Tinanggihan ko ang pamana ni Arman.
Tama si Veronica, kung mayroon man na dapat magmana ng mga naiwang yaman ni Arman ay siya iyon dahil siya ang kadugo at hindi ako.
Ayoko na sa huling sandali ay tatanggap ako ng yaman mula sa kan'ya. Hindi ako ang nararapat na humawak ng Hacienda Miraflor dahil wala naman ako sa panahon na binubuo pa lamang ito ng kan'yang ama.
Hindi ako bahagi ng hacienda kaya hindi ko lubos maisip na nagawang ipamana sa akin ni Arman ang lahat ng kan'yang ari-arian. Ako na bata pa at walang karanasan sa pagpapatakbo ng isang negosyo.
"Sandra, you need to accept it." Nang isang linggo pa ako hinihikayat ni Attorney Sheldon na tanggapin ang pamana ni Arman pero mariin ang pagtanggi ko.
Akala ko ba'y ayaw niya sa akin dahil ako ang sinisisi niya sa pagkamatay ng kaibigan niya? Pero bakit narito siya sa aking harapan at nagtatiyagang makiusap sa akin.
"Hindi ba't kapag tinanggap ko iyan ay para ko na din pinatunayan ang akusasyon mong gusto ko talaga na mamatay si Arman para makuha lahat ng yaman niya?"
Mariin na napapikit si Attorney Sheldon tila nauubusan na ng pasensya sa akin. Hinila niya ako patungo sa tabi ng mascott stand ng isang kilalang fastfood chain kung saan ako nag-pa-part time job.
Kanina ko pa siya nakitang naghihintay sa akin sa labas hanggang sa matapos ang shift ko.
"I'm sorry, okay? Kailangan ka namin ngayon, kailangan ka ng mga trabahador. Kung hindi mo tatanggapin ang pamamahala sa hacienda, Mr. Morales will take over at sigurado akong makikipagtulungan sa kan'ya si Veronica para makuha ang Hacienda Miraflor."
Masarap sana pakinggan ang sinabi ni Attorney Sheldon, kailangan nila ako, ngunit hindi ko alam kung paano pamamahalaan ang iniwan ni Arman kaya mas mabuti pang huwag ko na lamang itong tanggapin.
"Mas mabuti nga kung mapupunta ito kay Veronica, 'di ba't kapatid naman siya ni Arman. Walang masama doon dahil nasa mabuting kamay ang hacienda kapag nailipat sa kan'ya ang pamamahala."
Napakamot ng ulo si Attorney Sheldon. Hindi niya yata inaasahan na magiging mahirap ang pagkumbinsi niya sa akin dahil hindi ko talaga matatanggap ang pamana mula sa kaibigan niya.
Tinap ko ang balikat niya katulad nang nakita kong ginagawa ni Arman sa kan'ya sa tuwing namomoblema siya.
"Wala akong alam sa pag-ma-manage ng isang negosyo attorney. Sigurado akong babagsak lamang ang hacienda kapag nasa pamamahala ko ito. Pasensya na."
Naglakad na ako paalis ngunit napatigil ng magsalita muli si attorney. Tunay nga na abogado siya. Ayaw magpatalo sa isang argumento.
"Mas mabuti nang nasa pangalan mo ang hacienda, Sandra. Sa oras na malipat ito kay Veronica ay mawawalan ng trabaho ang mga naninilbihan dito dahil balak niyang ipagbili ito sa mga negosyanteng nais magpatayo ng subdibisyon sa lugar."
Ang huling sinabi ni attorney ang hindi nagpatulog sa akin kinagabihan.
Ano ang gagawin ng isang kagaya kong estudyante sa Hacienda Miraflor? Wala akong alam. Kahit pa sabihin ni Attorney Sheldon na gagabayan niya ako sa pagpapatakbo nito ay nakakatakot pa din ito.
Kinabukasan ay hindi na si Attorney ang naghintay sa akin sa labas ng fastfood chain, na pinagtatrabahuhan ko, kun'di si Manang Dory. Siya ang nag-alaga kay Arman simula pagkabata.
"Saksi si Arman sa pagsusumikap ng kan'yang ama na mapalago ang Hacienda Miraflor. Mula sa mayamang pamilya ang ina ni Arman, na si Doña Miraflor, kaya ganoon na lamang ang kagustuhan ng kan'yang ama na mabigyan ito ng katumbas o higit pa sa karangyaan na namulatan nito. Subalit sa hindi inaasahang pangyayari ay maagang itong kinuha ng langit . Binalot ng kalungkutan at hinagpis si Don Victorino. Dahil dito, napabayaan niya ang hacienda. Sa murang edad ay si Arman na ang umako ng pamamahala dito. Mahalaga sa kan'ya ang hacienda dahil ito ang alaala ng magulang niya, kaya nasisiguro kong pinagkakatiwalaan ka niyang tunay para ilipat niya sa pangalan mo ito."
Hindi ko inaasahan na iyon ang sasabihin sa akin ni Manang Salve.
Alam kong mahalaga ang hacienda para kay Arman pero hindi ko alam na mayroon pala itong malalim na kahulugan.
"Aamin kong hindi kita gusto para kay Arman dahil nararamdaman kong hindi mo siya mahal, pero sa tuwing nakikita ko ang saya sa kan'yang mga mata kapag kasama ka niya ay panatag na ako. Minahal ka niya ng buo kahit alam niyang hindi mo kayang tumbasan iyon. Ngayong wala na siya, sana iparamdam mo man lamang na mahalaga siya sa pamamagitan ng pagbibigay ng pag-asa sa mga taong umaasa sa hacienda."
Pag-asa? Ang isang katulad ko ay inaasahan ni Manang Dory na magbibigay ng pag-asa sa mga taga-hacienda? Ganito ba katindi ang pagkadisgusto nilang mapunta kay Veronica ang pamamahala? O baka totoo ang sinabi ni Attorney Sheldon na mayroong maitim na balak ang half-sister ni Arman sa hacienda.
Hindi niya na ako hinayaan pang makapagsalita nang iniabot niya sa akin ang isang nakatiklop na papel kung saan nakasulat ang aking pangalan sa ibabaw.
"Nakita ko ito sa drawer ni Arman. Sana'y makatulong ito sa pagdedesisyon mo."
Pagkatapos kong tanggapin ang sulat ay umalis na siya at naiwan akong tulala sa papel na nasa aking kamay.
Binisita ko ang puntod ni Arman at doon binuksan ang sulat.
Dear Cassandra,
I don't know why I am even writing this letter. Matanda na ako para magbigay pa ng love letter pero gusto kong sumabay sa mga bagay na ginagawa nh mga taong kasing-edad mo. I wish we were born on the same time. Baka kung ganoon ay mamahalin mo ako kaagad.
I am sorry kung ikinukulong kita sa pagmamahal ko, subalit ito ang tama. Ganito rin magmahal si papa kay mama. Nakita ko kung paanong unti-unti siyang minahal ni mama nang lumago ang haciendang mula sa dugo at pawis niya. Kaya nasisiguro kong mamahalin mo rin ako sa takdang panahon.
Ikaw ang gusto kong katuwang sa pagpapalago pa lalo ng Hacienda Miraflor, ikaw lamang at wala nang iba pa.
Mahal kita Cassandra. Mahal na mahal.
Sumasaiyo,
Arman
Who says I don't have a choice? "Kanina pa kita tinatawagan Mateo!" Bakas ko ang inis sa tono ng pananalita ng aking misis. Bumusina ako sa mabagal na pagpapatakbo ng sasakyan sa aking unahan. Mabilis akong nag-overtake dito. Naghuhuramentado na ang asawa ko sa galit. "Mahal, I'm sorry dumaan pa ako sa opisina. You know I can't just leave my job and come over to see you when you call." Napaka-demanding niya nitong mga nagdaang araw. Gusto niya na sa isang tawag lang ay naroon na ako sa tabi niya, kahit pa naroon siya sa probinsya, na dalawang oras ang layo sa Hacienda Miraflor. "Isa pa ay pinahanap mo ako ng mangga." Pinasadahan ko ng tingin ng manggang hilaw na nakalagay sa isang supot ng plastic. Napapailing na lamang ako kapag naaalala kung paano ako humingi nito sa may-ari ng punong mangga na nadaanan ko kanina. Detalyado ang gusto ni Cassandra. Gusto niya ng mangga na mayroong pa'ng tangkay at dahon. Ang tangkay na i
"Cassandra, are you sure about it? Maayos naman na ang lahat. Nakakulong na si Veronica at wala nang banta sa buhay n'yo." Napirmahan ko na ang mahalagang dokumentong hiningi ko kay Lesie subalit iyon pa din ang katanungan niya."Mateo will not accept it for sure," ani Attorney Sheldon na nandito sa opisina dahil kinailangan ko ang kan'yang pirma."Sigurado ako. I think about it a couple of times. Isa pa'y hindi niya na ito matatanggihan dahil pirmado ko na."Pagkatapos ng trabaho ay dumiretso kami ni Mateo sa sementeryo. Sa dami ng mga nangyari ay nararapat lamang na bisitahin namin si nanay at si Arman pati na rin ang ama nila ni Mateo."Daddy. Tatawagin na kitang daddy dahil sabi ni Manang Dory ay iyon din naman ang itinuturo mo sa akin na tawagin ko sa'yo. Dad at kuya Arman, tapos na. We finally beat Ate Veronica and the devil inside her. Malaya at ligtas na ulit ang Hacienda Miraflor na pinaghirapan niyong buuin."Napangiti ako sa sinabi
Hawak-hawak si Veronica at ang gatilyo ng baril ay paatras kaming naglakad ni tatay palabas ng silid. Umaatras ang mga tauhan sa takot na totohanin ko ang pagbaril sa kanilang amo.Hindi ko gustong pumatay dahil masama iyon, subalit sa puntong ito ay desidido na ako.Pagbaba ng hagdanan ay sinalubong kami ng mga tauhan ni Veronica, na nagbabantay sa labas. Subalit kaagad din silang umatras nang makitang bihag ko ang amo nila."'Tay buksan n'yo na po ang pintuan." Utos ko kay Tatay na mabilis niya naman tinugunan."Mga walang kwenta kayo! Kunin n'yo ako sa babaeng ito!" bulyaw ni Veronica sa mga tauhan niya subalit puro porma lamang ng baril nila sa akin ang nagagawa ng mga ito.Tagumpay na nabuksan ni tatay ang pintuan, nang maramdaman ko ang samyo ng hangin sa aking likod mula sa labas."Mateo! Salamat," sigaw ni tatay dahilan upang mabilis akong mapalingon.Marami na ang pulis sa labas at kasama na roon si Mateo. Nakahinga ako nang
Sanay ako na pumirma ng sandamakmak na papeles sa buong araw, subalit ang ipinapagawa ni Veronica ang napakahirap sa lahat.Pinagmasdan ko si tatay, habang kinakalagan ng isa sa mga tauhang ang aking tali sa kamay. Panay ang pagpalag niya sa tauhan na pilit siyang hinahawakan sa braso. Siya at si Mateo na lamang ang mayroon ako. Ayoko na mawala ang isa man sa kanila.Hindi ko maikakaila na nagtanim ako ng sama ng loob kay tatay, dahil minsan sa buhay ko ay hindi siya naging mabuting ama. Iniwan niya kami ni nanay dahilan upang mapilitan akong magtrabaho sa club. Subalit, kagaya nga ng sinasabi nila, everything happens for a reason. Nakilala ko si Arman dahil sa pagtatrabaho sa club, na siyang nagbigay sa akin ng magandang buhay ngayon. Dahil dito ay nakilala ko din si Mateo.Nagawa man kaming iwanan noon ni tatay ay muli niya naman ipinaramdam sa akin ang pagmamahal nang mawala si nanay. Sapat na iyon makabawi siya sa akin."Pirmahan mo na!" sigaw ni Vero
Kanina pa ako pabalik-balik nang lakad sa aking opisina ngunit hindi pa rin ako makapag-isip ng idadahilan kay Cassandra. Ayoko na sana magsinungaling sa kan'ya pero kinakailangan.Tumunog ang aking telepono. Isang mensahe mula may Sheldon. Tinatanong kung nasaan na ako.I suppose I have no choice but to tell a lie. It will be the last, I promise.Mayroong police operation na gagawin sa isang abandonandong bodega. Isang hindi nagpakilalang tao, na nakakita daw kay Veronica, ang nagbigay sa amin ng impormasyon.Ayokong ipaalam iyon kay Cassandra dahil panigurado akong sasama siya. Delikado ang operasyon at nagpumilit lamang kami ni Sheldon sa mga pulis na sumama.Nang pumasok ako sa opisina ni Sandra parang ayoko na lang umalis. Suddenly, I want to go home with her. Subalit hindi ko maaaring palampasin ang pagkakataon na mahuli ang taong nag-iisang hadlang para maikasal ako sa babaeng pinakamamahal ko."I'll meet my siblings." Alam ko'ng maha
Mr. Morales wife was under the witness protection program. Bilang bihag ni Veronica ay nasaksihan niya ang kasamaan na ginawa nito. Humiling sa amin ang abogado ni Mr. Morales na pati ito ay gawing witness subalit si Attorney Sheldon na mismo ang tumanggi.Habang patuloy ang paglilitis sa kaso at paghahanap kay Veronica ay bumalik kami ni Mateo sa trabaho. Ipinasara niya na ang kan'yang negosyo at sa totoo lang ay labis akong nalulungkot para sa kan'ya. Mas madalas na siyang nasa opisina at nagtatrabaho kasama ko."Mahal," tawag niya sa akin nang marahan nitong binuksan ang pintuan ng aking opisina. Kusang gumuhit ang ngiti sa aking labi nang makita siya.It was a stressful but a blessful day. Nagsisimula na kaming tumanggap ng mga bagong kliyente at umaasa kami na magtutuloy-tuloy na ito."Yes?" Tumayo na ako upang ihanda ang aking gamit. Mag-aalas sais na nang gabi."Hindi pa ako uuwi. Pinatawag ko na si Kuya Joel. Siya muna ang maghahatid