SABRINA POV Nagising ako na madilim pa ang paligid at naramdaman ko na may mabigat na bagay na nakadagan sa tiyan ko. Kinapa ko ito at isa itong braso ng tatanggalin ko na gumalaw ito kaya hindi ko na muna itinuloy na alisin. Pakiramdam ko parang uminit ang mukha ko. Ngayon lang ako nagising na may nakayakap sakin. Kaya pinilit kung ipikit ang mga mata ko para matulog ulit. Naramdaman ko na lang na bumigat na ang talukap ng mga mata ko at nakatulog. Nagising na lang akong maliwanag na. Kaya bigla akong napabalikwas ng bangon. Parang ang haba ng tulog ko ngayon. Hinanap ng mga mata ko ang phone ko at napansin ko mag-isa na lang ako sa kwarto. Kinuha ko ang phone sa may side table ko. Tiningnan ko ang oras at ala syete na ng umaga kaya nagmadali akong pumasok sa banyo para maligo at mag ayos ng sarili. Wala naman kami trabaho ngayon kaya hindi ako nag alarm ng phone ko. Nang sa paningin ko ay ok na amg sarili ko ay lumabas na ako ng kwarto. Pababa na ako ng hagdan ng makita kong
SABRINA'S POV Lumipas ang mga araw hanggang linggo. Naka luto na ako ng dinner namin ni Tyrone at nakapaghain na sa hapag kainan pero wala pa ang aking asawa. Kaya tinawagan ko ito pero hindi sinasagot ang mga tawag ko mula pa kanina. Kaya napagpasyahan kung mag iwan ng mensahe dito. To Tyrone: Where are you? our dinner are ready. Paglipas ng sandali tiningnan ko ang oras sa wall clock pasado alas nuebe na ng gabi pero wala pa ang asawa ko at tiningnan ko ang phone ko kung may text or chat na siya pero ni isa wala man lang. Nakaramdam na ako ng gutom kaya nauna na akong kumain at pagkatapos kung kumain tinakpan ko na lang muna mga ito sa mesa ang mga niluto ko kung adobong manok at iinitin ko na lang ang tinola mamayang pagdating ni Tyrone. Hinugasan ko ang pinagkainan ko at mga ginamit ko sa kusina kanina. Umakyat na ako sa kwarto at naligo para mapreskuhan bago matulog. Natapos ko na ang aking night routine pero wala pa rin ang asawa ko. Tumambay na lang ako sa sala at doon k
SABRINA'S POV "Wala kang oras sakin! Tapos ito makikita kitang kasama mo itong babaing ito hatid sundo mo pa talaga!" sigaw at galit na galit na babae na nakaupo at nakikipagtalo sa katabing driver dito sa loob ng sasakyan habang nakatingin ako sa kanilang sagutan at pagtatalo. "Stop this non sense! she's my cousin! wag mo siyang pagselosan ibinilin siya ng kuya niya sakin " paglilinaw ng lalaki sa babae na nobya nito. Nakita ko ang pagtapik at pagsuntok ng babae sa braso ng lalaki habang nagmamaniho ng sasakyan. Inaangat nito ang brasong pinapananggalang sa pagsampal ng babae kundi niya ito ginawa tatama ito sa mukha ng lalaki. "Wag na po kayo mag away ate mag pinsan talaga kami ni kuya Santy" sabat ko sa nag aaway na dalawa sa unahan ko. "Stop! Hindi kita kinakausap!" tiningnan niya ako ng matalim. " Kasabwat ka sa mga kalokohan nitong lalaking ito! Ako hindi niya mahatid sundo tapos ikaw!" pasigaw at matalim na naka tingin sakin at sinusuntok ng babae ang braso ng lalaki na kasa
SABRINA'S POV Ala siete na ng gabi ng maisipan kung kumain na ng hapunan dahil nakaramdam na ako ng gutom. Nakapagluto na rin ako hindi ako nakapag meryenda sa opisina kanina dahil wala ako gana lumuwas dahil sa dami din na problemang dumating sa araw na ito. Habang kumakain ako ay naalala ko ang best friend ko si Sarah kaya kinuha ko phone ko at nag video call ako ipinatong ko ang phone patayo habang nag riring ito. "Hi besh kumusta?" sagot nito sa kabilang linya. "Hi I'm eating my dinner" at itinaas ko phone para makita ang kinakain kung adobong manok with rice. "See" "Sarap naman, sa bahay nalang ako kakain with mom, nandito pa ako sa shop ngayon." itinutok nito sa shop ang camera at nakita ko may mga customer pa nga doon. "Napatawag ka? may problema ba?" "Medyo, wala nga ako ganang kumain pinipilit ko lang for my baby on my tommy." pinalakihan ako nito ng mata. "Oh really magiging ninang na ako, buntis ka?" tanong nito na naka ngiti at tina nguan ko lamang ito. "Hulaan ko
SABRINA'S POV Kasalukoyang umuulan nakatingin ako sa malayo at parang may nakatingin sa akin kaya naman tumingin ako sa paligid kung may ibang tao na narito ngayon. Naipit ako ng malakas na ulan dito ngayon sa isang waiting shed habang naghihintay ng aking sundo. May tumigil na sasakyan sa tapat ng kinatatayuan ko bumukas ang pinto ng driver's seat at naglabas ito ng payong at naglakad papalapit saakin. Nagtaka ako kung bakit ang mukha ni Jake ang nakikita ko ngayon na papalapit sakin habang naka ngiti. "Kilala niya ba ako?" tanong ko sa sarili ko. "J-Jake" tawag ko rito sa mahinang boses. Unti-unti ko ng binuksan ang aking mga mata at ang bumungad sa akin ay isang puting kisame na hindi pamilyar sa akin. Bumangon ako sa pagkakahiga at tumingin ako sa paligid at na komperma ko na ito ang kwarto na nasa japan kami ng aking asawa na si Tyrone Jake. Panaginip lang pala iyon pero sabi ng kalahati ng utak ko ay parang totoong nangyari. Hindi ko alam kung bahagi ba iyon ng alaala ko
SABRINA'S POV "Hi Sab" bati ng boses ng lalaki sakin kaya na palingon ako sa bumati sakin at nakilala ko naman ito si Luke sabay ngiti ko. "Oh hi Luke" balik na pagbati ko sakanya habang nilapag ko ang bitbit kung isang eco bag na pinamili sa grocery. "Kumusta? Long time no see" sabi ni luke "Okey naman" tipid kung sagot. "San punta mo? uuwi kan? Hatid na kita? tanong nya habang inaabot ang bag na nilapag ko. "No, thanks nalang, papunta ako sa coffeeshop ng cousin ko" tanggi ko kay Luke at ang totoo isa sya mga taong iniiwasan ko noon dahil dati isa sya sa mga nanligaw sakin at nabasted ko dahil sa masyadong mahangin noon lalo ng hindi ko type. "Sige mauna na ko Luke " paalam ko sakanya Naging seryoso mukha ni Luke "Hanggang ngayon ba iniiwasan mo pa rin ako Sab?" tanong ni Luke "Ano? Hindi ah grabe ka naman" kebit balikat ko sabay hawi ng buhok ko papunta sa likod."Alam ko kasi na offend kita non" malungkot na pag pahayag nya habang seryosong nakatingin sakin. tumayo ako ng
SABRINA POV"WE'RE have you been?" tanong ni mama, Nagulat ako sa taas ng boses na sabi ni mama, habang papanhik ako sa unang baitan ng hagdan."Ahm ma, galing po ako sa coffee shop ni sarah" sabi ko sa mababang tono ng boses. "Hindi kita pinag aral para lang tumambay sa coffee shop na yan! Alam mo bang kanina pa ako tumatawag sayo at hindi mo sinasagot ang mga tawag ko, sabrina iniiwasan mo ba ako? " Tanong ng aking ina habang nakayuko ako nakatingin sa sahig, dahil ito ang iniiwasan ko kapag magkaharap kami ni mama dahil hindi ko malaman kung bakit laging mainit ang ulo sakin ni mama kompara sa kapatid ko na si sabria na sila ang magkasundo sa lahat ng bagay, kung hindi lang kami magka mukha ng kakambal ko, iisipin ko na ampon lang ako, dahil ako yong laging mali sa paningin ni mama kung ituring nya ako parang hindi nya anak. "No, ma" tugon ko "Bakit ba gusto mo laging ikaw ang masunod, kung saan saan kana nakikitulog, ang hirap mo ng hagilapin, hindi ka tumulad kay Ria isang taw
SABRIA POVPAGMULAT ng mata ko medyo madilim pa sa paligid pero mabigat pakiramdam ko, hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog kagabi pero hanggang ngayon parang lalagnatin ako, pinilit ko bumangon para pumunta sa banyo at unti unti kung hinakbang mga paa ko patungo sa pinto ng aking banyo, pag bukas ko sa pinto ng banyo muntik na akong matumba, kung hindi rin lang ako nakakapit sa hawakan ng pinto baka natumba na ako. Nahihilo ako na parang naduduwal, pinikit ko muna saglit mga mata ko baka sakaling gumaan pakiramdam ko. At ng pakiramdam ko nawala ang hilo ko saka ako dumilat at dumiretso sa loob ng banyo saka ko na ginawa ang mga dapat kung gawin sa loob. Pagkalipas ng mga ilang minuto habang nag toothbrush ako may narinig akong katok mula sa pinto ng akin kwarto, "Sino yan?" tanong ko"sis ako to" sagot ni sabrina. Tinapos ko lang ang pag toothbrush ko at saka ako dahan-dahan naglakad palabas sa banyo papunta sa pinto ng aking kwarto para pagbuksan ng pinto nabungaran ko kakam