Share

Chapter 185 - Engaged?

last update Last Updated: 2024-09-14 09:21:28

"Hindi kami magkapatid, and we will never be," sambit ni Van na ikinasinghab ni Belinda, Valerie at Gray.

"Ang dami kong sinabi tapos yan lang talaga ang sasabihin mo? We need an explanation!" Tumaas na ang boses ni Gray dahil magkahalo ang nararamdaman niya.

"Belinda!" Mariing ani ni Gray dahil sa alam niyang hindi siya makakuha ng matinong sagot kay Van.

"Ang daming lalake. Of all people, bakit siya pa—"

"Then who would you like to be? Iyong mukhang paa na iyon? Gusto niyo bang malahian ng mukhang paa?" Gustong batukan ni Belinda si Van sa biglang sinabi nito.

Subrang seryoso ng usapan nila, yet he suddenly said that.

"Who's mukhang paa?" Si Valerie na nakakunot na ang noo at nag-isip pa ata kung sino iyon.

"Sino pa ba? Edi iyong boss ni Belinda. Tsk! Mukhang paa na kalansay, really? Mas gusto niya siya para kay Belinda kaysa sa akin? Mas hamak naman na mas gwapo ako roon," si Van at nakitaan ng inis sa kanya nang mag-iwas ng tingin.

Sa kabila ng usapan ay hindi mapigilan ni Van n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (96)
goodnovel comment avatar
Eliz Bernal Remolar Cipriano
nice story.... update pls ...️
goodnovel comment avatar
Marjorie Sumaylo
thanks next po
goodnovel comment avatar
Annaliza Alves
update pls
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 120 - Ala-Ala

    “Ano ba sa tingin mo ang ginawa mo, Agent Carrido?!”Mariin lang na tumingin si Cheska sa lamesa. Tahimik. Walang reaksyon sa mukha, pero sa loob niya ay parang may unos. Kinabukasan pa lang ay agad siyang pinatawag pagkarating niya sa building—at alam na niyang ito ang kahihinatnan.Hindi na siya nagulat. Hinanda na niya ang sarili na mapagalitan.“That is so unprofessional. Nakakahiya!” Galit at bigong pigilan ni Commander Fred ang tono ng boses nito. “Sinabi ko na, inaanak ko iyon. Isang beses lang humingi ng pabor sa akin ang batang iyon kaya bakit kailangan mong gawin iyon?!”Napapikit si Cheska. Sa loob ng ilang segundo, para bang lahat ng panangga niya ay gustong bumigay. Hindi niya kayang idahilan ang totoo. Hindi niya kayang sabihin kung bakit. Hindi niya kayang banggitin ang pangalan ni Azrael sa harap ng Commander—lalo na’t may personal na koneksyon ito sa pamilya nito.“Ibigay niyo na lang sa iba, Commander. Hindi ko talaga tatanggapin ang misyong ito.” Buong pasya. Mabili

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 119 - Misyon

    Chapter 119“Alam niyo na kung bakit ko kayo pinatawag,” simulang wika ng Commander habang tinatanggal ang gloves niya. “Another mission. Pero sa pagkakataong ito, hindi lang basta VVIP. Mismo ang client ang pupunta rito para personal na kausapin kayo. They’re already on their way, kaya ihanda niyo na ang sarili niyo. This one’s highly sensitive.”Nagkatinginan ang lahat. Si Haze ay napakunot ng noo habang si Dylan ay bahagyang nagsimulang magtype sa tablet niya. Si Garry, tulad ng nakagawian, ang unang naglabas ng tanong.“May mas VVIP pa ba sa anak ng Presidente?” sarkastikong sambit niya, pero halata ang pagtataka sa tono. “Hindi mapakali si Commander, eh. Parang personal ito.”Bago pa makasagot ang commander, agad nang bumukas ang pinto.Nag-angat ng tingin ang lahat—maliban kay Cheska. Nanatili siyang nakatitig sa harap niya, sa basong may lamang tubig. Pero sa sandaling narinig niya ang boses, parang biglang naglaho ang ingay ng buong paligid. Tumigil ang oras.“Are we late? I’m

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 118 - Tawag

    Chapter 118“Ngumiti ka naman, kaya kinakatakutan grupo natin dahil sayo, eh.” Biro ni Garry habang inaakbayan si Cheska, pero hindi pa man umaabot ang ngiti niya sa labi ay mabilis na tinanggal ni Cheska ang kamay niya sa balikat nito.“Subukan mong ilapit sa akin ang kamay mo, puputulin ko yan,” seryosong ani ni Cheska, malamig ang boses at matalim ang tingin.Napasinghab si Garry at bahagyang umatras, sabay taas ng dalawang kamay na waring sumusuko. “Okay, okay! Chill ka lang, boss.”Habang si Dylan ay napailing at abalang may inaayos sa tablet niya, sabay sabing, “Hindi mo pa rin talaga matuto, Garry. Ilang beses ka nang napahiya, hindi ka pa nadadala.”Si Haze naman ay nagbuntong-hininga at pinagmasdan si Cheska na tumayo na may matikas na tindig, hawak ang customized rifle na may mahigpit na pagkakabit sa sling. “Kung ako sayo, Garry, huwag mo na talagang subukan. Si Cheska lang ang kilala kong nakakatakot kahit walang sinasabi.”“Hindi ka pa nasasanay?” Si Dylan habang umiiling

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 117 - Kasal

    Kumunot ang noo ni Cheska at hindi pa rin naniniwala. “Ano iyon? Pinapakaba mo naman si Mama, eh.” Nakasimangot nang ani ni Cheska, pero napangiti din naman nang ngumiti ang anak niya.“Gusto ko lang pong sabihin na mahal na mahal po kita,” nakangiti ng ani nito na mas lalong nagpangiti kay Cheska.“Ikaw talaga,” umiiling na sambit ni Cheska. Pinatay niya ang blower nang tuluyan ng tinapos ang pagboblower.“Mas mahal na mahal ka ni Mama,” sambit din naman ni Cheska at inayos ang buhok nito. “Matulog ka na, may pasok ka pa bukas.” Mahinahong sambit ni Cheska dito.Tumango naman si Thali. “Goodnight, Mama! I love you!” Hinalikan siya ni Thali at saka mabilis na pumunta sa kama niya. Sumunod din naman si Cheska para ayusin ang kumot nito.Tahimik siyang tumabi sa kama at sinigurong nakatalukbong nang maayos ang anak. Pinagmasdan niya muna si Thali nang ilang sandali—ang maamo nitong mukha, ang payapang paghinga. Sa kabila ng pagod at sakit na tinatago niya, sa bawat sandaling ganito, nagk

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 116 - Mama

    Chapter 116“Nasaan ang maganda kong pamangkin?” Napailing na lang si Cheska at nagpatuloy sa pagluluto nang marinig ang boses ni Aiden sa sala.Sabi nito ay tatlong buwan itong hindi makakabisita, ngunit ngayon nandito na siya. Hindi talaga nito kayang tiisin ang pamangkin.“Si Tito?!” Masayang ani naman ni Thali nang marinig ang boses ni Aiden, kasama niya ito sa kusina kayanaman nang marinig nito ang boses ni Aiden, agad itong tumakbo palabas. Ilang sandali ay narinig naman na ni Cheska ang mga yapak papalapit sa kusina.Isang tingin lang ang ginawa niya bago tignan ulit ang niluluto.“Dalawang buwan lang ako hindi nakabisita, bakit parang mas bumilis ang paglaki ng prinsesa namin?” Si Aiden habang papasok, buhat buhat na niya si Thali habang nakasunod sa kanya si Sean.Muli niyang tinignan ang mga ito. Napasinghab na lang si Cheska nang makita ang nakaplastic na grocery. Kitang kita ni Cheska ang pag-iwas ng tingin ng dalawa dahil alam ng dalawa na bubunganga nanaman siya dahil may

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 115 - Thali

    Chapter 115Five years later“Congrats, ibang klase ka talaga. Lahat ng napupunta sa’yo'ng misyon ay talaga namang nagiging maayos at walang sabit.” Nakangiting sambit ng commander ng Paramilitary Private Force—LaVida Force, kung saan kasalukuyang nagtatrabaho si Cheska bilang Agent, Close Protection Officer (CPO).Nakasuot siya ng itim na tactical uniform, at bakas sa tindig at kilos ang determinasyon at disiplina. Isa na siya ngayon sa pinakakilalang asset ng grupo—tahimik, mabilis, at epektibo.“Kung wala na po kayong ibang utos, mauuna na po ako, Commander Fred,” seryoso at walang emosyong sagot ni Cheska habang nakatayo nang tuwid sa harap ng opisina ng pinuno.Bumuntong-hininga si Commander Fred, nakatingin sa seryosong mukha ng isa sa mga pinakahusay niyang agent. Sanay na sanay na siya kawalan ng kahit konting emosyon mula rito. Pero nauunawaan niya. Simula nang makilala niya si Cheska sa isang critical na operasyon ilang taon na ang nakalilipas, nakita niya agad ang likas na t

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 114 - Goodbye

    Natigilan ang dalawa. Tumahimik si Aiden at Sean, sapagkat naintindihan nila ang parteng iyon. Malaking pang-iinsulto nga iyon sa batang nasa sinapupunan ni Cheska kung ang pagkakakilanlan nito ay kailangang patunayan pa—na parang walang tiwala, na parang hindi sapat ang salita ng isang ina.Aiden sighed and wanted to just shout. Gusto niyang sumigaw sa frustration. Sa guilt. Sa kawalan ng kontrol sa lahat ng nangyayari. Gusto niyang puntahan ang Kuya at suntukin, baka sakaling makaalala ito at maayos lahat ng mga nangyayare.“Aalis ako. Aalis kami. At sana, hayaan niyo ako.” Mariin at seryoso nang sambit ni Cheska. Walang pakiusap. Walang pag-aalinlangan. Isang paninindigan.Muling bumuntong hininga si Aiden. Gusto niyang tumutol. Gusto niyang sumigaw ng "huwag!" dahil pamangkin niya ang nasa sinapupunan nito. Pero sa huli, napatango siya, wala siyang nagawa. Dahil kahit siya ay nauunawaan na kung bakit ganito ang pasya ni Cheska.Alam din ni Aiden ang ginawa noon ng mama ni Cheska, a

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 113 - That is A Buenavista

    Chapter 113Minulat ni Cheska ang mata niya at muli, isang puting kisame ang nakita niya. Kung kanina ay sobrang hina na ng katawan niya, ngayon ay sobra pa sa hina. Pagkatapos ng pag-uusap na iyon sa doktor, muling nawalan ng malay si Cheska. Hindi na siya nagulat nang makita niya si Aiden sa sofa, pero napasulyap siya kay Sean dahil nandoon din siya, parehas na seryoso at parang may mabigat na pinaguusapan.“K-Kamusta siya?” Mahinang tanong ni Cheska, parehas silang napasulyap kay Cheska at pati ang paghinga ay parehas na malalim. “N-Nagising na ba siya ulit? I-Iyong ulo niya? S-Sumasakit pa ba?” Nagkabasag-basag ang boses ni Cheska sa mga tanong na iyon.Wala siyang ibang maisip kung hindi ang kalagayan ni Azrael.“Stop worrying about him, hindi mo ba nararamdaman ang nangyayari sa katawan mo?” Seryosong tanong ni Aiden, na kung hindi pa sinita ni Sean ay baka may masabi pa ito.“I know that you are worried for him, hindi naman namin maalis iyon sa’yo, pero ginagawa naman ng docto

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 112 - Trigger

    Pero si Cheska…Hindi na niya napigilang humagulgol. Hindi na niya kayang itago ang sakit na para bang binunot mula sa kanya ang kaluluwa niya. Ang Azrael na kilala niya, ang Azrael na minahal niya… nakatingin sa kanya, pero parang estranghero siya.“Azrael...” bulong niya, halos hindi na marinig sa pagitan ng hikbi. “Ako 'to... si Cheska... ako 'yung—”Pilit na lumapit si Cheska kay Azrael, isang hakbang pa lang ang layo, parang may konting pag-asa na kahit papaano ay maalala siya nito, na kahit papaano ay magbalik ang dati. Ngunit bago pa man siya tuluyang makalapit, bigla na lang napangiwi si Azrael, at sunod-sunod ang daing mula sa kanya habang mahigpit na napahawak sa ulo.“Ugh—A-Ahhh! Ang sakit!” napasigaw ito, nanlilisik ang mga mata, tila nalilito at nasasaktan nang sabay.“Shit! Kuya!” Sigaw ni Aiden habang bigla ring natigilan si Cheska sa kinatatayuan.“A-Aiden!” tawag ni Cheska sa gitna ng taranta at luha. “A-Anong nangyayari sa kanya?!”“Dito ka muna,” mabilis na sambit ni

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status