Isang magaspang na haplos sa kamay ko ang gumising sa akin. Nakita ko ang nag-aalalang mukha ni tatay na nakaupo sa tabi ng kamang hinihigaan ko habang hawak ang aking kamay.
Ngumiti siya at tila nataranta nang makitang gising na ako. Dali-dali siyang lumabas upang tumawag ng doktor.
Inilibot ko ang aking paningin sa isang hindi pamilyar na kwarto. Sigurado akong hindi ito sa bahay o sa hacienda. Naramdaman ko ang bagay na nasa aking ilong, oxygen, at swero sa kamay ko. Nasa ospital ako.
Huli kong naaalala ang pakikipaghiwalay ko kay Arman na nagresulta sa pagtatalo.
Bigla akong nakaramdam ng pagkahilo sa pag-iisip kung ano ang sumunod na mga nangyari nang bumukas ang pinto at pumasok ng isang doktor.
Sinuri niya ako at tinanong ng ilang mga bagay.
Dalawang araw na pala akong walang malay. Naaksidente kami ni Arman, kaya pala masakit ang aking katawan dahil nagtamo ako ng mga pasa.
"Laking pasasalamat ko na hindi malubha ang sinapit mo sa aksidente anak."
Sa kabila nang pagpapabaya ng aking ama noon ay nararamdaman kong mahal niya ako sa nakikita kong pag-aalala niya ngayon.
"Nasaan po si Arman?" Hindi maganda ang huli naming pagkikita ngunit mas nananaig ang pag-aalala ko sa kan'ya.
Matagal akong tinitigan ni tatay bago nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.
"Wala na siya anak. Patay na si Arman."
Hindi si Arman ang tipo kong lalaki. Hindi siya ang nakikita ko bilang kasama sa habangbuhay. Sa higit dalawang taon na kasama ko siya, pakiramdam ko'y nakakulong ako. Subalit sa kabila ng lahat ng ito naging maayos ang pamumuhay ko.
Ang mga pangangailangan at luho ko ay ibinigay niya. Hindi niya hinayaan na maghirap akong muli. Inilayo niya ako sa madilim na paraan ng pamumuhay na mayroon kami noon.
Marami akong natutunan sa kan'ya. At kahit hindi ako naging tunay na masaya sa relasyon naming dalawa ay gusto ko pa din na makatagpo siya ng babaeng kaya siyang mahalin.
Nais kong makalaya mula sa kan'ya, kahit pa alam kong masasaktan siya, ngunit hindi sa ganitong paraan.
Malaya nga ako ngayon subalit wala na siya.
Nailibing na si Arman. Labis ang kalungkutan ng mga naninilbihan sa hacienda. Hindi man nila sabihin alam kong sinisisi nila ako dahil ako ang huling kasama nito.
"Hindi malubha ang mga sugat na natamo mo mula sa aksidente dahil hanggang sa huling sandali ay prinotektahan ka pa rin ng kaibigan ko."
Naramdaman ko ang himig ng paninisi mula sa tono ng pananalita ni Attorney Sheldon.
"Sorry." Wala akong ibang masabi sa kanila kun'di ang paghingi ng tawad.
Sinisisi ko din ang sarili ko. Kung naging mas mahinahon ako sa pakikipag-usap sa kan'ya, sana ay hindi ito ang sinapit niya.
"Ginamit mo lamang siya para sa pera!" Matalim magsalita si Attorney Sheldon.
Ayon kay Arman ay tinulungan niya itong makapagtapos ng abogasya kaya hindi na nakakapagtaka na sobra siyang nasasaktan sa sinapit ng kaibigan.
"Nagawa ko lang naman iyon para kay nanay, pero nang gabing iyon gusto ko nang itama ang lahat kaya nakipaghiwalay ako sa kan'ya. Hindi ko akalain na ganoon ang mangyayari."
Kahit ano pang dahilan ang sabihin ko, alam kong hindi niya iyon pakikinggan. Nawalan siya ng kaibigan at ama ang buong Hacienda Miraflor.
Napagpasyahan namin ni tatay na umalis sa bahay na galing kay Arman. Lahat ng ari-arian na ipinundar niya para sa akin ay isinauli ko kay Attorney Sheldon.
Gusto kong magsimula nang bago, mula sa sariling pagsisikap ko.
Naghanap ako ng part time job, plano kong ipagsabay ito sa aking pag-aaral. Si tatay naman ay nagsisimula nang magnegosyo mula sa ipon ni nanay.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko kay Attorney Sheldon nang siya ang bumungad sa akin isang umaga.
"Isa ka sa mga inimbitahan ni Attorney Francisco, abogado ng pamilya ni Arman, para sa pagbabasa ng last will and testament ng kaibigan ko." Hindi ko lubos maunawaan ang sinabi niya pero sa huli ay sumama ako.
Sa mahabang lamesa ng hapag kainan sa mansyon sa hacienda ay naabutan namin ang isang matandang lalaki, na ayon kay Attorney Sheldon ay ang abogado ng pamilya ni Arman.
Naroon rin sa kanang bahagi nito si Manang Dory, ang mayordoma ng mansyon at si Mang Carpio, ang pinagkakatiwalaan niyang tagapamahala ng plantasyon ng cacao kapag wala siya.
Umupo ako sa tabi ni Mang Carpio na binigyan naman ako ng isang ngiti katulad nang kay Manang Dory. Napatingin ako sa babaeng nasa harapan katabi ni Attorney Sheldon.
Nakasuot ito nang pormal na pananamit. Hindi ko alam kung abogado rin ba siya o sekretarya ni Attorney Francisco.
Ubod ng pula ang kan'yang mga labi pero hindi ito malaswang tingnan. Sa wari ko'y hindi nagkakalayo ang edad nila ni Attorney Sheldon.
"Cassandra, this is Veronica Solis, half-sister of Arman." Hindi ko sinasadyang mapaawang ang labi sa pagpapakilala ni Attorney Sheldon dito.
Ang sabi sa akin ni Arman ay nag-iisang anak siya. Higit sa lahat ay nakakapagtakang hindi ko nakita ang half-sister niyang ito sa burol.
Inalis ni Veronica ang shades na kan'yang suot at hindi ko inaasahan ang pagtataray niya sa akin.
"Huwag mo na kaming ipakilala sa bawat isa Sheldon. I am not interested. Attorney Francisco, please start," mataray nitong pagkakasabi.
Itinikom ko ang aking labi pagkatapos ay itinuon ang atensyon sa abogado.
Wala akong ideya kung bakit ako narito. Pinili ko na lamang na makinig sa mga binabasang papeles ng abogado kahit pa wala akong maintindihan 'ni ano man mula doon.
Unti-unti ko na lang itong naunawaan nang marinig na pinamanahan ni Arman ng bahay at lupa si Mang Carpio at Manang Dory.
Kasunod nito ay ang listahan ng mga charity na tinutulungan at patuloy na gustong tulungan ni Arman kahit wala na siya.
Bumaling sa akin si Attorney Francisco bago nagpatuloy sa pagbabasa.
"Ang plantasyon ng cacao, mansyon, kompanya, at natitirang mga ari-arian ay iniiwan ko sa pangalan ni Cassandra Vidal. Siya na ngayon ang bagong mamamahala sa Hacienda Miraflor."
Nanlaki ang aking mata sa narinig. Bumaling ako kay Attorney Sheldon upang sana'y kumpirmahin ang narinig, ngunit naagaw ni Veronica ang atensyon ko nang marahas siyang tumayo.
"What? Are you serious Attorney Francisco? Ako ang kapatid ni Arman, I should be the one to inherit Hacienda Miraflor!" pagtutol nito.
Tinanggihan ko ang pamana ni Arman. Tama si Veronica, kung mayroon man na dapat magmana ng mga naiwang yaman ni Arman ay siya iyon dahil siya ang kadugo at hindi ako. Ayoko na sa huling sandali ay tatanggap ako ng yaman mula sa kan'ya. Hindi ako ang nararapat na humawak ng Hacienda Miraflor dahil wala naman ako sa panahon na binubuo pa lamang ito ng kan'yang ama. Hindi ako bahagi ng hacienda kaya hindi ko lubos maisip na nagawang ipamana sa akin ni Arman ang lahat ng kan'yang ari-arian. Ako na bata pa at walang karanasan sa pagpapatakbo ng isang negosyo. "Sandra, you need to accept it." Nang isang linggo pa ako hinihikayat ni Attorney Sheldon na tanggapin ang pamana ni Arman pero mariin ang pagtanggi ko. Akala ko ba'y ayaw niya sa akin dahil ako ang sinisisi niya sa pagkamatay ng kaibigan niya? Pero bakit narito siya sa aking harapan at nagtatiyagang makiusap sa akin. "Hindi ba't kapag tinanggap ko iyan ay para ko na din pinatuna
Mahirap pagsabayin ang pag-aaral at ang pagtatrabaho sa hacienda.Nagsimula ako sa pinakababa mula sa pagtatanim ng cacao, pag-ani nito at pag-de-deliver sa mga kliyente. Lahat ng ito ay si Mang Carpio ang nagturo sa akin.Pagdating naman sa mga teknikal na bagay ay si Attorney Sheldon ang umalalay sa akin. Labis siyang pinagkakatiwalaan ni Arman dahilan upang sa kan'ya ako ihabilin nito.Tinanggap ko ang responsibilidad bilang bagong tagapamahala ng Hacienda Miraflor. Ayokong sabihin na sa akin na ang kayamanan na iniwan ni Arman, gusto kong itatak sa aking isip na inako ko ito upang mapangalagaan ang hacienda na pinakapinahahalagahan niya.Maluwag na sa loob ko ngayon na akuin ang responsibilidad na naiwan ni Arman.Hindi madali ang pagsisimula ko sa hacienda. Naroon ang pang-aakusang mga titig ng mga trabahador at empleyado."You stole everything that was supposed to be mine! Sa amin ang Hacienda Miraflor. Sigurado akong
Hindi lamang diskarte at talino ang pinabago ni Attorney Sheldon sa akin, maging ang paraan ng aking pananamit ay nag-iba rin.Pinasadahan ko nang tingin ang aking walk-in closet at napahinto sa tapat ng mga nakahilerang damit na pang-opisina. Marami akong biniling mga bagong damit kaya nahihirapan akong pumili kung alin doon.Ang pagsa-shopping lamang kasi ang nagpapawala ng pagod ko mula sa trabaho. Wala akong maraming kaibigan bukod kay Lesie at kay Attorney Sheldon, na maaaring mag-aya sa isang bar o 'di kaya'y outing.Kinuha ko ang pencil cut na light blue skirt at ipinares ito sa puting tank top. Inibabawan ko iyon ng blazer bago bumaba mula sa aking kwarto."Magandang umaga po," bati sa akin ni Kuya Joel, ang dapat sana'y driver ko pero mas madalas nang si tatay ang pinagmamaneho niya ngayon."Nasaan po si tatay?" tanong ko. Palaging wala si tatay dahil kung saan-saan sila nagpupunta ni Vivian. Hindi ko na siya nakakausap man lang kaya sa mg
"I am sorry Miss Cassandra. I was just mesmerized by your beauty. Partida pa na nakabusangot ang mukha mo nang araw na iyon kaya nais ko sana na pangitiin ka. Unfortunately, mukhang nainis pa yata kita. Again, my apologies."Binasa ni Lesie ang sulat na nakapaloob sa bulaklak na mula kay Mateo."Ang taray! May pa-flowers pa si Mr. Supplier," kinikilig niyang komento."Lesie, throw it. Ano'ng akala niya sa akin makukuha ako sa mga gan'yan? This is business! How unprofessional. And don't call him Mr. Supplier dahil sinabihan ko na si Engineer Alba na maghanap ng iba."Hindi ko nagustuhan ang papuring mga sinabi niya sa akin kahapon at ang pagpadala niya ng bulaklak at sulat ngayon.Pakiramdam ko kasi ay ipinamumukha niya sa akin na madali akong mauuto ng matatamis na mga salita at papuri. Hindi niya iginalang ang posisyon ko sa kompanya.Ibinabalik niya ang imahe na mayroon ako noon. At hindi ko nagustuhan ang bagay na iyon.
Panay ang tingin sa akin ni Mateo habang binabagtas namin ang daan patungo sa lugar na sinabi ni Kuya Joel. Mabuti na lamang ay nasundan niya ang mga lalaking kumuha kay tatay."Are you okay?" Sa wari ko ay kanina niya pa ito gusto itanong."Yes, pero pwede mo pa ba'ng bilisan?" Nakita ko ang pag-aalangan niya sa aking kahilingan ngunit sinunod niya pa din ito.Mariin akong kumapit sa seatbelt. Dumoble ang kabang nararamdaman ko. Simula kasi ng maaksidente ako ay binabalot na ng kaba ang aking puso sa tuwing bumibilis ang takbo ng kotseng aking sinasakyan. Pero wala akong choice ngayon kun'di labanan ang takot na ito. Kailangan ako ng aking ama.Itinuro ko kay Mateo ang kotseng dala ni Kuya Joel, na nakaparada sa tabi ng daan."Dito na lang ako. Thank you Mateo. "Hindi ko na hinintay pa ang kan'yang sagot. Bumaba na ako at nagtungo sa kotse kung nasaan si Kuya Joel.Nang makita ako ni Kuya Joel at binuksan niya ang pintua
Dumiretso kami sa ospital pagkatapos ng pangyayari, upang ipagamot ang ilang sugat ni tatay. Pinayuhan lamang siya ng doktor na manatili doon ngayong gabi upang maobserbahan.Pinauwi ko muna si Kuya Joel upang kumuha ng damit ni tatay. Naiwan kami ni Mateo doon."Salamat nga pala sa tulong mo kanina. Can I have your bank account number para mabayaran kita?" Inilabas ko na ang aking cellphone upang sana'y mag-transfer sa kan'ya ng perang ibinayad niya kanina sa lalaki pero umiling siya.Nangunot ang aking noo dahil doon."That man was under the police custody now. He'll be paying the damages kaya maibabalik rin sa akin ang perang ibinayad ko kanina," buong kompyansa niyang sabi.Hindi ko man lang alam na tumawag pala siya ng mga pulis. Natakot kasi akong gawin iyon dahil hawak ng mga armadong lalaki ang aking ama. Gayunpaman, tama ang kan'yang ginawa."Thank you. You can go home now masyado nang malalim ang gabi." Akala ko'y hinihintay niya a
"Bakit kunot na kunot yata ang noo natin dyan?" tanong sa akin ni Lesie habang kinukuha ang mga papel sa aking lamesa.Ibinaba ko ang hawak na cellphone at bumaling sa kan'ya."Ang kulit kasi ni Mateo. Nag-aayang mag-dinner mamaya. Sinabihan ko na nga na mayroon akong dinner meeting, midnight snack na lang daw."Simula nang tinanggap ko ang pakikipagkaibigan sa kan'ya ay araw-araw niya na akong pinapadalhan ng mensahe. Minsan nga ay hindi ko na ito pinapansin subalit kapag naiisip kong iniligtas niya kami ni tatay sa lalaking pinagkakautangan nito ay nakokonsyensya ako, dahilan upang reply-an ko siya.Panay din ang pag-aya niyang lumabas. Mauubusan na nga ako nang dahilan upang tumanggi. Hindi naman kasi kami ganito nina Lesie at Attorney Sheldon bilang magkakaibigan. Kung lumalabas man kami ay tungkol pa din iyon sa trabaho."Excuse me? I am your secretary and base on your schedule written on my calendar, wala kang dinner meeting mamaya," panghuhu
"We have a meeting with Mr. Tayas, owner of Heaven's Cake and Pastry, later 6pm," pagpapaalala sa akin ni Lesie.Nakakatuwa na mayroon na kaming nakakausap na mga kliyenteng nais kumuha ng tsokolate mula sa amin kahit hindi pa man tapos ang pabrika."Until what time?" tanong ko na siya namang pinagsalubong ng kan'yang plakadong kilay. Ngayon lamang kasi ako nagtanong ng ganoon sa kan'ya."Usually hanggang 8pm natatapos ang meeting natin with the client." Sa kabila ng pagtataka ay sinagot niya pa din ang aking tanong.Tumingin muna ako sa aking cellphone upang basahin ang huling mensahe doon."Can you make it until 7pm? May pupuntahan kasi ako."Ang kaninang nagtataka niyang tingin ay napalitan ng nagniningning na mga mata at ngiti sa labi."Dinner date ba ulit 'yang pupuntahan mo? Mukhang iniisa-isa niyo yata ang restaurant sa lugar natin."Hindi ko inaasahan na matutuwa ako ng sobra sa unang dinner namin ni Mateo kaya na