Share

My Trillionaire Boss is my Baby Daddy
My Trillionaire Boss is my Baby Daddy
Penulis: VERARI

Kabanata 1

Penulis: VERARI
“Hmmm…”

Mahinang napaungol si Klaire Limson nang maramdaman ang kung ano’ng mamasa-masang haplos sa kanyang leeg. Ang init ng hininga ng lalaki ay gumapang sa kanyang tainga.

“S-sino ka…?” Bumungad ang tanong sa isipan ni Klaire habang pinipilit niyang imulat ang mga mata. Ngunit malabo ang kanyang paningin dahil sa tama ng alak.

“Ahhh…” daing ni Klaire nang maramdaman ang matigas na laman na sinusubok siyang pasukin mula sa ibaba.

“N-No. Huwag…” iyak niya. Alam niyang hindi ito dapat mangyari.

Sa narinig ay sandaling huminto ang lalaki, animo’y nag-aatubili. Subalit mas malakas ang pagnanasa nito at hindi na kayang magpigil pa.

“T-Tigilan mo ito…” Bahagyang tinulak ni Klaire ang dibdib ng lalaki, ngunit wala siyang kalakas-lakas.

Dahil sa kanyang pagtanggi, inilagay ng lalaki ang kanyang mga kamay sa itaas ng kanyang ulo.

“I’m sorry, but I don’t think I can stop now.” Malalim at nakakabighani ang boses ng lalaki na lubos na nagpatinding ng kanyang balahibo.

"Ahh..." Lalong lumaki ang mga mata ni Klaire nang maramdaman ang matinding sakit at kakaibang pakiramdam na bumabalot sa kanyang katawan.

Tumulo ang mga luha mula sa kanyang magaganda at nagsusumamong mata.

‘Hindi… hindi ito dapat….’ sigaw ng kanyang isipan.

Lumandas sa kanyang mga pisngi ang kanyang malilinaw na luha. Hindi siya sigurado kung kilala niya ang lalaki sa kanyang ibabaw. Ito ba ang fiance niyang si Miguel? Hindi niya alam. Pero nawala ang tanong na iyon sa kanyang isipan nang biglang lumakas ang pagbayo ng lalaki.

“Ahh!” Hindi na napigilan pa ni Klaire ang mapaungol sa sarap. "N-No… H-Hindi…”

Naghalo ang kanilang mga halinghing sa apat na sulok ng kwartong kung nasaan sila hanggang sa marating nila ang rurok ng kaligayahan.

Sa sandaling iyon, marahang hinagod ng lalaki ang pisngi ni Klaire at pinunasan ang kanyang mga luha.

“Don’t worry,” bulong ng lalaki sa kanyang tainga. “...I’ll take full responsibility of this.”

***

“HA!”

Bumukas ang mga mata ni Klaire nang maramdaman niya ang hirap sa paghinga. Mabilis siyang naupo at pinunasan ang pawisang noo.

“Ano ba ‘yung panaginip ko?” aniya sa sarili ngunit nang alisin niya ang kumot na nakabalot sa kanya ay agad siyang namutla.

Wala siyang katiting na suot!

“Nasaan ang mga damit ko—”

Bago pa man niya matapos ang sasabihin, nakita niya ang kanyang red na dress na nakakalat sa sahig. Pati ang kanyang bra’t panty ay nakakalat sa kabilang sulok ng kwarto.

Habang naguguluhan at abalang nakatitig sa kanyang mga damit, may narinig siyang malalim na ungol sa tabi niya.

“Hmmm…”

Nanigas si Klaire sa kinauupuan. Parang tambol ang kanyang puso. Alam niyang hindi siya mag-isa sa kwartong ‘yon!

Dahan-dahan niyang nilingon ito, at halos mapatalon siya nang makita ang isang estrangherong lalaking nakatalikod sa kanya. Tulad niya ay wala itong kasaplot-saplot!

‘Anong nangyari? Nakipag-sex ba ako sa kanya?!’

Namutla si Klaire sa naisip at sinubukang balikan ang mga nangyari kagabi.

Naalala niyang inimbitahan siya ng kapatid na si Kira sa isang bridal shower sa hotel bar dahil ikakasal na siya sa loob ng dalawang linggo. Nang una ay tumanggi siya dahil hindi naman siya sanay sa mga ganung lugar, ngunit pinilit siya ni Kira.

Sa hotel bar, unang beses siyang nakainom ng alak at sobrang nalasing. Pinilit niya ang kapatid na umuwi, ngunit hindi pumayag si Kira at nagpatuloy sa pagpa-party.

Para manumbalik ang kanyang wisyo, nagtungo siya sa restroom para maghilamos. Ngunit bago pa man siya makapasok, nawala na ang kanyang malay.

At ngayon, nasa hotel room siya kasama ang isang lalaking hindi niya kilala!

‘No… hindi ito pwedeng mangyari!’ sigaw ng kanyang puso, natatakot na may makakaalam sa nangyaring ito sa kanya.

Ikakasal siya sa loob ng dalawang linggo kay Miguel Bonifacio - ang kanyang first love at natatanging lalaking pinili ng kanyang Lola Georgia. Kung may makakaalam sa nangyari sa kuwartong ito, siguradong masasaktan si Miguel, magagalit ang kanyang ama, at makakansela ang kasal!

Hindi siya papayag na mangyari ang mga ito. Gustung-gusto niyang pakasalan si Miguel—ang kanyang kababata at lalaking minamahal!

Sa mga pag-iisip na iyon ay nakapagdesisyon si Klaire.

‘Kailangan kong makatakas dito!’

Mabilis na bumangon si Klaire at isinuot ang mga damit na nakakalat sa sahig. Ni hindi niya ininda ang hapdi sa maselang bahagi ng kanyang katawan kada galaw niya.

Pagkatapos magbihis, nagmadali siyang lumabas ng hotel at sumakay ng taxi pauwi. Nagdilim ang kanyang paningin sa dami ng gumugulong tanong sa kanyang isipan.

Paano nangyari ang bagay na ‘yon? Bakit wala siyang maalala pagkatapos niyang pumunta sa restroom?

At higit sa lahat... nasaan si Kira nang mangyari ito sa kanya? Nangako pa naman ito sa kanya na babantayan siya nito!

Patuloy ang pag-iyak ni Klaire habang nasa taxi, hindi pinapansin ang mga tanong ng driver na nag-aalala sa kanyang kalagayan. Nakatuon lang ang kanyang isip sa takot na harapin ang pamilya at ang kanyang fiance.

Nang maalala ni Klaire ang gwapong mukha ni Miguel, lalong humagulgol ang dalaga. Pakiramdam niya ay sinasakal siya ng kanyang kunsensya.

"Miguel... patawarin mo ako," bulong niya nang may panghihina.

Napakabait ni Miguel sa kanya, pero anong iginanti niya rito ay walang iba kundi ang pagtataksil!

Ilag sandali pa ay tumigil ang taxi sa harap ng kanilang gate. Lihim siyang dumaan sa likod ng kanilang mansion dahil ayaw niyang may makakita sa kanya at malaman na hindi siya umuwi buong gabi.

Ngunit sa pagbukas pa lang niya ng pinto, nakatindig na roon si Theodore Limson, ang kanyang ama.

"P-Papa?" pabulong niyang tawag dito. "Papa, akala ko po ay nasa opisina—”

*PAK*

Bago pa man siya makapagsalita, sinampal siya nang pagkalakas-lakas ng kanyang ama. Kitang-kita sa mga nagdidilim nitong mga mata at kunot na noo ang matinding galit at pagkabigo.

“Ang kapal ng mukha mong humarap sa akin matapos ang lahat ng nangyari!”
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Jen Aras
hayssss,kala ko mas mahaba ang mababasa ko Pag Nai diwnload
goodnovel comment avatar
Windy Sabanamontejo
next episode po
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • My Trillionaire Boss is my Baby Daddy   Kabanata 383

    At ngayon, tinatanong pa nito ang isang bagay na obvious naman, kaya wala nang ibang masabi pa si Klaire. KNOCK. KNOCK. KNOCK.Ang katong na ‘yon ang pumutol sa katahimikan ng silid. Dali-daling binuksan ni Klaire ang pinto at napasinghap nang makita sina Enzo at Mark na nakatayo mula sa labas. “H

  • My Trillionaire Boss is my Baby Daddy   Kabanata 382

    “A-no ang nangyari?” Gulat at litong-lito si Klaire.Niloko lang ba siya ni Rage nang sabihin nito na malala na ang lagay ng Papa niya?Pero, alam niyang hindi marunong umarte ang isang Theodore Limson. Totoo ang pagkalito na nakikita niya sa mukha nito. Marahil ay talagang nagising ang Papa niya da

  • My Trillionaire Boss is my Baby Daddy   Kabanata 381

    Nag-uunahan ang isip ni Klaire. Hindi siya puwedeng mahuli. Hindi niya kayang mawala ang kanyang ama.Para bang sinasaksak siya ng sakit sa dibdib sa isiping maaari itong mamatay anumang oras… Matapos malaman ang katotohanan tungkol sa Mama niya, nagbago ang Papa niya. Isa rin itong biktima. Walang

  • My Trillionaire Boss is my Baby Daddy   Kabanata 380

    “Anong sinabi mo?” Hindi lamang si Rage ang natigilan, kundi pati si Klaire na palihim na nakikinig ay lubos na nagulat.“You must have thought that Klaire was the only one who told me about the drug results, right?”Nanlaki ang mga mata ni Klaire. Halos mapatalon siya mula sa pinagtataguan upang t

  • My Trillionaire Boss is my Baby Daddy   Kabanata 379

    Ayaw niyang i-pressure ang asawa. Alam niyang natural na mararamdaman ng puso ni Klaire ang pagmamahal na ‘yon sa tamang oras. “Hinihintay kita na matapos mag-shower,” sabi ni Klaire. “Bakit mo naman ni-lock ang pinto?”May munting ngiti na kumawala sa labi ni Rage. “Why? Are you going to tease me

  • My Trillionaire Boss is my Baby Daddy   Kabanata 378

    “So, how’s my father-in-law now?”Napabuntonghininga ang doktor. “Hopefully, makalagpas si Mr. Limson sa critical period na ito ngayong gabi. Napakataas ng concentration ng content ng drugs na ininom niya, meaning hindi lang isa o dalawang tableta ang ininom niya.”Naunawaan agad ni Rage ang ipinah

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status