SABRIA POV
PAGMULAT ng mata ko medyo madilim pa sa paligid pero mabigat pakiramdam ko, hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog kagabi pero hanggang ngayon parang lalagnatin ako, pinilit ko bumangon para pumunta sa banyo at unti unti kung hinakbang mga paa ko patungo sa pinto ng aking banyo, pag bukas ko sa pinto ng banyo muntik na akong matumba, kung hindi rin lang ako nakakapit sa hawakan ng pinto baka natumba na ako. Nahihilo ako na parang naduduwal, pinikit ko muna saglit mga mata ko baka sakaling gumaan pakiramdam ko. At ng pakiramdam ko nawala ang hilo ko saka ako dumilat at dumiretso sa loob ng banyo saka ko na ginawa ang mga dapat kung gawin sa loob. Pagkalipas ng mga ilang minuto habang nag toothbrush ako may narinig akong katok mula sa pinto ng akin kwarto,"Sino yan?" tanong ko"sis ako to" sagot ni sabrina. Tinapos ko lang ang pag toothbrush ko at saka ako dahan-dahan naglakad palabas sa banyo papunta sa pinto ng aking kwarto para pagbuksan ng pinto nabungaran ko kakambal ko na si Sabrina, dahil sa ugali kung nag la lock ng pinto ng kwarto kapag natutulog ako, eh hindi naman siguro sya nainip."Can we talk?" tanong ng kakambal ko pagkabukas ko ng pintuan"At this early? Bakit ano meron?" nagtatakang tanong ko, habang sapo ang noo at niluwagan ko ang pagkabukas ng pintuan para makapasok si Rina."Bibisita kasi ako kay Lyn sa hospital, baka gusto mo sumabay sakin sa pagbisita sakanya. Sabi mo kasi hindi ka pa naka bisita mula ng manganak si Lyn" paliwanag ni Rina. Si Renalyn o Lyn ay first cousin namin, anak ito ni tito Philip na kapatid ni daddy."okey, sasabay ako sayo" tipid kung pagsang-ayon. Kala ko kung ano."At isa pa pala tatanong ko lang kung alam mo? tumigil sa pagsasalita si Rina sa pagtatanong nya."what? ang alin tinutukoy mo? nagtatakang tanong ko."Tungkol sa kumpare daw ni papa na babalik dito sa Pilipinas para daw ipa kasal sa isa sa ating magkakapatid" paliwanag nya, sabay iling ko na nakatitig sa kanya, nakita ko sa mukha nya na seryoso naman siya sa sinasabi nya pero wala ako nasasagap na balitang ganun dahil nag tatrabaho ako mismo sa kompanya ni daddy."Are you okey sis parang namumutla ka? may sakit ka ba?" nag aalalang tanong nya at sabay hawak sa noo ko ni sabrina."Medyo masama lang pakiramdam ko kanina, pero okey naman na ngayon" sagot ko"Hindi ka naman mainit pero namumutla ka" puna nya at sa nag-aalala tono ng boses."Hayaan mo na mawawala rin to maya maya lang" tugon ko at tumalikod ako para lumapit sa isang side ng aking kama at umupo ako ng dahan-dahan. "Yang sinasabi mo? wala akong nababalitang ganyan, baka may ng go good time lang sayo" paglilinaw ko sakanya. At humakbang sya papalapit sakin."Baka nga tsismis lang yon, teka mag pa check up ka kaya mamaya pag punta natin sa hospital, baka ano na yan, maputla ka eh" sohisyon ni nya, naisip ko tama si sabrina baka kung ano na tong nararamdaman ko kailangan ko na mag pa check up nong isang araw pa laging masama pakiramdam ko."Sige mag papa check up ako pagkagaling natin bumisita kina Lyn" pag sang-ayon ko kay rina, dahil hindi ko alam kung ano na tong nararamdaman ko."hmm sige na wait kita sa baba mag almusal muna tayo bago tayo umalis " suhestiyon ni Rina, at tumango lang ako sakanya at sinabi ko na mag-prepare lang ako saglit at nagpa alam na sya para makapaghanda rin sya sa sarili niya at lumabas na nga ito sa aking kwarto.Sa hospitalHindi ako makapagsalita, hindi ko alam kung ano nararamdaman ko, natutuwa na naiiyak na natatakot dahil sa nalaman ko mula sa doktor na sumuri sakin dahil sa 6 weeks na akong buntis, kahit ang kakambal ko walang kibo sa narinig mula sa doktor. Ang unang pumasok sa isip ko ay si mommy dahil subrang taas ng expectation nya mula sakin, sinabi pa nya noon na hindi ako gagaya sa iba ng mga babaing disg***yada, suwail na malandi pero ito ako ngayon nabuntis.Napatingin ako sa kakambal ko, na mukhang nag-aalala sakin, naisip ko ang bait nya pa rin sakin kahit pina paratangan na s'ya ni mommy na suwail at di sumunod sakanya eh todo support pa rin sakin na ang totoo dapat ako ang tumatanggap ng sermon ni mommy dahil ako naman ang may gawa dahil puro patago at tumatakas ako sa bahay, Nang makita ako sa bar isang beses na naglalasing kala ni mommy si sabrina yong nasa larawan eh pero ako yon. Pasalamat pa rin ako kay sabrina dahil kahit nasisira sya sa paningin ni mommy hindi nya ako sinusumbong na ako ang pumupunta sa mga bar para mag walwal pero paano na ngayon to paano ko itatago ang pagbubuntis ko."Be strong sis, para sa magiging baby mo, and remember I'm here" pagpapatatag loob sakin ni Rina sabay haplos sa nya sa likod ko, na touch ako ng subra sa sinabi ng kakambal ko sakin medyo umayos pakiramdam ko na kahit sama ng mga ginagawa ko nandito parin siya sa tabi ko na nagpapalakas ng loob ko, habang tumutulo na luha ko sa sinabi niya.Hindi ko alam ang gagawin ko dahil hindi ko boyfriend ang ama ng pinagbubuntis ko, isang aksidente lang ang nangyari, dala lang ng kalasingan kaya ito na may nabuo pala sa isang beses na malasing kami pareho at alam ko rin may girlfriend yong lalaki na yon, ano pala matatawag sakin? isang kabit, hindi ko matatanggap yon, habang lumuluha ako sinabi ko sa sarili ko na 'Bubuhayin kita baby, ipaglalaban kita at magiging mabuti akong nanay sayo' habang hinahaplos ko ang wala pang umbok na aking tyan.Nakapag pasya ako na kailangan ko lumayo, ayaw kung masira ang pamilya ko, ayaw kung ma disappoint sina mommy at daddy sakin.Kaya naka buo na ako ng disisyon, aalis ako at magpakalayo-layo, hindi nila pwedeng malaman na ganito kalagayan ko dahil masisira ang magandang image na iniingatan ng pamilya namin.Sana maging maayos ang lahat.SABRINA'S POV Kasalukoyang umuulan nakatingin ako sa malayo at parang may nakatingin sa akin kaya naman tumingin ako sa paligid kung may ibang tao na narito ngayon. Naipit ako ng malakas na ulan dito ngayon sa isang waiting shed habang naghihintay ng aking sundo. May tumigil na sasakyan sa tapat ng kinatatayuan ko bumukas ang pinto ng driver's seat at naglabas ito ng payong at naglakad papalapit saakin. Nagtaka ako kung bakit ang mukha ni Jake ang nakikita ko ngayon na papalapit sakin habang naka ngiti. "Kilala niya ba ako?" tanong ko sa sarili ko. "J-Jake" tawag ko rito sa mahinang boses. Unti-unti ko ng binuksan ang aking mga mata at ang bumungad sa akin ay isang puting kisame na hindi pamilyar sa akin. Bumangon ako sa pagkakahiga at tumingin ako sa paligid at na komperma ko na ito ang kwarto na nasa japan kami ng aking asawa na si Tyrone Jake. Panaginip lang pala iyon pero sabi ng kalahati ng utak ko ay parang totoong nangyari. Hindi ko alam kung bahagi ba iyon ng alaala ko
SABRINA'S POV Ala siete na ng gabi ng maisipan kung kumain na ng hapunan dahil nakaramdam na ako ng gutom. Nakapagluto na rin ako hindi ako nakapag meryenda sa opisina kanina dahil wala ako gana lumuwas dahil sa dami din na problemang dumating sa araw na ito. Habang kumakain ako ay naalala ko ang best friend ko si Sarah kaya kinuha ko phone ko at nag video call ako ipinatong ko ang phone patayo habang nag riring ito. "Hi besh kumusta?" sagot nito sa kabilang linya. "Hi I'm eating my dinner" at itinaas ko phone para makita ang kinakain kung adobong manok with rice. "See" "Sarap naman, sa bahay nalang ako kakain with mom, nandito pa ako sa shop ngayon." itinutok nito sa shop ang camera at nakita ko may mga customer pa nga doon. "Napatawag ka? may problema ba?" "Medyo, wala nga ako ganang kumain pinipilit ko lang for my baby on my tommy." pinalakihan ako nito ng mata. "Oh really magiging ninang na ako, buntis ka?" tanong nito na naka ngiti at tina nguan ko lamang ito. "Hulaan ko
SABRINA'S POV "Wala kang oras sakin! Tapos ito makikita kitang kasama mo itong babaing ito hatid sundo mo pa talaga!" sigaw at galit na galit na babae na nakaupo at nakikipagtalo sa katabing driver dito sa loob ng sasakyan habang nakatingin ako sa kanilang sagutan at pagtatalo. "Stop this non sense! she's my cousin! wag mo siyang pagselosan ibinilin siya ng kuya niya sakin " paglilinaw ng lalaki sa babae na nobya nito. Nakita ko ang pagtapik at pagsuntok ng babae sa braso ng lalaki habang nagmamaniho ng sasakyan. Inaangat nito ang brasong pinapananggalang sa pagsampal ng babae kundi niya ito ginawa tatama ito sa mukha ng lalaki. "Wag na po kayo mag away ate mag pinsan talaga kami ni kuya Santy" sabat ko sa nag aaway na dalawa sa unahan ko. "Stop! Hindi kita kinakausap!" tiningnan niya ako ng matalim. " Kasabwat ka sa mga kalokohan nitong lalaking ito! Ako hindi niya mahatid sundo tapos ikaw!" pasigaw at matalim na naka tingin sakin at sinusuntok ng babae ang braso ng lalaki na kasa
SABRINA'S POV Lumipas ang mga araw hanggang linggo. Naka luto na ako ng dinner namin ni Tyrone at nakapaghain na sa hapag kainan pero wala pa ang aking asawa. Kaya tinawagan ko ito pero hindi sinasagot ang mga tawag ko mula pa kanina. Kaya napagpasyahan kung mag iwan ng mensahe dito. To Tyrone: Where are you? our dinner are ready. Paglipas ng sandali tiningnan ko ang oras sa wall clock pasado alas nuebe na ng gabi pero wala pa ang asawa ko at tiningnan ko ang phone ko kung may text or chat na siya pero ni isa wala man lang. Nakaramdam na ako ng gutom kaya nauna na akong kumain at pagkatapos kung kumain tinakpan ko na lang muna mga ito sa mesa ang mga niluto ko kung adobong manok at iinitin ko na lang ang tinola mamayang pagdating ni Tyrone. Hinugasan ko ang pinagkainan ko at mga ginamit ko sa kusina kanina. Umakyat na ako sa kwarto at naligo para mapreskuhan bago matulog. Natapos ko na ang aking night routine pero wala pa rin ang asawa ko. Tumambay na lang ako sa sala at doon k
SABRINA POV Nagising ako na madilim pa ang paligid at naramdaman ko na may mabigat na bagay na nakadagan sa tiyan ko. Kinapa ko ito at isa itong braso ng tatanggalin ko na gumalaw ito kaya hindi ko na muna itinuloy na alisin. Pakiramdam ko parang uminit ang mukha ko. Ngayon lang ako nagising na may nakayakap sakin. Kaya pinilit kung ipikit ang mga mata ko para matulog ulit. Naramdaman ko na lang na bumigat na ang talukap ng mga mata ko at nakatulog. Nagising na lang akong maliwanag na. Kaya bigla akong napabalikwas ng bangon. Parang ang haba ng tulog ko ngayon. Hinanap ng mga mata ko ang phone ko at napansin ko mag-isa na lang ako sa kwarto. Kinuha ko ang phone sa may side table ko. Tiningnan ko ang oras at ala syete na ng umaga kaya nagmadali akong pumasok sa banyo para maligo at mag ayos ng sarili. Wala naman kami trabaho ngayon kaya hindi ako nag alarm ng phone ko. Nang sa paningin ko ay ok na amg sarili ko ay lumabas na ako ng kwarto. Pababa na ako ng hagdan ng makita kong
SABRINA POVNang pumatak ang alas tres ng hapon tiningnan ko ang phone ko kung may chat o email sakin ang aking asawa. Dapat nakabalik na siya dito sa opisina sa oras na ito pero wala pa rin. Wala naman ito naka schedule ngayong hapon.Kaya pinaalala ko na may dinner kami sa bahay at tinanong kung makakasama sakin o magsasabay ba kami sa pagpunta pero walang tugon sa mga chat ko dito.Ala sais ng hapon nakauwi na ako saming bahay sa Bria subdivision. Nakaligo bihis na ako't lahat wala pa si Tyrone. Pagpatak ng ala syete e medya nag desisyon na akong umalis at mauna sa pagpunta sa bahay ng parents ko.Hindi ko alam kung uuwi ba siya dito sa bahay o ano. Nakakainis ang wala man lang reply sa mga chat ko sa taong yon. Kahit mga tawag ko hindi sinasagot.Pagdating ko sa bahay ng parents ko ay nakahain na ang mesa para sa hapunan. Nasa kusina si mama Ng madatnan ko. Kinausap ko si mama na wag sasabihin saking asawa na si Tyrone na hindi ako si Sabria na dapat na pinakasalan nito.Nakausa