Share

Chapter 56

Naging abala ang Hacienda Miraflor sa pag-aayos ng venue kung saan gaganapin ang training at seminar para sa mga magsasaka.

Malaking tulong ito para madagdagan ang kaalaman ng mga trabahador ng hacienda.

"Wala yata si Troy," ani Manang Dory habang nasa kusina kami ni Mateo at kumakain ng meryendang inihanda niya.

Kami lamang ni Mateo ang narito para i-organisa ang aktibidad. 

"Busy po," simple kong sagot.

Sinalinan kami ng tubig ni manang sa aming mga baso bago ito umupo sa harapan namin.

"Ikaw pala si Mateo," aniya habang nakatitig kay Mateo, na tumigil sa pagsubo ng pagkain upang ngitian si manang.

"Opo," tipid na sagot nito.

Hindi ko pa sila pormal na naipapakilala dahil pumupunta rin naman dito si Mateo, sa isip ko'y kilala na siya ni manang.

"Bata pa lamang noon si Arman ay naninilbihan na ako dito sa mansyon. Alam ko kung paano mahalin ni Don Victornino si Doña Miraflor kaya noong nawala ito ay hindi na

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status