This is what defines a real love story: no matter how painful the journey, if two hearts are truly meant to be, they will always find their way back to each other. Maligaya na ba ang lahat?
Hindi alam ni Aiden na sa ilalim ng mga mata ni Kierra ay may mga luha na gustong pumatak sa saya. Mga luha ng tuwa, pasasalamat, at lihim na hindi na niya kayang itago nang matagal. Pero para sa ngayon… sapat na munang makasama niya si Aiden sa katahimikan ng condo nila, sa simpleng yakapan, habang may pulso ng panibagong buhay sa sinapupunan niya.“Hey, Mrs. Buenavista,” ani pa ni Aiden dahil hindi nagsalita si Kierra. Marahan niyang inangat ang tingin sa kanya, tila ba pinagmamasdan kung may iniisip ito.Lalo pang lumapad ang ngiti ni Kierra habang napatingin siya sa tiyan niya, malapit iyon sa ulo ni Aiden. She bit her lower lip gently, trying to contain the wave of emotions surging inside her. Napakagat siya sa labi, kinikilig at kinikimkim ang lihim.“What’s making you happy right now, hmm?” he asked again, this time with a slight teasing in his voice, habang nilalaro ng daliri ang gilid ng kanyang palad.Sumagot na si Kierra, bahagyang kumukurba ang labi.“Masaya ako kasi ang g
Chapter 179 (Expanded)Pagkapasok na pagkapasok pa lang nila Kierra sa condo ay agad na napansin niya si Aiden—nakaupo ito sa sofa, nakasandal at halatang bored habang nakatitig sa phone niya. Para bang ilang oras na itong naghihintay at walang magawa. Sa kabilang banda, si Zake naman ay abala sa kakalipat ng mga channels sa TV halata rin na bored na bored ito, habang si Azrael ay bagong labas mula sa kusina, may hawak pang malamig na tubig."Kumain na kayo?" Si Cheska sa tatlo, pero walang sumagot sa kanila.All of them looked up at the same time—nakatingin silang tatlo sa mga asawa nila na animo'y kanina pa sila naghihintay at subrang bored na nag bawat isa sa kanila.Napakagat si Kierra sa kanyang labi nang makita ang biglaang pagbago ng ekspresyon ni Aiden. Mula sa pagiging bored, ay biglang lumiwanag ang mukha nito, at walang dalawang-isip na tumayo, saka siya agad na niyakap mula sa likod.“Dapat ginising mo ako, sumama sana ako sa inyo na nag-grocery,” ani nito, sabay baon ng m
“Did you know why doctors never give a 0% chance to a patient, kahit na sa mata ng siyensya at sa lahat ng resulta ay parang wala na talagang pag-asa? Instead, they give 1%—a single, fragile thread of hope. Because we are not gods. We don't hold the final say in life and miracles. That 1% is a reminder that life can surprise us, that faith still matters. If you truly deserve a child, despite the pain, despite the complications, despite everything you've endured, then that 1%—that sliver of possibility—is enough for a miracle to happen.” the doctor said, smiling gently with sincerity in her eyes, then she turned to the nurse beside her.“I-assist mo si Mrs. Buenavista for the further tests,” sambit nito na agad namang tinanguan ng nurse. "Yes, Doc. Mrs. Buenavista, sumunod na lang po kayo sa akin," nakangiting ani ng Nurse sa kanya.Halos hindi maalis sa isip ni Kierra ang sinabi ng doktor. That 1%. That sliver of hope na akala niya'y matagal nang nawala, ngayon ay parang unti-unting b
Chapter 177 – The MiracleTahimik ang loob ng sasakyan habang bumibiyahe sila papunta sa ospital. Si Cheska ang nagmamaneho, si Aira sa front seat, habang si Kierra ay tahimik lang sa likod, hawak ng mahigpit ang cellphone at nakatingin sa labas ng bintana. Tila ba bawat tunog ng gulong sa kalsada ay sinasabayan ng tibok ng puso niya—mabilis, mabigat, at hindi mapalagay.Walang nagsasalita. Hindi dahil walang gustong magsalita, kundi dahil ramdam nilang kailangan ni Kierra ng sandaling katahimikan. Lahat sila ay abala sa kani-kanilang iniisip, pero mas mabigat ang kinikimkim ni Kierra. Ilang beses siyang napapikit at huminga ng malalim, pilit inaalo ang sarili. Pinipilit niyang hindi umiyak, pero nangingilid ang luha sa mga mata niya. Ayaw niyang umasa, pero sa sandaling ito, pakiramdam niya tama ang hinala niya—na buntis siya.Bawat segundo sa biyahe ay parang napakahaba para sa kaniya. Pakiramdam niya ay nasa loob siya ng isang panaginip na hindi niya alam kung gusto ba niyang gumis
She closed her eyes for a moment, pilit na nilalabanan ang kabang nangingibabaw sa dibdib niya. She hoped—no, she prayed—they wouldn’t judge her. Na sana, kahit hindi niya sabihin nang direkta, maramdaman na lang nila kung gaano siya natatakot at nangangamba.“A-Ayokong umasa kasi ayokong masaktan sa resulta,” panimula niya, mahina ang boses at bahagyang nanginginig. Napatingin siya sa kanilang dalawa, at saka muling yumuko habang pinaglalaruan ang laylayan ng kanyang suot. “But these past few days, I am… I am experiencing some…”Huminga siya ng malalim, pinipigilan ang pag-iyak na gusto nang kumawala. Pilit niyang nilulunok ang lahat ng emosyon, pero sa pagbanggit niya ng susunod na linya ay parang may malaking batong bumagsak sa balikat niya.“Some symptoms of pregnancy,” halos bulong ang mga salitang iyon, kasabay ng pagbagsak ng kanyang mga balikat na parang nawalan ng lakas.Natigilan ang dalawa at nagkatinginan. Pareho silang napaawang ang labi, parang hindi makapaniwala sa nari
Chapter 174Hindi na kita ginising, you look like you wanted to sleep more. Here's your food. I love you.—Your handsome husbandNakagat ni Kierra ang labi habang binabasa ang notes ni Aiden na iniwan nito sa lamesa. Napangiti siya kahit pa medyo magulo pa ang isip niya. Ramdam na ramdam niya ang effort ng asawa niya para hindi siya maistorbo sa pagtulog. Ang simple ng sulat pero punong-puno ng lambing, kaya naman hindi niya mapigilan ang pag-init ng puso.Lumapit siya sa pagkain na nasa gilid din at saka binuksan iyon, excited na kumain dahil talagang tinanghali na siya ng gising. Nagising din siyang kumakalam ang sikmura niya, at mukhang pinagluto pa talaga siya ni Aiden bago pumasok sa trabaho nito.Pero sa pag-alis ng takip ng pagkain, she almost couldn’t make it when she smelled something again. Isang matalim na amoy ng pritong itlog at sinangag ang agad na tumama sa ilong niya—na dati ay paborito pa naman niya.Ngayon, parang sumabog ang lahat ng senses niya. Napangiwi siya, nap