Share

Chapter 6 - Secret

last update Last Updated: 2024-06-27 19:27:53

Nagising si Belinda na walang tao sa tabi niya. Tinignan niya ang sarili at napansing nakasuot na siya ng t-shirt at may underwear na rin. Iniisip pa lang niya na pinalitan siya ni Van pagkatapos siyang mapagod at makatulog sa ginawa nila ay talagang nagpapamula na sa mukha ni Belinda.

Hindi niya lubos akalain na naibigay niya ang sarili ng ganoong kadali. Ilang beses nang sinubukan ni Danilo na may mangyari sa kanila, pero kahit kailan ay hindi niya ito pinagbigyan. Pero ngayon, dahil lang sa haplos at paglapit sa kanya ni Van, naibigay niya ang sarili ng walang pag-aalinlangan.

Dahil mag-isa na lang siya, hindi niya mapigilang ilibot ang paningin sa buong kwarto. Ngayon lang niya napansin na sobrang laki ng kwarto. May malaki ring kurtina sa gilid kaya kuryuso siyang tumayo at lumapit roon.

Isang wall glass ang tinatakpan ng malaking kurtina. Pagkamangha ang namayani sa mukha niya nang makita ang napakalaking lupain sa harap niya na puno ng mga bulaklak.

“Ma'am, gising na po kayo?” Napasulyap siya sa pinto nang marinig ang pagkatok at pagsasalita mula sa labas.

Tinignan muna niya ulit ang sarili kung maayos ba itong tignan bago lumapit at buksan ang pinto.

“Ma'am, ready na po ang almusal niyo,” sambit ng isang kasambahay.

Ngumiti si Belinda sa kasambahay bago tumango. 

“Maliligo lang ako saglit,” sambit ni Belinda. 

“Sige po at ipapaalam ko sa mayordoma.” 

“Ah, Miss, teka.” Bago pa makaalis ang kasambahay ay agad niya itong tinawag.

“May kailangan pa po ba kayo?” Tanong nito. Sa una ay nagdalawang-isip si Belinda sa pagtatanong dahil baka akalain nitong masyado siyang mapaghanap ng asawa, pero sa huli ay tinanggal niya ang pagkapahiya at nagpatuloy sa pagtanong.

“Ang sir niyo ba, nandiyan? Kasabay ko ba siya sa pagkain?” Nag-iingat na tanong ni Belinda.

“Meron po. Nasa pool siya at nagtatrabaho, pero kumain na po kasi siya kanina kaya kayo na lang kakain ngayon.” 

Biglang nakahinga ng maluwag si Belinda sa narinig. Hindi naman sa ayaw niyang kasabay ang kanyang asawa, medyo nahihiya lang talaga siya dahil sa nangyari sa unang gabi nilang mag-asawa gayong alam naman nila pareho na walang halong pagmamahal sa pagitan nila.

Pagkatapos maligo at mag-ayos, agad nang bumaba si Belinda kahit na medyo hindi siya kumportable sa suot. Ngayon lang kasi niya napansin na puro bistida pala ang laman ng closet at ang iba ay masisilipan siya sa bandang dibdib.

Ang mga damit na iyon ay malayong-malayo sa mga nakasanayan ni Belinda na maluluwag na pang-itaas at pang-ibaba.

“Ma'am, kung may gusto pa po kayong ipaluto ay pwede niyong sabihin sa amin,” sambit ng mayordoma. 

Ang pangalan ng mayordoma ay Celma, habang ang dalawa pa nilang kasambahay ay sina Rose at Minda. Si Minda ang kaninang kumatok sa kwarto niya.

“Okay na po ‘to, Manang Celma. Saka pwede po kayang huwag niyo na akong tawaging Ma'am? Hindi naman po ako guro at hindi ako sanay na tinatawag akong ganyan,” hindi maiwasang sambitin ni Belinda habang kumakain.

“Saka sabayan niyo na po ako rito. Marami-rami po kasi itong pagkain at ang lungkot naman kung ako lang ang kakain,” dugtong pa nito habang nakangiti.

“Hindi po pwede, Ma'am. Mapapagalitan po kami ni Sir. Sige po, kung may kailangan pa po kayo ay tawagin niyo lang po ang isa sa amin.” Nalaglag ang balikat ni Belinda sa narinig.

“Pagkatapos niyo pong kumain ay puntahan niyo na lang si Sir sa pool.” Pagkatapos nitong sabihin iyon ay agad na sinabi ang direksyon dahil baka maligaw pa siya.

Habang kumakain ay hindi maiwasang isipin ni Belinda kung ano ang pag-uusapan nila, gayong kailangan niyang pumunta roon pagkatapos niyang kumain.

Hindi pa rin nito maiwasang kabahan at napapatanong na lang siya sa isip niya kung tungkol ba iyon sa nangyari kagabi.

Napatitig na lang si Belinda sa pagkain niya at hindi maiwasang pamulahan ng mukha. Naging mabagal ang pagnguya niya dahil parang nararamdaman niya pa rin ang haplos ni Van sa bawat parte ng katawan niya. Hindi talaga niya lubos akalain na nangyari ang mga bagay na iyon sa unang gabi nilang mag-asawa.

Napatitig si Belinda kay Van nang madatnan niya itong naliligo sa pool. Ang sabi kasi sa kanya ni Minda ay nagtatrabaho raw ito, pero nandito naman siya at naliligo.

Nang makita ni Van si Belinda ay agad na itong umahon. Sinubukan naman ni Belinda ang tumingin sa iba nang makita niya ang magandang katawan ni Van na bumalandra sa harap niya.

“Bakit hindi mo ako matignan?" Rinig ni Belinda kay Van kaya nakagat na lang ni Belinda ang labi bago iangat ang tingin kay Van.

“You look beautiful.” Hindi maiwasang purihin ni Van si Belinda nang iangat ni Belinda ang kanyang mukha.

Mas lalong namula si Belinda. Tumalikod si Van at nagtungo sa lamesa. Doon lang napansin ni Belinda ang mga papeles at laptop na nakalapag roon. Mukhang nagtatrabaho nga ito at naisipan lang maligo.

“How's your sleep?” Van asked while smirking.

“A-Ayos lang,” utal na sambit ni Belinda.

“Good. Come here, sit beside me.” Hindi alam ni Belinda kung bakit lahat ng sinasabi ng kanyang asawa ay sinusunod niya. Naupo siya sa tabi nito at mula sa kinauupuan ay nakita niya ang ginagawa nito.

“Architect ka?” Gulat na tanong ni Belinda at hindi maiwasang makuryuso.

“Architect and Engineer,” he simply said na talaga namang mas lalong nagpamangha kay Belinda. Nagsimula si Van sa ginagawa sa laptop niya at talagang pinanood iyon ni Belinda.

Biglang naisip ni Belinda kung bakit nagawang lokohin ng babae si Van gayong sobrang perfect na niya. 

Ilang sandali ay kinagat ni Belinda ang labi at tinignan si Van na seryoso sa ginagawa.

“Do you need anything?” Van asked without even looking at Belinda. Tumagal tuloy ang titig ni Belinda kay Van dahil sa hindi nito pagsulyap.

“Pwede ba naman akong pumasok sa trabaho, hindi ba?” Mahinahong tanong ni Belinda habang nakatitig pa rin sa kanyang asawa.

Natigilan naman si Van at tinignan ang kanyang asawa. Dahil sa pagtingin ni Van, agad namang nag-iwas ng tingin si Belinda.

“Do you want to work?” Van asked Belinda.

Muling tinignan ni Belinda ang laptop at tumango.

“Gustong-gusto kong magtrabaho,” sabi ni Belinda at hindi maiwasang ngumiti. 

Napaayos naman sa pagkakaupo si Van at kinuha ang baso na nasa gilid.

“Do whatever you want. Hindi naman kita pinakasalan para pagbawalan ka sa gusto mo.”

Napanguso si Belinda nang maalala ang naging usapan nila ni Danilo noon. Ang usapan kasi nila ay kapag kasal na sila, hindi na siya pwedeng magtrabaho. 

“What's with that look?” Rinig ni Belinda ang kuryusong tanong ni Van kaya nginitian niya ito.

“Akala ko kasi pagbabawalan mo ako kasi minsan kapag kasal na, pinagbabawalan ng lalake ang asawang magtrabaho pa." Tinaasan ni Van ng kilay si Belinda dahil kahit kailan ay hindi niya naisip na pagbawalan ito.

"Salamat. Huwag kang mag-alala, wala akong pagsasabihan na kasal tayong dalawa. Hindi ba nagtatrabaho ka sa kompanya? Pangako, hindi ko ipagkakalat na kasal ka sa akin,” masaya at nakangiting sambit pa ni Belinda, pero nawala iyon nang makita niya ang pagkunot ng noo ni Van at parang hindi nito nagustuhan ang huling sinabi.

“So you want me to be your secret?” Van asked seriously at kitang kita ang pagdidilim ng mata niya.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (4)
goodnovel comment avatar
Chanseys Pampag Chavez
very nice story
goodnovel comment avatar
Nina Gabaleo
very interesting,I love it ...
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
ayaw ni van na isekreto na kasal na kayong dalawa belinda
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 241 - Wife

    Halos maramdaman ni Dia ang bawat salita, tila bumabalot sa kanya at pinipilit baguhin ang nakaraan, habang ang damdamin ni Paul ay sumasabay sa bawat titig at paghinga niya. Ang bigat ng pag-iyak ni Paul, ang init ng kanyang katawan, at ang sincerity ng kanyang boses ay bumabalot sa buong silid, nag-iiwan ng kakaibang init at tensyon na hindi kayang ipaliwanag ni Dia.Nakagat ni Dia ang labi niya at saka muling sinubukang lumayo, ang puso niya ay tumitibok nang mabilis sa halip na humupa.Ngunit and this time, Paul let her. Nagkaroon ng distansya sa pagitan nila, sapat para huminga, pero ramdam pa rin ang presensya nito. Napatitig si Dia kay Paul nang yumuko pa ito na parang bata sa harap niya, eyes glistening with unshed tears, at ramdam ang bigat ng pag-iyak sa paligid.Ang kanyang mga mata ay puno ng halo ng lungkot, galit, at pangungulila.Bigla tuloy nawalan ng salita si Dia. Napapikit siya at bumuntong hininga, nag-ipon ng lakas bago muling magsalita. Ramdam niya ang bigat ng ba

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 240 - Sorry

    “Mag-uusap tayo ng ganyan? Can you at least wear your shirt? Dinalhan na nga kita,” umiirap na sambit ni Dia habang nakapameywang, halatang naiirita na dahil hindi man lang nagawang magsuot ni Paul ng damit at nanatili lang sa kinatatayuan na para bang handa na siya sa anumang sasabihin ni Dia.Ang bawat salita niya ay may halong galit, kaba, at kaunting pangungulila na hindi niya kayang itago, ramdam ng tension sa bawat titig at galaw ng kanyang katawan.Napasulyap si Paul sa katawan niya, parang sinusukat bawat linya, bawat kurba, at naramdaman ni Dia ang init ng tingin nito. Para bang ang bawat titig ay nagbubunsod ng init sa kanyang balat, na tila binabalot siya ng init ng araw sa tanghaling tapat, ngunit mas matindi at nakakapangilabot dahil sa matinding emosyon ni Paul.“What’s wrong with my body? Distracted ka?” Tanong pa ni Paul, na ikinangiwi ni Dia, halatang naiinis sa paraan ng pagsasalita nito, ngunit may bahid ng kaba sa kanyang boses.Hindi niya alam kung paano haharapin

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 239 - Usap

    His chair screeched loudly against the floor as he stood, fists clenched so tight that his knuckles turned white.“What? At hinayaan niyo ang gago?!” hindi makapaniwalang tanong ni Paul habang halos naguugat na ang leeg sa galit. His voice thundered across the room, echoing in the tense silence. His heart was pounding like thunder, his breathing shallow and ragged. He took a few steps forward, glaring at the couple as if demanding an explanation for every silent year that passed without him knowing.“You let him do that to her?! You knew she was hurting and you did nothing?! Pvtang ina, edi umiyak siya?” Hindi pa makapaniwalang tanong ni Paul habang iniisip na ang mga posibleng nangyare.“Relax, hindi ba dapat masaya ka? Hindi siya kasal kaya naman pwedeng pwede ka pa—” but before Lorenzo could finish, Paul cut him off, his voice breaking.“Paano ako magrerelax kung ginago siya tapos wala kayong ginawa?!” he shouted, his voice raw with pain. “Dia don’t fvcking deserve na takbuhan! At a

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 238 - Tinakbuhan

    Sa lahat ng iniiwasan niyang marinig, ito pa ang tumama sa kanya nang hindi man lang siya handa. Naalala niya bigla ang mga gabi kung saan iniisip niya kung nasaan na si Dia, kung masaya ba ito, kung may kasama bang iba. And now, all those fears turned into something tangible, something that tore him apart. He slumped back into the sofa, staring blankly at nothing, pero sa loob-loob niya, umaalon ang damdamin. Pero nanatili siyang tahimik, nilulunok ang bawat pait. The memory of Dia’s smile, her laughter, and the way she used to look at him all came rushing back, stabbing him deeper than he could handle. In that moment, Paul realized that no matter how much time had passed, his heart had never truly moved on. And now, knowing she had a child only reminded him how far he had fallen behind, at kung gaano siya katanga para hayaang mawala ang babaeng iyon sa kanya.Paul chuckled, but it was no humor at all. Tahimik ang mag-asawa habang si Cassandra ay bumalik na sa paglalaro. Napapikit s

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 237 -

    Chapter 235 and 236Paul let the water flow on his body and was still thinking about what just happened now. He was completely in shock, his mind unable to process everything that Dia told him.Pakiramdam niya ay nananaginip lang siya at kahit ilang beses niyang ipikit at imulat ang mga mata niya, ay gano’n pa rin ang nararamdaman niya, parang hindi totoo ang lahat.Para siyang nakalutang na hindi niya maintindihan.His thoughts were tangled, his chest tightening, and the cold water didn’t even help to calm him down. Instead, parang mas lalo lang siyang giniginaw sa bawat patak ng tubig na tumatama sa balat niya.Each drop felt like a reminder of all the moments he lost, the birthdays, the laughter, the nights he could’ve been there to tuck his daughter into bed. Hindi niya maiwasang isipin ang mga nasayang na pagkakataon na pagiging ama niya sa anak niya.Gusto niyang magsaya dahil may anak na siya, na may anak pala siya kay Dia, isang bagay na minsan lang mangyari sa buhay ng isang t

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 236 - Kwarto

    The door was opened when Dia was already upstairs kaya naman kitang-kita niya si Paul na ngayon ay nakaupo sa tabi ng kama ni Alys. Tulog na si Alys, and Paul was just staring at Alys like he is still not believing that Alys is really his daughter at nasa harap na nito ngayon. May kakaibang lungkot at pag-aalinlangan sa mga mata nito, na para bang sinusubukan pang unawain ang bigat ng mga taon na nawala sa kanya. His shoulders looked heavy, and kahit hindi man ito nagsasalita, ramdam ni Dia ang bawat emosyong pilit nitong kinakasalo. Pinanood ni Dia kung paano hinaplos ni Paul ang gilid ng mukha ni Alys para ilagay ang takas na buhok sa gilid ng tenga nito, para hindi matabunan ang mukha nito. Mabagal, maingat, na para bang takot siyang magising ito at baka mawala ulit sa harap niya. His hand even trembled a little habang ginagawa iyon, and it was the kind of gesture na hindi kayang itago ng isang taong sobrang nagsisisi. Kinagat ni Dia ang labi at hindi na alam kung itutuloy

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status