Compartilhar

Kabanata 4

Autor: Ensi
last update Data de publicação: 2026-09-10 12:05:21

Napanganga ako. Hindi ko alam kung maiinsulto ako sa kondisyon niya o matutuwa dahil kahit papaano ay may matutuluyan ako.

“And there's more,” he continued.

“A-Ano po 'yon, Sir?”

“You'll continue working for the company.”

“Opo.”

“Which means your regular office work doesn't change. Still under probation.”

Tumango ako nang mabilis. “Naintindihan ko po.”

“After office hours, you can continue whatever work needs to be done here.”

Napatingin ako sa malawak na paligid ng apartment. “So... kapag may overtime po ako sa opisina...”

“You'll do it. At pag-uwi mo rito, gagawin mo pa rin ang mga gawaing-bahay.”

“At iyong bahay po?”

“You'll handle it.”

Napabuntong-hininga ako. Mabigat iyon, sobrang bigat para sa isang taong nagtatrabaho na nang higit walo hanggang sampung oras sa opisina. Pero mas mabigat at mas nakatatakot ang matulog sa kalsada. Saka malabong pagka-interesan ako ng boss ko.

“Okay po.”

“You agree?” Nakataas ang kilay niyang tanong.

“Opo.”

“Then we have an arrangement.”

Tumango ako. “Thank you, Sir.”

Hindi siya sumagot. Sa halip, dumiretso siya sa hallway patungo sa mga kwarto. “Your room?”

“Doon po,” itinuro ko ang maliit na pintuan sa gilid.

“That's yours?” Nakangiwi niyang tanong.

“Opo,” sagot ko naman.

“Keep it clean.” Maarte talaga siya. Sobrang strikto.

“Opo.”

“Tomorrow, we're leaving at seven.”

Napakunot ang aking noo sa pagtataka. “Aalis po tayo?”

“Field work.”

Napatingin ako sa kanya, hindi makapaniwala. “Pero second day ko pa lang po bukas sa department...”

“Wala akong pakialam kung ilang oras ka lang sa kumpanya.” Tumalikod na siya at pumasok sa kanyang silid. “Don't be late. Kapag na-late ka, huwag mo nang isipin pumasok.”

Hindi ko alam kung paano ako nakatulog nang gabing iyon. Ang tanging alam ko lang, kinabukasan ay nagising ako bago pa man tumunog ang alarm sa aking cellphone. Alas-singko pa lang ng umaga.

Kahit kinakabahan, agad akong bumangon at nagsimula nang magligpit. Pinunasan ko ang bawat sulok ng sala, inayos ang kusina, nilinis ang mesa, at inilagay ang mga nakakalat na gamit sa tamang lalagyan. Hindi ko man gusto ang kasunduan namin, nagpapasalamat pa rin ako dahil may maayos akong tulugan at higit sa lahat, may trabaho pa rin ako.

Pagsapit ng alas-sais y medya, nakapag-ayos at nakapagpalit na rin ako ng aking damit para sa opisina. Paglabas ko ng kuwarto, nakita ko si Duke na nakatayo na sa kitchen counter habang umiinom ng mainit na kape. Naka-white polo shirt siya at dark pants, mas simple ang suot niya ngayon kaysa sa pormal na suit niya kahapon, pero hindi niyon nabawasan ang nakalulunod at intimidating niyang aura.

“Good morning, Sir.”

Tumingin siya sa akin mula sa ibabaw ng kanyang tasa. “You're late.”

Mabilis kong tiningnan ang wall clock sa sala. “Six forty-five pa lang po.”

“I said seven.”

“Hindi pa naman po seven...”

“Then why are you arguing?”

Napatikom agad ang bibig ko. “Sorry po.”

Mabilis niyang inubos ang kape at kinuha ang susi ng kanyang kotse sa mesa. “Let's go.”

Ang sinasabi niyang field work ay hindi pala simpleng pagbisita lamang sa isang maayos na site. Kailangan naming pumunta sa isang malaking development project ng kumpanya sa labas ng lungsod. May malawak na construction site na kailangang inspeksyunin, at may ilang department heads din na kasama sa lupon. At dahil ako ang pinakabagong empleyado at pumasok pa bilang parang personal assistant niya, ako ang inatasang magbitbit ng lahat ng mabibigat na documents, maglista ng observations, at kumuha ng signatures mula sa mga engineers at supervisors.

“Ms. Santos, bring these.”

“Yes, Sir.”

“Take this to the project manager.”

“Yes, Sir.”

“Make copies of these later.”

“Yes, Sir.”

Paulit-ulit na utos ang natanggap ko habang ginagalugad namin ang site. Doon ko napagtanto na mas nakakagaling at mas mahirap pala ang field work kaysa sa pag-upo sa opisina. Mainit, maalikabok, at napakaalinsangan ng hangin.

Makalipas ang ilang oras ng walang patid na paglalakad, biglang nagdilim ang kalangitan.

“Looks like it's going to rain,” sabi ng isang empleyadong kasama namin habang nakatingala sa langit.

Napatingala rin ako. Mabilis na nag-ipon ang malalaking itim na ulap. Makalipas lamang ang ilang minuto, nagsimula nang pumatak ang ulan. Una ay mahina, ngunit mabilis ding lumakas at naging isang malakas na buhos.

“Let's go back to the vehicle,” aya ng isa sa mga departament heads.

Ngunit bago pa man ako makasunod sa kanila patungo sa nakaparadang sasakyan, may isang project head na mabilis na lumapit sa akin at inabot ang isang basang folder.

“Ms. Santos, these documents need to be signed by the site supervisor. He's on the other side of the field.”

Napatingin ako sa kabilang bahagi ng construction site. Napakalayo niyon, putikan ang daan, at wala nang ibang gustong pumunta roon dahil sa patuloy na paglakas ng ulan.

“Okay po,” walang alinlangan kong sagot.

Kinuha ko ang folder, itinagilid ito sa aking dibdib upang hindi mabasa, at mabilis na tumakbo. Hindi ko na inisip ang lakas ng ulan na humahagupit sa akin. Mabilis na nabasa ang aking buhok at maya-maya pa'y pati ang aking damit at sapatos ay napuno na ng putik at tubig. Pero kailangan kong matapos ito. Kailangan kong patunayan sa kanila, lalo na kay Duke, na kaya ko at hindi ako basta-basta susuko.

Nang sa wakas ay makuha ko ang kinakailangang pirma, patakbo akong bumalik sa kinaroroonan ng grupo. Hinihingal ako at basang-basa ang buong katawan. Pagdating ko roon, halos lahat ng empleyado ay nakatitig sa akin nang may halong gulat at awa. Pero may ilan na tila natutuwa sa nangyari sa akin, lalo na iyong nagbigay kanina sa akin ng folder.

Ngunit may isang taong naging dahilan upang tuluyan akong mapahinto sa paghakbang.

Si Duke.

Nakatayo siya sa ilalim ng covered area, nakakrus ang mga braso sa dibdib. Nakatitig siya sa akin, malamig, matalim, at halatang galit na galit.

Sa taranta ko, nadulas ako. Naidiin ko ang mga tuhod ko sa sahig. Napaigik ako sa sakit.

Tumingin ako kay Duke. Mabagal siyang lumapit sa akin habang umaagos ang tubig sa aking mukha.

“What were you thinking? Are you stupid?”

Napakurap ako, pinupunasan ang ulan sa aking mga mata. “Sir?”

“You went out there in the rain? Tanga ka ba, Ms. Santos?”

“M-May kailangan po kasing pirmahan sa kabilang site—”

Napasinghap ako nang bigla niya akong buhatin. Nanlaki ang mga mata ko, hindi makapaniwala, lalo na ang mga empleyadong nanonood sa amin.

“S-Sir?”

Pinukol niya ako ng malamig na tingin. “Ako lang... ako lang ang may karapatang magpahirap sa'yo, Ms. Santos.”

Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • My Strict Boss Is My Lover   Kabanata 4

    Napanganga ako. Hindi ko alam kung maiinsulto ako sa kondisyon niya o matutuwa dahil kahit papaano ay may matutuluyan ako.“And there's more,” he continued.“A-Ano po 'yon, Sir?”“You'll continue working for the company.”“Opo.”“Which means your regular office work doesn't change. Still under probation.”Tumango ako nang mabilis. “Naintindihan ko po.”“After office hours, you can continue whatever work needs to be done here.”Napatingin ako sa malawak na paligid ng apartment. “So... kapag may overtime po ako sa opisina...”“You'll do it. At pag-uwi mo rito, gagawin mo pa rin ang mga gawaing-bahay.”“At iyong bahay po?”“You'll handle it.”Napabuntong-hininga ako. Mabigat iyon, sobrang bigat para sa isang taong nagtatrabaho na nang higit walo hanggang sampung oras sa opisina. Pero mas mabigat at mas nakatatakot ang matulog sa kalsada. Saka malabong pagka-interesan ako ng boss ko.“Okay po.”“You agree?” Nakataas ang kilay niyang tanong.“Opo.”“Then we have an arrangement.”Tumango ak

  • My Strict Boss Is My Lover   Kabanata 3

    Palalayasin niya rin ba ako?Hindi ko na alam kung alin ang mas masakit at mas nakatatakot, ang mawalan ng trabaho sa mismong unang araw ko, o ang matapon sa kalsada at mawalan ng matutuluyan.“Sir...” nilunok ko ang kaba, pilit na hinahabol ang aking hininga. “Pwede po ba nating pag-usapan?”“There's nothing to discuss,” diretso at walang alinlangan niyang sagot, kasing lamig ng hanging nanggagaling sa aircon.Tumalikod siya at naglakad patungo sa malambot na sofa na nasa kabilang bahagi ng sala. Umupo siya roon nang may labis na kaswalidad at inilapag ang isang itim na bag sa tabi niya, para bang isa lamang akong langaw na nakasagabal sa kanyang gabi.“Pack your things.”Nanigas ako sa aking kinaroroonan. “Po?”“You heard me, Ms. Santos.”“S-Sir, please...” pagmamakaawa ko, nanginginig ang boses.Hindi man lang siya nag-abalang tumingin sa akin. “You can't stay here.”Nataranta ako. Agad kong kinuha ang cellphone ko mula sa bulsa. Kailangan kong tawagan si Erika. Kailangan ko siyang

  • My Strict Boss Is My Lover   Kabanata 2

    Napatingin ako sa folder, saka sa orasang pader. “Ngayon po?”“Yes. Before you leave.”Napabuntong-hininga ako. Of course. Sa kanya pa rin ang bagsak ko.Tumayo ako at kinuha ang folder. Pagdating ko sa executive floor, napakatahimik na ng paligid. Kumatok ako sa pint0 ng opisina ni Duke.“Come in.” Boses pa lang, parang gusto ko nang magtatatakbo.Tinulak ko ang pint0 nang dahan-dahan. “Sir, these documents were requested by—”“Put them there,” putol niya sa akin habang nakatutok pa rin ang tingin sa kanyang laptop. Itinuro niya ang maliit na mesa sa gilid.“Opo.” Inilapag ko ang folder doon.Habang dahan-dahan akong tumatalikod upang lumabas, narinig ko muli ang kanyang boses.“Ms. Santos.”Lumingon ako. Maririnig na yata ang tib0k ng puso ko sa sobrang kaba ko. “Yes, Sir?”Nanlamig ako nang matanto kong nakatingin pala siya sa akin, tila nagmamasid.“Natatae ka ba? Bakit ganyan ka makatayo? Here, kunin mo 'to.” Napatulala ako nang iabot niya sa akin ang paper bag.Tumango ako nang

  • My Strict Boss Is My Lover   Kabanata 1

    Nang magsara ang pint0 matapos lumabas ang ibang mga bagong empleyado, agad na bumalot sa akin ang matinding kaba.Gigisain ba niya ako ng tanong? Another interview sa suplado kong boss? Akala ko pa naman tapos na, may pahabol pa pala.Tahimik ang buong silid. Napakalawak ng opisina niya, halos sakop ang kalahati ng buong palapag. Sa likod ng kanyang malaking desk ay ang matataas na glass walls kung saan kitang-kita ang nagtataasang gusali sa ibaba. Simple lang ang mga kagamitan, pero bawat piraso ay halatang mamahalin at nagsusumigaw sa karangyaan.Samantalang ako, nakatayo sa gitna ng silid na parang isang estudyanteng pinatawag sa office ng principal para parusahan.Nakakapanliit dumito. Nakakasak4l ang hangin.“Come here,” malamig niyang utos.Napakurap ako. “Po?”Hindi siya sumagot. Sa halip, itinuro lamang niya ang bakanteng upuan sa tapat ng kanyang desk. Umupo ako nang maingat, pilit na pinatitigil ang panginginig ng aking mga binti. Kinuha niya ang isang kulay kayumangging f

  • My Strict Boss Is My Lover   Simula

    Eula's POV“Ano? Pinalayas ka ng tita mo?!” bungad ni Erika, ang best friend ko, pagkatapos sagutin ang tawag ko. “Nasaan ka ngayon? Pupuntahan kita. Napakasama talaga ng tita mo! Matapos kang gawing kasambahay, papalayasin ka na lang!” Rinig ko ang pagshinghap niya ng marahás. “Nakakagigil!”“Nasa terminal ako ng mga bus. Kakababa ko lang,” sagot ko. “Nasaan ka?”“Sige. Ibibigay ko sa'yo ang address ng apartment ng tito ko tapos doon mo 'ko hintayin. Ttry kong magpaalam sa amo ko para puntahan ka.”Tumango ako kahit hindi niya nakikita. “Sige. Hihintayin kita.”Sumakay agad ako ng taxi at sinabi agad sa driver ang address. Pagdating ko doon dala ang isang maleta ko at bag, may nakasalubong akong lalaki. Guard siguro siya? Imposibleng tito ni Erika, nakasuot ng pang-guard eh.Bahagya akong yumuko bilang pagbati. “Good morning po, Sir.”Tumigil siya sandali. Ramdam ko ang matalîm at malamig niyang tingin. “And you are?” walang kabuhay-buhay niyang tanong.Nag-angat ako ng tingin sa kan

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status