basta ako excited sa mangyayare sa party at meeting hahaha
Napakagat-labi si Evelyn. Hindi na niya alam kung kakalas ba siya o magpapaiwan pa.“Sh*t…” mahina niyang bulong, halos wala sa sariling napatawa ng pait.“Heto ba ang binabangungot?” tanong niya sa sarili, napapasinghap, pilit umaasang may makakagising sa kanya. Sinubukan ulit niyang kumawala, pero gaya ng una, bigo na naman siya.Kinagat niya ang kanyang labi. Dahan-dahang pumikit habang pilit hinahabol ang sariling hininga. Huminga siya ng malalim, umaasang matahimik ang utak niya, pero sa halip na mapanatag, mas lalo siyang nalito dahil sa naamoy niya—ang bango ni Lorenzo.“Pvtangina, bakit ang bango mo?” wala sa sariling ani niya, pabulong, habang mas inilapit pa ang ilong sa leeg nito at saka inamoy. Tuluyan na siyang napangiti, napahikhik pa nga nang bahagyang gumalaw si Lorenzo.“Sige na nga, hindi kita bibigyan ng black eye ngayon. Pasalamat ka, mabango ka,” bulong pa niya, medyo amused sa sarili.Hinayaan na lang niya ang kanilang posisyon. Ang kamay niya ay dahan-dahang gum
Chapter 43Nagising si Evelyn sa mabigat na bagay na nakadagan sa kanyang tiyan. She thought she was just dreaming, pero nang imulat niya ang kanyang mata, mukha ni Lorenzo agad ang bumungad sa kanya—nakapikit, tila ba isang batang himbing sa mahimbing na tulog.“Pvtangina,” mahinang usal ni Evelyn, halos hindi makapaniwala sa nakita. Magkayakap silang dalawa. As in yakap na yakap! Para silang mga uod na nagkahabulan sa kumot.Ang mabigat na nararamdaman niya sa kanyang tiyan ay walang iba kundi ang mga braso ni Lorenzo, mahigpit ang pagkakayakap na tila bang ayaw siyang pakawalan. Ang isang kamay naman ni Evelyn ay nasa batok nito, nakapulupot na animo’y isang ahas na takot bitawan ang kinakapitan.Nanlaki ang mga mata ni Evelyn habang dahan-dahang nare-realize ang posisyon nila. Ang mukha ni Lorenzo ay halos ilang pulgada na lang ang layo mula sa kanya. Ramdam niya ang mainit nitong hininga na dumadampi sa kanyang balat, at ang bawat buntong-hininga nito ay tila gumuguhit sa kanyang
Huli na nang mapagtanto niyang mali ang itanong iyon. Napakurap-kurap siya, natigilan, at halos mapalunok nang makita niyang biglang naupo si Lorenzo. Mataman ang tingin nito sa kanya—matalas, seryoso, at may halong gulat at inis. Parang sinampal siya ng hangin sa tindi ng reaksyon nito.Napahawak siya sa labi niya, pilit binabalikan kung nasabi ba talaga niya iyon. Gusto niyang bawiin, gustong sabihin na nagkamali lang siya ng bigkas, pero wala na. Narinig na ito ni Lorenzo.“What did you just say? I’m what?” Sarkastikong natawa si Lorenzo, ngunit hindi iyon tawa ng tuwa—ito ay tawang puno ng disbelief, habang unti-unting lumalim ang tono ng boses niya.Matingkad ang tensyon sa pagitan nila, parang may hawak na bomba si Evelyn at pinasabog niya ito nang hindi niya alam kung paano.Napakurap-kurap ulit si Evelyn. “W-Wala! Ang sabi ko, ang sungit-sungit mo talaga—”“What if I am?” sabat ni Lorenzo, mas lumapit pa, halos magdikit na ang mga tuhod nila sa lapit. Mababa at paos ang tinig n
Chapter 41“Dito ka, tapos dito ako. Dapat walang lalagpas sa linya!” mariing ani ni Evelyn kay Lorenzo habang tinuturo ang isang invisible na guhit sa pagitan nila sa kama. Parang totoong may harang sa gitna, at seryosong tinitigan iyon ni Lorenzo na parang sinusukat kung gaano siya kalapit sa hangganan. Kulang na lang ay ilabas niya ang ruler para sukatin ang eksaktong distansya sa pagitan nila."Bibigyan kita ng black eye kapag lumagpas ka," dagdag pa ni Evelyn na may kasamang panlalaki ng mata at akmang pupulutin ang unan para isampal sa mukha nito. Halata ang pananakot pero may halong kaba, dahil kahit pabibo ang dating niya, ramdam niyang hindi siya uubra sa katawan ng lalaking 'to kung sakaling magkatotoo ang banggaan.“Hoy! Nakikinig ka ba? Omoo ka naman kung naiintindihan mo!” dagdag pa niya habang hinahampas ng marahan ang kutson sa pagitan nila. Nakasimangot pa rin siya, halatang nababadtrip sa pagiging tahimik ni Lorenzo. Pakiramdam niya ay siya lang ang gumagawa ng effort
“So don’t also try to tell me to stop this company dahil baka pati ikaw ay hindi ko na mapagkatiwalaan,” aniya sa mababang, nanginginig na tinig na puno ng babala.“Lorenzo,” sagot ni Paul, mahina ngunit mariin, ngunit ramdam ang pakiusap sa bawat salita. “You are already wanted. I’m just doing my best para ilihis ang mga paramilitary sa paghahanap sa’yo. And it was just a big deal that their attention was diverted for now dahil they are looking for one of the paramilitary agents. Pero kapag nakita nila iyon? What happens next?”Tumingin siya diretso sa mata ng pinsan niya, hindi na alintana ang takot. Ang tanging mahalaga ay mailigtas ito sa impyernong kinalalagyan niya.“They will try everything to get you. You are in a dead or alive wanted list already! Hindi na ito biro, Lorenzo.”Napasinghap si Lorenzo, halatang iritado, pagod, at basang-basa ng bigat ng lahat. Napahawak siya sa sentido habang pikit ang mga mata, tila pilit pinipigil ang isang sigaw na gustong kumawala sa dibdib n
Chapter 39 “I know that you are still not over Evelyn—the real Evelyn who used to be your girlfriend, and now, your Auntie because she married your Uncle. Pero bakit kailangang umabot sa ganito? Na pangalanan mo pa ang ibang tao bilang ang ex mo?” madiing tanong ni Paul habang bumabagsak ang mga balikat niya sa sobrang bigat ng lahat.Tumigil si Paul saglit, nanginginig ang boses habang pinipigilan ang sariling hindi sumigaw. Ramdam niya ang tensyon sa pagitan nila, ngunit mas ramdam niya na ang pagkawala pa lalo ni Lorenzo, para na itong naliligaw sa landas nito dahil sa napakaraming madilim na nangyare sa buhay niyo.Samantala, nanatiling tahimik si Lorenzo. Nakayuko ito, ang mga mata'y nakatuon sa sahig. His fists were tightly clenched, as if every word Paul said was slowly piercing into his skin. Hindi siya agad makasagot. Hindi dahil wala siyang sagot, kundi dahil ang totoo'y hindi niya rin alam kung paano sasagutin ang tanong.“Tell me more about the business,” mariing ani ni Lo