Share

Kabanata 5

Author: Ensi
last update publish date: 2026-10-09 17:25:38

Halos malaglag ang panga ng lahat ng nakakakita nang bigla akong buhatin ni sir Duke. Yong project head na nag-utos sa akin kanina ay halos lumuwa ang mga mata. Samantalang ang mga empleyadong nagtatawanan kanina ay biglang tumahimik at napayuko.

"Sir Duke, ibaba niyo po ako..." pakiusap ko, halos hindi makatingin sa kanya dahil sa matinding hiya. Nakakapit ang dalawa kong kamay sa kanyang balikat para hindi ako mahulog, ngunit ramdam na ramdam ko ang init ng kanyang katawan sa kabila ng basan
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Strict Boss Is My Lover   Kabanata 39

    Hindi ko alam kung saan ako mas maiinis.Sa sarili ko dahil sa mga sinabi at ginawa ko kagabi, o kay Duke dahil halatang-halata sa mukha niyang habang-buhay niya akong aasarin sa nangyari.Ang masama pa, hindi ko na matandaan ang lahat.Paano kung may iba pa siyang hindi sinasabi? Paano kung may ginawa pa akong mas nakakahiya kaysa sa paulit ulit na pagsasabi sa kaniya ng Kiss me, Duke?Pero ayaw ko ng isipin ang mga 'yon. Lasing ako at wala sa huwisyo kaya ibabaon ko nalang ang lahat sa limot.Pagkatapos magbayad ni Duke sa hotel, sabay kaming bumalik sa apartment. Hindi ko na siya gaanong kinausap dahil sa tuwing naaalala ko ang sinabi niya, gusto kong magtago sa kung saan."You're unusually quiet today, Eula."Nagkunwari akong hindi ko narinig ang sinabi niya."Are you ignoring me? Kagabi lang gusto mong—"Bago pa niya matuloy ang sasabihin niya, pinandilatan ko siya. "Sir, kung wala po kayong magandang sasabihin, mas mabuti pang manahimik na lang kayo."Tumawa siya nang mahina. "L

  • My Strict Boss Is My Lover   Kabanata 38

    Masakit ang ulo ko.Iyon agad ang unang pumasok sa isip ko nang subukan kong imulat ang mga mata ko. Pakiramdam ko, may kung anong mabigat na bagay na paulit-ulit na tumatama sa ulo ko. Bukod doon, ang sama rin ng pakiramdam ng tiyan ko at ang panunuyo ng lalamunan ko.Napapikit ulit ako.Ano ba kasing nangyari sa akin?Sandali akong nanatiling nakahiga habang pilit na inaalala ang mga nangyari kagabi. May company dinner. May mga katrabaho akong halos hindi na mapigilan sa kakatawa. May drinking challenge. Tapos may cash prize.Tama 'yong cash prize!Bigla akong napadilat.Teka lang. Nanalo ba ako?Napabangon ako agad, pero maling desisyon pala iyon dahil biglang umikot ang paningin ko. Napahawak ako sa noo at napadaing habang pilit na inaayos ang sarili ko."That's your prize for being a drunkard."Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. At doon ko nakita si Duke.Nakaupo siya sa isang single sofa malapit sa bintana habang may hawak na laptop. Nakasuot siya ng itim na long-sleev

  • My Strict Boss Is My Lover   Kabanata 37

    Anong ginagawa niya dito?Iyon ang paulit-ulit na tanong sa isip ko habang pinagmamasdan si Duke na papalapit sa mesa namin.Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Kanina lang, halos maiyak ako sa kakatawa habang pinapanood ang mga kalokohan ng mga katrabaho namin. Pero ngayon, parang gusto kong magtago sa ilalim ng mesa.Bakit ba kasi ngayon pa siya dumating?Nang mapansin niyang hawak ko ang isang shot glass. Bahagyang kumunot ang noo niya.“Sir Duke?” mahinang sambit ng host nang makilala siya. “What a surprise! We’re honored to have you here tonight!”Tumigil si Duke sa harap ng mesa namin. Bahagya siyang tumango bago nagsalita.“Continue. Don't mind me.”Walang naglakas-loob na magsalita sa loob ng ilang segundo. Pati si Paolo, na kanina lang ay halos mangisay sa kakasigaw habang pinapanood ang mga lalaking sumasayaw, ay biglang umayos ng upo.Napalunok ako.Hindi ko alam kung dapat ba akong ngumiti o magkunwaring hindi ko siya napansin. Ang problema, nakatitig siya sa ha

  • My Strict Boss Is My Lover   Kabanata 36

    Pagdating namin sa restaurant, agad kong naintindihan kung bakit excited na excited ang lahat sa team dinner.Malawak ang lugar, may private function room sa second floor, at may mahabang mesa na puno na ng pagkain. Sa isang sulok, may maliit na stage at speaker na halatang nakahanda para sa kung anu-anong kalokohan mamaya.“Grabe, parang kasal!” bulalas ni Paolo habang kinukuhanan ng litrato ang buffet. “Kung may magpakasal man dito, sana ako na lang. Libre na pagkain, libre pa alak.”“Wala namang magkakagusto sa'yo kapag ganyan ka magsalita,” sagot ni Trish.“Hindi ko kailangan ng pag-ibig. Kailangan ko ng extra rice at dagdag sahod.”“Pareho mong hindi makukuha,” singit ni Mika.Nagtawanan kaming lahat.Umupo kami sa isang mahabang mesa kasama ang iba naming katrabaho. Habang kumakain, hindi ko maiwasang mapansin kung gaano kasaya ang lahat. Matapos ang ilang linggong paghahanda para sa Hoshino project, deserve naman talaga namin ang gabing walang iniisip na trabaho.Paminsan-minsa

  • My Strict Boss Is My Lover   Kabanata 35

    Hindi ko alam kung ilang segundo akong nakatitig kay Duke pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang 'yon.“The way Hiro looks at you, is exactly how I look at you.”Paulit-ulit na umikot sa isip ko ang sinabi niya.Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman o kung paano ako sasagot. Para akong biglang nawalan ng kakayahang magsalita.“Sir...” iyon lang ang naisambit ko.Bahagya siyang napabuntong-hininga at tumayo. “Forget it, Eula. It's getting late. You should get some rest. May trabaho pa tayo bukas.”Iyon lang ang sinabi niya bago tumayo at naglakad palayo.Naiwan akong nakaupo sa sofa, hawak ang halos natunaw ng ice cream.Ang labo talaga ng lalaking 'yon.Lalo tuloy akong naguluhan sa sinabi niyang may gusto si Hiro sa'kin. At kung ano ang tingin ni Hiro sa'kin, ganoon din ang tingin niya sa'kin. Umiling ako at tumayo na rin. Kailangan ko ng matulog. Baka sakaling paggising ko kinabukasan, mawala na sa isip ko ang lahat ng sinabi niya.Pero kahit nakahiga na ako at naka

  • My Strict Boss Is My Lover   Kabanata 34

    Naupo ako sa sofa at komportableng sumandal sa sandalan nito. Pagbukas ko ng ice cream, agad kong naamoy ang matamis na strawberry. May maliliit pang piraso ng cheesecake sa loob.Napangiti ako."Grabe, ang sarap!" Isang subo pa lang, napapikit na ako sa sarap. Paborito ko talaga to.Kumuha ako ng pa isang kutsara at isinubo iyon. Ito talaga ang kailangan ko pagkatapos ng nakakapagod na biyahe. Walang meeting, walang reports, walang supladong boss na kung anu-ano ang inuutos.Ice cream lang at pahinga.Well, hindi ko pala dapat isama ang supladong boss dahil nasa apartment niya ako.Napailing ako at natawa sa sarili kong isip.Habang kumakain, kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa para tingnan kung may mga bagong email mula sa kompanya. May ilang notifications mula sa group chat ng opisina, pero wala naman akong kailangang sagutin agad.Hanggang sa may pumasok na bagong text message.Galing kay Ryuuji.Agad akong napangiti nang makita ang pangalan niya. Pagkatapos ng dinner namin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status