Share

Chapter 7 - Kia

last update Last Updated: 2024-06-27 19:37:34

Chapter 7

Dumausdos ang kamay ni Van sa bewang ni Belinda pagkatapos ng tanong na iyon.

“So you want to keep me a secret, hmm?” Van asked again to Belinda. Madilim ang tingin nito na animo'y hindi talaga niya nagustuhan ang narinig mula kay Belinda.

Naramdaman din ni Belinda ang magaang haplos ng kanyang asawa sa bewang niya kaya hindi niya maiwasang lumunok.

“Wala namang masama, hindi ba? Saka may rule sa kompanya tungkol sa prohibited office romances. Sige ka, baka matanggal ka pa sa trabaho.”

“My surname is Villariva,” mariing sambit ni Van.

“But it doesn't mean that you are the owner who can manipulate the rule. Kung kamag-anak ka man ng chairman, it doesn't mean that you can be an exception to that rule.”

Napalunok ulit si Belinda nang maramdaman niya muli ang haplos ng kanyang asawa sa kanya. Medyo nababasa na rin ito dahil basa ang katawan niya, pero kahit na ganoon ay hindi nito inalintana iyon, hinayaan ni Belinda na nakahawak sa kanya ang asawa.

Nakita ni Belinda ang pag-igting ng panga ng kanyang asawa kaya nakagat nito ang labi.

“Are you mad?” Belinda asked Van gently. Van closed his eyes because it was so nice in his ears to hear Belinda's gentle voice. Para itong nangheheleng anghel sa pandinig niya.

Huminga na lang tuloy si Van ng malalim bago tignan ang laptop niya, but his hand remained on Belinda, slightly caressing her waist.

Habang si Belinda ay nabahala sa pinakitang expression ng kanyang asawa. Hindi niya gustong pasamahin ang loob nito gayong lahat ng pinakita ni Van sa kanya ay mabubuti.

“I want you to know that I am really thankful that you suddenly came into my life. The wedding and all were really too sudden, so I want you to know na handa akong makipag-divorce kung maisipan mo. Hindi kita pipilitin na manatili at itali sa kasal na ‘to. Sa gastos naman pwede akong tumulong, may ipon naman ako at pwede nating magamit kung sakaling gusto mo ng lumaya sa kasal na ‘to.” Tuloy-tuloy na sambit ni Belinda, pero nakita niya ang pagsinghap at pagdilim lalo ng paningin ni Van sa sinabi niya.

"Oh, you're thinking about divorce on the second day of our marriage?” Van sarcastically said.

“H-Hindi naman sa ganoon. Sinabi ko lang na kung maisipan mo—”

Hindi natuloy ni Belinda ang sasabihin nang hinila siya ng asawa at mas sinarado ang kaunting espasyo sa pagitan nila. Nagawang angkinin ni Van ang labi ng kanyang asawa sa kaunting paghila lang.

Ang tanging nagawa naman ni Belinda ay mapakapit sa braso nito at hayaan si Van sa pag-angkin ng labi niya.

Natigilan lang sila sa paghahalikan nang makarinig ng pagtunog ng cellphone. Noong una ay malayo iyon, pero ilang sandali ay lumapit ang tunog na iyon.

“S-Sorry, Sir. May tumatawag po kasi sa cellphone ni Ma'am,” sambit ni Rose na siyang may dala-dala ng phone ni Belinda.

Hindi mapigilan ni Belinda ang mahiya dahil siguradong nakita ni Rose ang halikan nila ng boss niya, pero kahit ganoon ay tumayo siya at kinuha ang phone rito.

Bigla itong kinabahan na baka ang doctor sa hospital ang tumawag, pero halos makahinga siya nang makita niya ang pangalan ng kanyang kaibigang nag-out of the country dahil pinadala siya ng kompanya para sa summit.

“Kamusta ang kasal? Sayang talaga hindi ako nakapunta, ang dami kasing trabaho ang binigay sa akin.” Hindi maiwasang mapangiti ni Belinda nang marinig iyon sa kaibigan.

Nagtungo si Belinda sa sala para roon kausapin ang kaibigan. Iniwan niya ang kanyang asawa roon dahil baka maistorbo niya sa pagtatrabaho.

“Ayos naman ang kasal, Lia. Huwag kang mag-alala dahil mukhang hindi ko na itutuloy ang pagreresign. Babalik na ako sa trabaho pagkatapos ng tatlong araw.”

“What? Three days? Okay, I'm happy that you are staying in work because I know that it is really what you want, pero anong klaseng wedding leave yan? Kailangan mong mag-enjoy. Make it one month!” Rinig na rinig ang disgusto sa boses ni Lia at panenermon.

Gusto pa nga ni Belinda na bukas ay pumasok na siya, pero alam ng maraming kasamahan niya ang tungkol sa kasal, at hindi naman niya gusto na magtaka ang lahat at magtanong ng marami.

“Nakadesisyon na ako,” napasinghab na lang si Lia sa narinig mula kay Belinda.

“Well, ikaw bahala, pero buti naman pumayag ang asawa mo na bumalik ka sa trabaho? Hindi ba napag-usapan niyo na hindi ka na magtatrabaho?”

Hindi alam ni Belinda kung paano sasagutin ang bagay na iyon. Hindi niya rin alam kung paano sasabihin sa kaibigan na ibang lalaki ang napangasawa niya.

“Pumayag naman,” tanging sambit na lang ni Belinda.

“Okay. Mabuti naman. I'm happy for you.”

“Thank you. Nga pala, sa kompanya, ilan ang may apelyidong Villariva?” Biglang naalala ni Belinda ang tungkol doon kaya hindi na niya mapigilan ang sariling itanong.

“Villariva? Malaki ang kompanya, pero maliban sa may-ari ng RIVA Company, marami ring Villariva na nagtatrabaho roon. Ang iba ay malayong kamag-anak ng mismong may-ari, ang iba naman ay talagang ka-apelyido lang. Bakit mo naman natanong?”

Mabilis na umiling si Belinda kahit wala naman sa harap niya ang kausap. Bigla lang talaga siyang nataranta sa tanong sa kanya ng kaibigan. Gaya ng sinabi niya kanina kay Van, hindi niya ipagkakalat na kasal sila. Malaking bagay na nga na tinulungan siya nito kaya naisip niyang ang itago ang relasyon nila ay ang mas mabuting gawin.

“Wala naman. Natanong ko lang.”

Gusto man niyang kausapin pa ng matagal ang kaibigan, alam niyang hindi pwede dahil busy ito sa trabaho. Isang himala nga na may oras pa ito para tawagan siya at kamustahin.

“Where's Van James?” Napatingin si Belinda sa nagsalita sa likuran niya.

Napatayo na lang ito nang makita niya ang mukha ng babaeng nagtanong. Maganda at talaga namang maglalaway ang mga lalakeng titingin sa kanya. Nakasuot ang babae ng isang pulang damit na nagpapakita sa magandang hubog ng katawan nito.

“Anong ginagawa mo rito?” Kunot-noong tanong ni Belinda dahil ang babaeng iyon ay ang babaeng nahuli niya sa bahay ni Danilo.

“Oh, hello? Ikaw pala? Kamusta? Nagkita ulit tayo.” Hindi makapaniwala si Belinda sa narinig mula rito. Hindi niya akalain na magpapakita pa ito rito sa bahay ni Van gayong taksil ito.

“Bakit ka nandito?” Mariing tanong ni Belinda, pero tumawa lang ang babae at gamit ang daliri ay sinuklay nito ang buhok.

“Ang seryoso mo naman. I’m here for Van. Nasaan siya?” tanong nito at nilibot ang tingin.

“Manang Celma! Where's Van?” Maarteng sigaw pa nito habang tinatawag si Manang Celma.

Napakuyom ng kamao si Belinda at lumapit.

“Niloko mo si Van at ngayon may lakas ng loob kang pumunta rito at hanapin siya? Hindi niya gustong makita ka kaya umalis ka na—”

“Ma'am Kia, kanina pa po kayo hinihintay ni Sir. Nasa pool po siya,” sambit ng kakarating lang na si Manang Celma na nagpalaglag sa panga ni Belinda.

Lumawak ang ngiti ng babaeng nagngangalang Kia sa narinig at mapang-asar na tinignan si Belinda.

“But I think you're wrong. Narinig mo naman, hindi ba? Kanina pa nga niya ako hinihintay. Ops, dadaan ako, ah,” pang-aasar pa ni Kia at agad na linagpasan si Belinda na talaga namang namumutla na sa inis at irita.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
kaya pinapunta ni van si kia dahil lilinaein lang ni van kay kia na tapos na ang relasyon nila at kasal na ito kay belinda
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 48 - Tulog

    Ramdam ni Evelyn ang init mula sa kamay nito, pati na rin ang kakaibang tensyon na tila ba lumulutang sa pagitan nilang dalawa. Parang may alon ng damdaming hindi niya maipaliwanag. Pag-angat niya ng tingin, nakita niya ang mga mata ni Lorenzo—pagod, malungkot, at tila ba nagmamakaawang unawain siya.“H-Hindi ako makatulog,” bulong nito. Mababa, halos hindi marinig, pero malinaw. At gaya ng dati, namula na naman ito, para bang nahuli sa sariling kahinaan.Natigilan si Evelyn. “O? Tapos…?”“Can I sleep here? Can I sleep beside you?”Halos malaglag ang panga ni Evelyn. Literal. She froze. Ang mga mata niya ay lumaki, at nanuyo ang lalamunan niya.Did I just hear that right? Tanong pa iyon sa isip niya.Hindi siya makagalaw. Para siyang tinamaan ng kidlat sa kinatatayuan niya. Ang lalaking parang umiiwas sa kanya, ngayon ay gustong matulog katabi niya niya ulit gaya kagabi.Si Lorenzo naman ay napamura sa sarili at saka hinilot ang sintido niya na para bang gusto niyang isubo ulit ang m

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 47 - Hindi Makatulog

    Chapter 47Gabing-gabi na at nakaalis na si Paul sa isla. Umuwi na rin si Manang Vilma at babalik na lang ulit sa linggo. Tulad ng dati, silang dalawa na lang ulit ni Lorenzo ang naiwan sa mansion. Pero sa gabing ito, may kakaibang bumabalot na tension sa paligid. Tahimik ang buong bahay, ngunit hindi ito 'yung uri ng katahimikang nakapapawi ng pagod. Ito 'yung klaseng katahimikan na may kasamang bigat—parang may bumabalot na hindi maipaliwanag na tensyon sa hangin.Nakahiga si Evelyn sa kama, nakatitig sa kisame na para bang may sagot itong kayang ibigay sa mga tanong niya. Sa bawat segundo, mas lalo siyang nababahala. Paulit-ulit ang mga tanong sa isip niya habang pilit pinakakalma ang sarili.“Anong problema niya?” bulong niya sa sarili habang nilalaro ang laylayan ng kumot. “Alam kong masungit siya, pero bakit parang iniiwasan niya ako? Parang every time na magkakasalubong kami, umiilag siya. Mukha ba akong may sakit na nakakahawa?"Napakunot ang noo niya at mas lalong napasimango

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 46 - Lalagnatin?

    Well, Paul was happy to see him crack a smile for once, but it was so unusual, he had to check if aliens swapped him out in his sleep.Noon lang natauhan si Lorenzo. Nang maramdaman niya ang palad ni Paul sa noo niya, agad siyang napaatras. Kunot noo, tinitigan niya ito na para bang nahuli sa isang kahihiyan.“What the fvck are you doing?” gulat at iritadong tanong ni Lorenzo, sabay padarag na iniwas ang sarili sa kamay ng pinsan. Halatang nainis pero hindi rin maitago ang bahagyang pagkagulat.“Are you sick?” tanong ni Paul, napapailing pa habang sinusundan pa rin siya.Muli sana niyang hahawakan ang noo nito, this time more dramatically—his palm facing the sky, elbow exaggeratedly bent—para bang umaarte sa harap ng camera. “Seriously, bro. Who are you and what did you do to Lorenzo?”“Are you insane? Mukha ba akong may sakit?” iritadong balik ni Lorenzo, at agad na tumalikod papunta sa round table kung saan naroon ang kanyang kape. Umupo siya roon, hawak agad ang tasa, at muling tin

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 45 - Never Laughed, but?

    Chapter 45 and 46“I was just here to see how your life is on this island. Maaga sana ako uuwi, pero ang tagal mong bumaba, what’s with you?” tanong ni Paul kay Lorenzo, habang nakatitig ito sa dagat—tahimik, malalim ang iniisip, at halatang wala sa sarili.Halos hindi gumagalaw ang lalaki, parang pinakikiramdaman ang bawat hampas ng alon at ihip ng hangin. Sa bawat pagsalpok ng alon sa mga batuhan. Pinakaunang umaga ito na ginising siya ng katahimikan sa loob at hindi ng takot o alinlangan.Sobrang gaan ng pakiramdam niya—isang uri ng kagaanan na matagal na niyang inakala na imposibleng maramdaman muli. Akala niya'y hindi na niya ito mararamdaman pa itong subrang gaan na pakiramdamn.Palagi siyang nagigising sa gitna ng gabi habang hinahabol ng mga alaala ng nakaraan. Ngunit ngayon, tila binura ng katahimikang dulot ng presensya ni Evelyn ang lahat ng iyon. Sa unang pagkakataon matapos ang matagal na panahon, nakahinga siya nang malalim nang walang bumigat sa dibdib niya, nagising s

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 44 - Slept?

    Napakagat-labi si Evelyn. Hindi na niya alam kung kakalas ba siya o magpapaiwan pa.“Sh*t…” mahina niyang bulong, halos wala sa sariling napatawa ng pait.“Heto ba ang binabangungot?” tanong niya sa sarili, napapasinghap, pilit umaasang may makakagising sa kanya. Sinubukan ulit niyang kumawala, pero gaya ng una, bigo na naman siya.Kinagat niya ang kanyang labi. Dahan-dahang pumikit habang pilit hinahabol ang sariling hininga. Huminga siya ng malalim, umaasang matahimik ang utak niya, pero sa halip na mapanatag, mas lalo siyang nalito dahil sa naamoy niya—ang bango ni Lorenzo.“Pvtangina, bakit ang bango mo?” wala sa sariling ani niya, pabulong, habang mas inilapit pa ang ilong sa leeg nito at saka inamoy. Tuluyan na siyang napangiti, napahikhik pa nga nang bahagyang gumalaw si Lorenzo.“Sige na nga, hindi kita bibigyan ng black eye ngayon. Pasalamat ka, mabango ka,” bulong pa niya, medyo amused sa sarili.Hinayaan na lang niya ang kanilang posisyon. Ang kamay niya ay dahan-dahang guma

  • My Stranger Groom Is A Billionaire   Chapter 43 - Hug

    Chapter 43Nagising si Evelyn sa mabigat na bagay na nakadagan sa kanyang tiyan. She thought she was just dreaming, pero nang imulat niya ang kanyang mata, mukha ni Lorenzo agad ang bumungad sa kanya—nakapikit, tila ba isang batang himbing sa mahimbing na tulog.“Pvtangina,” mahinang usal ni Evelyn, halos hindi makapaniwala sa nakita. Magkayakap silang dalawa. As in yakap na yakap! Para silang mga uod na nagkahabulan sa kumot.Ang mabigat na nararamdaman niya sa kanyang tiyan ay walang iba kundi ang mga braso ni Lorenzo, mahigpit ang pagkakayakap na tila bang ayaw siyang pakawalan. Ang isang kamay naman ni Evelyn ay nasa batok nito, nakapulupot na animo’y isang ahas na takot bitawan ang kinakapitan.Nanlaki ang mga mata ni Evelyn habang dahan-dahang nare-realize ang posisyon nila. Ang mukha ni Lorenzo ay halos ilang pulgada na lang ang layo mula sa kanya. Ramdam niya ang mainit nitong hininga na dumadampi sa kanyang balat, at ang bawat buntong-hininga nito ay tila gumuguhit sa kanyang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status