhang hindi naman niya napansin dahil nakatuon parin ang atensyon niya sa cellphone tumayo nalang ako at niligpit ang pinag kainin.

"Your done"

"Ahh oo maliligo lang ako."

"Ahh by the way here's your uniform." sabi niya at may kinuha sa kabilang upuan at binigay sakin

"Binili mo"

"Yup para hindi ka na umuwi para mag palit." nakangiting sabi niya bigla naman akong nahawa sa ngiti dahilan para mapangiti narin ako.

He is so sweet as always.

"Thank you sige maligo lang ako." agad akong pumasok sa kwarto at nilapag ang paper bag sa kama bago kunin ang towel na ginamit ko rin kagabi.

Papasok na sana ako sa bathroom ng may mapansin akong isang bagay sa maliit na mesa dahan dahan akong lumapit dito at tinignan itong mabuti kung tama ang hinala ko.

Nagulat ako ng makitang pregnancy test nga iyon tumingin ako sa guhit nito napakunot ang noo ko ng makitang dalawang guhit iyon dahil alam ko naman na talagang lalaki si sherwin pero bakit may ganito siya kung hindi naman sa kanya ito kanino?

Narinig ko ang pag pihit ng pintuhan dahilan para mataranta ako agad kong binalik yun at patakbong pumunta sa pintuan ng bathroom agad akong pumasok at ni lock iyon.

Bigla akong kinabahan ng hindi malaman ang dahilan maraming tanong agad ang nabuo sa utak ko dahil sa pregnancy test iyon.

Hindi kaya may babae siya?

Hindi kaya may nabuntis siya?

Sino naman yun?

Hindi namang pwedeng pinsan niya ang may ari nun eh wala naman siyang pinsan na babae pamangkin lang ang meron pero bata pa.

Maraming tanong pa sa utak ko na gustong masagot dahil tulala ako hindi ko namalayan na bumubuhos na pala ang malamig na tubig sa sakin dahilan para magising ang diwa ko.

Mabilis akong nag bihis pero hindi parin nawala ang mga tanong sa utak, lutang akong nag bihis at hindi ko alam kung bakit at kahit gaano ako kalutang ay naayos ko parin ang pag susuot ko ng uniform.

Lumabas ako ng kwarto agad naman akong sinalubong ni sherwin nakabihis narin siya hindi siya naligo dahil kapag naligo siya malamang malalate na ako siyaka alam ko naman maliligo siya sa bahay ng kapatid niya.

Wala akong imik na sumunod sa kanya hanggang makarating kami sa parking lot wala din siyang imik may hawak siyang envelop at hindi ko alam kung anong laman, ngayon ko lang kasi nakita ang envelop na yun dahil simula pag dating namin dito sa condo hindi ko yun nakita na nakakalat sa kanyang table dahil ganon naman siya lahat ng gamit niya nakakalat sa kanyang mesa.

Hanggang makarating kami sa school naninibago talaga ako sa kanya hindi siya tulad ng dati na marami siyang kwinekwento sakin but this time ay ang tahimik niya.

Dahil sa maraming tanong ang utak hindi ko namalayan na nasa loob na pala ako ng school habang nakatanaw sa labas ng gate kung saan nandon siya at nakatanaw sakin ngumiti ito bago tinaas ang kamay bilang pag papaalam.

Gusto ko pa siyang makasama pero hindi na pwede dahil uuwi narin siya sa susunod at ngayon ay uuwi na siya sa kapatid niya para sa kanilang business bago umuwi sa pilipinas.

After 1 week.

Mas lalong naging malungkot ang sitwasyon ko sa bahay hindi narin masyadong tumatawag sakin si sherwin kahit message man lang.

Miss kona siya.

Nasagot ko rin lahat ng mga tanong ni febby sakin about sa kay sherwin at status namin.

Its Saturday walang pasok kaya heto ako nakatambay lang dito sa labas ng bahay namin wala rin si mama pero si papa meron tinanong niya rin sakin kung gusto ko raw lumabas or pumunta ng mall pero tumanggi ako.

Dahil alam ko naman ang mangyayari kapag nasa mall na kami, may tatawag sa phone niya at iiwan na niya ako dahil may importante siyang pupuntahan.

Maya maya pay nakita ko siyang bihis na bihis at mabilis na pumasok sa kanyang kotse nag taka ako sa kanyang kinilos parang may mahalaga siyang bagay na pupuntahan dahilan kung bakit natataranta siya.

Kusang gumalaw ang mga paa ko para sundan siya agad na nakalayo ang kotse niya napatingin ako sa parating na taxi agad kong pinara yun at mabilis na pumasok narinig ko pa ang pag sigaw at pag tawag sakin ng bagong katulong namin pero hindi ko na pinansin yun.

"Follow that car." mabilis naman sinunod ng driver ang sinabi ko hindi ko alam kung ano g ginagawa kung bakit ko siya sinundan basta ang alam ko lang may nag tutulak na gawin sakin to I feel weird.

Bigla rin akong kinabahan habang nakatingin sa kanyang kotse.

Nakitang kong huminto ang sasakyan niya.

Kaya pinahinto ko din ang driver bago humugot ng pera mula sa bulsa ko at binigay yun siyaka dali dali ring lumabas at sinundan siya.

Nakita kong pumasok si papa sa isang bahay na hindi kalakihan hindi tulad ng bahay namin.

Anong ginagawa niya ganitong lugar? About rin ba ito sa kanyang business?

Natigilan ako habang nakatitig don gusto kong umalis pero hindi ko kaya gusto ko talaga siyang sundan.

Dahan dahan akong nag lakad patungo don habang palapit ako ng palapit dito nang hihina ang tuhod ko huminga ako ng malalim para palakasin ang loob ko.

Bakit parang may malalaman akong hindi maganda?

Nakarating ako sa pinto na naka awang ng kaunti dahan dahan akong sumilip don, wala naman akong nakitang tao.

"Papa" papa?

"Natalie nasaan ang mama mo." natalie?

Napahawak ako sa gilid para suportahan ang sarili ko at sumilip nakita kong niyakap ni papa ang babae hindi ko makita ang mukha nito dahil nakatalikod siya ayoko rin paniwalaan ang iniisip ko pati ang boses niyang sobrang pamilyar sakin ng mag hiwalay sila hinalikan muna ni papa ang noo nito na noon niya lang ginagawa sakin.

"Pa namiss kita." sabi nito

I really miss my father to pero hindi ko masabi.

"I miss you to anak" anak?

All I know I'm his only child.

Ako lang yung nag iisang prinsesa niya.

Pero nag kamali ako hindi lang pala ako napa luha ako habang nakatingin sa kanila hanggang sa humarap ang babae mas lalong nadagdagan ang galit ko sa kanya at inis.

Napakagat ako sa ibabang labi ko habang nakatingin sakanya na palapit sa dereksyon ko alam kong hindi niya ako nakita o napansin dahil nakay papa ang atensyon niya.

Hindi ko maigalaw ang mga paa ko para mag tago habang nakatingin sa pinto na lumawak ang pag kakabukas dahan dahan kong inangat ang ulo habang nakatingin sa kanila ng masama.

"What's the meaning of this." pinunasan ko ang luha habang pabalik pabalik ang tingin sa kanilang dalawa.

"C-cheska anong ginagawa mo dito."

"Cheska"

"ANO PAPA!!" hindi ko mapigilang sigawan siya hindi ko alam kung anong nararamdaman ko basta ang alam kong lang galit ako sa kanya at mas lalong nagalit pa.

"Ches-"

"Can you shut your mouth hindi ikaw ang kinakausap ko."

Lumapit sakin si papa at hinawakan ang braso.

"Mag usap tayo"

"Nag uusap na tayo"

"CHESKA!!" Nagulat ako dahil sa pag sigaw nito pero hindi ako nag patinag.

"Papa"

"DON'T CALL HIM PAPA HINDI KA NIYA ANAK, HINDI KITA KAPATID"

"Anong nangyayari dito."

Napatingin ako sa likod dahil sa nag salita.

Napatingin ako sa likod ko nakita ko ang babaeng medyo madumi ang damit at may dalang palanggana na may mga laman na dahon.

"Walter"

"And who are you."

"Shut up cheska, and show some respect."

"What's your problem pa nag tatanong lang naman ako kung sino ang mga taong to."

"Iha" napatingin ako sa babaeng tumawag ng pangalan ni papa tumaas ang kilay ko pero agad lumapit sakanya si natalie that bitch ahhh really hate her.

Balak niya ba talaga agawin sakin ang lahat gusto ko siyang sugudin pero hindi ko magawa.

Kaya ayaw na ayaw ko sa kanya dahil lahat napupunta nalang sa kanya lahat nalang ng bagay na gusto ko siya ang unang nakakakuha.

"What"

"Let's go cheska umuwi na tayo."

"Sabihin mo muna sakin kung sino sila .Sino dalawang tong sa buhay mo." pinigilan ko ang mga luha kong bumagsak tumingala ako sa kalangitan na nag didilim.

"Cheska anak."

"Please pa wag niyo naman akong sopresahin sa mga bagay na to please sabihin niyo naman sakin ng maaga para hindi ako nag kakaganito. I just really want to know papa, your still my father pag sasabihin mo sakin hindi mo kaano ano si natalie please pa, palagi niyo nalang akong pinag mumukhang tanga na manghuhula."

Bumagsak ang luha ko kasabay ng tuluyan ng pang hihina ng tuhod ko akala ko babagsak na ako pero agad akong naalalayan ni papa nakita ko ang pag aalala nito sakin.

"I really sorry anak but She's my daughter too." Pauulit ulit na sumigaw sa utak ko ang kanyang binitawan na salita, parang gusto ko nalang tumakbo palayo at kalimutan kaagad ang sinabi niya.

Hindi ko matanggap.

Napaluha nalamang ako kasabay ng pang hihina ng buong katawan ko mas gusto kong isipin na panaginip ang lahat ng to mas gusto ko pa kung hindi si natalie ang anak niya siguro ma tatanggap ko pa.

"No pa" ayoko, hindi ko kayang tanggapin sobrang sakit sakin na malaman na may anak sa labas ang papa ko at mas masakit sakin habang nakikitang parang kinakampihan niya ang mga ito keysa sakin.

At mas lalong hindi ko matanggap bakit si natalie bakit siya pa bakit kung sino pa ang kinaiinisan ko siya ang anak ng papa ko sa labas.

"Mas mabuti pang umuwi muna kayo walter." dinig kong sabi ng kabit niya hindi ko naman narinig na sumagot si papa bagkus ay inalalayan niya ako napatingin ako kay natalie na nakatingin lang samin at kita ko ang pag aalala nito.

Nakarating kami sa kotse ni papa hindi parin tumitigil ang pag tulo ng luha ko at mahinang pag hikbi ko mula sa kanyang bulsa kinuha nito ang kanyang panyo at akmang pupunasan ang luha pero agad akong lumayo sa kanya.

"Cheska"

"You said I was your only princess." huminga ako ng malalim at umiwas ng tingin sa kanya at pinunasan ang mata ko biglang bumalik sakin ang lahat ng pag sigaw niya at sa unang pag sampal niya saakin na realize kong hanggang salita lang siya dahil hindi naman niya talaga akong tinuring na prinsesa pero kahit ganon mahal na mahal ko siya.

"but you didn't consider me as your princess." gusto kong isumbat lahat sa kanya ang lahat ng pag kukulang niya pero hindi ko magawa tama na siguro ang lahat lahat ng mga salitang lumabas mula sa bibig ko non nung m.ga panahon puro sakit at pag hihirap ang binigay nila sakin.

Mahal na mahal ko ang parents ko kahit sinusumbatan ko sila at ayokong masira ang pamilya namin ng dahil lang sa kabit niya hindi ako papayag alam kong galit ang nasa puso ko pero ayokong mawalan ng papa ng dahil lang sa kanila.

Alam ko naman lahat ng pag kakamali ko pag kakamali ko bilang anak at alam ko rin na alam nila kung bakit ako naging ganito.

"Pa I want a happy family."mahinang sabi ko napatigil siya hinawakan ko ang kamay niya at niyakap siya niyakap naman niya ako pabalik "promise mo sakin na hinding hindi mo kami iiwan ni mama."

"Ches-"

"Please pa"

Habang nakayakap ako sa kanya bigla kong naramdaman ang pananakit ng dibdib ko at parang hindi ako makahinga at kasabay ng pag bigat ng mga talukap ko hindi nakayanan ng tuhod.

"Cheska"tawag niya sakin bumuka ang labi ko habang nakatingin sa kanya pero walang lumabas na salita mula don hanggang lamunin ako ng dilim.

"Cheska anak are you okay Cheska."

NATALIE MATE LAURET POV:

Hindi ko kayang nakikitang ganito si cheska hindi ko alam kung bakit matagal ko na ring alam na anak lang ako sa labas at kabit lang si mama gusto kong magalit sa mga panahon yung pero hindi ko magawa.

Simula nong malaman kong may anak si papa sa original na asawa nito at cheska yun ginawa ko ang lahat para kaibiganin siya pero hindi ko makuha kuha ang atensyon niya madalas ko rin siyang nakikitang malungkot at umiiyak gusto ko siyang lapitan non pero alam kong susungitan niya lang ako.

Ngayon ko lang naiintindihan ang lahat kung bakit siya ganito ang akala ko okay lang siya pero nung malaman kong halos wala ng time ang parents niya sakanya nasasaktan ako dahil nung mga panahon na kailangan niya ang papa niya wala ito dahil nandito siya dahil sa gusto niyang bumawi sakin.

Galit ako sa sarili ko dahil feeling ko napa selfish ko hindi ko iniisip na nag hihintay sakanya si cheska.

Napaluha ako habang nakatingin sakanila.

"Cheska cheska anak" mabilis kong pinunasan ang luha ko at lumapit sa kanila nagulat ako ng makitang walang malay si cheska.

"Pa anong nangyari sa kanya."

"I don't know bigla nalang siyang nawalan ng malay." sabi nito mabilis kong binuksan ang pinto ng sasakyan nito at mabilis naman binuhat ni papa si cheska papasok don bago siya tumingin sakin.

"Dalhin mo na siya sa hospital pa sabihan mo nalang ako kung okay siya." mahinang sabi ko at mabilis na tumalikod para itago ang luha ko mas binilisan ko ang pag lakad ng marinig ko ang sigaw nito at pag tawag sa pangalan ko.

Hindi naman ako pwedeng sumama sa kanya dahil alam kong magagalit lang si chesk pag gising niya hindi nito magugustuhan na makita ako don dahil alam kong galit siya sakin simula non.

Mas gusto kong lumayo sa kanila kung kinakailangan alam ko rin kung gaano kamahal ni mama si papa pero hindi pwede dahil may ibang pamilya ito ayoko rin masira ang pamilya nila ayokong makita na isang araw bigla nalang mawala ang cheska na kilala ko kahit alam kong kunti nalang hindi ko na talaga makikilala dahil unti unti na siyang nag iiba at dahil yun samin dahil sa kin.

Nakarating ako sa bahay agad akong pumasok sa kwarto at hindi na pinansin si mama na nag tatanong sakin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status