Sinundan nila ang video kung saan nakita si nicko. Habang tumatagal itong nag lalakad ay napansin ni andrea na hirap na itong mag lakad at pinipilit lang nito. Katagalan pa ay nanginginig na ang binata. Doon na naalarma si andrea. Pumasok na sa kanyang isipan na inaatake nanaman si nicko ng kanyang sakit. Binalot ng kaba ang kanyang dib-dib ng mga sandaling iyon.Hanggang sa nakita nila na may pinasukang kuwarto ang binata."ma'am, naka check in po ba dito ang asawa niyo?" Tanong ng officer kay andrea. "h-hindi ko po— alam sir eh.. Ah, hindi po kasi kami mag kasama kahapon.. Baka kahapon po nagpa book po siya dito.." tugon ni andrea. "kasi ma'am, mukhang naka check in siya dito, dahil nakita niyo naman po na may susi siya nung kuwartong pinasukan niya.. Kaya malamang po nakapag check in siya dito.." "ah okay po.. Eh sir, pwede ko bang malaman yan, kung saang floor yan at anong room number?.. Mu—mukhang inatake na naman po ata ang asawa ko.. Kailangan mapuntahan ko siya agad..""o
Naisip ni andrea na kung magre resign siya ay paano na ang kanyang amo. Ngayon pa na pinag kakatiwalaan siya nito.Isang malalim na buntong hininga ang pina kawalan ni andrea. Nag pasya siya na hindi na muna magre resign. Hangga't kaya niyang gampanan ang pagiging secretary niya dito at kaya niya pang tiisin ang kanyang mga pinag dadaanan ay sige tuloy lang siya.Matapos makapag isip ni andrea ay muli niyang tinapik si nicko sa braso nito habang tinatawag ang pangalan. Hindi naman na nabigo si andrea dahil dahan-dahang iminulat ni nicko ang mga mata nito. Pagka mulat ay sinabihan agad ito ni andrea na lumipat na ng kama. Tango lang ang itinugon ni nicko sa kanya.Ubod lakas niya itong itinayo. Nilagay niya ang isang braso ni nicko sa kanyang balikat habang hawak ito sa bewang. Pinilit naman ng binata na bigyang lakas ang kanyang mga tuhod upang maka tayo.Nang ganap ng mailipat ni andrea si nicko sa kama ay nag hanap na siya ng panlinis upang matanggal ang mga kalat na suka ni nicko
"okay nicko.." "Better hearing andrea.. "At muli itong tumawa. "okay ka na? Maya-maya uuwi na tayo.. Pero syempre kumain muna tayo, bago tayo umalis dito..." Matapos na sabihin iyon ni nicko ay may tinawagan ito sa kanyang cellphone. May mga sampung minuto lang ang lumipas ay may dumating na mga waiter na may dalang mga pagkain.Nang mailapag na lahat ng inorder na pagkain ni nicko para sa kanila ay agad na rin silang kumain.Matapos silang kumain ay nagpahinga lang sila ng ilang minuto ay nag yaya na si nicko na umalis na sila ng hotel. Gusto pa sanang Ihatid ni nicko si andrea sa inuupahan nitong bahay. Ngunit ang dalaga na mismo ang tumanggi na mag pahatid pa kay Nicko. Aniya, walang kasamang driver si nicko at baka kung may masamang mangyari nanaman dito. Hindi mapilit ni nicko si andrea, kaya ibinaba niya nalang ito kung saan may malapit nang masasakyan si andrea. Hindi naman dumiretso sa kanyang condo unit ang binatang si nicko, sa halip ay nagpasya itong pasyalan ang kan
"ah basta ate ha.. Promise mo yan ha.. Kapag malaki na ipon mo kukunin mo na ako dito kina tiya.. Ayaw ko na talaga dito ate.." Bumuntong hininga ng malalim si andrea bago ito sumagot sa kanyang kapatid. "oo sige.. Promise ko yan sayo, basta maka ipon lang ako ng malaki dito ay kukunin na kita diyan.. Basta lang huwag kang magpa pasaway diyan kay tiya ha. Bayaan mong ang mga anak niya ang pasaway, basta ikaw huwag kang magpa pasaway kay Tiya. Nakakahiya naman kasi kung pati ikaw na hindi niya naman anak ay magpa pasaway pa sa kanya.. Mag tiyaga ka na muna diyan dom ha.. Sa ngayon hindi pa tayo pwedeng mag sama.. Ang pag aaral mo ha, pagbutihan mo pa.. Isipin mo palagi ang mga pangarap sa atin ni inay at itay.. "" opo ate.. Huwag kang mag alala te, hindi ko naman pina pabayaan ang pag aaral ko eh.. Kasama pa nga ako sa may mataas na grado ngayon sa eskwela eh.. "" wow, congrats bunso! Ipag patuloy mo yan ha.. Kung nasaan man ngayon sina itay at inay ay tiyak natutunan sila sayo.. "
Makalipas lang ang isang oras ng pag hihintay ay lumabas na rin ng kanyang opisina si nicko. Nagulat pa ito ng sa kanyang pag labas ay nakita niya pa si andrea na naka upo parin sa table nito at may kinakalikot sa kanyang laptop."oh why are you still here? Diba sinabi ko na sayo kanina pa na mauna ka ng umuwi.." Saad ni nicko, habang nag lalakad ito palapit kay andrea. "ay, nandiyan ka na pala sir.. Okay lang po.. Nahihiya naman po akong iwan kayo.. At tsaka wala naman din po akong gagawin sa bahay pagka uwi.." Tugon ni andrea kay Nicko na hindi nito na pansin ang paglabas ng kanyang boss. Naka yuko kasi ito habang naka tingin sa screen ng kanyang laptop. Nang nasa tapat na ng table ni andrea si nicko ay huminto ito sa pag hakbang. " okay sige na.. Let's go, sumabay ka na sa akin.." Saad ni nicko habang naka hawak ang isa niyang kamay sa kanyang bewang. Tumango naman dito si andrea at isinara na ang kanyang laptop, sabay tayo na rin sa kanyang kinauupuan.Nakita niyang nauna ng
Nang makalabas ng kuwarto si andrea ay muling nag tanong si nicko sa kanyang ina. "mom, ano nga pong kailangan niyo bakit kayo na parito?.." "anak, wala naman.. Gusto ko lang makita kung okay ka rito sa opisina mo.." "mom,hindi ako naniniwala na yan lang ipinunta niyo rito?.." Tugon ni nicko sa kanyang ina at umupo ito sa kanyang swivel chair. Gayun din ang kanyang ina, umupo ito sa coach na malapit sa table ng kanyang anak at inikot ang paningin nito sa kabuuan ng opisina ng kanyang anak."actually kasi anak, may pinuntahan akong kumare ko na malapit lang dito.. Kaya naisipan kung pasyalan tong opisina mo.. I'm so proud of you anak.. Na palago mo ng maayos tong kumpanyang iniwan sayo ng daddy mo.. Nakita ko nga knina mas dumami pa ang mga empleyado mo.. Gusto ko rin sanang pasyalan ang opisina ng ng tito Efren mo.. Kaso wala pala siya dun.. Tinawagan ko siya, pero hindi naman sumasagot.. Mabuti nalang at kahit hindi kita sinabihan kanina na pupunta ako, ay nandito ka naman.. "Pa
Nang mga sandaling iyon ay kakauwi lang ng bahay ni donya helen. Totoo naman kasing may kaibigan siyang pinuntahan malapit lang sa opisina ng anak niya. Pero ng oras na iyon ng dumaan siya sa opisina ng anak niya ay hindi pa siya nakaka punta sa bahay ng kanyang kaibigan, tsaka lang siya pumunta matapos nilang kumain ni nicko ng tanghalian.Naisip niya na mabuti nalang at mukhang naniwala naman sa kanya ang anak niya ng sinabi niyang may pinuntahan siyang kaibigan na malapit sa opisina nito, kaya naisipan niyang pasyalan ang kanyang anak. Pero ang totoo niyan, ay si andrea talaga ang gusto niyang makita at makausap. Buo na ang kanyang loob na hanapan nalang ng matinong babae ang kanyang anak na makakasama nito habang buhay. Marami namang nag kaka gustong babae sa kanyang anak, doon pa lang sa village nila ay marami ng babaeng nag papa pansin kay Nicko, ang anak niya lang ang ayaw at nagpapaka suplado. Marahil nga ay takot pa itong muling makipag relasyon. Si andrea ang babaeng pumas
Sakto naman ng mailigpit na ni andrea ang kanyang mga pinag kainan, ay tumunog ang kanyang cellphone. Mabilis niya itong sinagot medyo basa pa nga ang kanyang kamay ng damputin niya ang kanyang cellphone na naka lapag sa lamesa. "hello iha.." Ang kanyang Tiya ang tumawag. "hello Tiya, kamusta ho? Kamusta ang kapatid ko?..""okay na siya iha.. Naka uwi na siya kanina habang mag kausap tayo.. Mabuti nga at nakita siya ng dalawa kung anak.." "tiya loren, paka usap ho ako sa kapatid ko.." "okay iha, sandali lang tatawagin ko.." "Dominic parini ka muna at gusto ka raw maka usap ng ate mo.." Narinig ni andrea na tawag ng kanyang tiya sa kanyang kapatid. Mga ilang segundo pa ang lumipas ng marinig niya na ang boses ng kanyang kapatid sa kabilang linya. "hello ate..." Tinig ni Dominic na parang maiiyak ito."dom, kamusta ka? Hindi ka raw umuwi kagabi sabi ni Tiya loren.." "opo ate.." Narinig niyang umiiyak na ang kanyang kapatid sa kabilang linya. "oh bakit ka umiiyak? Ano bang n