Share

Chapter 15

5 years later...

"Siguro ang saya-saya mo kasi araw-araw kang nakakakita ng magagandang artista," sabi kay Zeke ng kaniyang ka-blind date na hindi niya na maalala ngayon ang pangalan.

Pang-ilang blind date niya na nga ba ito sa buwang iyon? Anim? Walo? Hindi niya na tiyak. Ni hindi niya na nga rin maalala ang mga pangalan at mukha ng ilan sa mga naka-date niya.

Kung si Zeke ang masusunod, ayaw niyang pumunta sa mga blind date na iyon ngunit dahil sa ang mga magulang niya ang nag-set niyon, wala siyang ibang magagawa kundi ang sumunod dahil iyon ang hininging kapalit ng mga ito sa kaniya sa hindi niya ginawang pagsunod sa yapak ng papa niya na chairman ng isang malaki at kilalang kompanya. Isa siya sa mga nakahilerang tagapagmana ng kanilang kompanya subalit dahil sa ibang propesyon ang pinili niya ay hindi na siya kabilang sa mga ito.

"Tingin ko mas bagay sa 'yo na mag-artista kaysa maging manager. Ayaw mo ba?" dagdag na sabi pa ng ka-date ni Zeke.

Matipid itong na nginitian ni Zeke ba
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status