Dahil marami kayong comments, here's the new update. Grabe, subrang drain na nag brain cells ko sa two days straight na update. Feel ko magkakasakit ako huhuhu
Huli na nang mapagtanto niyang mali ang itanong iyon. Napakurap-kurap siya, natigilan, at halos mapalunok nang makita niyang biglang naupo si Lorenzo. Mataman ang tingin nito sa kanya—matalas, seryoso, at may halong gulat at inis. Parang sinampal siya ng hangin sa tindi ng reaksyon nito.Napahawak siya sa labi niya, pilit binabalikan kung nasabi ba talaga niya iyon. Gusto niyang bawiin, gustong sabihin na nagkamali lang siya ng bigkas, pero wala na. Narinig na ito ni Lorenzo.“What did you just say? I’m what?” Sarkastikong natawa si Lorenzo, ngunit hindi iyon tawa ng tuwa—ito ay tawang puno ng disbelief, habang unti-unting lumalim ang tono ng boses niya.Matingkad ang tensyon sa pagitan nila, parang may hawak na bomba si Evelyn at pinasabog niya ito nang hindi niya alam kung paano.Napakurap-kurap ulit si Evelyn. “W-Wala! Ang sabi ko, ang sungit-sungit mo talaga—”“What if I am?” sabat ni Lorenzo, mas lumapit pa, halos magdikit na ang mga tuhod nila sa lapit. Mababa at paos ang tinig n
Chapter 41“Dito ka, tapos dito ako. Dapat walang lalagpas sa linya!” mariing ani ni Evelyn kay Lorenzo habang tinuturo ang isang invisible na guhit sa pagitan nila sa kama. Parang totoong may harang sa gitna, at seryosong tinitigan iyon ni Lorenzo na parang sinusukat kung gaano siya kalapit sa hangganan. Kulang na lang ay ilabas niya ang ruler para sukatin ang eksaktong distansya sa pagitan nila."Bibigyan kita ng black eye kapag lumagpas ka," dagdag pa ni Evelyn na may kasamang panlalaki ng mata at akmang pupulutin ang unan para isampal sa mukha nito. Halata ang pananakot pero may halong kaba, dahil kahit pabibo ang dating niya, ramdam niyang hindi siya uubra sa katawan ng lalaking 'to kung sakaling magkatotoo ang banggaan.“Hoy! Nakikinig ka ba? Omoo ka naman kung naiintindihan mo!” dagdag pa niya habang hinahampas ng marahan ang kutson sa pagitan nila. Nakasimangot pa rin siya, halatang nababadtrip sa pagiging tahimik ni Lorenzo. Pakiramdam niya ay siya lang ang gumagawa ng effort
“So don’t also try to tell me to stop this company dahil baka pati ikaw ay hindi ko na mapagkatiwalaan,” aniya sa mababang, nanginginig na tinig na puno ng babala.“Lorenzo,” sagot ni Paul, mahina ngunit mariin, ngunit ramdam ang pakiusap sa bawat salita. “You are already wanted. I’m just doing my best para ilihis ang mga paramilitary sa paghahanap sa’yo. And it was just a big deal that their attention was diverted for now dahil they are looking for one of the paramilitary agents. Pero kapag nakita nila iyon? What happens next?”Tumingin siya diretso sa mata ng pinsan niya, hindi na alintana ang takot. Ang tanging mahalaga ay mailigtas ito sa impyernong kinalalagyan niya.“They will try everything to get you. You are in a dead or alive wanted list already! Hindi na ito biro, Lorenzo.”Napasinghap si Lorenzo, halatang iritado, pagod, at basang-basa ng bigat ng lahat. Napahawak siya sa sentido habang pikit ang mga mata, tila pilit pinipigil ang isang sigaw na gustong kumawala sa dibdib n
Chapter 39 “I know that you are still not over Evelyn—the real Evelyn who used to be your girlfriend, and now, your Auntie because she married your Uncle. Pero bakit kailangang umabot sa ganito? Na pangalanan mo pa ang ibang tao bilang ang ex mo?” madiing tanong ni Paul habang bumabagsak ang mga balikat niya sa sobrang bigat ng lahat.Tumigil si Paul saglit, nanginginig ang boses habang pinipigilan ang sariling hindi sumigaw. Ramdam niya ang tensyon sa pagitan nila, ngunit mas ramdam niya na ang pagkawala pa lalo ni Lorenzo, para na itong naliligaw sa landas nito dahil sa napakaraming madilim na nangyare sa buhay niyo.Samantala, nanatiling tahimik si Lorenzo. Nakayuko ito, ang mga mata'y nakatuon sa sahig. His fists were tightly clenched, as if every word Paul said was slowly piercing into his skin. Hindi siya agad makasagot. Hindi dahil wala siyang sagot, kundi dahil ang totoo'y hindi niya rin alam kung paano sasagutin ang tanong.“Tell me more about the business,” mariing ani ni Lo
Napatingin si Lorenzo sa sahig, saglit na nagpakawala ng malalim na buntong-hininga bago muling nagsalita. "I want to go there, not just to fight for what’s mine, but to look them in the eye and tell them who the fvck they’re trying to bring down. They think I’m weak, but I’ll make them regret it," madiin niyang sabi, ang galit at determinasyon ay humahalo sa boses niyang tila bagyong paparating.Mabagal ang bawat hakbang ni Evelyn, parang kinakalkula kung kailan siya dapat umatras. Hindi siya sigurado kung nararapat bang marinig niya ang mga salitang iyon mula kay Lorenzo. May parte sa kanya na gustong malaman ang buong kwento, pero mas malaki ang respeto niyang huwag makialam sa bagay na mukhang hindi niya dapat malaman.Paul’s eyes suddenly landed on her. Kumunot ang noo nito, halatang ayaw nitong naroon siya. Naramdaman ni Evelyn ang pagsikip ng dibdib. Na para bang may limitasyon sa kung hanggang saan lang siya puwedeng makalapit sa mundo ni Lorenzo.Dahil sa pagkakatingin ni Paul
Chapter 37 and 38Nagtagal siya sa banyo sa sobrang pag-iisip niya. Gusto niyang linisin ang isip niya at bumalik ang tamang katinuan, naiinis siya sa sarili niya dahil ang isip pa niya ngayon ang marumi—iniisip niyang baka lang maulit iyong kanina kapag matutulog na sila.Paulit-ulit niyang pinipilit intindihin kung bakit siya bumigay kanina, at kung bakit tila hinahanap pa rin ng katawan niya ang init ni Lorenzo. Kinusot niya ang sarili niyang braso, para bang gusto niyang burahin ang alaala ng bawat haplos, ngunit ang mas malupit pa ay ayaw naman talaga ng puso niyang kalimutan!"Ano ba 'tong nangyayari sa 'kin..." bulong niya sa sarili, habang sinasapo ang gilid ng noo, nanlalambot sa bigat ng emosyon.Nang matapos na siya ay huminga muna siya ng malalim at saka lumabas na sa banyo. She looked around because she was thinking that Lorenzo was waiting for her to come out para maligo na rin, but he was not there.Napakunot ang noo niya, bahagyang nabitin dahil parang inasahan niya rin